Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
8.8.2023 | 1:23 PM
Grabe antagal na nung huli akong napadpad rito sa Tumblr. Sobrang nostalgic lalo na nung nabasa ko 'yung ilang posts ng highschool crush kong crush na crush ko maygahd! HAHA. Anyway, ito, nasa huling taon na ako ng kolehiyo. Looking back, na-realize kong pangarap ko lang noon kung nasaan ako ngayon -- sa UPLB, sa kursong gusto ko noon pa 'man, running for Latin honors, and syempre, sa estado ng aking lablayp hihi (yes, di na ako single whahaha).
Napakahalaga pala talagang mangarap nang malaki. Hindi magiging madali pero ganoon talaga, kailangang pagsumikapan lahat ng mga bagay na gusto nating ma-achieve. Sobrang fulfilling naman kapag nagawa natin :>. Wala ring imposible kahit kung sa tingin mo ngayon eh mukhang walang katapusang bundok ang kailangan mong tawirin. Sabi nga ni Paulo Coelho sa libro niyang The Alchemist, "And, when you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it."
Ay siya, ito muna sa ngayon!
1 note
·
View note