Ako si ALMA,25 tubong Antipolo pero ngayon nakatira sa South Korea, Jeju Island. Dating nangangarap-kasi,nagdeact dahil sa kalandian. Ina ng isang napakandang anghel. Umalis ng tumblr na dalaga,nagbabalik na may dala dalang bata. Pinilit kong kalimutan ang tumblr dahil may mga bagay at alaala akong gustong makalimutan,pero dinadala ako ng mga daliri ko dito. Walang kwenta magsulat,madalas sabaw pa.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang hirap pala no? Kapag pala nawala na yung tiwala mo sa isang tao,kahit anong gawin niya para maniwala ka na nagbago na siya. Parang hindi pa din mawawala pagdududa mo. Parang ang hirap pa din ibalik ng isang bagay na nawala na. Palagi mo na lang iniisip na baka gawin niya ule sa’yo. Na baka mangyari na naman yung kinakatakutan mo. Na baka masaktan ka ule. Haayy. Ganun ba talaga dapat? Tapos sa kakahinala mo,di na naman malayong mangyari na maulit ule. Kesyo nakakasawa na daw yung paulit ulit na away. Na kesyo nakakapagod na yung paghigpitan ka,na halos di ka na makahinga. Na kesyo di na daw niya magawa yung mga bagay na dati niyang nagagawa. Bakit? Manghihinala ka ba kung di ka niloko. Makikipag away ka ba kung hindi ka nasaktan. Parang ikaw pa din yung mali sa huli. Kahit na gusto mo lang naman iparamdam na nasaktan ka. Na hindi naman mawawala agad yung sakit. Na hindi ka naman agad makakalimot. Haayssss.
2 notes
·
View notes
Text
Ang bilis lumipas ng oras. Di ko namamalayan halos isang oras din pala akong nakatayo sa tapat ng bintana,nakatingin sa malayo. Halos lumipas na lang yung buong oras na ganun ang sitwasyon ko. Para akong tanga. Ang layo ng tingin ko kahit ang maputing kalangitan,mga lumilipad na ibon lang naman ang nakikita ko. Kung hindi pa siguro tumunog ang telepono ko hindi pa ako matatauhan. Hay! Para akong baliw no? Naisip ko lang kasi ang dami na palang nangyari. Ang dami na palang nagbago. Ang daming sana. Pero may pagkakataon na kailangan mong mamili. At sa gagawin mong pagpili na yun,pwede kang masaktan. Pwede kang sumaya. O pwede mong pagsisihan. Napapabuntunghininga na lang ako. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari. Parang kahapon lang masaya kami. Parang nung nakaraan lang magkayakap pa kami. Pero ngayon heto na ako,nag’iisa. Tanging ang mga unan lang ang nagiging kayakap ko sa mga gabing nalulungkot ako. Tanging ang mga kumot lang ang nagpapainit sa mga gabi na ako’y nilalamig. Haaaayyyy! Ang lalim ng buntong hininga ko. Bigla na naman siyang pumasok sa isipan ko. Pero siguro hanggang dun na lang yun. Puro na lang alaala lahat.
-kwentongnangangarapnggising-
0 notes
Text
“May sikreto akong sasabihin sa’yo. Mayroong nangyaring hindi ko alam. Ito’y isang lihim,itinagong kaytagal. MUNTIK NA KITANG MINAHAL”
Lyrics sa isang kanta,na kapag naaalala ko eh naeLSS talaga. Lalo na kapag naaalala ko yung taong MUNTIK KO NG MINAHAL. O minahal ko naman talaga,di ko lang talaga nasabi sa kanya.
Nakakatawang isipin,sa isang di inaasahang pagkakataon eh makakakilala ka ng isang tao na di mo aakalain na tatatak sa buhay mo. Malandi ba akong masasabi kung minsan pumapasok talaga siya sa isipan ko? Hindi naman siguro di ba. Parte na lang naman siya ng nakaraan eh. Parte ng buhay ko hanggang sa tumanda ako.
Ang sarap lang kasi balikan yung nakaraan. Tumatanda na talaga ako. Nito kasing nakaraan napapaisip ako. At di ko maiwasan na pumasok siya sa isipan ko.
May pagkakataon noon,highschool ako. May assignment kami. Write a poem daw. Any topic. Wala akong ibang maisip nung mga oras na yun. Lumabas ako ng bahay,napaupo. Tapos tttiiinnnggg! Di ko namamalayan unte unte na palang sinusulat ng mga kamay ko yung tula na para sa kanya. Tanda ko pa din yung una at huling mga lines pero di ko na tanda yung kabuuan.
“I met this guy and I fell in love with him. I thought I had it all but then I realized I was wrong.
But then I found out that he loved someone else. Then suddenly I said to myself. If I love that guy,I will set him free. Even if it’ll break my heart”
Totoo naman kasi di ba. Di ko nasabi na mahal ko siya. Kasi may iba siyang gusto ng mga panahon na yun. Hahaha!! :-)
Napapaisip nga ako minsan eh,yung magtatagpo ulit mga landas namin,sa kasal niya mismo tapos baka masabi ko na lang sa kanya na OY CONGRATS HA. ALAM MO BA
GINUSTO KITA. Pero charaught lang. Di naman na mahalaga yun kung masabi o nasabi ko man siya noon o in the future. Di naman na kailangan eh. Pumapasok lang talaga siya sa isipan ko. Pero hindi naman ibig sabihin nun na malandi ako no.. :-)
Sadyang may mga bagay lang talaga na di mo maiwasan alalahanin. Lalo na habang patanda ka ng patanda. Babalik at babalik talaga mga memories mo.
0 notes
Text
Bilang ko pa din naman kung ilang pasko at bagong taon na din pala ang dumaan na parang ordinaryong araw na lang. Para sa mga katulad kong nakaisip mag'asawa ng ibang lahi dahil sa totoo lang dahil na din sa hirap ng buhay sa Pinas. At syempre gusto makaranas ng tinatawag nila na SNOW(na kung tutuusin eh maganda lang naman sa tv pero pag nandito ka na para lang naman talaga syang yelo sa halo halo:P)
Naiisip ko lang din yung di ko na mabilang na pagpatak ng mga luha ko sa tuwing maaalala ko yung mga kapaskuhan at bagong taon na dumaan noong kabataan ko. Pati na din yung pagpatak ng luha ko sa tuwing maaalala ko yung mga panahong kasama ko pa pamilya ko. Yung tipong kahit di na gaanong maghanda kasi nandyan naman mga kapitbahay niyo,handang magbigay ng kanilang mga handa.
Pasko talaga at bagong taon yung pinaka'inaabangan ko noon sa loob ng isang taon. Kasi yun lang yung panahon na magkakaroon kami ng mga bagong damit at sapatos. :-) Sa twing sasapit na yung buwan ng Disyembre,excited ka ng maggantong araw kung kelan pwede ng mangaroling. Kasi kahit papiso piso lang yan pag naipon eh malaking halaga na. Lalo na yung masasayang alaala kasama yung mga batang kapitbahay niyo para mangaroling,habang tumatanda ka hindi na mahalaga kung magkano napangarolingan niyo noon eh. Parang mahalaga na yung experience niyo noon.
Nakakamiss talaga. Wala talagang tatalo sa pasko at bagong taon ng Pinas. Na kahit mahirap ang buhay,nakakaraos pa din. Dito kasi sa ibang bansa hindi uso kung di ka talaga mag'eeffort na maghanda,maglagay ng mga christmas tree. Bahay,trabaho at paulit ulit na lang kasi yung senaryo mo dito sa araw araw.
Ang sarap lang talaga balikan yung noon. Pero nakakalungkot kasi pwede mo na lang siyang balikan pero hindi na pwedeng maulit.
MALIGAYANG PASKO. Napadrama lang ako . Bigla ko lang kasi naisip. Habang nakatingin ako sa mga anak ko na ang sarap sarap na ng tulog. Sana kahit hindi man ngayon eh balang araw maranasan nila yung walang kasing sayang pasko sa Pinas . :-D
0 notes
Text
PARA SA TAONG UNA KONG MINAHAL
Hanggang ngayon di ka pa din nawawala sa panaginip ko. Minsan natatanong ko na sa sarili ko kung hanggang panaginip na lang ba talaga kita makakamtan. Ilang dekada na ang lumipas pero pakiramdam ko parang kailan lang ang lahat. Magmula ng naramdaman kong gusto kita hanggang sa napagtanto kong mahal na pala kita. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na KAILAN KAYA AKO MAPAPANSIN NITO. Pero mukhang imposible lalo na sa taong may mahal ng iba. Gusto kita noon pa man,alam yun ng iba . Pero sadyang manhid ka lang ata o talagang hindi kapansin pansin sa paningin mo ang isang tulad ko. Sabagay sino nga ba naman ako kumpara sa kanya na talagang minahal mo at hanggang ngayon minamahal mo. Masasabi ko na lang talaga na TASULOK ANG MUNDO NATIN. Mahal kita,mahal mo siya at ako’y patuloy na aasa na lang.
0 notes
Text
Tadhana
Paano kung ung “tamang panahon” para sayo ay “huli na” para sa kanya?
Paano kung ung “hindi pa pwede” para sayo ay “hindi na pwede” sa kanya?
Paano na?
Wala eh. mapaglaro talaga ang tadhana. Madaming pwedeng mangyari habang naghihintayan kayong dalawa. Pwedeng habang ikaw hinahanda ang sarili mo para sa kanya, siya hinahanda na rin ung sarili niya para sa iba. at pag dumating ung oras na un, huli na ang lahat. huli na ang lahat para sainyo. Kahit gustong gusto mo pa siyang mahalin, hindi na pwede. kasi ung pagmamahal niya para sayo naglaho na. may natira mang onti, wala narin silbi. kasi ung malaking bahagi ng pagmamahal niya, nilaan niya na sa iba. hindi na sayo.
At ikaw, wala kanang ibang magagawa kundi mag move on. kahit ayaw mo pa kumalimot, yun nalang ung natitirang option mo. kumalimot ka. ipagpatuloy mo ung buhay na nasimulan mo. Dahil may mas maganda pang bagay ang nakalaan para sayo.
16 notes
·
View notes
Quote
"It's not the years in your life, but it's the life in your years that count. The biggest thing that we have to realize is that life has no limitations except the ones we create"
0 notes
Quote
Hindi ako mayaman. Pero ngayong araw, napagtanto ko na ang dami ko palang dapat ipagpasalamat. Ang swerte-swerte ko kahit ganito lang ako. Mantakin mo, nagising pa ako? Habang ‘yung iba, hindi na nagawang bumangon. Hindi na nagkaroon ng isa pang pagkakataon. ‘Yung iba naman, nagising nga, pero todo naman sa kayod kahit kasing edad ko pa lang. Naisip ko lang, habang nagbababad ako sa computer, ang daming naghihirap kakatrabaho, kakahanap ng pagkain, kakagawa ng mga gawaing-bahay, at kakaaral para maging handa pagpasok. Napakadami ko palang dapat ipasalamat sa Diyos. Wala akong karapatang magreklamo.
(via isusulatkonalang)
96 notes
·
View notes
Photo
Paminsan minsan kailangan ko din magselfie aba. Iwas stress. Huehue. ;-)
0 notes
Text
Nangangarap ng gising
Walang araw o gabi na di ka nawala sa isip ko. Malandi ba akong matatawag kung hanggang ngayon umaasa ako na mapapansin mo. Siguro nga isa akong tanga. Dahil pinapangarap ko ang isang tao na alam kong di naman magiging akin. Alam mo ba madalas akong mangarap ng gising. Nangangarap ako na paano kaya kung hindi gantong buhay ang meron ako ngayon. Paano kaya kung naging tayo. Magiging masaya ka kaya? Magiging masaya ba tayo? O pareho lang tayong masasaktan kasi ako lang naman ang nagmamahal at ikaw ay mahal ng iba. Gusto kong sabihin sa'yo na sana isang araw mapatawad ko ang sarili ko dahil pinakawalan kita. Pero magigising na lang ako sa realidad dahil maalala kong bakit ako magsisisi na nawala ka eh kahit kailan naman hindi ka naging akin.
0 notes
Text
Hello tumblr. How are you? Tagal na din mula ng huli tayong nagkamustahan. Tagal na din pala ng huli akong maglabas ng nararamdaman ko. Well,nandito ulit ako. Wala kasi akong masabihan ih. Alam mo ba,yung childhood crush at first love ko inadd ako sa fb. Huli namin kita nung umuwi ako sa Pinas 2 week ago. Malaki na pinagbago niya. Nagulat na lang ako isang araw bigla na lang siyang lumitaw sa friend request ng fb ko. Di ko alam kung magtatalon ako sa tuwa o sa magtatalon ako sa taka. Pagtataka na kung bakit niya ako inadd. Mula ng araw na yun di na ako mapakali. Parang umaasa ako na isang araw magchachat siya sa akin,keme keme. Hays! Halos araw araw ata tinitingnan ko kung may ol siya eh. Para akong tanga. Ahahaha.
0 notes
Text
Minsan naiisip ko na may mga bagay talaga akong pinagsisisihan na nagawa ko sa nakaraan ko. Na sana di ko na lang ginawa,di sana ganto ganyan. Tulad na lang nang nakilala ko siya. Naisip ko kung naging malakas lang sana ako,di sana nasa tabi ko pa din siya hanggang ngayon. Pero ganun ata talaga. May mga bagay na hindi pwede mangyari dahil magkaiba kami ng mundo na ginagalawan. Sadyang di lang siguro yun yung nakalaan.
0 notes
Photo

Nakakaiyak yung palabas sa SBS(JIBSSBS). 33 years old na yung babae,may butas pa yung ulo niya tas ganito pa nangyari sa kanya. Pasalamat talaga tayo kasi normal tayo. #세상에이런일이
0 notes
Text
Darating pala talaga minsan yung pagkakataon na mapapanaginipan mo yung taong minsang naging parte ng buhay mo. Yung taong madaming SANA at PAANO KUNG sa buhay mo. Yung taong tumatak sa isipan mo kahit sandali lang kayo nagkakilala. Kamusta ka na kaya? Naalala mo pa kaya ako? Napanaginipan kita kagabi. Nagkita tayo pero hindi maliwanag yung mukha mo. Siguro sa kadahilanan na sa realidad ng buhay eh di pa tayo nagkikita. Alam mo ba na pinagsisihan ko talaga ang pagkawala mo sa buhay ko. Masaya naman na ako sa kasalukuyan,pero madami pa din akong SANA at PAANO KUNG pagdating sa'yo pag sumasagi ka sa isip ko. Kuntento naman na ako ngayon sa kung anong meron ako,sadyang nanghihinayang lang talaga ako sa'yo. Kahit minsan sinasabi ko na lang sa isip ko na baka hindi din katotohanan mga sinabi mo sa akin noon,iniisip ko na lang na kasalanan ko naman. Alam mo minsan nangangarap ako na sana isang araw magkita tayo,magkasalubong,magkabanggaan. Yung tipong kahit magkaibigan lang ayos lang sa akin. Masabi ko man lang sa'yo yung mga bagay na di ko nasabi sa'yo noon. Maamin ko man lang sana sa'yo na gusto kita. Kahit malabo dahil magkaiba mundo natin,umaasa pa din ako na SANA.
0 notes
Quote
Hanga ako sa lahat ng magulang na piniling maging matatag para may makapitan ang kanilang mga anak. Sa hirap ba naman ng buhay, sa patong patong na problema na dumarating, pinipili pa rin nilang lumaban at lumakad para mapalapit ang kanilang mga anak sa mga pangarap nila. Lahat ng pagod, lahat ng luha, lahat ng sakit balewala lang sa kanila para sa mga pangarap ng anak nila.
(via dakilanggerlpren)
86 notes
·
View notes
Quote
Para kay Tatay,Sorry kung pakiramdam niyo hindi na ako yung batang inalagaan niyo ng maraming taon.Sorry kung hindi niyo na naririnig ang katagang “mahal kita” at puro sigaw at sagot nalang ang naririnig niyo mula sa akin.Sorry kung pinapakita ko na matanda na ako at hindi ko na kayo kailangan.Sorry sa lahat ng problema at disappointment na binigay ko sa inyo imbes na medalya at mga awards.Ang totoo po niyan mahal na mahal ko po kayo kahit ganito lang ako. Pasaway lang ako pero ang totoo niyan natatakot at nahihiya lang po akong aminin na kahit matanda na ako, kayo pa rin po yung kailangan ko.Sana mapatawad niyo po ako.
(via dakilanggerlpren)
75 notes
·
View notes
Text
Napanaginipan ko siya kagabi. Di ko alam kung bakit. Sa panaginip ko nandun daw yung saya kasi nakita ko ulit siya. Nagkausap ulit kami. Pero yung puso ko pilit na tumututol sa sayang nararamdaman ko dahil nandun yung panghihinayang. Nandun yung mga salitang SANA at PAANO KAYA KUNG. Pagkagising ko,dun ko naisip na may mga bagay pala talaga na kahit makalimutan mo ng panandalian eh maalala at maalala mo pa din. May mga bagay pala talaga na hanggang alaala na lang. Higit sa lahat,magsisi ka man wala ka ng magagawa . Dahil ang nakaraan ay nakaraan na. Pwedeng balikan pero di na pwedeng ulitin.
0 notes