MGA MODERNONG REPLEKSYON NG TAMANG PANGANGATWIRAN SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG PANITIKANG PREKOLONYAL
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Introduksyon
Mapapansin na sa panahon ngayon ay hindi nakalimutan ng mga Pilipino lumingon sa kanilang pinanggalingan pagdating sa pamamaraan nang pagpaparating ng kanila ng mga ideya. Ito ay makikita sa paglaganap ng mga social media posts kung saan nagbabahagi ang mga Pilipino ng kanilang mga sariling bersyon ng mito, alamat, epiko, kwentong bayan, awiting bayan, salawikain, at bugtong na may halong mga konseptong kontemporaryo. Ang mga ito ay mga uri ng literatura na nagmula sa panahong prekolonyal na naging tradisyon ng ating mga ninuno na siyang makikita pa rin sa kasalukuyan sa ating mga katutubo.
“Tamang tama lang, di ba?: Mga Modernong Repleksyon ng Tamang Pangangatwiran sa Pamamagitan ng Paggamit ng Panitikang Prekolonyal” ay isang Tumblr serye na koleksyon ng mga piyesang kontemporaryo ngunit isinulat sa uri ng prekolonyal na literatura. Ang mga piyesang ito ay nagbubunyag ng mga tema ng pagsunod sa tamang pangangatwiran ng isang indibidwal. Ito man ay maging sa ngalan ng pag-ibig sa o sa tamang pagkilos sa lipunan. Lahat ng aming napiling akda ay nakasentro sa paniniwalang moralidad na mayroong mga aral na mapupulot. Mahalagang bigyang pansin ang mga akdang ito nang dahil sa sitwasyon ng ating bansa ngayon kung saan laganap ang mga suliraning panlipunan. Ang mga mensahe na nilalaman ng mga piyesang ito ay angkop lamang na basahin nang dahil may katotohanan at aral itong nais ibahagi na pwedeng iakma sa ating araw-araw na gawain.
Ang mga akdang ito ay pinili ayon sa kriterya na kailangan base sa istruktura ng prekolonyal na panitikan at paggamit ng matalinghagang elemento. Bawat isang uri ng panitikang prekolonyal ay may sariling banghay, at may sariling porma. Naroroon pa rin ang aspeto ng panggagagad sa realidad.
Ang epiko ay isang uri ng patulang panitikan na kadalasan ay binabasa ng pakanta. Umiikot ang kwento nito sa isang bayani na may kakaibang lakas at kakayahan. Isa sa mga mahalagang katangian ng isang epiko ay ang parallelismo o nauulit na mga pangyayari sa kwento. Sa seryeng ito, ang palabas na Ang Probinsyano ang magandang halimbawa sa uring ito.
Bugtong naman ang tawag sa mga maiikling akdang gumagamit ng tugmaan at malalalim na talinghaga. Kadalasan, tulad ng mga pick-up line ngayon, gumagamit ito ng paghahambing sa mga bagay na may malalim na itinatagong kahulugan. Habang ang salawikain naman ay parang bugtong na mayroong tugmaan, ngunit mayroong aral na nais ipabatid.
Pagdating naman sa mga prosa, ang alamat, mito, at kwentong bayan ang pinakakilala. Alamat ang mga kwentong nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay gamit ang mga malikhaing kaisipan ng mga Pilipino habang ang mito naman ang mga kakaibang kwento kung paano nabuo ang mundong mayroon tayo ngayon gamit ang mga diyos at diyosa bilang mga tauhan. Panghuli, kwentong bayan naman ang tawag sa mga salaysay ng mga kwentong ipinapasa-pasa natin sa buong bayan. Ito ang mga uri ng akdang sumasalamin sa lipunan noon at ito ang mga uri ng panitikang nakikita parin natin hanggang sa ngayon.
Samakatuwid, ikinagagalak namin ang pagbisita niyo Tumblr seryeng ito. Naway, sana ay inyong ikatuwa ang mga akdang aming napili. Salamat at enjoy! (499 na salita)
0 notes
Photo
Kwentong Bayan.
Ito ay magandang halimbawa ng kwentong bayang nakaangkla sa lumang paniniwala na 'pagpag' sa modernong konteksto. Makikita parin ang mga elemento ng kwento gaya ng tauhan, banghay, at tagpuang 7-11. Nagsimula ito bilang isang ordinaryong araw na nabalutan ng kababalaghan kung kaya't tinangkilik ito ng marami at naging laman ng kwentuhan.
1 note
·
View note
Photo
Awiting Bayan.
Ang Magtanim ay Di Biro ay isang sikat na awiting bayan sa ating bansa. Laganap ang suliranin ng mahirap na estado sa buhay ng mga magsasaka. Ang tekstong ito ay isang bersyon ng Magtanim ay Di Biro ngunit inilahad nito ang hindi makatarungang pagpatay ng mga magsasaka sa Negros. (49 na salita)
0 notes
Photo
Alamat.
Ito ay isang magandang halimbawa ng mga modernong alamat na mayroong satirikal na komedya ngunit ang istruktura nito ay sumusunod sa karaniwang banghay ng alamat na nagsasaad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. Sa konteksto ng kwento, binanggit ang kabuuan ng mga taong kanser na sumasakatawan ng hangal na kaisipan. (48 na salita)
0 notes
Photo
Mito.
Ito ay isang kontemporaryong akda tungkol sa pag-iibigan ni Sidapa, diyos ng buhay at kamatayan, at Bulan, diyos ng buwan. Bukod sa paggamit ng mga diyos na makapangyarihan bilang mga tauhan, maituturing itong mito dahil sa tema nitong nagsasalaysay ng pinagmulan ng pag-iibigan ng magkaparehang kasarian o homosexuality. (48 na salita)
1 note
·
View note
Photo

Salawikain.
Nakatatawa man ang kasabihan, sumusunod ito sa sintaksis ng salawikain dahil sa paglahad nito ng mensahe at aral, at sa tugma nito. Sa kasalukuyan, ang pasulong ng peminismo ang paksa ng karamihan sa literatura. Maganda itong halimabawa dahil naaangkop ang pagiging nito ang aral na magbigay respeto sa mga babae. (50 na salita)
0 notes
Photo

Bugtong
Ang mga pick-up line na tanyag sa kapanahunan ngayon ay masasabing modernong bugtong dahil kinakailangan pa rin ng mambabasa alamin ang nakatagong kahulugan sa maikling akda. Madalas ginagamit ang kalikasan bilang basehan ng inihahambing sa kahulugan. Dito ay inihahambing ng manunulat ang wagas niyang pagmamahal sa kanyang iniirog sa kadiliman. (50 na salita)
0 notes
Text
youtube
Epiko.
Ang Probinsyano ay isang teleserye tungkol kay Ricardo Dalisay at ang kaniyang pakikipagsapalaran. Masasabing ito ay isang modernong epiko dahil ito ay nagsalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa modernong panahon. Si Cardo ay isang pulis na nagtataglay ng kakaibang lakas at kakayahan na hindi matalo-talo ninuman. (47 salita)
0 notes
Text
Magandang araw sa iyo! Ikaw ay aming binabati sa aming website na pinamagatang Hulagway: Mga Mukha ng Kontemporaryong Panitikan kung saan dito mo makikita ang mga napili naming limang akda na sa tingin namin ay mga magandang halimbawa ng modernong panitikan sa Pilipinas. Naway ikalugod ninyo ang mga akdang aming napili at makita ang kahalagahan ng bawat isa nito. Salamat!
0 notes
Text
Akda # 1: Birdshot (2016)
Ang pelikulang Birdshot sa direksyon at panulat ni Mikhail Red ay isa sa mga pinakamahalagang akda na naisulat sa dekadang 2010 nang dahil sa karamihan sa mga temang nakapaloob dito ay nagpapakita ng mga suliraning panlipunan, lalo na ang masaklap na kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas. Maliban dito, masasabi ring matalinghaga ang mga naisulat na diyalogo sa buong pelikula at malinaw rin ang pagkakasaad ng kwento na naayon sa karaniwang banghay, kaya’t ito ay masasabing makabuluhan sa kotemporaryong panitikan.
Akda #2: Para Kay B (2008)
Sa nobelang Para Kay B ng henyong si Ricky Lee, makikita ang mga bagong konsepto ng pag-ibig - pag-iibigan ng magkaparehang kasarian, ng magkapatid, ng mga kababaihang malayo sa ideyal na mahinhin at dalisay, at pag-ibig na bumubuo ng bagong reyalidad upang mapunan ang sariling kasawian. Sinasalamin nito ang klase ng lipunan at kaisipang umiiral sa panahon natin ngayon. Ang kakaibang estilo ni Lee sa pagtatagpi-tagpi ng mga kwento ang nagbigay ng bagong mukha sa kontemporaryong panitikan.
Akda #3: Sino ang Nagnakaw ng Nunal ni Gloria? (2007)
Ang tula ni Reyna Mae Tabbada ay tungkol sa korapsyon at sensura sa Pilipinas. Higit labindalawang taon nang nagmula isinulat ang tulang ito ngunit may kaugnayan pa rin to sa lipunan natin ngayon. Lahat ng mga suspek na ninakaw ng nunal ni GMA ay yung mga manunulat, estudyante, o kahit sinoman may boses. Puwede nating sabihin na hindi pa rin nagbago ang problema ng Pilipinas; korupsyon sa gobyerno at ang pagbanta ng mga tao sa gobyerno patungo sa kasarinlan ng mga pahayagan. Alinsunod sa extrajudicial killings, kailangan nating mas bigyang diin ang mga pangyayari sa ating bansa.
Akda #4: Parating Palayo (2018)
Ang Parating Palayo ay isang spoken word poetry na isinulat ni Juan Miguel Severo. Tumutukoy ang tula sa kung gaano kalungkot ang pag-ibig, kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal, at kung gaano kahalaga ang mga alaala natin sa kanila. Sinasalamin nito ang mga emosyong mararamdaman mo sa pagkawala na iyong sinisinta. Ang mga gawain ni Severo ay naiibang panitikan sa panahon ng kontemporyaryo nang dahil sa pagkapuro ng emosyong nilalaman ng kaniyang mga akda.
Akda #5: Bakla: Baka Akala Lang Ang Lahat
Isa sa pinakabinibigyang importansya ngayon sa kontekstong kontemporaryo ang karapatang pantao. Sa pagsusulong nito, naiuusad din ang unti-unting pagtanggap sa usaping kasarian o ang komunidad ng LGBT ngunit hinaharap pa rin sila ng diskriminasyon. Naging laganap ang mga temang ito sa kontemporaryong literatura ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang tula ni LangLeavLife na Bakla: Bakla Akala Lang ang Lahat kung saan kanyang ipinalabas ang kanyang mga saloobin sa buhay ng pagiging bakla.
0 notes
Text
Birdshot (2016)
“Naku, bilog na naman ang buwan. Alam ba ninyo kung ano ang kasabihan tungkol sa bilog na buwan? Sa unang gabi raw na bilog ang buwan, doon naglalabasan ang mga kaluluwa o espiritung hindi natatahimik. Kailangang makinig ka sa kanila. Kung hindi mo sila pakikinggan, isang buong linggo silang magpaparamdam habang bilog ang buwan.”
- sabi ni Lola kay Maya, sa direksyon ni Mikhail Red
pinaghanguan:
Reyes, P. (Producer), & Red, M. (Director). (2016). Birdshot [Motion Picture]. Philippines: PelikulaRED.
0 notes
Text

Para kay B (2008)
"Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong k, umiibig ka."
mula sa akda ni Ricky Lee
pinaghanguan:
Catan, A. (2016, August 29) Para Kay B. Retrieved from: https://angellimonique.wordpress.com/tag/para-kay-b
Lee, R. (2008). Para Kay B. Quezon City: Writers Studio Philippines.
0 notes
Text

Sino ang Nagnakaw ng Nunal ni Gloria? (2007)
"Ang nunal ang panghatak sa bawat kusing, bawat turon sa kalye, bawat nakasampay na panty, bawat alkansya sa ilalim ng bintana, at kahit na sa bawat utak ng mga taong ginagawang food stub ang balota."
mula sa akda ni Reyna Mae Tabbada
pinaghanguan:
Badayos, U. (2018, July 24). Filipinos fill in the blanks of muted House tug-of-war through memes. Retrieved from: http://www.interaksyon.com/breaking-news/2018/07/24/131118/filipinos-fill-blanks-muted-house-tug-war-memes-arroyo-alvarez/amp/
Tabbada, R. (2007, August 26). Sino ang Nagnakaw ng Nunal ni Gloria. Ang Inilathala ng Bulatlat. Retrieved from: https://www.bulatlat.com/2007/08/25/sino-ang-nagnakaw-ng-nunal-ni-gloria/
0 notes
Text
youtube
Parating Palayo (2018)
ni Juan Miguel Severo
"nagmahal ako minsan ng mga paa na parating naglalakad papalayo,
ng mga sigarilyong nagkokorteng bagong tasang lapis
ng buhok na animo'y kurtinang hinahangid sa kaniyang mga mata
ng mga mata na sumisingkit sa mga titig sa pahina ng libro,"
pinaghanguan:
Severo J. (2018) Parating Palayo. Quezon City: Polyeast Records Corporation.
0 notes
Text


Bakla: Baka Akala Lang Ang Lahat
"Bakla. Bakla. Bakla.
Paano ka ginawa? Ginawa ka ba para pagtawanan ng madla?
Madlang walang ginawa kundi apakan ang iyong pagkatao,
Pagkataong pilit hinuhulma, nilililok, binubuo para magkasya sa lipunang ito,"
mula sa akda ni LangLeavLife
pinaghanguan:
Behrends, J. (2017) Pansy & Bittersweet. Retrieved from:https://www.pride.com/art/2017/7/17/teens-queer-art-was-deemed-inappropriate-his-school-and-his-clapback-was-perfect?amp
LangLeavLife. (n.d.) Bakla: Baka Akala Lang Ang Lahat. Retrieved from: https://www-wattpad-com.cdn.ampproject.org/v/s/www.wattpad.com/amp/496821909?amp_js_v=a2&_gsa=1&usqp=mq331AQEKAFwAQ%3D%3D#aoh=15682990030650&referrer=https%3A%2F%2Fwww.google.com&_tf=From%20%251%24s&share=https%3A%2F%2Fwww.wattpad.com%2F496821909-spoken-word-poetry-tagalog-compilations-bakla-baka
1 note
·
View note