Tumgik
#uugaly
chereserene · 1 month
Text
Toxic trait: I do distance myself kapag randam ko na something is wrong.
Grabe naiinis ako sa sarili ko sa ganitong pag-uugali.
3 notes · View notes
kristalismyfirstname · 4 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Dear Diary,
Binibini
Ibalik n'yo ako sa panahong buhay ang katawagang "Binibini"... hindi "Chix."
Ibalik n'yo ako sa panahong inaalis ng ginoo ang kan'yang sumbrero upang yumuko't halikan ang likod ng aming palad.
Ibalik n'yo ako sa panahong may delikadesa at mariaclarang pag-uugali ang mga kababaihan, subalit may tapang at talino rin 'tulad ng isang nag-aalab na katipunera.
Ibalik n'yo ako sa panahong may lakas-loob ang mga kalalakihan upang mang-harana, ipag-igib ng tubig ang pamilya, magsibak ng kahoy, at umupo sa salas kasama ang ama ng iniirog upang pag-usapan ang mga plano sa kasal o magbahagi ng simpleng karunungan.
Ibalik n'yo ako sa panahong masisilayan pa ang mga karwahe't kabayo sa kalsada, kundimang harana sa balkonahe, tinta't pluma sa lamesa, mga lampara't sulat-kamay na liham.
Ibalik n'yo ako sa panahong hindi minamadali ang pag-ibig, sa panahong seryoso't isang permanenteng panata ang pag-iisang-dibdib sa simbahan.
Ibalik n'yo ako sa panahong hindi dikit sa gadyet ang mata ng lipunan, sa panahong nagagawa pa nating langhapin ang sariwang hangin at tumakbo sa berdeng kapatagan.
Ibalik n'yo ako sa panahong ito.
Kristal
3 notes · View notes
whooolaanmo · 1 year
Note
What is something that many people don’t know about you but you wish they do?
Kung pano na lang ako makitungo sa ibang tao ay base lang din sa pag uugali ng tao oks na yung ganon, mas ok na people don't know about me kasi ma private din kasi talaga ako.
@ameownymous salamat sa palaging tanong ✨️.
2 notes · View notes
upismediacenter · 1 year
Text
OPINION: Baling Balita: Ang Pagpokus sa Showbiz News ng Midyang Pilipino
Tumblr media
Photo credit: Anna Dalet
Alam mo bang walang nakuhang wreath sympathy flowers si Ogie Diaz mula kina Liza Soberano at Enrique Gil noong burol ng kaniyang ina? Noong Holy Week Break, nabalitaan mo bang in-upload ni Barbie Forteza sa kaniyang Instagram ang bikini photos kasama ng kasintahang si Jak Roberto sa Panglao, Bohol? Isa pa, narinig mo ba ang kahilingan ni Ellen Adarna na magkaroon ng isang “masaya at maayos na relasyon” ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz at ang kasalukuyan nitong kinakasama na si Isabel Santos? Pero nabalitaan mo rin bang labis na nakapokus ang mga peryodista sa personal na buhay ng mga artista?
Kapansin-pansin na napupuno ng kwentong showbiz ang headlines at segment news ng mga tanyag na news program gaya ng TV Patrol ng ABS-CBN News at 24 Oras ng GMA News. Naging laman ng kanilang balita ang mga personal na isyu, gaya ng hiwalayan ng mga artista, pag-unfollow sa social media, pati na ang mga bagong relasyon. Sa hanay ng mga istoryang itinuturing na “balita,” alin ang may pakinabang para sa publiko? Ano nga naman ang maidudulot sa atin kung ikinasal, nag-away, naaksidente, lumipat, nanganak, o nagbakasyon ang mga sinusubaybayan nating artista?
Una sa lahat, ang showbiz o “show business” ay nakatuon sa buhay ng mga sikat na tao at iba’t ibang porma ng entertainment na nakaiimpluwensiya sa kultura’t madla. Sinasabing ang pagbabalita tungkol sa mga sikat na personalidad ay may kakayahang pumawi ng stress kaya malimit itong balik-balikan. Kung gayon, hindi na kataka-takang maging sentro ito ng mga kumpanya sapagkat ito ay isang halimbawa ng matalinong pagnenegosyo.
Ang balitang showbiz ay lubos ding tinatangkilik sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tulad sa Estados Unidos, naitala noong 2007 na 40% ng kanilang publiko ang nagsabing mas nakatuon sa midya ang balita tungkol sa celebrity news at Hollywood stars. Ito ang ibinabalita habang kasagsagan ng iba’t ibang isyu—gaya ng digmaan sa Iraq, pulitika, at krimen. Ayon pa rito, hindi rin gaanong naiuulat ang mga isyung pang-edukasyon, pangkalusugan, at ekonomiya. Isa namang artikulo ang nagtampok na kinahihiligan ng mga tao ang balitang Bollywood kung saan pinatingkad ang pwesto ng mga tinedyer sa midya ng India. Samakatuwid, nagkakatulad din ang mga bansa pagdating sa lagay ng kanilang pag-uulat sa midya.
Sa Pilipinas, buhay din ng mga artista ang laman ng mga balita. Nakita noong dekada ‘80 ang pagyabong ng mga palabas at balita tungkol sa entertainment industry na tuluyang “nagpabago sa cultural landscape” ng bansa. Hanggang nitong 2022, marami naman ang nag-search sa Google tungkol sa aspeto ng entertainment na nagpapakita ng patuloy na interes ng mga Pilipino sa larangang ito. Ilan sa mga hinanap nila ay ang mga bagong pelikulang Disney at k-drama, mga manlalaro ng basketball tulad ni Ricci Rivero, at mga popular na tao sa mundo gaya nina Johnny Depp, Cara Delevingne, at Ahn Hyo-seop. Dito, maaaring mahinuha na ang mga ganitong klase ng pag-uulat ay malapit sa mga tao sapagkat nais nilang makapagpalagayang loob ang isang artista sa pamamagitan ng paglubog ng sarili sa mga balitang showbiz na nagbibigay-daan sa pagpapagaan ng kanilang mga pinagdadaanan.
Dahil sa lumalawak na saklaw ng balitang entertainment sa iba’t ibang porma ng midya, mas madalas nitong napapaligiran ang mga tao. Ayon sa pag-aaral, kabilang ang balitang showbiz at celebrity gossip sa “Circles of Concern”—mga bagay na hindi kontrolado ng mambabasa pero mas binibigyan ng “reaksyon.” Kilala ang may taglay ng katauhang ito bilang “reactive” o tumutugon nang walang pagkilos. Ang ganitong midya na nakasalalay sa reaksyon o magiging damdamin ng mambabasa ay maaaring ng makaaapekto sa inisiyatibo nilang solusyunan ang isang isyu. Isa pa, maaari ring mahubog ang ganitong pag-uugali sa mga usaping may kinalaman sa lagay ng kanilang kababayan. Kaya naman, imbis na aktwal na tumulong sa naghihirap, hanggang sa pag-like sa social media na lamang ang nagagawa ng taumbayan. Walang kongkretong aksyon na pinaplano o isinasagawa. Dahil sa pagtuon sa personal na buhay ng mga artista, nalilimitahan nito ang kamalayan ng mamamayan na masabayan ang mga mahahalagang pangyayari sa lipunan. Samakatuwid, posibleng hindi maging produktibo ang resulta ng kamalayan nila ukol dito.
Kaya’t bilang mga tagapagbalita, mahalaga ang pagiging responsable sa pagpili ng mga kuwentong ibabahagi. Mas mainam na isantabi ang mga walang kabuluhang intriga; sa halip, dapat bigyang-pansin ang mga isyung may malawak na implikasyon sa lipunan tulad ng karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng showbiz, epekto ng showbiz sa kultura at pag-uugali ng mga Pilipino, at iba pang mga usaping kaugnayan ng lipunan at ekonomiya. O hindi kaya nama’y maaari ring itampok ang artistry ng isang artista kaysa sa kaniyang kasikatan. Anu’t anuman, kailangang bigyang-pansin ang pangangalap at pagsusuri sa mga impormasyong may kinalaman sa panahon, presyo ng bilihin, COVID, at iba pa. Hindi ba’t layon ng isang dyornalist na pagtuunan ng pansin ang mga isyung bumabagabag sa bayan?
Bukod sa pagbigay ng malalim at tamang anggulo sa mga kwento, mahalagang maipakita rin nila ang analisis ng isang balita. Kung gayon, kinakailangan nilang gamitin ang kapangyarihan upang maipaunawa sa mambabasa ang balitang artista sa pagsalaysay nito. Halimbawa, maaari nila itong ilatag bilang leksyon, inspirasyon, o gabay para sa masa. Sa halip na maghatid lamang ng impormasyon tungkol sa industriya ng showbiz, maaaring ang ipamahagi ay isang makabuluhang kuwento mula sa buhay ng mga kilalang personalidad. Maaari ring maging paksa ang kwento ng isang artista na nagtagumpay sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap. Sa ganitong paraan, mas mapalilitaw ang danas ng determinasyon nila; magsisilbing inspirasyon ang ganitong klase ng balita sa ibang tao, at hindi pawang mga life updates lang.
Lumulubha na ang sakit ng pamamahayag sa Pilipinas: ang pagbibigay-tuon sa mga pang-showbiz na balita ay binabago ang tunay na diwa ng dyornalismo. Unang patunay: nagpopokus na lalo ang lokal na balitang midya sa mga katuwaan at personalang nagaganap sa likod ng industriya at pag-aarte. Kung ano ang mas sikat, ito ang mas palalaguin ng mga taong midya. Ikalawa, dahil ihinalintulad sa isang pag-aaral na ang usaping artista ay produksyon ng kanilang mga kwento, maaaring palalain ng ganitong paraan ng pag-uulat ang kapitalismo sa hinaharap. Syempre, sino ba namang aayaw sa tone-toneladang kitang kalakip ng kontrobersyal at tao-sa-tao na mga usapin? At kung walang agarang sahod na makukuha mula sa isang artikulo, madali pa rin nilang mabibingwit ang pampublikong pansin ng mga susubaybay sa susunod pang mga ulat.
Sa kabuuan, parte man ang showbiz at entertainment ng kultura ng mga Pilipino, mahalaga na baguhin ang diskarte sa pag-uulat sa industriya ng showbiz sa tulong ng paggamit ng midya bilang magbigay ng mahalagang kabatiran sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga kwento’t isyung may kabuluhan na may malawak na implikasyon sa lipunan, maaari pang mabago ang pananaw sa showbiz na hindi lamang ito para sa negosyo; isa rin itong pagkukunan ng mga naratibo ng aral at gabay na agarang nasasagap ng mga mambabasa. Sa gayong paraan, naitataguyod pa rin ang esensya ng isang mambabalita kahit sa pag-uulat ng mga kwentong showbiz.
Nakakabahala na ang porma ng pag-uulat ngayon ay nagtatangkang lumihis sa gampanin ng dyornalismo, sapagkat dapat sana’y tumutulong ito sa pagbibigay at pagbubusisi ng kritikal at tamang impormasyon para sa mga mahahalagang pagpapasyang ginagawa ng sambayanan. Kaya habang maaga pa, kinakailangang maisulong ang pagkakaroon ng reporma sa pamamaraan ng pag-uulat ng midya sa Pilipinas, upang maitulak at maimulat ang mga tao sa mga balitang napapanahon at higit na kapaki-pakinabang. //nina Monique Gervacio at Zaeda Wadi
Mga sanggunian:
https://www.pssc.org.ph/wp-content/pssc-archives/Aghamtao/2007/07_Chismax%20to%20the%20Max_%20The%20Celebrity%20Gossip%20Economy.pdf
(n.d.). Merriam Webster. Showbiz definition & meaning. Retrieved May 10, 2023, from https://www.merriam-webster.com/dictionary/showbiz
(2007, October 12). Too much celebrity news, too little good news. Pew Research Center. https:// www.pewresearch.org/politics/2007/10/12/too-much-celebrity-news-too-little-good-news/
(2022, January 13). Andrea Brillantes, Francine Diaz trend as they appear to unfollow each other on Instagram. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/entertainment/01/13/22/did- andrea-francine-unfollow-each-other-on-instagram
(2023, April 24). Marco Gumabao and Cristine Reyes are now Instagram official. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/867914/ marco-gumabao-and-cristine-reyes-are-now-instagram-official/story/
Bonoan, R. (2023, April 28). Ogie Diaz, nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique? Bandera. https://bandera.inquirer.net/348196/ogie-diaz-nakatang gap-nga-ba-ng-mensahe-ng-pakikiramay-mula-kina-liza-at-enrique
Byrne, C. (2022, September 15). Why we care so much about celebrity gossip, according to psychology. Everyday Health. https://www.everydayhealth.com/emotional-health/why-we- care-so-much-about-celebrity-gossip/
Clear, J. (n.d.). Stop overdosing on celebrity gossip, the news, and low quality information. James Clear. https://jamesclear.com/brain-food
CNN Philippines Staff. (2022, February 14). Vice Ganda, Ion Perez ‘get married’ in Las Vegas. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/entertainment/2022/2/14/Vice-Ganda- Ion-Perez-wedding-commitment-ceremony-Las-Vegas.html
GMA Integrated News. (2023, April 30). Liza Soberano gets real about love teams in showbiz: ‘We’re supposed to be a real couple on and off cam’. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/868553/liza-soberano-gets-real-about-love-teams-in-showbiz-we-re-supposed-to-be-a-real-couple-on-and-off-cam/story/
GMA Integrated News. (2023, May 1). Ellen Adarna wishes ‘happy and harmonious’ relationship for ex John Lloyd Cruz, Isabel Santos. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/ news/lifestyle/familyandrelationships/868618/ellen-adarna-wishes-happy-and-harmonious -relationship-for-ex-john-lloyd-cruz-isabel-sant/story/
Harris, J. (2004, January 20). Why do we cover celebrities? Poynter. https://www.poynter.org/archive/2004/why-do-we-cover-celebrities/
Herry, J. (2019, January 10). Pros and cons of entertainment news. Sooper Articles. https://www.sooperarticles.com/news-society-articles/business-news-articles/pros-cons-entertainment-news-1704142.html
Pagulong, C. J. (2022, December 27). Entertainment-related topics are among the ‘most googled’ by Pinoys in 2022. The Philippine Star. https://www.philstar.com/entertainment/2022/12/27 /2233403/entertainment-related-topics-are-among-most-googled-pinoys-2022
Pertierra, A. C. (2021). Entertainment publics in the Philippines, 179(1). Sage Journals. https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/1329878X20985960
Tuazon, N. (2023, April 10). Barbie Forteza and Jak Roberto’s beach photos in Bohol set Instagram ablaze. Pep.ph. https://www.pep.ph/lifestyle/lifestyle/172602/barbie-forteza-jak-roberto-beach-holy-week-a721-20230410
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 year
Text
Usapang Grab
May nagrereklamo sa condo, kasi kinuha ng taga-ibang unit ('di malinaw if staycationer or unit owner) 'yung inorder niya sa Grab. Mamahaling food. Alam na nga raw na hindi kanya, kinuha pa.
Hindi lang namali. Kasi, dahil sa kwento niya, lumabas din ang mga ibang biktima. Diumano, may tambay talaga sa lobby na nangunguha ng mga order ng ibang tao sa Grab. Ano ba namang pag-uugali 'yon.
3 notes · View notes
attyaj · 1 year
Text
BAKIT TAYO INIIWAN?
Isang tanong, walang sagot, ngunit maraming dahilan ang isang tao kung bakit tayo iniiwan. Perspektibo sa pagmamahal ang may pinaka malalim na kahulugan.
Masasabi mo sa tao na kapag iniwan ka ay kapag wala na siyang nararamdaman sa'yo. Bakit? Hindi natin ang maikakaila na ang pag - iisip ng isang tao na kapag hindi na niya gusto ang isang bagay – binabalewala, o sa madaling salita, iiniwan. [Bagay nga kaya niyang iwan, ikaw pa kaya.] [HAHAHAHHAHA. ] Ano nga ba ang malalim pa na dahilan kung bakit iniiwan tayo dahil wala na siyang/siyang nararamdaman sa'yo.
Una, wala/nawalan na siya ng interest sa'yo. Sa madaling konteksto na salita, iiwan ka talaga ng isang tao kahit pinahalagahan mo pa 'yan pero kapag wala naman [talaga] siyang interest sa'yo, eh talagang iiwan ka.
Panghuli, iniiwan ka dahil sa iyong pag - uugali. Kung masama, manipulative, toxic, at walking red flag ka — kahit kaibigan o karelasyon mo pa 'yan, talagang iiwanan ka.
Sa kabuuang konteksto, hindi ka pasok sa standard nang isang tao kung nakikita niya ang mga hindi niya nagugustuhan sa'yo — mapa-ugali, paniniwala, pisikal na pagkatao, moral na pagkatao.
Kapag iniwan ka ng isang tao, may mga dahilan talaga ang mga 'yan, kung ano pa man ang dahilan niya, siguro naman na alam mo sa sarili mo kung deserve mo maiwan or hindi, siguro, oras mo 'yun at oportunidad para magbago para sa mga red flags mo, mag - grow up sa mga bagay na kinukulang ka pa.
Matuto nating tanggapin na kapag iniwan ka pero hindi mo naman deserve 'yon, pero 'wag na 'wag mong kakalimutan na hindi lang nag - iisang tao 'yun, makakatagpo ka rin na makakapag pasaya sa'yo, nang higit pa sa gusto mo.
"Mahalaga ka, 'yun ang mahalaga."
Orihinal na sinulat ni: AJ Lising
3 notes · View notes
mnaasilveira · 1 month
Text
Luz de Maria, 23 Abril 2024
_________________________________________________________________ MENSAHE NG MAHAL NA BIRHENG MARIASA LUZ DE MARIA23 ABRIL 2024 Mga minamahal na anak ng Aking Immaculate Heart, tanggapin ang Aking Pagpapala at ang Aking Pagmamahal bilang Ina. Mga Mahal na Anak: HINIHILING KO SA BAWAT ISA SA INYO LALO NA NA MULING SURIIN ANGINYONG PERSONAL NA PAG UUGALIAT PAG UUGALI. HINIHILING NG AKING BANAL…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
laishet · 1 month
Text
Bwiset mga pag uugali
0 notes
# Paglalarawan sa Pag-iwas sa Tubig ng Basura Ang basura, isang produkto ng iba’t-ibang industriya at munisipal na proseso, ay isang mabigat na semi-solid na wastong kinakailangan ng tamang pag-handle at pagtrat
more about the machine of screw dewatering here
. Ang pagkakaroon ng tubig sa basura ay hindi lamang nagpapalaki sa dami at gastos sa pagpapalipad ngunit din nagpapahirap sa kapaligiran. Kaya, ang pag-iwas sa tubig mula sa basura, na kilala din bilang pag-iwas sa tubig ng basura, ay isang mahalagang hakbang sa proseso ng pag-uugali ng wastong pagkain. Ang artikulong ito ay susuriin ang mga paraan at mga kagamitan na ginagamit para sa pag-iwas sa tubig ng basura, na may pagtuon sa mga makina ng pag-iwas sa tubig ng pamantalang siko.
 # 1. Pang-unawa sa Basura at ang Kanyang Karakteristika Maaaring manggagaling ang basura mula sa iba’t-ibang pinanggagalingan, kabilang ang mga planta ng wastewater treatment, mga pabrika ng papel, industriya ng pagproseso ng pagkain, at iba pa. Ito ay binubuo ng mga organic at inorganic na materyales, mikroorganismo, at isang malaking dami ng tubig. Ang komposisyon at karakteristika ng basura ay maaaring magbago nang malaki ayon sa pinanggagalingan nito, na nagpapahirap sa pag-iwas sa tubig ng isang komplikadong proseso na kinakailangan ng mga solusyon na pinili. 
## 1.1 Ang Kahalagahan ng Pag-iwas sa Tubig ng Basura Ang mahusay na pag-iwas sa tubig ng basura ay nagbabawas ng dami ng basura, na nagpapadali at mas mura ang pag-handle, pagpapalipad, at pagtatapon. Bukod dito, ang pag-iwas sa tubig ay maaaring makabawi ng mga kalikasang halaga, tulad ng tubig at organic na materyales, na maaaring muling gamitin o pag-aralan pa. 
# 2. Mga Paraan ng Pag-iwas sa Tubig ng Basura 
## 2.1 Makina ng Pamantalang Siko Ang makina ng pamantalang siko, na kilala din bilang siko press o siko press dehydrator, ay isang makina na ginagamit upang tanggalin ang tubig mula sa basura. Ito ay binubuo ng isang pamantalang siko na pindutin ang basura laban sa isang perforated screen, na nagpapababa ng tubig sa pamamagitan ng screen habang ang solid na materyales ay ipinapadala sa dulo ng makina. 
### 2.1.1 Paano gumagana ang mga Makina ng Pamantalang Siko Ang basura ay inilalagay sa pinto ng siko press, kung saan nakikita ang isang nagbabawas na lugar. Habang ang siko ay nagpapatuloy sa paggalaw, ito ay pindutin ang basura pabalik, na nagpapalabas ng puwersa na nagpapalis ng tubig. Ang tubig, na ngayon ay nasa anyo ng efluwente, ay pumapasok sa isang malayang kamalig, habang ang basura na nabawasan ng tubig ay inilalabas bilang isang solidong cake. 
## 2.2 Iba pang Mga Paraan ng Pag-iwas sa Tubig
### 2.2.1 Belt Press Ang belt press ay gumagamit ng dalawang o higit pang mga conveyor belt na pindutin ang basura sa pagitan ng kanila, na nagpapalis ng tubig sa pamamagitan ng puwersa at pagkumot. 
### 2.2.2 Centrifuges Ang centrifuges ay gumagamit ng mataas na bilis ng paggalaw upang paghiwalayin ang basura sa mga solid at liquid na bahagi sa pamamagitan ng centrifugal na puwersa. 
### 2.2.3 Filter Presses Ang filter presses ay gumagamit ng isang serye ng mga kamalig na may filter upang magbigay ng puwersa at tanggalin ang tubig mula sa basura. 
# 3. Mga Kagandahan at Pangunahing Pangangailangan ng mga Makina ng Pamantalang Siko 
## 3.1 Mga Kagandahan 
### 3.1.1 Mataas na Efficiency Maaaring makamit ng mga makina ng pamantalang siko ang mataas na solid na antas sa nabawasan ng tubig na basura, na nagpapababa ng dami ng hanggang 90%. 
### 3.1.2 Mababang Pangangailangan sa Pangangalaga Ang mga makina na ito ay relatibong simpleng sa disenyo at nangangailangan ng mababang pangangalaga kumpara sa iba pang mga paraan ng pag-iwas sa tubig. 
### 3.1.3 Kahusayan Maaaring maghanapbuhay ng isang malawak na hanay ng mga uri ng basura, kabilang ang mga may mataas na solid na antas o mataas na viscosidad.
 ## 3.2 Pangunahing Pangangailangan 
### 3.2.1 Unang Puhunan Ang unang gastos ng makina ng pamantalang siko ay maaaring mas mataas kaysa sa iba pang mga paraan ng pag-iwas sa tubig. 
### 3.2.2 Karakteristika ng Basura Ang kahusayan ng pag-iwas sa tubig ng pamantalang siko ay maaaring maapektuhan ng karakteristika ng basura, tulad ng kanyang antas ng solid at viscosidad. 
# Kumon Ang pag-iwas sa tubig ng basura ay isang mahalagang hakbang sa proseso ng pag-uugali ng wastong pagkain, na nagpapababa ng dami at epekto sa kapaligiran ng basura. Sa kabuuan ng mga makina ng pag-iwas sa tubig, ang mga makina ng pamantalang siko ay nag-aalok ng mataas na kahusayan, mababang pangangalaga, at kahusayan. Gayunpaman, ang pagpili ng paraan ng pag-iwas sa tubig ay dapat basihin sa mga karakteristika ng basura at ang mga pangangailangan ng operasyon ng pasilidad.
0 notes
nekonekochan · 2 months
Text
Tumblr media
‭Efeso 4:17-28 ASND‬
[17] Sa pangalan ng Panginoon, iginigiit kong huwag na kayong mamuhay gaya ng mga taong hindi nakakakilala sa Dios. Walang kabuluhan ang iniisip nila, [18] dahil nadiliman ang isipan nila sa pag-unawa ng mga espiritwal na bagay. At nawalay sila sa buhay na ipinagkaloob ng Dios dahil sa kamangmangan nila at katigasan ng kanilang puso. [19] Nawalan na sila ng kahihiyan, kaya nawili sila sa kahalayan at laging sabik na sabik gumawa ng karumihan. [20] Ngunit hindi ganyan ang natutunan nʼyo tungkol kay Cristo. [21] Hindi baʼt alam na ninyo ang tungkol kay Jesus? At bilang mga mananampalataya niya, hindi baʼt naturuan na kayo ng katotohanang nasa kanya? [22] Kaya talikuran nʼyo na ang dati ninyong pamumuhay dahil gawain ito ng dati ninyong pagkatao. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. [23] Baguhin nʼyo na ang inyong pag-iisip at pag-uugali. [24] Ipakita nʼyong binago na kayo ng Dios at binigyan ng buhay na matuwid at banal katulad ng sa Dios. [25] Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Cristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan. [26] Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala. At huwag nʼyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. [27] Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas. [28] Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.
https://bible.com/bible/1264/eph.4.17-28.ASND
0 notes
buhaytuklas · 2 months
Text
Alam Mo Ba Kung Sino Ang Humble Pnp Chief
Pnp Chief Acorda Trusted Policemen Hello Po PNP CHIEF BENJAMIN ACORDA JR Ako Po Si Jeff Angeles Isang Taga Likha At Ako Po Ang Gumagawa Ng Mga Video Patungkol Sa Inyo Sa Inyong Mabubuting Gawa At Mabuting Pag Uugali, Sana Po Ay Mabigyan Po Ako Ng Konting Suporta Upang Maitayo Ko Po Ang Aking Sarili Alam Nyo Naman Po Ang Istorya Ng Buhay Ko Ako Po Yung Sinira Ang Bahay At Inapi, Siniraan At…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
whooolaanmo · 2 years
Text
Santa
Ano kaya regalo ko matatanggap ngayon pasko?
New Year Resolutions ko kasi babawasan ko na pagiging mabait dati kasi 80 % mabait 20 % hindi mabait so next year 2023 50/50 na 🤣🤣🤣. Nakakaasar na din kasi talaga pag uugali ko na masyadong mabait.
Nov. 29, 2022 08:00 pm
6 notes · View notes
manilacreator26 · 2 months
Text
Alam Mo Ba Kung Sino Ang Humble Pnp Chief
Pnp Chief Acorda Trusted Policemen Hello Po PNP CHIEF BENJAMIN ACORDA JR Ako Po Si Jeff Angeles Isang Taga Likha At Ako Po Ang Gumagawa Ng Mga Video Patungkol Sa Inyo Sa Inyong Mabubuting Gawa At Mabuting Pag Uugali, Sana Po Ay Mabigyan Po Ako Ng Konting Suporta Upang Maitayo Ko Po Ang Aking Sarili Alam Nyo Naman Po Ang Istorya Ng Buhay Ko Ako Po Yung Sinira Ang Bahay At Inapi, Siniraan At…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
starpilipinas26 · 2 months
Text
Alam Mo Ba Kung Sino Ang Humble Pnp Chief
Pnp Chief Acorda Trusted Policemen Hello Po PNP CHIEF BENJAMIN ACORDA JR Ako Po Si Jeff Angeles Isang Taga Likha At Ako Po Ang Gumagawa Ng Mga Video Patungkol Sa Inyo Sa Inyong Mabubuting Gawa At Mabuting Pag Uugali, Sana Po Ay Mabigyan Po Ako Ng Konting Suporta Upang Maitayo Ko Po Ang Aking Sarili Alam Nyo Naman Po Ang Istorya Ng Buhay Ko Ako Po Yung Sinira Ang Bahay At Inapi, Siniraan At…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
milkshakedeity · 4 months
Text
kapoy
nakakapagod yung ganitong pag-uugali ng nanay ko. istg.
walang accountability, hindi marunong makuntento, walang pagttiyaga, hindi marunong mag-appreciate, the list goes on.
kanina lang nagluluto ako, sabi nya tulungan ko raw sya sa resume nya kasi inemail siya ng inapplyan nya dati na hiring sila sa austria. so ako g rin naman kasi baka ito na nga yun.
tapos nung maghuhugas na ako after kumain sabi niya wag na raw kasi naaawa raw siya kay zion hindi raw maaalagaan nang ayos. i mean sa kanya rin naman? wala nga siyang pagttiyaga na mapabuti kondisyon ng kapatid ko. sasabihin nya pang okay lang malate makakahabol din daw huh? really? he's like 3 years behind. ni potty training hindi alam.
tapos sa kapatid kong panganay sya nakaasa. nagrereklamo siyang antagal ng training nya for german language if ever tumuloy siya sa austria pero at least doon productive siya? hindi yung nakatengga lang siya habang hinihintay na gumraduate, magreview, at pumasa ng boards kapatid ko.
honestly hindi ko na rin alam sa kanya. wala siyang isang desisyon.
tangina talaga kung wala sina daddy at lola ngayon matagal na akong patay. im so fucking tired
0 notes
usapangnansens · 4 months
Text
Kyu-Kurarin: Ang Malalim na Mensahe sa Likod ng Kanta
Tumblr media
Noong Agosto 29, 2021, lumabas ng kanta si Iyowa (いよわ) na pinamagatang Kyu-Kurarin (きゆうくらりん).
Ang kanta ay tungkol sa isang teenager na babae na kumikilos na masaya at maasahin sa mabuti, ngunit talagang nalulumbay, isinakripisyo ang kanyang sariling kaligayahan para mapasaya ang iba. Sa huli, ipinagtapat niya ito sa kanyang matalik na kaibigan at crush, na niyakap siya.
Ang kanta ay lubos na nagpapaalala kay Sayori, isang karakter mula sa Doki Doki Literature Club. Bagama't walang kinumpirma si Iyowa, malawak na pinaniniwalaan na ang kanta ay inspirasyon niya dahil sa kung paano lumabas ang babae sa music video, ang kanyang pag-uugali, at mga sanggunian ng mga aktwal na eksena mula sa Doki Doki Literature Club. Si Iyowa ay aktibong nagsasalita tungkol sa DDLC sa X(Twitter).
Tumblr media
Mga posts ni Iyowa sa X(Twitter) tungkol sa DDLC bago lumabas ang kanta
Si Sayori ay inilalarawan na masayahin. Gayunpaman, ipinahayag na siya ay nagdurusa mula sa isang masamang depresyon. Nananatili siya sa kama nang mas matagal, na nagiging sanhi ng kanyang pagka-late sa paaralan araw-araw. Dahil ito sa kanyang depresyon, kung saan wala siyang gaanong motibasyon na bumangon sa kama.
Ang kanyang upbeat na personalidad, sa kabila ng kanyang kalagayan, ay dahil sinusubukan niyang pasayahin ang mga tao sa kanyang paligid upang makayanan ang kanyang kawalan ng pagmamahal sa sarili. Naniniwala siya na wala siyang silbi at hindi karapat-dapat sa pagmamahal. Kapag hinabol siya ng manlalaro, siya ay nagkasala, na iniisip na hindi siya karapat-dapat sa kanyang pag-ibig.
Ang mas madilim na implikasyon ay may kinalaman sa katotohanang tinapos niya ang sarili niyang buhay malapit nang matapos ang laro, anuman ang ginagawa ng manlalaro. Ipinapahiwatig nito na ayaw niyang mahalin, at masakit para sa kanya. Alam na talagang mahal at nagmamalasakit ang mga tao sa kanya, nagdudulot ito ng higit na sakit sa kanya dahil napagpasyahan na niya na wawakasan niya ang kanyang sariling buhay at iiwan ang lahat sa proseso. Ito rin ay tinutukoy sa kanta: "ああ 失うのがつらいな" ("Ah, masakit mawalaan"), at "全部ムダになったら 愛した罰を受けるから" ("Pag masasayang ang lahat, tanggapin ko ang parusang pagmamahal")
0 notes