Tumgik
tayonangtumaba · 2 years
Text
Isa talaga sa binabalikan namin itong TROPICAL HUT HAMBURGER. Laging nostalgic pag umeentra ka dito.
MASARAP?
1 Rice Spring Chicken, 2 pc Burger Steak, Rancho-Ranchero, Fish Fillet, at Halo-halo with one scoop of ice cream.
mamee: Kakaiba yung Spring Chicken, sa kanila lang talaga yung pinirito yung chicken pero malasang malasa. Malambot pati yung white meat gusto ko siya eh lagi ko pa naman binibigay kay dadee 'to, pero ito malinamnam. Yung Burger Steak nila hindi tinipid, hindi naman maalat at sakto yung timpla. Sobrang fave ko yung Fish Fillet, lagi ko inoorder 'to at bagay na bagay pa yung salad fresh na fresh yung taste. Yung tar-tar sauce naman talaga yung nagdala dito, love it!
dadee: Akala ko talaga dry yung chicken pag unang tingin pero nagkamali ako dahil pag kagat mo, magdidimot si mamee na kagatan mo pa ulit. Malinamnam, lasang lasang yung flavor, at walang tapon, simo't sarap hanggang buto. Burger Steak was ok, nothing particular basta ok naman sya at yung sauce. Medyo matamlay sa Rancho-Ranchero at nawalang silbi yung patty na wala ako nalasahaang beef, parang meat na pinatong sa tinapay. Ok din naman yung combo nya na fries, hindi maalat, at malutong. Ayos din sa akin yung Fish Fillet, tama nga si kumander yung tar-tar sauce ang nagdala. Sarap ng halo-halong may kasamang flavorful na ube ice cream. Jive lahat ng halo nya at boom sa lasa.
MAGKANO?
mamee:
159 - Spring Chicken
99 - Burger Steak
148 - Rancho-Ranchero Meal
145 - Fish Fillet
71 - Halo-halo
Total of 622
Para sa akin sulit. You get your money's worth.
dadee: Hindi sya affordable. Pricey kasi hindi naman lahat sakto yung presyo nya sa lasa, special mention yung burger. Mixed pa din naman yung presyo so puwede ka naman mamili ng swak sa budget mo.
LUGAR?
Tropical Hut CCP Complex, Pasay kami na-uwi.
mamee: Ganun pa din yung ambiance nya, parang lumang resto. Tuwing papasok ako para kang bumabalik sa pagkabata mo. Okay naman sa linis dito at accessible para sa mga naglilibot dito.
dadee: Mula noon hanggang ngayon ang feeling mo pag kumakain ka dito. Kung anu sya noon, yun pa din ngayon. Napapanatili pa din naman nila yung kalinisin dito. Nothing particular sa crew, as in waley. Love it na andito pa din sila sa lugar na binbalikan lagi ang ating kultura.
Tumblr media
0 notes
tayonangtumaba · 3 years
Text
dadee's first try on doing ramen. liked it!
https://www.instagram.com/p/CJXP08QhV0C/?igshid=3h2gp4kj0ozn
Tumblr media
0 notes
tayonangtumaba · 4 years
Text
0 notes
tayonangtumaba · 4 years
Text
instagram
0 notes
tayonangtumaba · 4 years
Text
Diet diet din kunwari paminsan minsan kaya nag try kami nung Chicken Caesar Salad ng S&R New York Style Pizza Delivery...
0 notes
tayonangtumaba · 4 years
Text
Sumubok kami ng Banana Charlotte Cake sa Kumori Philippines, naakit si mamee sa pagiging sunflower nya.
0 notes
tayonangtumaba · 4 years
Text
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Photo
Tumblr media
MASARAP?
mamee: HINDI. Matamis masyado. Nasobrahan sa tsokolate or di lang talaga ko mahilig sa chocolate flavor.
dadee: Yes matamis masyado, yes choco na chocolate. That’s why I like it :) Yun lang, walang creaminess at kahit sa moderation of it’s sweetness dahil after all, not all tastes are the same.
SAAN?
Kumain kami sa Burger King Cubao. Finally meron din available pero after na nung promo nila. hahaha!
MAGKANO?
mamee: Puwede na sa presyo nya or sa mga taong mahilig sa matamis.
dadee: Sabi nga nila, “keribells”
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The TapsiShop Cainta The usual naghanap naman kami ng something new sa Pasig, my na-recommend sa'min kaso sarado na sila, after thorough search sa net, meron naman pala sa Cainta. MASARAP? Nalafang kami ng famous Kingsilog - Tapa, Buffalo wings with add on Lechon Kawali. mamee: YES! Lahat nagustuhan ko. Yung buffalo wings na pinoy style at yung lechon kawali malutong na malambot di mahirap kagatin para sa tulad kong may bakal sa ngipin. hahaha! dadee: Masarap naman yung tapa pero hindi nag-stand out. The best yung lechon kawali kaso asan po yung sawsawan na sauce or mang tomas sana, mas masarap. Wala din dun sa mga condiments. Buffalo wings na kinulayan at itlog na parang tuyo’t pa sa disyerto. Yung totoo po kelan nyo pa ‘to pinirito? at kanin na sinlamig ng madaling araw... SAAN?
59 A. Bonifacio Ave, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal (near Cainta Municipal Hall)
Opens 11 am to 12 mn
mamee: Lugar hmmm ok nman. Di nman mukang madumi. Kahit malapit sa kalsada di nman mausok (gabi kasi kami napunta). Hahahaha pero balik tyo don, for sure.
dadee: Ayos naman sa tapsihan. Sakto lang daanan ng tao. Madaling tagpuan kasi along the way. MAGKANO? mamee: Mura lang at sakto sa pagkain yung presyo. dadee: 120 lang para sa 2 fried rice, 2 itlog, 1 tapa, 1 buffalo wings, at add on 15 pesos lechon kawali. Not bad right?
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Eat Fresh - Famous Hong Kong Street Food
It was my nephew’s birthday and they wanted something new and fresh, mahilig din naman yung pamangkin ko sa Asian food, at galing pa silang province. We found this place on Google.
MASARAP?
Kumain kami ng Hong Kong Style Fried Noodles, Taosi Spareribs, Special Fried Rice, Fishballs, Big Isaw (Pork Intestine), Odendama Balls, Fish Tofu, Breaded Scallop, Fresh Apple Juice, Fresh Pineapple Orange Shake, Chopsuey, Chicken with Mushroom, Beef Brisket, at Butter Fried Chicken. (may mga na order pa silang iba)
mamee: Ok sa akin yung beef brisket lumasa naman yung baka at malambot sya. Ayus din naman yung crispy noodles na naglasang pansit, haha!. Yung isaw kadiri yung lasa parang hindi masyado nalinis. Sakto lang yung shake, nothing extravagant about it kundi malaki lang ang lalagyan nya. All in all, kain na lang tayo sa iba?
dadee: Kumain na lang sana kami sa Chowking. I always based it kung gaano kamahal ang price ng food mo, ganun din dapat kasarap hinahain mo. Sample, kumain ka kay manong na naglalako ng mami sa kalsada, wag mo expect na napaka-linamnam ng sabaw, at umaatikabong masarap na pagkain. Inaayon ko ang lasa sa worth nya. I don’t know kung sobrang sumikat na sya kaya maraming na-kain at di nila name-maintain yung food or it was just a bad day for them.
SAAN?
Little Baguio J. Abad Santos St. cor Biak na Bato St., San Juan City., Jose Abad Santos, San Juan, Metro Manila, Philippines (click source for Google Map)
mamee: Mukhang carinderia, magulo, at madumi. Walang customer service, ilang beses na kami nagpapa-abot ng spoon at fork, super tagal, at mag aadditional kami ng order pero parang ayaw pa nila.
dadee: We really had a bad experience with this kainan. Ang style nya kasi parang harap ng bahay nila na na-convert into a restaurant. In a resto with a service charge you would always expect na magalang at maayos dahil may bayad, pero kahit sa turo-turo o yung magtataho, nagbibigay pa din ng ganung serbisyo dahil pakikiharap yun sa tao at pagpromote na din sa binebenta mo. WALA akong nakitang kahit katiting ng courteousness or ano mang customer service. Wala nga ako nakitang nakangiti man lang. Yung lugar expected mo na bahay style so yung porma parang bahay, asa kabilang table lang yung mga kubyertos at mga plato. Sana nga self service na lang at least hindi ka na mag-aask ng mga utensils or pupunta ka na lang sa harap para umorder. Ang labas kasi parang nagmamaka-awa ka pa para umorder. Hindi naman ganun kadami ng tao, at marami naman ang mga servers pero nagdadaldalan lang naman.
MAGKANO?
mamee: Not worth it. Sobrang mahal. Ito yung literal na pera-normal-activity. Umorder ka pero hindi mo alam napamahal ka na pala.
dadee: Napansin ko naman; hinihintuan naman sya ng mga naka-kotse pa, may mga kumakain naman, o dahil malapit lang sya sa residential area ng San Juan, at yun lang yung choice nila for that kind of food? One thing na tinatanong ko kung bakit hindi worth it yung ibabayad mo kundi sa lasa ng pagkain mo. Kahit gaano kapangit yung lugar o kahit walang customer service kung masarap pagkain mo, yun ang worth ng resto mo.
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
#Gogomami - my SIOmy
This has been making a buzz in to our circle of friends at ang daming nagsasabi napakasarap.
Dinayo pa talaga namin ito dahil worth a try?
MASARAP?
Natikman namin ang Beef Wanton Mami Special, Batangas Lomi, Sizzling Tapsisig, at ang pinaka sikat na Siomai.
mamee: Gustong gusto ko yung wanton kasi beef na beef ang lasa at macocompare mo yung lasa sa Chowking. Hindi sya ordinary wanton na mabibili sa mamihan na kapag binuksan yung sabaw mabango pero hindi naman masarap. Ito kakaiba talaga. Akala ko matamis yung tapsisig pero kakaiba yung lasa, it’s not your ordinary tapa, may twist to na alat at lasa yung pagka sisig. Ginalingan talaga sa siomai dahil sa kakaiba nyang sauce, masarap pati yung chilli sauce. Mas sasarap pa sana kung malambot pa yung siomai, mahilig kasi ko dun sa natutunaw sa bibig at mainit na mainit.
dadee: Lahat yata ng sasabihin ko dito puro masarap. Yung higop pa lang ng sabaw ng wanton, ramdam mo na yung mainit at malinamnam na lasa nung baka. Hindi pa kasi ko nakakatikim ng totoong Batangas Lomi, pero kakaiba yung mix nila kumpara sa usual na lomi, nakukulangan nga lang ako sa lapot. Extraordinary yung Tapsisig nila, para sa akin isa ito sa mga babalikan ko. Walang masyadong extenders gaya ng ibang puro sibuyas o sili na lang. Malambot yung tapa at nalalasahan mo lahat ng flavors nya with a sisig twist, at yung halimaw sa lahat eh yung Siomai na may kakaibang sauce, walang panama ang mga sikat na siomai dito. Usual na hindi ako kumakain ng bawang pero ansarap nung garlic, na parang may oyster sauce, mixed with soy sauce, and a pinch of calamansi yung siomai sauce. Yun talaga ang nagdala dun. The beast of the best!
SAAN?
102A Macy’s St., Bloomingdale Subdivision, Brgy. San Pedro, Angono, Rizal (click source for Google Map)
mamee: Accessible yung lugar dahil malapit sa market at Parko ng Angono. Malayo nga lang sa kagaya nating taga Manila. Welcoming yung mga tao, at super friendly. Daming upuan para sa lahat, at malinis yung lugar.
dadee: Presko yung lugar, at daanan ng tao. Nakakatuwa na mismo yung may ari ang nagluluto, nagseserve, at nageentertain. Meron pa nga silang Free WIFI, at free use of selfie stick. Kung taga Angono kami, araw araw siguro ko kakain dito. Puwede kang kumain sa loob at kung on the go, mag take out sa labas ng food cart nila. Hihintayin namin yung pagbabranch out nyo sa Manila!
MAGKANO?
mamee: 200+ lang ang bill namin sa dami naming nakain! Sobrang sulit ng pagkain dito. Literal na mura na at napakasarap.
dadee: Ang daming mapagpipilian na kainin, meron din silang lutong ulam at dessert, sa presyong abot kaya. Sulit na sulit yung pagpunta namin kahit napakalayo sa amin. Mabubusog ka sa sarap, sa murang halaga. Hindi kami nabigo, it was worth it!
Andito sila FB: https://www.facebook.com/gogomami.angono/
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Video
eating at the moment :)
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Bean Freeze - Frappe Blends
I’m not a fan of coffee but this day I badly needed one. Nadaanan lang namin to sa Gateway. Sakto!
MASARAP?
We ordered Salted Caramel, Choco Banana, and White Choco Chip
mamee: Gusto ko yung pagkaka-blend nila. Masarap yung Salted Caramel, kaso parang naglasang corn syrup ng slight. Yung Choco Banana naman sakto sa panlasa ng mga bata, at nagustuhan naman nila.
dadee: Nakakatuwa na meron silang non based coffee para sa gaya ko na walang hilig sa kape :). Ang kaso I needed to stay awake so yung White Choco Chip eksakto lang sakin. Hindi ko man lang nalasahan yung kape, but the whip cream is a little off though.
SAAN?
South Entrance, Araneta Center, Aurora Boulevard, Cubao, Quezon City.
Pagkagaling mo ng MRT station, baba ka lang ng escalator sa gawi ng mga ATM.
mamee: Ayoko ng crowded place, kaya nakakatuwa na hindi sya ginagawang tambayan.
dadee: Andami kasing coffee shop na gusto ata nila magtira na sa pagkakape nila, hahaha! Cozy yung place at accessible. You can do take out or just chill inside, and I also like the concept of the hanging frames.
MAGKANO?
mamee: Worth it ang pagbili mo dahil sa affordability ng price, bukod dun masarap pa sya.
dadee: It’s really amazing that in the middle of the busy commuters and the high demands of coffee, this store still sells an affordable yet excellent taste of coffee and frappes.
I hope they can claim this FB page: https://www.facebook.com/pages/Bean-Freeze-Gateway/1730751250531844
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kamicos
We are super fan of mexican food! so, why not try this mexican resto in eastwood? Nadadaanan lang kasi namin ‘to kapag nanunuod ng sine.
MASARAP?
We tried the Kamicos Platter with 1 Pizzadilla, 2 Tacos, and 2 lemon tea
mamee: parang lasang sunog yng beef ng taco, at hindi mexican like yung taste para sa akin, but I do like the Pizzadilla, tastes like shawarma. hahaha.
dadee: hmmm. Napakahirap i-compare nito sa mga ibang mexican resto na nakainan na namin. We also love taco bell which is the best taco for me so far. For me, putting up that sign, should mean something and sadly it didn’t live up to it. The tacos was not that great, and the only thing I can remember is a different taste of it’s beef which lacks the whole taste of the taco, it’s good though but not the best. The Pizzadilla lacks flavor with too many bell peppers, sabi nga ni mamee naging shawarma pizza instead of a real Pizzadilla.
SAAN?
Unit B306, 3rd Flr. Citywalk 2, Eastwood, Quezon City
mamee: Hindi comfy, saka hindi din pansinin yung pwesto. May mexican look naman yung place.
dadee: Kami lang yung kumakain that time, at daanan sya nung mga tao. Welcoming naman para sa akin yung place, well lit, and appealing yung colors nya. Accomodating naman yung mga tao.
Madali lang puntahan kung kabisado mo na yung Eastwood kasi sa Citywalk lang sya.
MAGKANO?
mamee: Sobrang mahal nya. We could eat in other mexican resto na 499 ang price pero sobrang busog na natin.
dadee: it’s way too pricey. hindi talaga akma yung presyo nya sa pagkain nila.
FB page: https://www.facebook.com/kamicoseastwood/
0 notes
tayonangtumaba · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Cucina di Francesco this is a hidden sanctuary for foodies who likes italian. We visited mamee at her work place then word of mouth she found this! Lagi nya kinukuwento 'to kesyo masarap daw. :) MASARAP? mamee: The only thing I can remember sa bruschetta eh maasim sya, pero authentic yng taste. Never ko naman na-imagine I would like the Vangole Bianco kasi ayoko ng organic taste pero I love it! Messy kainin yng Carbonara dahil malabnaw yng sauce feeling mo sopas na, pero creamy sya at masarap. Gilid lang yng kinain ko sa pizza pero masarap sya. (ayaw po nya ng olives at anchoives, pinagbigyn lng nya ko). All in all, ansarap kumain at uulit talaga tayo :) dadee: there is something missing with the bruschetta, I don't know if it is my taste buds o nakukulangan ako (we ordered the one topped with tomatoes), pero tomatoes really tastes fresh. Gustong gusto ko yung hand tossed Siciliana Pizza, really really like the anchovies the way it tasted on the thin crust and collaborates with the mushrooms and olives. Vangole Bianco was superb! I could not ask for more! Carbonara was just the same old same old, but we will definitely go back here for more! SAAN? Cucina Di Francesco, Eulogio Rodriguez Jr. Avenue, Quezon City, NCR, Philippines (click source for Google Map) mamee: simple at tahimik yung place. puwedeng puwede sa mga intimate dates. Malapit lang sa simbahan ng St. Pio dadee: very solemn yng location kasi malapit sa St. Pio Church, mapapansin mo lang siguro 'to kung magsisimba ka. nakaka tuwa na hndi mo aakalain na may ganung kainan sa sulok na yun. I like the atmosphere inside, simple at light lang, parang relax, chill lang, at enjoy ang food. Masarap makipag date :) 😘 MAGKANO? here's their FB page: https://www.facebook.com/CucinaDiFrancesco/ mamee: worth it yung price. di mo aakalain na a fine dine resto would be that affordable. dadee: what can I say? ilove the place, ilove the food, and ilove how these kind of resto na makakakain ka ng masarap ayon sa lasa ng pagkain nya ang presyo. Marami kasing nagsulputan na resto na mahal na nga di pa masarap yung food. this one have it all!
1 note · View note
tayonangtumaba · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
MILKCOW Premium Organic Soft Serve Ice Cream
i love ice cream, and while in megamall why not try this?
MASARAP?
mamee: masarap naman, and the macaron taste great. (she chose tequila rose)
dadee: i’m not a fan of soft serve pero this one is super creamy and stays on your mouth. i like almonds but i guess it’s too nutty.
SAAN?
4/F SM Megamall Bldg A, Bridgeway, Ortigas, Mandaluyong (click source for Google Map)
Nagtake out kami kaya di namin na experience ang ambiance, but it was just few tables and chairs at maliit lang yung lugar.
Mapapansin mo sya agad kasi odd looking at nakaka attract, pero madami din akong napansin na tinignan lang yung menu at lumabas din.
MAGKANO?
mamee: expensive. worth a try but will never try again for the price
dadee: not budget friendly. i would say worth yung taste nya sa price kung hindi ganun ang presyo
Check their site: http://www.milkcow.ph/
0 notes
tayonangtumaba · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
MASARAP? mamee: masarap yung burger kahit walang mayo or special sauce (referring to other burger joint) gusto ko kasi wala pickles at masarap mustard nila, the buffalo wings, ayos lng, pero not that good, and fries, hindi ganun kasarap dadee: ayos naman yung burger, it fits on its price, i like that there's a little bit of butter taste, and lettuce is really fresh. buffalo wings and fries - parehong kulang. hndi mo man lng matikman yung cheese ng fries at kulang na kulang ang flavor ng chicken. SAAN? Quinto Sr. St. Sampaloc, Manila (click source for Google Map) mamee: bahay lang sya. nakakatuwa, may garden pa sa loob. dadee: comfy yng place at friendly yung mga tao. accessible din kasi malapit lng sa G.Tuazon. MAGKANO? mamee: mura naman. dadee: affordable naman pero hopefully they would improve their food more, para it's really worth paying it.
0 notes