eta luh vista
Flights and fights make the world go round and round and round.
I'm not sure if I did a deep dive about dad's first flight outta MNL, so, let's go! Here's the back story. I got into my first ever car accident which is a total wreck. I went to the office and finished my day the next day around 5:30 AM. Dad asked where the car was. I said it was somewhere in Makati traffic police station. I got towed then slept. When I woke up, dad said that I'm a super bad liar because he knew hours after my wreck. It was probably the first time I saw him really worried. He even took a leave to bring me to the hospital. He joked that I might have injured my head that's why my delulu and baliw-baliw levels are off the roof. The doctor said I was fine, but the prescription was to veer away from driving and get a driver. Me to myself: 'Di kami mayaman, doc. HUY.
I negotiated the insurance and got a settlement that was enough to pay the car, have a downpayment for a new car, plus... funds that allowed us to visit HK. HAHAHAHAHA. Not bad, at all, right? The past days, Dad has been egging me about that shit it turned into shimmer. EMYYYY.
His lines were like: Galing talaga netong anak ko e. Baliw ka lang talaga pero magaling ka. Kayo ng nanay mo. 'Di ko inakala makakalipad ako palabas ng Pinas kasi ayoko sumakay ng eroplano. Expired pa passport ko, pero ginalingan mo. Buhay na buhay ka pa ngayon. Mag-40 ka na, pero wala pa akong apo sa'yo. Nga pala, patulong naman ako mag-apply ng visa na multiple sa Japan. Dapat pinilit mo na ako noong kumuha ka e. Mura lang pala 'yun. Akala ko e mahal.
Me was like: TACCA. In all levels. Pilitin kita? Wow. Mukha mo. Tinanong kita nun. Sabi ko sumabay ka na sa akin pero no, no, no. Ayaw mo. LOL. Suki ka naman na sa branch na 'yun saka specialization nila mga tulad mong seniors na walang maggawa at bored sa buhay. Kaya mo na 'yan. Bigyan na lang kitang mga dokumento. Saka, JP talaga? Hahahaha. Lilipad kang mag-isa. Bahala kang maligaw sa airport pa lang.
LULZZZ. It's funny and timely that we had this talk. LUH. Let this be a reminder that baliw levels ko talaga 100000000x. The reason why I did that super basic HK trip with dad is because I wanted him to see there's more to life than the super basics. And again, it's a promise I am trying to keep in line with mom's habilin #2. Still transactional, then. Super transactional to be honest because I friggin' hate HK and I've already been there. Bonus points: Another reason why we had that trip was I had to help my brother with his proposal to his then-fiance, now wife. POTA. Hahahahaha. So, habilin #1 is also there pala. Shemay. It just hit me now na HK is a land of habilin ng nanay kong dragon kahit ayaw ko.
So, what?
Let this be a sticky note about how flights after the long-haul fights and frights are super worthwhile. And that, you can't take the baliw-gala girl outta this bitch. And while I can no longer do a quantum jump with mom in HK Disneyland sa ngalan ng pencil na Mickey Mouse, I'd have to keep going. Though fantasy ko pa rin 'yan with a legit Time-Turner because, why not 'di ba? Pero, knowing mom. JUSQ. Mas gusto pa nung mamatay kesa sumakay ng airplane. Hahaha. Pero syempre, if I have the chance, saksakan ko na lang siya ng Ketamine or something similar tapos isasakay ko siya sa plane paalis at pabalik. Periooodddtzzz. PASAVOUGEEESHHH. HUY. Luh. 'Di ko na naman naisip 'to. As in, now lang while shitting this out. Ang aga-aga.
Another reminder c/o V when he passed that has been resurfacing for the past weeks: A well-lived life is never short-lived. OPAQ. Perhaps, it's time to visit HK, too! Give it another chance to the tune of "What Mom and I Would Do If We're in HK". Now, I get why I fucking hate anything Disney all the more. It's a trigger of that quantum jump that I didn't jump over. EMYYY. HUY. Hahahaha. LUH. Syempre, exempted Lion King, Mulan, saka Pocahontas, please!
Akala mo naman kung anong very grand na realization, ano po? Or baka kasi this incoming trip is another quantum jump in a different city with a twist? Hay, maaaa! I miss you, but I feel you inside out more and more. Kakatakot ka lalo, aba. Kidding aside, true to the one-liner on your tombstone, here I am trying my best to let your love and lessons live, after 12 fucking years, finally.
Back then, sabi ko pa: Love? Lessons? WTF. Wala ako nun both kasi wala, wala, wala. Ang meron lang ako irrevocable loss, grief, bruised ego, and shattered delulu solulu. HUY. Hahaha. Ang lala ko talaga. I didn't want to live because it meant taking away everything that I worked so hard for sa 8-year battle namin ni mom. Period. Ayokong pakawalaan kasi 'yun lang 'yung meron ako. Then, boogsh. Ni-choopi niya na me. She DGAF about me at all, sa paningin ko lang 'yun a. Hahaha. And so, hahaba na naman 'to, kaya tigil ko na muna. Laba muna ng mga basahan ng mga aso, atbp dirty linen. EMYYYY.
This piece of shit is curious. Very curious. Abangan!
PS1: V. good step away from being avoidant tayo for this piece, also! Keep up. CHZ.
PS2: Kadireee. I'm wearing 'yung Disneyland HK hoodie I got ages ago kasi ganda ng burda and tela rn. Isa 'to sa mga 'di ko talaga naging favorite tapos ilang beses ko na 'tong gustong pamigay, honestly. Plus points ulit kasi I rarely buy "city or country" clothing kasi parang overrated for me, in general. LUHHH. Ma, sorry na. Lagi't lagi na, always pa. Eto na nga. Loko ka talaga, aba.
0 notes
RFS | Start
The end of my stay in the country is probably the best way to build my greatest character. Tuwing may namamatay na parte sa pagkatao ng isang nilalang, maraming nagbabago sa buhay niya. Maganda man o nakakasuklam na pagbabago, sa ayaw at sa gusto niya.
Nagsimula ang lahat nang nalugi ang business ng mga magulang ko. Mayroon kaming land property na ginagamit para magtanim ng vegetables na sa huli ay ibebenta, kahit na hindi iyon gan'on kalawak. Sunod-sunod na na-infest ang mga pananim hanggang kinailangang isangla ang lupa dahil hindi na profitable sa amin at imbes ay nagdadala pa ng utang.
We aren't rich, and that is my family's only source of income. Nanghiram sina Papa sa relatives namin, pero hindi nabawi ang nawalang pera.
"Huwag kang mag-alala, Cee. Iyang pag-aaral ang atupagin mo. 'Wag mo nang problemahin 'to," ang laging paalala nila tuwing nagtatanong ako tungkol sa problema.
Kahit pinipilit nilang 'wag ay naapektuhan pa rin ako. I am in high school, I know I am useless, pero kahit malaman ang estado namin financially, hindi na sana ipagkait sa akin. Alam kong wala akong magagawa at maiaambag pero masama bang magtanong?
Natulala ako nang binigay sa akin ang test paper kong may malaking pulang marka—bagsak na naman. Hindi man lang nakaabot sa fifty ang score ko na over one hundred.
Bumuntong hininga ako at hinayaan iyon sa mesa. Nakita ko ang pagsulyap ng kaklase kong si Adriana, ang consistent naming top. Normally, nasasali ako sa honor roll. Ngayon lang ako nagkaganito.
She shows me her fist with an encouraging smile para i-motivate ako kaya pinilit kong ngumiti at tumango.
Mabagal umusad ang panahon noong last grading period ng grade 8. Sinubukan ko naman pero mababa pa rin ang grades na nakuha ko. Isa na rin siguro sa dahilan ang pangingibang bansa nina Mama.
Hindi ako sanay na wala sila, naninibago ako. Napakahirap mag-focus, isama pa ang laging panenermon nila tuwing tumatawag.
"Ang bababa ng mga grado mo! At may isang bagsak pa! Gusto mo bang maging repeater? Wala na nga tayong pera, hindi mo pa pinagbubuti ang pag-aaral. Jusko naman, Cee! Sige at ililipat ka namin!" singhal ni Mama.
Nakaramdam ako ng kung anong guwang sa tiyan.
Natutuwa ako tuwing may matataas na marka dahil nakaka-proud sa sarili at pinupuri ako nina Mama, pero kapag nagkakaroon ako ng mga hindi pasadong grade, kahit minsanan lang 'yon, todo ang inis nila. Nakakapagsabi siya ng nga masasakit na salitang matagal kong dinidibdib. Nanay ko siya kaya doble ang kirot, kahit na gusto lang niyang matuto ako.
Pero mas madi-disappoint ko sila sa kanilang ginagawa. Hindi ako people person. Saksakan ako sa pagiging mahiyain! Hindi ba nila naisip na mas mahirap iyon dahil kakailanganin kong mag-adjust sa hindi pamilyar na school?
At nilipat nga ako sa mas istriktong paaralan; at talagang pinarusahan nila ako dahil sa MathSci class ako ipinalagay.
The school has this English Rule—bawal magsalita kung hindi English ang gamit. They forbid visitors during school hours and other than that, marami ring bawal outside the school grounds. I wonder how the students manage to bear with all of those. Siguro mahigpit din sa kanila ang mga magulang kagaya ko?
"Huwag kang masyadong mag-alala, Cee. Kukunin namin kayo pagkatapos ng isang taon," pampalubag-loob ni Papa.
Natanga ako. Hindi ko alam kung paano mag-react. Nagdedesisyon sila tungkol sa buhay ko nang hindi ako kino-consult. Gusto kong isipin na gusto lang nila kung ano ang makabubuti sa akin... pero ako ba, hindi pwedeng magdesisyon para sa sarili? Paano ako magtitiwala sa mga kakayanan ko kung pati mga magulang ko, walang bilib sa'kin?
"Oo, Cee. Pinag-iipunan na namin."
Alam kong balak na nila iyon dahil sabay nilang nilakad ang documents namin ng kapatid ko last year, pero hindi ko inasahang ganito kaaga.
"Mas mabuting magkakasama tayong pamilya," dagdag ni Papa. "Ayaw mo ba n'on?"
I am considering the thought because of what he has said, but still hate it. Ayoko 'yong masyado akong kinokontrol. I have never liked the pressure when people expect me to get excellent grades. Wala naman akong magawa dahil feeling ko, sa ayaw man o sa gusto ko ay masusunod sila.
My nerves calm down, pero hindi nga naman umiikot ang mundo ayon sa nais mo.
Nakalimutan ko lahat ng problema mula nang nakilala ang twelve friends ko. Akalain mo 'yon, Ceanna? Pumasok kang mahiyain pero nakahanap ka ng maraming kaibigan, higit pa sa imagination mo. Iyong akala kong magiging malungkot na taon ay napuno ng tawanan at alaala. Hindi nila alam kung gaano ko sila kamahal.
Pero kung hindi iyon inasahan, mas lalo pa ang mga sumunod. Ang kasiyahang naramdaman ko sa kanila ay pinahiram lang pala. Never have I ever envisioned us ending up like... this.
"Yangyang." As Kuya calls me, I get reminded of another person who used to call me by that name, in a much livelier voice.
"Yangyang!"
"Cee,"
"Babe~"
"Mow..."
"Ceann,"
Sumunod ang boses ng mga taong minsan kong naging close friends, iyong tipo ng closeness na... parang ilang taon kaming nagkakilala kahit ang totoo ay ilang buwan lang.
I feel a hollow space in my stomach. "Ano, Rix?" tanong ko, pinipiling balewalain muna ang mga nagbalik na alaala.
He has graduated in college today. Natapos ang celebration sa isang resto at pauwi kami ngayon. Bumaling ako sa kanya pagkatapos itigil ang kotse dahil sa red light.
Our parents have gone home earlier since there are so many acquaintances of Kuya that we've been bumping into. Napapatagal kami sa pakikipag-usap niya sa kanila. Hindi ko siya pwedeng iwan dahil wala siyang dalang kotse at pinagbawalan ni Mama na magpagabi sa party.
Sa aming dalawa, siya ang mahilig makihalubilo sa mga tao. I prefer staying in the house than having fun outside, so Mama is sure I will bleed to go home early.
"Uuwi ako ng Aluche," anang kapatid ko.
Bumalik ang aking mga mata sa daan. I move the gear shift as my brows furrow. Kumabog ang dibdib ko sa pagkarinig ng pangalan ng hometown namin. It has been so long, but I still feel the same.
"Sa Pilipinas ako magtatrabaho. Nasabi ko na kina Mama at Papa. Don't be a pain in the ass, okay?" Tumawa siya. "You don't really have a lot of friends kaya aasahan kong hindi ka bigla-biglang magpapa-party sa bahay."
Tinaasan ko siya ng kilay. It's true that I distance myself from people simula nong nag-aral kami rito. Nilayuan ko kahit ‘yong iilang gustong makipagkaibigan. Sabi ko, tutal ilang taon lang naman akong mag-aaral dito, pagkatapos no’n, college na ako. What will temporary people bring me anyway?
Hindi ko siya kinwestyon. Matagal na niyang binabalak umuwi. I know his reason very well. Bata pa kami noong umalis doon, pero seryoso na siya sa isang tao.
Enrico left someone. No one knows how he manages to stop himself from staying in the Philippines every time we visit for a month.
"What's this?" Sabay angat niya ng maliit na box na nilagay ko sa bukas niyang maleta.
Naka-squat siya sa gilid nito, abala sa pag-aayos. Tumingala siya sa akin at nagtaas ng kilay. Ngumisi ako sa kaniya. The box is covered so he can't see what is inside.
"For her. You're welcome."
Kumunot ang noo niya. Halatang may itatanong pa siya pero iniwan ko na.
I am busy with my job as an intern. Gaya lagi, inabala ko ang sarili at hindi pinansin ang mga taong umaaligid.
I've had the chance to build my greatest character, but did I?
Kahit pakiramdam ko sobrang tagal, nakapagtapos din ako. Miraculously, nakuha ako sa isang five-star hotel, thanks to my experiences before graduation. Nagpatayo ng negosyo sina Mama at Papa sa Pinas kaya naiwan akong mag-isa rito sa British Columbia.
That is okay with me. Wala pa nga sana akong balak bumalik kung hindi lang sa biglaang balita ni Mama.
"Ikakasal na si Rix," she announces right after I answer the video call.
Kumunot ang noo ko. "No shot," I say, baffled.
Tumawa siya saka may pinulot sa harap niya. Pagtingin ko, may hawak na siyang wedding invitation sa kamay.
Nanlalaki ang mga mata kong nakitawa, promptly leaving the FaceTime screen para ma-text ng congratulations ang kapatid ko. Ilang taon na rin sila. I just can't imagine my brother's pain when we left the country. Gaya ng akala ko, siya nga talaga ang inuwian. Lola will surely get jealous upon knowing the truth.
Umuwi ako sa Pinas with the plan of leaving right after going to the wedding reception. Umalis ako roon pagkatapos kumain at bumati.
Pagdating ko sa room ko sa bahay, tumunog ang aking cellphone bago ko pa masimulang ayusin ang maleta. Like always, I immediately answer upon seeing Mama's number.
"Sinugod namin sa ospital ang Lola mo!" salubong niya pagkasagot na pagkasagot ko.
Natigil ang mundo at nawalan ako ng sense of time. My heartbeat shortly races. Umawang ang bibig ko sa nagbabadyang tanong pero walang lumabas na boses.
Hindi ‘yan totoo.
Napaupo ako sa gilid ng kama dahil sa panghihina ng tuhod.
"You can't leave like this, Ceanna! Manatili ka rito. I won't listen to your buts." May pagbabanta sa boses ni Mama na nagpabalik sa akin sa realidad.
Halu-halong emosyon ang naghari sa akin, hindi ma-organize ang nagdagsahang tanong sa utak. Suddenly, nagsunod-sunod ang detalye sa utak ko. "She was j-just partying! Ang tindi pa ng tawa niya kanina, walang signs of any accidents." Naalala ko ang pagyakap kay Lola noong nagpaalam ako. "W-What happened?"
Mama heaves a sigh. Napasunod ako dahil sa bigat na naramdaman. Matanda na si Lola pero hindi ko iyon inaasahan. Masigla ni Lola, kaya bakit ganito bigla? Bakit biglaan? She will get better, right? She should!
Wala na akong pakialam sa iniiwasan ko. Hindi muna ako aalis. Tutulong ako sa pag-alaga kay Lola.
"Tingin ko ay na-overwhelm siya masyado sa mga nangyari. Sobrang saya niya sa kasal ni Rix nang bigla kang nagpaalam. Syempre ay napalitan iyon ng lungkot." she explains. "You can't go back to Vancouver, Cee. Please... Just not yet. Para kay Nanay."
Gusto ko sanang pumunta sa ospital pero binilinan ako ni Mama na bukas na lang. Nanatili ako sa bahay kahit puno ng pag-aalala. Nag-workout ako para mawala iyon sa isip pero wala ring silbi. I then decide to go for a cold shower and rest for the meantime.
Nagpapahinga ako sa kwarto nang nakatanggap ng email para sa isang reunion—homecoming. Galing iyon sa huling school na pinasukan ko bago umalis ng bansa noon.
My breathing goes faster as I contemplate whether to open it or not. Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang mensahe. Nang nabasa ito nang tuluyan ay nahigit ko ang hininga.
It is scheduled for next month, but that next month means next next week, sa ikalawang martes.
"4th of June, school grounds at six in the evening," it says.
Hindi man lang talaga gymnasium o theater. Malawak naman sa pagkakaalala ko ang grounds pero dalawa ang floors ng gymnasium doon! Occupied ang dalawa during that date and time? Bakit hindi nila palitan ang date, kung ganoon?
Talaga ba, Ceanna? Is the venue your only problem? O hindi ka lang handa at hindi mo matanggap na kinakabahan ka agad kahit sa imbitasyon pa lang?
Nonetheless, nagsimula akong mag-type para magtanong kung ayos lang bang dumalo ako kahit one year lang nag-aral doon.
My brain recalls the moments I've been with them. Kahit tenga ko, naki-cooperate kahit na ayaw ko. Madiing pumikit ang aking mga mata nang narinig ko ang mga munting biruan namin noon.
"Yie~"
"Gwapo."
"Libre!"
"'Ngina mo, Dude."
I shake my head. Sinend ko ang email na ginawa. Nakatulala ako sa kawalan habang naglalakbay ang utak. I have been avoiding to think about them for eight years. Akala ko nawala na 'yong sakit. Akala ko phase lang 'yon kasi teenager ako no'n, pero nakakalungkot pa rin pala.
"Gaga."
"Gago nga!"
My phone beeps from the new mail received.
IAA 2015-2016 Homecoming
Hi, Ceann!
It's been so long! I'm glad you responded. The new school director and the high school department's principal are pals since first year high school. They wanted to share how they felt when they were once again reunited this year. Hence, this event. Every student in the school year 2015-2016 is invited, because that is also the year when they last met each other. If you are unsure whether or not to attend, just remember the good old days. Don't you want to greet the old teachers, see how the school and buildings have changed, or have fun with your former and present friends?
I am sorry if I may be forcing you to attend the event. But then, all shall come. May you? We will be hoping for your presence next week.
Dionne Sorrento
A sigh escapes before I can realize it. Mabilis na kumunot ang noo ko sa pag-iisip kung dadalo ba ako o hindi.
Nag-ingay ulit ang cellphone ko sa panibagong mail na natanggap. The movement of my hand slows down when I see it's from Dionne again. I click her name, not knowing that what she has sent will make me feel worse.
Suminghap ako.
It's a photo of Ranggu Family Squad—all of us—on our Christmas program. May nakalagay na "I hope this convinces you to come! Found it on the SY files." sa baba nito.
Sa picture, naka-burgundy long sleeved blouse and white pegged pants ako. May nakasabit na string ng black backpack purse ko sa isang balikat. Beside me is a girl with her hair down and a red bandana on the head. She has her black fitted skirt on. Her top is a red cardigan with a black spaghetti strap inside. Pinipisil niya ang pisngi ko at pareho kaming may malaking ngiti.
Nasa tabi niya ay ang magjowang mga kaibigan namin.
Kumalabog ang dibdib ko.
The girl has a maroon v-neck halter dress, her hair done in a bun with a red ribbon and her neck covered with a red neckerchief. Ang boyfriend niya ay nakapulang dress shirt at isang side lang ang naka-tuck in, tapos nakapulupot ang braso sa baywang ng babae. Magkadikit ang kanilang mga pisngi; nakangisi ang lalaki habang siya ay nakanguso.
Nilipat ko ang tingin sa katabi ko sa litrato, nakasoot ng green na jumpsuit. She has a small genuine smile and her hair in a half-up pigtails makes her look bubblier.
Gumala ang mga mata ko at bumuhos ang mga alaalang hindi ko makalimutan. Bumuntong-hininga ako, humihiga. I close my eyes and lock my phone's screen. Inayos ko ang comforter saka natulala sa kisame.
I admit, I have always wondered whether they've ever wanted to bring back the friendship or not; if they wanted it as much as I did.
Umiling ako, exhaling deep. Mukhang hindi ko pa nga sila nakakalimutan. Halos isang dekada na... pero heto pa rin ako, nagiging sobrang pathetic. Natuto ba talaga ako? Dapat, oo. Dapat tumigil na ako.
"We are a family."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
Ranggu Family Squad has started to shit on me again.
0 notes