Tumgik
takbodaniel · 6 months
Text
Isang taon na lang mahigit. Labing apat na buwan. Sampung taon na akong naghuhulog ng bayad para sa inutang kong bahay sa Laguna.
Kaunting tiis na lang. Makahihinga na akong malaya. Luluwag na ang kumot.
Sana, pagkatapos nito, lalaya na rin ako.
1 note · View note
takbodaniel · 6 months
Text
Gusto ko munang tumigil ang mundo. O di kaya mawala saglit sa paningin ng mga tao. Maninirahan sa lugar na walang pagkakakilanlan at doon bubuo ng bagong kwento.
Nakapapagod ang paulit-ulit na ikot ng hangin. Madami akong planong pansamantalang isinantabi. Mahirap kasi kainin ang hilaw na prutas. Mapakla. Maasim. Baka masayang.
0 notes
takbodaniel · 6 months
Text
nakakainggit 'yung mga taong hindi problema ang pera.
1 note · View note
takbodaniel · 7 months
Text
Araw-araw akong bálot ng takot. Madami kasi akong mga desisyong hindi naging maganda. Gumastos sa mga bagay nang hindi pinag-isipang maigi. Napasobra sa pag-angkin ng katagang "kaysa naman magamit ang pera sa hindi masyadong kagustuhan." Lahat na lang pakiramdam ay nararapat maangkin kahit hindi.
Tama sila. Hindi lumalaki ang kumot para sa atin. Tayo ang dapat bumaluktot.
2 notes · View notes
takbodaniel · 2 years
Text
ikaw ang aking pahinga
11 notes · View notes
takbodaniel · 2 years
Text
re-blog if you're accepting anonymous asks from anyone about anything
Instagram; hunterraiehorror
835K notes · View notes
takbodaniel · 2 years
Text
Tumblr media
Kaibigan. Katropa. Kapuyatan. Kasama. Kakampink. Kahit ano pa man ang tawag natin sa isa't isa, kapag nagkasalubong tayo, yayakapin kitang mahigpit. Bubulungan kita. Nilaban natin. Buong puso tayong tumindig para sa bayan. Nangarap tayo ng isang gobyernong magsisilbi ng tapat; ng isang pinunong kakalinga sa matagal nang kinalimutan ng lipunan.
Maraming salamat nga pala sa oras na iyong nilalaan. Kinukulang pa nga ang bente kwatro oras para pagkasyahin ang pagtutok sa sarili at pagkilos para sa tropang angat.
Maraming salamat sa kasipagan, pagtatyaga, mga inalay mong talino, at pinamalas na talento.
Walang nasayang. Hindi naman tayo natalo. Lahat ng pagod ay natumbasan ng napakatamis na ngiti at mga malalakas na hagalpakan. Naharurot ng excitement, kilig, tuwa, kaba, lungkot, at lahat na ata ng emosyon, ang ating puso.
Nadurog tayo ng resulta ng election, kaibigan. Eto na ata ang pinakamasakit na pagkatalo. Mahirap itago sa mga ngiti ang lungkot. Malinaw kasi ang ating pangarap para sa bayan. Eto na kasi ang tyansa natin sa gobyernong magkakasama ang lahat sa pag-angat. Pinataba ang puso natin ng imahe ng pangarap nating bayan.
Malayo ang narating ng ating pagsasama. Ang mensahe ng ating kampanya ay naparating natin sa lahat. Napakinggan tayo. At sa susunod na pagkakataong may mag-alay sa atin ng matino at mahusay na gobyerno, ipangako mong magsasama-sama tayong muli.
Kaya unti-untiin na nating pulutin ang sumabog na damdamin. Hayaan mong buuin ito ng makulay nating pinagsamahan. Magparami pa tayo. Patuloy na kumausap. Walang sawang ipahayag ang pangarap nating Pilipinas.
Tibayan pa natin ang pagtindig. Para sa atin. Para sa bayan.
Huwag mong hayaang malanta ang rosas.
Hanggang sa muli.
Maraming salamat.
0 notes
takbodaniel · 3 years
Note
Madaming salamat dito.
Isa pa sa pinakahinangaan ko kay Leni ay ang kanyang dating trabaho.
Matagal siyang naglingkod bilang abugado ng mga mahihirap sa pamamagitan ng SALIGAN sa Bicol. Doon nakakasalamuha niya ang mga maliliit na mga tao sa lipunan. Pinagtatanggol niya ang dehado sa atin.
Sa tingin ko, malaki ang ambag sa kanyang experience ang pagiging abugado ng mga mahihirap. Kita naman iyon sa plataporma niya ngayon. Nagsisimula sa laylayan. Aangat na ang mga kinalimutan sa atin. Wala nang maiiwan.
Ipanalo natin si Leni. Minsan lang siya dumating. Samantalahin na natin.
May I ask why we shouldn't vote for Marcos? Is there any particular traits you are looking for in a President? And can you also tell us what made you want to vote for Leni? /gen /srs
Why we shouldn't vote for Marcos:
A total debt of $395.51 Billion foreign aid that is still taxed for until now. There was a 4300% rise in debt from 1965-1986. Besides building bridges, Marcos constructed in 1976 the overpriced Bataan nuclear power plant worth $2.3 Billion and loans which the Filipinos' tax had only finished paying in full on 2007.
Marcos stole P3.363 trillion if rates are applied to the year 2015, official poverty incidence rate increased to almost half of the Philippines, underemployment rate rose from 10% to 33% in 1985. PH debt grew by $16 Billion in just 5 years.
About 34000 were tortured, 70000 were detained for being "enemies of the state", 3240 were salvaged or killed during Martial Law.
The PCGG recovered a total of P167.5 Billion from Marcos ill-gotten wealth. Kung wala ninakaw, walang ibabalik.
Imelda Marcos is guilty of 7 counts of graft but not imprisoned because of old age.
There are three FINAL supreme court decisions na nagsasabi nakaw na yaman ng Marcos ang mafo-forfeit. Here are the links:
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/48708?fbclid=IwAR3EN3lOlaChqDn-F8mL4fDjRDULHSQpS7144Ip4Plq1xfwl-uyF1aSMFfQ
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/54791?fbclid=IwAR0xYV7WDmvzR458uWk-zEHpJZUWCp65FJQB01mKeV17jMR1RqZUfoPl4oI
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/62728?fbclid=IwAR1XdyTB1v7tz7MiCpvvDteLC04uDnuc54GfkpHujLkVcFSXzJ3lvRWFEdQ
Si Bongbong Marcos ang makakapag mana lahat ng nakaw na yaman ng tatay niya, he is claiming na graduate siya sa Oxford pero Special Diploma lang ang binigay. May statement na ang Oxford regarding that, saying na he is not a full graduate. He was already an adult during Martial Law but hinayaan nila lang na sirain ng tatay niya ang bansa.
What made me vote for Leni Robredo:
1. VP Leni Robredo has been releasing her SALN for years now and making the document public. She is not corrupt. OVP received the highest COA rating thrice.
2. She is a human rights lawyer and an economist. Her educational attainment is enough to prove that she is capable of leading the country. She has a doctorate degree in Humanities, Public Administration and Doctor of Laws - the highest earned academic degree.
3. Leni Robredo received a Special Awardee for Public Service.
4. She is present and has done a lot of COVID-19 response. During the lockdown, she initiated to provide vehicle services to frontliners and more. For more infographics, see this: https://www.facebook.com/rapvinsky/posts/4718605388172019
She is the only presidential candidate who has the least net worth. She is not corrupt as seen by the statement from COA. I'm voting her because she is transparent and she is doing great in her job by serving the Filipino people. She apologizes when she makes a mistake and she is always present. She is the true definition of a leader. Her platform when she becomes a president is focused on recovering our economy and we can trust her with that because she's a graduate of BA Economics in UP Diliman.
She plans to reopen the economy by realigning the national budget to address the pandemic, allotting more funds for healthcare services & facilities, to empower the healthcare system & to invest heavily in agriculture, particularly in technology and farm-to-market infrastructure. She plans to create more jobs to bring back foreign direct investments, which have been in a steady decline during Duterte’s term. This year, annual FDI dropped by 24.6%, the lowest in five years. To make that happen, her priority is to make sure that pandemic is under control.
This post is long but these are facts I obtained from the internet with credible sources like news media and articles. I hope you vote Leni Robredo.
1K notes · View notes
takbodaniel · 3 years
Text
Isa ito sa pinakapaborito kong Angat Buhay Projects ng Office of the Vice President.
Noong 2019, bumaba ang OVP sa Samar upang magbigay ng tulong at programa sa pangkabuhayan sa ilang malalayo at mahihirap na barangay doon.
Sa Salcedo, Eastern Samar, nagtungo sa Matarinao School of Fisheries ang grupo ni President Leni upang pasinayaan ang pagpapatayo ng dormitory at service vehicle para sa mga estudyante. Layon nito na pagaanin ang pag-aaral ng mga bata at hindi na magiging sagabal ang layo at kahirapan para makapagtapos sa pag aaral.
Sumunod naman sa nabigyang tulong ang Salcedo Central School. Namahagi ang OVP ng Sports equipment kasabay ng pagbibigay sa mga bata ng angkop na ensayo sa soccer.
Pagkatapos naman ay nagpunta si Leni at ang grupo sa FEA Farmers. Nakatanggap ang grupo ng Solar Dryers para kahit masama ang panahon, tuloy ang kabuhayan at supply nila ng produkto.
Sa Quinapondan, Eatern Samar, kung saan hindi pa naaabot ng linya ng kuryente, nakatanggap ang mga pamilya sa Barangay Cambilla ng Solar Kit at Livelihood Program. Makikita at madarama sa video ang ginhawang hatid ng OVP sa kanilang buhay. Bukod sa liwanag sa kabahayan, nagkaroon din ng pagkakataong umangat ang buhay nila sa pamamagitan ng livelihood program na hatid ng OVP.
Sa Balangkayan, Eastern Samar naman, dalawang multicab ang naipaabot sa eskwelahan na magagamit ng mga estudyante upang mabawasan ang absenteesm sa paaralan. Bukod pa rito ay nagtayo ng dormitory para sa mga mahihirap at mga batang malalayo ang nilalakad papuntang eskwelahan.
Sa Gandara, Eastern Samar, nakatanggap ng 15 na kalabaw ang mga kababayan natin para mabigyan ng pagkakataon na makapaghanap-buhay ang mga taga Gandara at Livelihood program at training para mapa-unlad ang kesong puti production sa lugar.
Sulit na sulit talaga ang serbisyong binibigay ng OVP sa ating mga kababayan. Maipakikita rito na kahit sa maliit na budget ng OVP, nasandalan niya ang mga private partners at companies upang maipaabot ang tulong sa mga nagdarahop sa malalayong lugar.
Sa pamamagitan ni VP Leni Robredo at ng kanyang team sa OVP, naiparamdam sa mga nasa laylayang Pilipino na may gobyernong nandito para maibsan paunti-unti ang kanilang hirap.
Kaya ang boto sana natin sa eleksyon ay maging para sa kanila.
Napakasarap sa pakiramdam na ang isang tamang pagboto natin ay magiging kabahagi ng pag-unlad ng mga kababayan natin.
Dito tayo sa gobyernong tapat, para angat buhay lahat.
youtube
0 notes
takbodaniel · 3 years
Text
Masakit ang sugat na walang paghilom. Kasama ang mga alaalang nakadikit tuwing nililingon.
Hindi na natapos ang pagdurugo, tinungkab pa ang sakit ng kahapon. Binuhay muli ang mga taong sa litrato na lang binibisita. Walang bangkay na pinalibing. Hindi malaman kung saan napunta ang ibang parte ng katawan. Sa ilog ba nililibing ang mga bayani noong panahong diktaturya? Nangagsiwala kasi silang lahat. Mabuti pa ang Marcos Family, may bangkay. May apog.
Hindi ito kathang isip. Gumising ka na. Kumampi ka sa mga Pilipino. Hindi sa isang pamilyang bumaboy sa mga kapwa mo Pinoy. Wag hintaying maging ang rebulto ni Rizal, ikahiya ang salitang bayani.
Naisulat bandang Setyembre taong 2016
1 note · View note
takbodaniel · 3 years
Text
PRESIDENT LENI ROBREDO
Isa sa mga kahanga-hangang katangian ni Leni Robredo bilang public servant ay ang kanyang pagiging maagap at maabilidad sa paghanap ng simple at epektibong paraan sa paglutas ng suliranin.
Tumblr media Tumblr media
Noong 2020, pumutok ang COVID-19 sa bansa at ang buong mundo ay nagkukumahog sa pagbili ng PPEs. Sa halip na makipagsabayan ang OVP, kumausap siya ng mga komunidad nang sa gayon ay makapag-produce tayo ng sarili nating PPEs.
Tumblr media
Hindi lang niya natulungan ang mga healthcare workers, nabigyan niya rin ng pagkakataon ang mga ilaw ng tahanan na kumita ng pera. Disenteng trabaho para sa hapag-kainan.
Tumblr media Tumblr media
Kaya gusto nating manalo si Leni Robredo sa darating na eleksyon. Kakampi ng mga maliliit na tao. Laging nakatuon sa pagtulong at pag-angat ng mga nasa laylayan.
Tumblr media
Sana mailuklok natin siya. Bigyan natin ang mga kababayan ng pagkakataong umangat at lumaban sa buhay. Kailangan natin ng lider na handa at may konkretong plano.
Si Leni Robredo ang Presidente natin. Dapat si Leni.
#DapatSiLeni #PresidentLeniRobredo #LabanLeni2022
12 notes · View notes
takbodaniel · 3 years
Text
Tanging nagustuhan ko lang kay duterte ay ang pagbabawal niya sa paputok tuwing Pasko at Bagong Taon.
Pero puta, ginawang normal ang putukan sa buong Pilipinas araw-araw sa mga kalsada. Kahit maliwanag. Kahit sino tinatamaan - bumubulagta.
1 note · View note
takbodaniel · 3 years
Text
Isang araw sa panahong panalo na ang mundo laban sa COVID-19, malugod akong nagtungo sa paaralang pinapasukan. Kagubatan ng malulusog na pagbati at ngiti mula sa mga bata ang bumungad. Maganda ang araw. Bago na ang gawi ng daigdig.
Sa loob ng opisina, habang hinahanda ang mga gamit na dadalhin sa silid-aralan, napahiyaw sa sakit ng dibdib ang isa sa kapwa guro. Kumapit sa mga bagay na malapit. Mahigpit. Tumingala. Namimilipit. Namuti ang mata. Nagkakagulo. Hindi malaman ang gagawin ng mga guro sa paligid.
Nawalan ng malay si Ginang Salamares. Isang guro ang kumapa, wala nang pulso, hindi na humihinga. Samantala, may isang naglakas-loob, kumuha ng ammonia, pinaamoy. Napakatagal. Banayad na tumulo ang pawis sa mga nakapaligid.
Namulat. Nagulat ang buong populasyon. Ngunit may iba sa gawi ng ginang. Wala sa ulirat. Natataranta. Hindi mapakali. Mayroong nais gawin na hindi mahanap, hindi makuha.
Kumapit muli sa dibdib, sa ulo. Sinabing, ayaw ko nang maging guro. Lilibot muna ako sa Pilipinas, pagkatapos, babalik ako.
Sigurado ang ginang sa sinambit. May galak. Punung puno ng pag-asa. Mula sa pagkamatay, nagising na may determinasyong tuparin ang matagal nang sinasambit na pangarap.
Zombie na nga bang maituturing si Ginang Salamares? Namatay at nabuhay muli. Ngunit sa halip na tao ang nais kainin, bigla siya naging gutom na makamit ang kanyang pangarap.
Kaya pala sa mga pelikula, pinakikitang utak ang gustong kuhain at kainin ng mga zombie, naroroon kasi lahat ng ating pangarap.
Panaginip noong ika-14 ng Mayo, 2020
1 note · View note
takbodaniel · 3 years
Text
"But I believe the true evil in this world is knowing what's wrong, seeing what's wrong, and looking away. It's in the looking away when you have a power to make the difference, that is true evil."💔
1 note · View note
takbodaniel · 3 years
Text
Gusto kong yumaman. 🥺
1 note · View note
takbodaniel · 3 years
Text
Tumblr media
Kapag nakakikita ako ng ganitong post, hindi ko mapigilang mag-isip. Ibig bang sabihin, ang ibang nahihirapan sa COVID-19 ay pinabayaan? Paano ‘yung namatay? Paano ’yung buong pamilya nila ay nahirapan sa paglaban sa sakit?
Sana maging sensitive na lang ang iba sa pag-post dahil ‘yang pagpapasalamat at sasabihin hindi ka pinabayaan ay maaaring iba ang dating sa ibang namatayan at nahirapan.
Gaya rin ‘yan kapag pagpapasalamat sa tuwing may makikitang pulubi o salat sa buhay.
“Salamat Panginoon dahil kahit papaano ay may biyaya kayong binibigay sa akin.“
Sa kanila ay wala. Sila ay pinabayaan. Sila ay ginutom.
4 notes · View notes
takbodaniel · 3 years
Text
Walang electric fan
Naikwento ko na bang sumusubok ako ngayong tumayo sa sariling paa? Malapit na akong magtrenta, kaya naisip kong mag-aral maging isang indibidwal. Walang sasandalan na magulang. Walang aasahang aruga.
Sa Laguna. Nakahiga. Walang electric fan, palibhasa ay nasira. Tinanggihan ng mekaniko, aniya’y bumili na lang ng bago. Hindi naman ako makalabas, makapunta sa pamilihan dahil malapit na ang pagsapit ng dilim. Dagdag pa doon ay napakamahal ng pamasahe papuntang bayan - 200 balikan. Dahil sa pandemya, lahat ng byahe sa tricycle ay special na.
Mahirap palang mapag-isa. Kaya saludo ako sa mga kaklase noong kolehiyong nakayanang humiwalay sa magulang. Maagang nahubog ang tapang sa pagharap sa mga pagsubok. Pinalakas ng panahon ang tuhod upang tayuan ang bagyo.
Ako, eto, nagmamalakas. Gustong mapatunayan ang sarili na matanda na, malaki na. Matibay na ang buto-buto. Kakayanin. Hindi lang panlabas na anyo, kailangan matigas din ang sikmura.
Mahirap pala. Akala ko kaya na. Ngunit bawal sumuko. Maaga pa para tumiklop. Nagsisimula pa lang ang kwento. Kahit pa-unti-unti, ang mahalaga ay humahakbang paharap.
- ika-20 ng Hunyo, 2021
3 notes · View notes