Tumgik
teamparacetamol · 6 years
Text
Puedepende
vimeo
Puedepende from Allen Costa on Vimeo.
Sa aking labing walong taon sa mundong ito, natutunan ko na ang lahat ng bagay ay puede, maging usapang pagmamahal. Puede mong gawan ng paraan, puede mong pagsikapan. Ngunit hindi lahat ng puede ay maaaring manatiling matibay hanggang dulo. Marami pa ring mga katanungan na ang sagot ay depende. 
Gaya ng pagmamahal, hindi mo alam kung kailan ito darating o kailan ka magiging handa, ngunit kailangan mong pag-isipan kung tama ba o mali, kung kaya mo o hindi. Natutunan kong hindi mo kailangan sumang-ayon palagi sa takbo o mga tanong ng mundo, kinakailangan mo lang maging sigurado sa mga bagay.
Akala ko dati, handa ako magmahal. Akala ko handa na akong sumugal sa laro ng pag-ibig. Noong dumating ‘yon, nagkamali pala ako. Hindi pala ako handang sumugal, hindi ako handang makipaglaro. Ang dating iniisip ko lang kung paano mangyayari ay nagkatotoo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinabi ko sa kanyang bahala siya dahil hindi ako sigurado. Puede naman ‘eh, pero depende. 
Iniisip ko ngayon kung nagkamali ba ako sa pagsasabi sa kanyang hindi pa ako handa, pero eto na ngayon. Napagtanto kong tama ako. Naniniwala ako na kung para sa akin talaga, babalik naman o darating sa tamang panahon. Alam kong hindi ito ang panahon upang magmahal ako o ialay ang pagmamahal ko para sa iisang tao. Hindi ko dapat basta basta na lamang ibigay ang oo ko sa isang bagay na wala akong kasiguraduhan. 
Kasiguraduhan. Maraming bagay sa mundo ang walang kasiguraduhan. Ito ang rason kaya’t kailangan mong pagsikapan at pag-isipan ang lahat. Kinakailangan mong bumwelo o mag-isip. Hindi dahil sinasabi ng mundo sayo na ganon ang gawin mo ay susundin mo na. Sundin mo ang takbo ng puso mo. Naniniwala na ako na hindi dahil nasa harap mo ngayon ang kakaibang pagkakataon ay dapat na itong mangyari. Puede naman ang lahat. Nasa iyo ang kasagutan.
2 notes · View notes
teamparacetamol · 6 years
Text
urong, sulong sa baguio!
vimeo
Urong, Sulong sa Baguio! from Anna Marie on Vimeo.
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Sintesis
Sintesis: Epekto ng K-12 Curriculum sa Pag-aaral
ni: Anna Marie L. Patdu
         Ang K to 12 Program ay isang learning scheme na programang ginagamit na ng mga kanluraning bansa bilang modelo ng pag-aaral. Noong 2013, pormal na itinalaga at ipinatupad ng ating dating pangulong Benigno S. Aquino III ang edukasyong K to 12 sa bansa ng Pilipinas at mula noon hanggang ngayon ang Department of Education (DepEd) ay ang namamahala ng edukasyong ito. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong paaralan, at regulasyon para sa pribadong paaralan. Ang edukasyon bago ang K to 12 ay binubuo ng sampung taong basic education; anim sa elementarya at apat naman sa high school ngunit noong maipatupad ang K to 12 nadagdagan ng dalawa pang taon ang edukasyon ng mga bata; ang senior high school. Ang K - 12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo. Ito ay programang ipinatupad na naglalayong tulungan ang mga bata at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa Asya, kundi pati na rin sa buong mundo. Ang pagpapatupad sa programang ito ay nagkaroon ng samu’t saring reaksyon, ang iba’y natuwa at ang iba naman’y hindi, sa tekstong ito pagtutuunan ng pansin ang layunin ng programang ito at ang positibo at negatibong epekto ng K-12 Curriculum sa Pag-aaral.
         Ayon sa mga opisyal at mga tao na pabor dito ay makakatulong ito upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ating bansa (Nolasco, 2016). Ayon sa isang blog na isinulat ni Tecson noong 2014, para sa pamahalaan layunin ng programang K to 12 pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang ekonomiya ng ating bansa at layunin din nito na mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho. Layunin ng  K - 12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior high school pa lamang, maaari ng makakuha ng certificate of competency level 1 kailangan lamang ay maibigay ang mga kailangan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa senior high school, level 2 naman ay maaari na silang magtrabaho matapos ito (AKOAYPILIPINO, 2012). Sa isang website isinaad na ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad, pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo (Villar).
         Ang pagpapatupad ng programang ito ay mayroong mga positibo at magandang layunin o epekto sa pag-aaral. Ayon sa website ng official gazzete, mayroong anim na kapansin-pansing pagbabago sa Sistema ng edukasyon. Una na rito ay ang pagpapatibay ng maagang edukasyon. Sa limang taong edad ng isang bata maaari na itong magsimulang mag-aral at maaari nang sumunod sa pormal na edukasyon. May mga pananaliksik na nagsasabing ang mga kabataang nagsimula ng maaga at pumasok sa isang kindergarten ay ang mayroong mga matataas na competency at ang mga batang ito ay nasabing mas handa sa primaryang edukasyon. Isa pang pagbabago ay ang paggawa sa curriculum na may kaugnayan sa iba, halimbawa ang mga kanta, tula, kwento, nobela, kultura, kasaysayan at realidad, ang mga ito ay nagbibigay kaugnayan sa mga mag-aaral kung kaya’t madali itong naiintindihan. Pangatlong pagbabago ay ang Mother Tongue-Based Multilingual Education, sinasabi rito na ang mga mag-aaral ay pinakamabilis at madaling natututo sa pamamagitan ng kanilang unang lengguwahe at maliban sa Mother Tongue, ang ingles at Filipino rin ay itinuturo na mula grade 1 hanggang sa ito na ang gamiting primaryang lengguwaheng gamit sa pag-aaral. Pang apat ang spiral progression, kung saan ang mga asignatura ay itinuturo mula sa pinasimpleng konsepto hanggang sa pinakakomplikadong konsepto. Sunod na kapansin-pansin ang paghahanda para sa inabukasan (senior highschool), ang senior highschool ay ang karagdagang dalawang taon ng dalubhasang pag-aaral o edukasyon na base sa kakayahan, interes at kapasidad ng paaralan. Mayroong pitong core curriculum ang senior high school; Languages, Literature, Communication, Mathematics, Philosophy, Natural Sciences, at Social Sciences at mayroon itong tatlong tracks: Academic, Technical-Vocational-Livelihood, at Sports & Arts. Sa Academic mayroong tatlong strand na maaaring pagpiliian; Accountancy Business & Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) o Humanities, Education, Social Sciences (HESS), at Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM). Ang mga mag-aaral ay sumasailalim sa isang work immersion kung saan maraming oportunidad na maaaring kumita at matuto habang nagtatrabaho upang mabigyan ng karampatang exposure at kasanayan sa napiling track. Ang huling punto ay ang mga makukuhang benepisyo at magagandang epekto ng K to 12. Matapos makapag-aral sa Kindergarten, enhanced Elementary, Junior Highschool at Senior Highschool, ang mga mag-aaral ay handa na upang pumasok sa iba’t - ibang larangan; ito ma’y karagdagang edukasyon pa, pagtatrabaho, o pagnenegosyo. Ayon sa site ang mga magtatapos ng K to 12 ay magkakaroon ng mga sumusunod:
Information,     media and technology skills,
Learning     and innovation skills,
Effective     communication skills, and
Life     and career skills.
Bilang karagdagan, mayroong benepisyong maaaring matanggap ang isang mag-aaral ito ay ang voucher program. Para sa mga mag-aaral, maaaring makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon para sa lahat ng mag-aaral, kahit ang mga walang perang pang pinansyal ay magkakaroon ng kakayahang pumili sa iba’t-ibang paaralan at hindi lamang limitado sa mga paaralang ibinigay o inilaan ng Department of Education (DepEd). Para naman sa mga pribadong paaralan, ang mga paaralang may senior high school ay maaaring makapamili sa mas malawak na “merkado” – ang mga estudyante mula sa mga pampublikong junior high schools.
(officialgazette.gov.ph)
Sa kabilang banda, noong pinaplano pa lamang ang programang ito, samu’t saring reaksyon mula sa mga Pilipino ang natanggap ng gobyerno at pamahalaan. Ayon sa isang blog, nang magkaroon na ng unang batch ng mga nagsipagtapos na mga junior highschool ay mas lalong naging komplikado sa paningin ng iba ang K to 12 dahil sa mga paaralang hindi pa tapos gawin (Lomboy, 2017), guro, aklat, na nais tugunan sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon ng pamahalaan (AKOAYPILIPINO, 2012). Para sa mga gurong matagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng paghahanda para mapatupad ng tuluyan ang programang ito. Pakiramdam pa rin ng mga guro na napakarami pang problemang at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K to 12 program. “Iba kasi ang nagiging produkto, dahil hindi pa naman handa para sa implementasyon,” kwento ng isang guro na 20 taon nang nagtuturo sa Public School. Hindi daw kumpleto ang mga materyal, wala pang textbooks, at hindi pa makasabay sa requirement ng programa lalo na sa Public school dahil wala namang internet, computer at telebisyon. Kaya ang resulta, hindi pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit 6 na taon na itong pinapatupad (VIllar). Ayon naman sa isang blog, sinasabi na mayroong laynunin ang progrmang ito na makalikha ng mga
semi-skilled
na manggagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon at dayuhang pamilihan ng paggawa. Dahil na rin sa maaari nang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng
senior high school
, iilan na lamang ang nanaising makapagtapos ng kolehiyo dahilan upang babaan ang badgyet sa edukasyon. Ayon kay Trillanes, “Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod…” (Tecson, 2014).
Sa kabuuan, ang lahat ng konseptong nabanggit sa mga naunang pahayag ay makatutulong upang mas lalong maintindihan ang mga nagging epekto at magigigng epekto pa ng programang K to 12 sa pag-aaral. Mula sa layunin ng programang ito, sa magaganda at positibong epekto at ang mga negatibo. Maganda ang layunin at intension ng Department of Education pati na rin ng dating pangulong Benigno S. Aquino III sa pagpapatupad ng programang K to 12. Layunin nitong mas mapaganda ang Sistema ng edukasyon, mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral at nang sa ganon ay mas maging handa ang mga ito sa mga haharapin o tatahakin pa sa totoong buhay. Mayroon itong mga magang hangad sa pag-aaral ng mga mag-aaral, maganda ang ibinibigay na mga benepisyo tulad ng voucher program at maliban pa sa mga ibinibigay nitong edukasyon para sa mga mag-aaral. Kakabit ng mga positibong epekto at dulot ng programang ito, marami pa rin ang nagsasabing hindi maganda ang dulot nito, tulad na dahil daw sa kakulangan ng mga kagamitan, guro at silid. Dahil na rin marami ang wala masyadong perang pangpinansyal, ang mga ito ay maaaring hindi na gustuhin pang pumasok at mag-aral ng mataas pang uri ng edukasyon o pumasok pa sa kolehiya sa mga unibersidad at dahil sa lahat ng punto at konseptong naibahagi, masasabing maraming iba’t-ibang epekto ang programang K to 12 curriculum sa pag-aaral, positibo man o negatibo.
References:
Lomboy, R. (2017, September 14). Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum
[Web log post]. Mula sa http://regeliente.blogspot.com/2017/09/positibo-at-negatibong-epekto-ng-k-12.html
Nolasco, O. (2016, March 9). Ang Mabuting Epekto Ng K-12 Sa Mga Kabataan Pinoy.
Mula sa https://ordannolasco.wordpress.com/2016/03/09/mabuting-epekto-ng-k-12-sa-mga-kabataan/
AKOAYPILIPINO. (2012, May 4). K 12 sa Pilipinas - Ano, bakit, kailan at sino ang
apektado nito? Mula sa http://akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/k-12-sa-pilipinas-ano-bakit-kailan-at-sino-ang-apektado-nito.html
 Villar, A. (n.d.). Mga Mahahalagang Kaalaman Tungkol Sa K to 12 Program. Mula sa
https://ph.theasianparent.com/k-to-12-program-in-the-philippines
Unknown. (n.d.). WHAT IS K TO 12 PROGRAM? Mula sa
http://www.officialgazette.gov.ph/k-12/
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Talumpati
“Presensya” ni: Anna Marie L. Patdu
“Kailangan kita.”
Mga salitang hindi ko kailanman inakalang lalabas sa mga aking mga labi. Nakilala ko yung sarili ko na matapang, malakas, at higit sa lahat kayang tumayo sa sarili niyang mga paa. Ako rin yung tipo ng taong sanay mag-isa, gustong mag-isa madalas. Sa pag-uugali naman, sabi nga sa kanta ni Moira “titibo-tibo”. Mula pagkabata, puro lalaki ang aking nakakasama, mga laro ay baril-barilan, basketbol at kung ano-ano pa. Pormaha’y bihis lalaki, t-shirt at shorts, nakatali lang ang buhok, walang sukla-suklay o pagpulbos man lang sa mukha. Dugyutin ba. Sa paaralan ay kinatatakutan ng mga kaklase, tropa ay lalaki, bully rin noon. Bakit ganito ngayon?
Natutong mag-ayos sa sarili at maglagay ng colorete, nagsimulang magsuot ng mga bistida’t palda, minsa’y naka takong pa. Lumalandi na kumbaga. Nakilala kita, nasakanya ka. Nakilala mo ako, nasakanya ako. Ngunit sa dulo pala’y ikaw rin at ako. Dalawang puso ang nasaktan dahil sa ating pagmamahalan. Ngunit sa paglipas ng panahon natutunan rin magpatawad. Nagsimula tayong sobrang saya, abot langit ang tuwa, di makatulog sa siglang dulot ng pagsasama. Walang pakialam sa kung anong sasabihin ng iba. Maliit ka, matangkad ako, payat ka, mataba ako, sinasabi ng iba matalino ako, kulang ka. Mga salitang hindi humadlang sa pagmamahalan nating dalawa. Nagtanong ka, sinagot kita, tayo na. Mamahalin kita kahit anong mangyari, andito lang ako para sa’yo, walang makakapaghiwalay sa atin. Mga salita namang pinaniniwalaan ko’t pinanghahawakan hanggang ngayon. May nagustuhan kang iba. Grabeng sakit ang nadarama. Hindi maintidihan kung anong kulang, lahat naman ay ibinigay. Humingi ka ng tawad, nagsisi ka’t nangakong ‘di na mauulit. Pinaniwalaan kita dahil mahal kita. Makalipas ang ilang taon, ito pa rin tayo. Ikaw at ako, tayo. Halos lahat ng kasabayan natin nahiwalay na’t may sari-sarili nang landas na tinahak. Kasalukuyang walang nararamdamang init. Ang dating abot langit na kaligayahan ay unti-unting nabubura. Kung mag-usap ay madalang pa sa pagkain. Haba ng usapan sa tawag hindi pa aabot ng tatlompung segundo. Palitan ng text nabibilang lang ng kamay. Pero bakit ganun? Araw-araw namang nagkikita at magkasama sa eskwela. Pagiging magkasintaha’y ‘di nadarama. Ngunit, kailangan kita. Kailangan kita dahil mahal kita. Sa nalalapit na ika-apat na taong pagsasama, alam ko sa puso ko na ikaw pa rin at ako. Sa mga panahong ako’y nalulumbay, kailangan kita. Sa mga panahong ako’y masaya, kailangan kita. Pag nawala ka’y di ko alam kung anong madarama. Baka sa sobrang sakit ay para akong sinakluban ng langit at lupa. Hindi man halata pero kailangan kita. Walang araw na hindi ka dumaan sa aking isipan, o hindi man lang binaggit ang iyong pangalan. Sa mga panahong ako’y nag-iisa, kailangan kita. Kaya huwag sanang mawawala kailanman ang iyong presensya.
Ang babaeng dati’y titibo-tibo, malakas, at kayang tumayo sa sarili niyang mga paa, ngayo’y nakahanap ng lakas at pag-asa sa iba. Sa isang taong hindi lang ang mundo niya kundi ang kaagapay sa lahat ng sakuna. Hindi kailanman inisip na mangangailangan ng iba. Ngunit binago lahat iyon ng tadhanda. Siguro nga tayo ay para sa isa’t-isa. Ikaw at ako kalaban lahat sila. Umaasa akong ganun rin ang iyong nadarama, para naman hindi lang ako nag-iisa. Ikaw ay nag-iisa, tunay na mahal kita kaya sana maintindihan ng puso mong “Kailangan kita.”
3 notes · View notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Lakbay Sanaysay
Lakbay Sanaysay: Isla ng Boracay ni: Anna Marie L. Patdu
Kilala sa napakagagandang mga beach at resort, matingkad na kulay ng dagat na may mapuputi at pinong buhangin, at masasarap na pagkain, ang isla ng Boracay ay isa sa mga pinakamagandang lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga pilipino saan mang sulok ng bansa at pati na rin ng mga dayuhan sa iba’t ibang parte ng mundo. Kadikit ng ito ay isang isla at pinalilibutan ng tubig, hindi mauubusan ng maaaring gawin ang isang taong mahilig sa tubig o dagat.  Maraming mga aktibidad na maaaring gawin sa isla, isa na rito ang pag i-island hopping kung saan lilibutin at masisilayan ang iba’t iba pang isla sa lugar at maaari ring mag snorkeling o diving para makita ang iba’t ibang uri ng isda, corals, atbp.
Bago pa naipasara ang isla ng Boracay, isa ako sa mga masuswerteng tao na nakakita at nakatapak sa isa sa mga pinakamagandang isla sa bansa. Araw ng Huwebes, ika-29 ng Disyembre taong 2016,  kami ng aking pamilya ay nagpunta sa Boracay upang magbakasyon. Sumakay sa eroplano ng AirAsia, ganap na 8:46 ng gabi upang magtungo sa Caticlan airport nang sa gayo’y makasakay muli ng van patungo sa isang hotel na isang gabi lamang namin mapagpapahingahan dahil kinabukasa’y magtutungo na kami sa isla ng Boracay. Kinaumagahan ng ika-30 ng Disyembre, ay nag-almusal lamang kami sa tinutuluyang hotel at sumakay na ng van, matapos ay bus at matapos nito ay sumakay rin ng speed boat upang makarating sa ipinagmamalaking isla ng Boracay. Pagdating doon ay muli kaming sumakay ng isang van patungo sa La Carmela de Boracay, isang hotel na ini-endorso ni Boy Abunda. Mayroon akong mga napansin habang nakasakay ng van, isa na rito ay ang napakahusay na pagmamaneho ng mga diber ng van na kahit gaano kaliit ang kalsada ay kaya nilang pagkasyahin ang sasakyan. Pangalawa, ang ibang mga “puti” o “kano” na nagpupunta ng Boracay ay kadalasang “backpackers” kung saan ang dala lamang nila ay malalaking backpacks, tutuloy sa hindi kagandahan at kamahalang hotel upang gawin itong literal na pahingahan lamang, at gagawin ang lahat ng makakayang aktibidad sa lugar. Nang makarating sa hotel na tutuluyan ay agad kaming nagbihis nang pang tabing-dagat at lumabas upang kumain. Paglabas pa lamang ng hotel upang maglakad patungong tabing-dagat ay marami nang makikitang mga naggagandahan, nagseseksihan, at nagagwapuhang mga turista na nakasuot ng iba’t ibang kulay, disenyo at uri ng swimsuit, bikini atbp. Sa pagkakaroon ng mga masasarap na pagkain ay ang nagmamahalan nitong presyo. Ngunit, kung ang pakay at pinunta mo sa isang lugar ay upang magbakasyon, magpakasaya at magenjoy ay hindi mawawala ang paggastos ng higit sa iyong kagustuhan. Masasabi mong ito ay “worth it” naman. Kami ay kumain sa Gerry’s Grill ng tanghalin noong unang araw namin dahil dito lang hindi masyadong mahaba ang waiting upang makaupo’t makakain. Pagsapit ng hapon ay sinubukan naming magtampisaw sa dagat at maglaro sa buhangin. Matapos ay nagpahinga at lumabas muli kinagabihan upang mag hapunan sa isang “ihaw-ihaw” restaurant. Sa loob ng limang araw namin sa isla ay halos paulit-ulit lamang ang aming gawain, kumain, mag-tampisaw, kumain muli, mamili ng mga souvenier at pasalubong, at magshopping.
Naging sadya namin sa pagpunta sa isla ng Boracay ay upang matunghayan ang taun-taong New Year Fireworks Display nila at upang dito na salubungin ang bagong taon ng 2017. Totoo ngang kami ay hindi nabigo sa natunghayang fireworks display dahil sa nakamamangha nitong mga uro, kulay at ang oras na itinagal ng display ay tunay na nakakatuwang makita. Sa kasagsagan ng pagdiriwang ng bagong taon ay sangkatutak na tao ang halos pumuno sa buong tabing dagat ng Boracay. Una ng Enero, 2017 ay para bang nawala na ang kalahati ng populasyon ng turista sa Boracay at nagsiuwian na ang mga ito. Naging maluwag ang paligid kung ikukumpara sa dami ng tao noong gabi ng ika-31 ng Disyembre, 2016. Kinabukasan ay ang takdang araw ng aming pag-alis na isla upang muling umuwi sa Cavite. Ikalawa ng Enero, sumakay muli kami ng van upang sumakay naman sa speedboat kung saan ay sasakay muli ng bus paungo sa Caticlan airport at sa ganap na 12:30 ng tanghali, kami ay nakasakay na ng eroplano ng AirAsia patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa araw na iyon ay nagpaalam kami sa magandang isla ng Boracay.
Sa kabuuan ng aming paglalakbay sa isla ng Boracay ay masasabi kong ito ay maikli ngunit matamis. Short but sweet ika nga nila. Mayroon akong masasabing isang bagay na nadagdag sa akin sa buong paglalakbay namin sa Boracay, ito ay ang katabaan. Sa sarap ng pagkain dito ay ‘di mo talaga mapipigilan punuin ang iyong tiyan. Masakit mang magpaalam at lumisan sa isang napakagandang lugar ay marami pang ibang oportunidad upang makapunta sa iba pang napakagandang lugar.
1 note · View note
teamparacetamol · 6 years
Text
Larawan Sanaysay
Ang Larawan Sanaysay ay koleksyon ng mga larawan na nagpapakita o naglalahad ng damdamin sa mga larawan na nakalagay dito. Ang Larawan Sanaysay  ay serye ng mga imahe na maingat na isinaayos upang maipakita ang pagkasunod-sunod na pangyayari na gusto ipahiwatig sa nagawang sanaysay at ang mensahe nito ang pangunahing makikita sa serye ng mga larawan. Maari itong tungkol sa isang particular na tao o mga kakaibang pangyayari na naganap sa mundo.
Ang Larawan Sanaysay ay pwedeng onti lamang ang deskripsyon ukol sa teksto at mga larawan, kung mahirap intindihin ang mga larawan ng walang deskripsyon kailangan ito ay maging malinaw na nagpapahayag ng ideya ng buong kwento ng sanaysay at dapat maintindihan ng mga mambabasa ang kwento sa unang tingin pa lamang sa nagawang Larawan Sanaysay upang maging malinaw ang nais ipahiwatig ng manunulat sa isinagawang sanaysay.
Halimbawa:
                                      “ Pagtutulong tulungan “
By: Charles Hortal
Tumblr media
     Sa panahon ngayon, tuluyang lumalaganap ang kahirapan sa mundo na kailangan ng masulosyunan upang hindi humantong ang mga tao sa paggawa ng masasamang gawain dahil lang sa kakulangan ng pera. 
Tumblr media
    Kahit ito’y kasalukuyang inaaksyunan ng mga tao, hindi ito sapat dahil sa tuluyang pagtaas ng persyento ng mga taong naghihirap sa mundo ngayon.
Tumblr media
     Para sa akin, merong ilang posibleng solusyon sa matinding kahirap na kinakaharap ng mundo ngayon, tulad na lang ng pagtutulung-tulungan nating lahat na bigyang pag-asa at tulungan ang mga taong nangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtulong natin sa kanila, nakasisigurado akong magiging matagumpay ang lahat ng tao at wala ng maghihirap na sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya ng mga bansa.
Tumblr media
     Manalangin at manalig tayo sa Diyos mas lalo na sa mga panahong parang walang ng pag-asa ang buhay natin sapagkat sa mga panahong iyon natin siya mas kailangang panampalatayanan upang tulungan niya tayo sa mga hirap na kinakaharap natin sa buhay. Kahit na masama ang ating mga pakiramdam kailangan nating manampalataya sa diyos, lalo-lalo na dapat tayong manampalataya pagtayo ay may karamdaman.
Tumblr media
     Sa pamamagitan ng mga paraan na ito, makakamit natin ang ang pagkakaisa at pagkapantay-pantay ng mga tao.
Tumblr media
     Magkakaroon tayo ng pagkakaunawaan sa mga sitwasyon sa buhay dahil pantay-pantay lang tayo ng antas sa buhay.
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Kahalagahan ng Akademikong Sulatin
By:  Charles Hortal, 11 ABM
Isang talumpati
Isa sa maraming kailangan gawin nating mga tao sa mundo ay ang paggawa ng akademikong sulatin dahil ito ay ginagamit sa pang araw-araw na buhay. 
Maraming klase ng Akademikong Sulatin, gaya ng sanaysay, abstrak, talumpati, posisyong papel, sintesis, bionote at iba pa.
Ang Sanaysay ay isa sa madalas gamitin na Akademikong Sulatin dahil maraming tao ang gusto ipahayag ang kani-kanilang damdamin, saloobin, kaisipan o reaksyon sa pamamagitan ng paggawa ng isang akda na makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
Ang Abstrak naman ay mahalaga dahil ginagamit rin ito sa mga pananaliksik na karaniwang ginagawa ng mga estudyante sa panahon na ito. Ang Abstrak ay bahagi lamang ng buod na nagbibigay kaalaman sa mambabasa. Ito ay may kaligiran, layunin at saklaw, methodolohiya, resulta at konklusyon.
Ang Talumpati ay madalas ginagamit ng mga senador sa senado kung saan ang layunin nito ay humikayat, mangatwiran, maglahad ng isang paniniwala at mabigay kaalaman o impormasyon sa tagapakinig. Ang mga senador ay nagbibigay batid sa kanyang opinion o kaisipan sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao, isa itong halimbawa ng pagtatalumpati.
Ang Posisyong  Papel ay ginagamit upang hindi maging bias ang salaysay na ginawa. Ito ay karaniwang ginagamit sa korte suprema kung saan inaalam ng mga tagapamahala ang posisyon ng dalawang panig upang hindi maging bias at matamo ang katarungan ng biktima. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam nilang tama at ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan. 
Ang Sintesis ay buod ng isang kwento kung saan ito ay pinaikli ngunit hindi pa rin dapat mawawala ang mahahalagang impormasyon na nakalakip sa kwento na bibigyang ng buod. Importante ito sa paggawa ng pananaliksik upang mapadali makakuha ng impormasyon sa nagawang pananaliksik.
Ang Bionote ay mahalaga mas lalo na kung magaapply na sa trabaho. Kailangan ng bionote sa pagaaply sa trabaho upang malaman ng recruiter ang mga kredensyals ng isang tao, kung saan ito nag-aral at kung ano na ang mga experience ng taong iyon. Naglalaman ito ng mga importanteng impormasyon gaya ng talambuhay ng isang tao.
Ang mga Akademikong Sulatin ay talagang kailangan natin sa buhay kaya mahalangang alam na natin kung ano ito at kung paano ito gawin upang mapadali at malaman natin ang paggawa ng akademikong sulatin sa hinahaharap.
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
HALINA’T MAGSULAT
youtube
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Puedepende
vimeo
Puedepende from Allen Costa on Vimeo.
Sa aking labing walong taon sa mundong ito, natutunan ko na ang lahat ng bagay ay puede, maging usapang pagmamahal. Puede mong gawan ng paraan, puede mong pagsikapan. Ngunit hindi lahat ng puede ay maaaring manatiling matibay hanggang dulo. Marami pa ring mga katanungan na ang sagot ay depende. 
Gaya ng pagmamahal, hindi mo alam kung kailan ito darating o kailan ka magiging handa, ngunit kailangan mong pag-isipan kung tama ba o mali, kung kaya mo o hindi. Natutunan kong hindi mo kailangan sumang-ayon palagi sa takbo o mga tanong ng mundo, kinakailangan mo lang maging sigurado sa mga bagay.
Akala ko dati, handa ako magmahal. Akala ko handa na akong sumugal sa laro ng pag-ibig. Noong dumating ‘yon, nagkamali pala ako. Hindi pala ako handang sumugal, hindi ako handang makipaglaro. Ang dating iniisip ko lang kung paano mangyayari ay nagkatotoo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinabi ko sa kanyang bahala siya dahil hindi ako sigurado. Puede naman ‘eh, pero depende. 
Iniisip ko ngayon kung nagkamali ba ako sa pagsasabi sa kanyang hindi pa ako handa, pero eto na ngayon. Napagtanto kong tama ako. Naniniwala ako na kung para sa akin talaga, babalik naman o darating sa tamang panahon. Alam kong hindi ito ang panahon upang magmahal ako o ialay ang pagmamahal ko para sa iisang tao. Hindi ko dapat basta basta na lamang ibigay ang oo ko sa isang bagay na wala akong kasiguraduhan. 
Kasiguraduhan. Maraming bagay sa mundo ang walang kasiguraduhan. Ito ang rason kaya’t kailangan mong pagsikapan at pag-isipan ang lahat. Kinakailangan mong bumwelo o mag-isip. Hindi dahil sinasabi ng mundo sayo na ganon ang gawin mo ay susundin mo na. Sundin mo ang takbo ng puso mo. Naniniwala na ako na hindi dahil nasa harap mo ngayon ang kakaibang pagkakataon ay dapat na itong mangyari. Puede naman ang lahat. Nasa iyo ang kasagutan.
2 notes · View notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Depresyon: Isang Salita
Isang talumpati ni Allen Arianne S. Costa
         Naranasan mo na bang gumising sa umaga na parang ayaw mo nang mabuhay? Naranasan mo na bang umiyak bago ka matulog sa gabi? Naranasan mo na bang magdasal na sana hindi ka na lang nabuhay? Kung napagdaanan mo na ang mga ito, baka nararanasan mo ang depresyon.
         Depresyon. Isang salita na nagtataglay ng siyam na maliliit na letra ngunit maaaring maging kapalit ng buhay ng isang tao. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization noong 2012, umaabot sa 350 milyong tao ang nakararanas ng depresyon. Noong 2015, tinaya na 3.29 milyong Pilipino ang patuloy na nakikipaglaban sa depresyon.
Naaalala ko noong sinabihan ng isang komedyante sa telebisyon ang isang kalahok sa kanilang programa na ang depresyon daw ay gawa-gawa lamang. Nasa utak lang daw ng mga tao at isang uri ng pag-iinarte lang naman daw ang depresyon. Ngunit ang tanong ko, maituturing mo pa bang isang kaartehan ang isang karamdaman na tila ba unti-unting nag-uudyok sayo na kitilin ang sarili mong buhay?
         Madaling sabihin sa mga taong nakararanas ng depresyon na “wag mo na yan isipin”, “ayos lang yan, lilipas din yan”, at “nandito kami para sayo”. Ngunit hindi kasing dali ng pagbitaw ng mga salitang ito ang paggawa nito. Ang mga taong may depresyon ay kadalasang ipinapakita na masaya sila pero ang hindi natin alam ay gusto na pala nilang mawala sa mundong ito. Ang mga taong may depresyon ay pasan ang buong daigdig sa kanilang mga kaisipan. Ang mga taong may depresyon ay unti-unting nilalamon ng kanilang sariling pakiramdam.
         Maraming tao ang magtatanong sayo, “bakit ka depressed?”, at kapag sinagot mo ‘iyon ng “hindi ko alam”, sasabihin nilang hindi ‘yon pwede. Iniisip ng lahat ng tao na may rason lahat, na kaya mong ipaliwanag lahat. Mahirap ipaintindi sa mga tao ang depresyon, dahil minsan, ang mga taong nakakaranas mismo nito ay hindi rin kayang maintindihan ang kanilang nararanasan.  
         Hindi madali ang pakikipaglaban sa depresyon, pero may magagawa tayo upang maibsan ito. Simulan natin sa pagsuporta sa mga taong nakararanas nito. Ipakita natin na totoong nandyan ka lang para sa kanila. Matuto kang making kaysa manghusga. Mag-ingat sa mga binibitawan mong mga salita at aksyon, dahil maaari itong makadagdag sa pinapasan ng mga taong ito. Panghuli, matuto kang magmahal at tumanggap.
Mas hibang ang mga taong nagsasabing pag-iinarte lamang ang depresyon, kaysa sa mga nakakaranas nito. Magtulungan tayong lahat. Hindi natin malulunasan ang problemang ito kung isa lamang ang kikilos. Walang problemang mababaw ngunit may mga problemang hindi pang habang-buhay.
Depresyon. Isang salita na may mabigat na kahulugan. Isang karamdaman na tayo lamang ang magbibigay kalunasan. Isang salita na magbabago kung tayo ang mag-uumpisa. Hindi ito isang laro, kailangan nito ng tulong mo.
5 notes · View notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Ang Epekto ng K to 12 Curriculum sa Pag-aaral
Isang sintesis ni Allen Arianne S. Costa
Sa pag-usbong ng ika-21 siglo, kasabay din nitong umuusbong ang pangangailangan ng mga mamamayan. Sa halos 106 milyong mamamayan na nakatira sa Pilipinas, kinakailangan ng sapat na edukasyon upang maging mas mahusay sa mga mamamayang maaari mong maging kakompetensya sa paghahanap ng trabaho. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinatupid ang K to 12 program sa Pilipinas.
Makatutulong ang K to 12 hindi lamang upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral, kundi para mapabilis at mapagaan ang paghanap ng trabaho matapos makapag-aral sa Senior High School.
Marami ang bumabatikos sa kakulangan sa pisikal na kagamitan ng mga paaralan upang ipatupad ng K to 12. Sa datos ng Alliance of Concerned Teachers noong 2011, lumabas na tinatayang 103,599 ang bilang ng mga gurong kulang sa bansa. Sinabi rin ng tagapagsalita ng ACT na si Antonio Tinio na hindi pa rin handa ang kurikulum ng K to 12 upang ma-implementa. Kaya lamang raw ituro ng mga guro ang mga paksa hanggang sa ikalawang termino ng Grade 11. Hindi raw binigyan ng sapat na panahon ng gobyerno ang mga guro, paaralan, at mga mag-aaral upang paghandaan ang K to 12.
Ilan sa mga magulang ng mga mag-aaral ang nagsasabi na ang K to 12 daw ay isang ‘dagdag pahirap sa pag-aaral’, ngunit sinabi ng dating assistant secretary ng Kagawaran ng Edukasyon Toni Umali, na hindi raw ito pahirap kundi ay isang ‘investment’. Ito raw ay makatutulong kung gusto nang magtrabaho agad ng mga mag-aaral pagkatapos ng sekondarya. Nais daw ng Kagawaran ng Edukasyon na bigyan ng basic competencies ang mga mag-aaral sa loob ng Senior High School. Inaasahan ngayon na isa na lamang opsyon ng mga mag-aaral ang pagpapatuloy sa kolehiyo matapos ang Senior High School. Kung iniisip ng mga magulang na pahirap ang baon at pamasahe sa kanilang mga anak dahil sa dagdag na dalawang taon na ito, dapat daw ay isipin itong “pondo” dahil malaki naman raw ang tulong na maiaambag sa trabaho kapag nakapagtapos sila. Nais ring ipantay ng pamahalaan ang kalidad ng edukasyon ng Pilipinas sa iba pang mga bansa, hindi lamang sa Asya, kundi sa buong mundo.  
Sa loob ng huling dalawang taon ng K to 12 ay bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na sumalang sa On the Job Training. Sila ay magsisilbi ng 80 oras sa isang kompanya bago magtapos sa pag-aaral. Ngunit sinabi ng Philippine Chamber of Commerce & Industry na hindi raw sapat ang 80 oras na ito upang mapatunayan na kaya na ng mga mag-aaral ang hamon ng tunay na trabaho pagkatapos ng Senior High School. Ayon kay Alberto Fenix ng PCCI, mahihirapan daw ang mga mag-aaral na makahanap ng trabaho kung 80 oras lamang ang kanilang training sa ilalim ng K to 12. Ayon naman sa Kagawaran ng Edukasyon, nabuo ang kurikulum ng K to 12 sa pakikipag-ugnayan nila sa Commission on Higher Education kaya’t sigurado silang kumpleto ang pagsasanay ng mga mag-aaral kung nanaisin nilang hindi tumuloy sa kolehiyo.
Sa huli, ang pag-implementa ng K to 12 ay makatutulong sa bawat pamilya sa bansa, hindi lamang sa mga mag-aaral. Bagaman maraming butas at pagkukulang ang pamahalaan, unti-unting malulunasan ang mga ito pagdating ng panahon. Tama na ang Pilipinas ay nahuhuli na ngayon sa edukasyon kung ikukumpara sa ibang mga bansa. Hindi maling desisyon ang pagpapatupad ng bagong kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Kinakailangan lamang isaayos ang mga kakulangan ng gobyerno at kakulangan ng mga mamamayan upang maabot ang minimithing kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
 Lumulutang sa mga impormasyong naisaad na hindi pa talaga handa ang Pilipinas sa pagpapatupad ng K to 12. Ang kakulangan sa mga kagamitan ay isa nang simbolo na kinakailangan pa natin ng sapat na panahon upang tugunan ang tunay na paghahanda para sa programang ito. Kung ang mga guro ay mistulang hindi pa handa sa kurikulum na kailangan nilang talakayin sa dagdag na dalawang taon sa pag-aaral, maaaring hindi rin maging handa nang lubos ang mga mag-aaral habang sumasailalim dito. Ang pagtingin sa K to 12 bilang isang investment ay maaaring hindi maging angkop para sa lahat ng mga magulang ng mag-aaral. Hindi maiiwasan na may mga mag-aaral na hindi magtatagumpay pagkatapos ng Senior High School at mayroong mga mag-aaral na hindi rin matatapos ang pag-aaral sa Senior High School. Makatutulong ang mga training na ibibigay ng pamahalaan sa mga mag-aaral dahil mararanasan ng mga mag-aaral ang hamon ng tunay na paghahanap-buhay.
Sa kabila ng lahat ng ito, dapat paring bigyan ng pagkakataon ng mga mamamayan ang pamahalaan sa pagbabagong nais nilang makamit ng ating bayan. Hindi ito para lamang sa ikabubuti ng pangalan ng Pilipinas, kundi para sa ikabubuti ng lahat ng Pilipino.
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Kaligtasan o Kapahamakan
Isang posisyong papel ni Allen Arianne S. Costa
Tumblr media
 Ang Giyera Kontra Droga o mas kilala sa tawag na War on Drugs, ay nagsimula sa Pilipinas noon pang 2016. Ang mga nahuhuling gumagamit ng droga ay tinutugis at tinatahasang pinapatay, ayon daw sa kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte.
         Ayon kay Murdoch (2017), sa loob lamang ng labing apat na buwan, mahigit pa sa 12,000 katao ang namatay dahil sa Giyera Kontra Droga. Halos 2,555 sa mga taong ito ay pinatay ng mga pulis. Ang kalunos-lunos pang bahagi ng mga patayang ito ay pati mga menor de edad ay kanila ring pinapatay. Isa na rito ang pagkamatay ng 17 taong gulang na si Kian Delos Santos noong August 16, 2017. Ayon kay Talabong (2017), iginiit ng mga pulis na nanlaban si Delos Santos kaya sila napilitang barilin ang binatilyo. Pilit ipinaglaban ng mga residente ng Barangay 160 at ng pamilya ni Delos Santos na siya ay hindi nagamit ng ipinagbabawal na gamut, at wala rin itong armas upang manlaban sa mga kapulisan. Hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay na ito ng binatilyo kahit halos mag-iisang taon na matapos ang insidente.
Hindi natapos kay Delos Santos ang pagpatay ng mga pulis kontra sa droga. Dalawang araw matapos ang pagpatay kay Delos Santos, pinatay rin si Cal Arnaiz na 19 taong gulang. Ayon kay Viray (2017) ng Philstar, iginiit din ng mga pulis na armado ang binatilyo at pinaputukan ng baril ang dalawang pulis kaya sila napilitang patayin si Arnaiz. Katulad ng nangyari kay Delos Santos, wala pa ring hustisyang nakakamit ang pamilya ni Arnaiz matapos itong tahasang pinagbabaril.
Hindi na tama ang pagpatay sa mga taong gumamit ng droga, lalo na kung pinaghihinalaan lamang ito. Kahit pa sabihing gumagamit ng droga ang tao, hindi tama na ang ihatol na parusa para sa kanila ay ang patayin. Ayon sa Republic Act No. 9165 Article II Section IV, pagkakakulong at multa lamang ang dapat maging parusa sa mga mahuhuling gumagamit at nag-aangkat nito.
Hindi kailangan ng isang bansa ang lider na wala nang maisip na solusyon sa suliranin ng kanyang bayan kundi pagpatay. Kailangan ng isang bansa ang isang lider na makakahanap ng solusyon sa napaka-imposibleng problemang kinakaharap ng kanyang bayan. Hindi mabibigyan ng solusyon ang problema ng bayan tungkol sa droga kung ang dalawang kaso sa korte tungkol sa mga walang awa nilang pinatay ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya hanggang ngayon. Naghahangad ang gobyerno ng ikabubuti ng ating bayan ngunit hindi nila mabigyan ng kaligtasan ang bawat mamamayan. Hindi ba sapat ang mga ipinapatupad na batas upang parusahan ang mga nagkakasala? Bakit kinakailangan nilang tapusin ang buhay ng mga Pilipino? Para na ring sinabi ng ating presidente na “Ihihinto ko ang lahat ng krimen, pero papatayin ko muna kayong lahat”.
Ang pinakamasakit na bahagi ng mga pangyayaring ito ay ang pag-aakala nating ang mga taong magliligtas sa atin ay sila palang may kakayahang patayin ka. Ang mga taong pinapasweldo mula sa kaban ng bayan ay kaya kang patayin gamit ang isang upos ng baril. Ang totoong giyerang magaganap ay ang giyera laban sa mga mamamayan at gobyerno kung hindi nila gagamitin ang kanilang pag-iisip sa mga problemang ito. Hindi titigil ang paghihirap ng gobyerno kung hindi rin nila ititigil ang pagpapahirap sa mga mamamayan.
Humihingi ang ating pamahalaan ng suporta para sa Griyera Kontra Droga, ngunit paano natin ito ibibigay kung hindi tayo magagawang protektahan ng suportang ating ibibigay? Hindi ko ibig sabihin na itigil nila ang laban na ito kontra sa droga, bagkus ay itigil na ang hindi makatarungang pagpaslang at hindi pagbibigay ng marapat na hustisya.
Ang kailangan ng ating bayan ay kaayusan, pero ibigay natin ito gamit ang maayos na paraan.
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Tulak ng Bibig
By:  Johannes D. Asombrado, 11 ABM Isang lakbay sanaysay
Maga pa ang mga mata ko nang marinig ko ang  ingay ng aking cell phone. Ramdam ko ang bigat ng aking mga pilik mata na tila wala na akong lakas upang buksan ang mga ito. Kayakap ko pa ang dilim at panghihinayang sa mga pangyayari. Parang pinalo ng isang milyong martilyo ang puso ko. Kinukutya ako ng tadhana at ipinamumukha niya sa akin kung gaano ka pangit ang kadilimang hinaharap ko ngayon.
           3:49 AM
Tumblr media
          Sumakay ako sa loob ng kotse kasama ang tatay ko papuntang paliparan upang sunduin ang nanay at kapatid ko mula Mindanao. Sabik man ako na makita sila nangingibabaw pa rin ang kalungkutan na nararamdaman ko. Nakabibinging katahimikan ang naririnig ko habang inisip ko ang aking mga pagkakamali na nagawa, ang mga katangahang nangyari, ang mga bagay na dapat na ginawa ko ngunit huli na ang lahat.
Tumblr media
           Nakarating kami sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino . Makalipas ang dalawang oras na paghihintay ay nasilayan ko ang matamis na mga ngiti ng aking ina at kapatid nang maglakad sila patungo sa kinaroroonan naming. Kita sa mga mata ng kapatid ko ang kasabikan na makita ang aking ama. Niyakap ko silang dalawa at kami ay nagtungo na sa parking area upang simulan ang aming tatlong araw na magkasama.
Tumblr media
           Napag-isipang ipasyal namin sina mama sa Bonifcacio High Street at ipatikim ang sikat na cheesecake ng Pablo. Napansin namin na karamihan sa mga establisimyento ay sarado dahil sa pagunita ng Semana Santa.
           “Nakakabagot na dito, umalis na tayo.” Pagalit na sabi ng aking nakababatang kapatid.
           “Tara Subic tayo.” Sagot naman ng tatay ko.
           At yun na nga ang nangyari. Biglaan ang naging paglalakbay namin patungo sa Subic. Wala akong dalang damit o kahit anong gamit, buong akala ko ay dito lang kami sa Maynila gagala ngunit biglang nag iba ang ihip ng hangin.
           Nang pumatak ang oras ng pananghalian kami ay huminto sa isang Pit Stop upang kumain. Hindi mabilang ang kumpulan ng tao sa kapaligiran. Halata na ang mga tao doon ay hinahabol ang natitirang araw upang makapagbakasyon kasama ang kani kanilang pamilya.
           Nag order kami sa isang bagong bukas na restaurant, kahit sinabi ng kahero na posibleng abutin ng kalahating oras ang pag hihintay sa kadahilanang wala na kaming mapagpipilian tinuloy nalang naming.
           Lumagpas na ang higit isang oras wala pa rin ang takeout namin. Ramdam ko ang pagkainis ng aking ina at kinausap niya na nga ng pagalit ang tagapamuno ng kainan. Lumabas na ang mga salitang Ingles sa galit na bibig ng aking ina. Nang sinimulan ni Inay ang pagrereklamo sa walang kwenta nilang serbisyo sumabay na rin ang ilan sa mga mamimili.
           Nang makuha na namin ang aming pagkain agad agad kaming kumain sa kotse at nagtungo papuntang Subic. Takipsilim na ng makarating kami sa Subic. Kinakabahan ako dahil hindi kami nakapag reserba ng hotel room at punuan ngayon dahil ting bakasyon. Buti nalang nakahanap kami ng matutuluyan.
Tumblr media
           Napagisipan namin na sa Bay na kumain ng hapunan. Sakto ring mayroong banda na tumutugtog. Ang bawat nota na lumalabas sa gitara at sa bibig ng vocalist ay tila parang isang milyong patalim na sinasaksak ang puso ko. Tagos sa damdamin ko ang mga awit na naririnig.
           Nang nakabalik na kami sa hotel namin naghahanda na kaming lahat upang matulog. Nang makahiga na ako unti unti na lamang tumulo ang mga luha ko sa mga pangyayari.
Tumblr media
           Kinabukasan ay nagtungo kami sa ZOObic Safari. Doon nakakita ako ng tunay na leon at tigre na nakakatakot man tingnan dahil sa laki ang mga bata na nakakasama namin ay walang bahid ng pagkatakot at pagka sabik lamang ang nangingibabaw. Kahit mayroon akong sakit na nararamdaman sa dibdib ko nagagawa ko pa ding ngumiti dahil sa pamilya ko.
Tumblr media
           Pagkatapos ng lahat ng pasyalan, lahat ng ngiti, lahat ng litratong kinuha, naisip ko na naman ang nangyari. Naisip ko na naman ang gabing namaga  ang mga mata ko nang marinig ko ang  ingay ng aking cell phone. Ramdam ko ang bigat ng aking mga dibdib habang binabasa ang chat ng ex ko. Kayakap ko ang dilim at panghihinayang sa mga pangyayari, sa mga pagkakataong lumipas na hindi ko naiparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin, ang mga pagkakataong nasayang dahil hindi kami nagkita at unti unti siyang napalayo sa akin. Parang pinalo ng isang milyong martilyo ang puso ko. Nawalan man ako ng kasintahan higit ang panghihinayang ko dahil nawalan ako ng isang matalik na kaibigan. Siguro nga hindi kami para sa isa’t isa, siguro nga yung relasyon namin ay isang tulak ng bibig lamang.
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Sokor
Isang lakbay sanaysay by: Sophia Topacio
Tumblr media
               Travelling. Travelling ang isa sa mga bagay na gustong gusto kong ginagawa. Kahit maglakbay man sa loob lang ng Pilipinas o kung papalarin pati na rin sa ibang bansa. Masayang masilayan ang mga lugar o kapaligiran na hindi mo naman araw-araw nakikita at nasisilayan. Masarap langhapin ang hangin na ibang iba sa nakasanayan mo. Di ko maipagkakaila na ang paglalakbay ay isa sa mga bagay na laging nagbibigay ligaya sa akin. Ibang kasiyahan ang naidudulot nito sa marami. Isa na rin kasi itong paraan ng pagtakas sa realidad. Kapag nasa ibang lugar ka ang gusto mo lang ay sumaya at magdiskubre ng mga bagay bagay.
           Kapag naglalakbay ka lahat ng problema mo ay iyong iniiwan. Lahat yon ay iyong kinalilimutan kahit panandalian. Masayang maglakbay lalo na kapag may kasama. Yung mga taong alam mong dadagdag sa salitang saya. Minsan mas mabuti ring mag-isa. Kasi nalalaman mo kung ano ba talaga ang mga bagay na kaya mong magisa kapag wala sila.
           Naglakbay ako sa ating bansa. Napuntahan ko na ang mga islang gaya ng Boracay at Palawan. Nasilayan ko na rin ang kagandandahan ng mga bansang Hong Kong, Singapore, Thailand, Malaysia, at Korea. At kung ako ay iyong tatanungin sa kung anong bansa ang paborito ko, syempre bukod sa Pilipinas ay napamahal na rin ako sa bansang Korea.
Tumblr media
Sa ganap na 11:11 ng gabi sa Korea o 10:11 naman sa Pilipinas, kami ay lumapag sa Incheon International Airport. Pagbaba mo pa lamang ng eroplano ramdam mo na ang kakaibang lamig. Mas malamig pa ito sa aircon. Nung tinignan naming ang temperature forecast sa korea ito ay nasa 3 degrees Celsius. First time ko lamang na makaramdam ng ganung lamig. Para bang ako ay nasa isang freezer. Napakaganda rin ng kanilang airport kaya di maipagkakailang kabilang ito sa pinakamagagandang airport sa buong mundo. At dahil medaling araw na noon, sa airport na kami nagpalipas ng gabi. Dahil wala na kaming masakyang bus o kaya tren dahil hanggang 10PM lang operating hours nito. May mga Taxi kaso sobrang mahal. Ang unang pagkain ko sa korea ay galing sa isang convenient store. At ito ay aking ikinatuwa kasi sa mga kdrama na pinapanood ko mahilig silang kumain sa mga convenient store. Pagkatapos naming kumain ay sinubukan naming lumabas. At grabe ang lamig. Kapag ibinuka mo ang bibig mo, uusok ito. Di namin nakayanan ang lamig kaya pumasok na ulit kami at nagpahinga na.
Tumblr media
           Sa aming ganap na unang araw sa korea. Kami ay nagtungo sa Lotte world. Kung saan maeenjoy mo ang mga rides. Kung sa pilipinas ang Lotte World ay maihahalintulad sa Enchanted kingdom. Hindi gaanong kaespesyal ito lalo na dahil naranasan na naming tumungo sa Hong Kong Disneyland. Pero kahit ganun, naenjoy naming ang lotte world dahil meron silang mga rides na indoor. Sa loob ay mainit dahil sa mga heater na nakapalibot ditto kaya mas maalwang kumilos doon. Sa labas naman makikita ang mga extreme rides gaya ng roller coaster at marami pang iba. Di kami masyadong sumakay sa mga rides sa labas dahil sa sobrang lamig. Iba ang pakiramdam ng hangin. Para na itong hinihipang yelo. Kami ay naglakas lakad na lang at kumuha ng mga litrato Pagkatapos naming sa Lotte world ay nagpasya muna kaming mananghalian. Kumain kami ng authentic na bibimbap. Pagkatapos nito ay nagtungo naman kami ng Lotte sea aquarium. Para din itong ocean park sa Pilipinas at Hong Kong. Napakagandang ideya ng pagbuo ng mga parkeng tulad nito. Dahil di naman lahat kayang magtungo sa ilalim ng dagat upang makakita ng mga ito. At higit sa lahat iba ang kasiyahang naidudulot nito sa mga bata. Sobrang manghang mangha sila sa kanilang mga nakikita. Pagtapos namin sa Sea aquarium ay umuwi na kami at nagpahinga ng kaunti. Kaming mga babae ay lumabas at naghanap ng mga supermarket na pwedeng pagbilhan ng mga kakailanganin namin araw-araw.
Tumblr media
           Sa aming ikalawang araw sa Korea, kami ay nagpunta sa Nami Island. Mula sa Seoul, sasakay ka ng bus ng halos dalawang oras. Tapos sasakay ka ng barko papunta sa isla ng Nami. Kilala ang nami sa hilera ng mga puno ng Gingko na tulas ng nakikita sa litrato sa gilid. Mas magandang tumungo sa Nami kapag taglagas o kaya naman ay tagsibol. Masisilayan moa ng mga squirrels na tumutulay sa mga sanga ng mga punong ito. Mapapatunayan mo na hindi lang k-pop idols ang Korea dahil marami din itong mga lugar na hindi mo makikita kung san san lamang. Ang palabas ni Enrique Gil at Liza Soberano na My ex and whys ay kuha din dito.
Tumblr media
           Gulat na gulat din ako nung nakita ko ang halos gabundok na yelong inipon sa gitna ng Nami. Marahil ay pinagsama sama nila ito upang maransan ng mga turista na maglaro sa yelo kahit tapos na ang panahon nito.
Tumblr media
           Kalahating oras naman mula Nami ay matatagpuan ang Le Petit France. Ito ay isang lugar na hango sa france. May mga palabas din sa teatro kung saan ipinamamalas ditto ang kultura sa bansang France. Paglabas mo naman ng Le Petite France makikita ng isang mahabang linya ng mga nagtitinda ng prutas. Lahat ay aalukin ka ng mga free taste. Nakakagulat ang presyo ng strawberries doon. Sobrang mura. Sa korea ang dalawandaang piso mo ay dalawang lalagyan na ng strawberries. Sobrang tatamis nito at di mo na kailangang ilagay sa loob ng ref dahil sa sobrang lamig na temepratura.
Pagtapos naming magpunta ng Nami Island at Le Petite France at napagpasiyahan naming magpunta ng myeongdong dahil nasa seoul station naman kami. Sobrang haba pala ng Myeongdong at sobrang matao. Kumain kami sa isang sikat na Korean barbeque restaurant kung saan unli ang lahat. Sobrang sarap at sobrang nakakabusog. Pagkatapos naming kumain ay nagshopping na kami ng iba’t ibang pampagandang produkto at mga pampasalubong. Pagtapos non ay umuwi na rin kami.
Tumblr media
Ang ikaapat na araw naming sa korea ay espesyal. Dahil umulan ng yelo sa araw na iyon. First time kong makaranas ng snow kaya sobrang espesyal nito saakin. Bago kami magpunta ng Sokor o south korea ay sobrang nanghihinayang na ako dahil wala ng snow at isa sa mga pangarap ko ay makaranas ng snow. At ako naman ay pinagbigyan dahil kahit paano ay pinaranas man lang saakin ang snow bago kami umalis ng south korea. Paglabas namin ng train station patungo sa Deoksugung palace dun ko na nakita ang unti unting pagbagsak ng snow sa aking palad. Hindi ko na gaanong napansin ang lugar kung nasaan kami dahil ang pokus ko lang noon ay nasa yelo lang talaga. Pero sobrang ganda naman talaga ng mga historical na palasyo ng Korea. Sobrang yaman nito sa kasaysayan at arkitektura.  Ang sunod naman naming pinuntahan ay ang Grevin’s museum. Ito ay naglalaman ng mga wax figures ng mga sikat ng personalidad sa buong mundo. At isa na nga rito si lee min ho. Siya lang naman talaga ng dahilan kung bakit ko gusto magpunta ng Grevin’s museum para kahit sa wax figure man lang niya ay makapagpapicture ako.
Ang huli naming araw sa Sokor ay inilaan na lang sa pamimili sa myeongdong ng mga pasalubong at pati na rin sa pagaayos ng mga gamit at maleta na iuuwi na sa Pilipinas. Nagpahinga lang kami Kaunti at sa ganap na Alas Dose ng gabi ay kami ay nagtungo na sa Airport para sa 2:00 AM na flight. Nakarating kami sa Pilipinas ng 6:00 AM sa oras ng Korea at 5:00 AM naman sa oras ng Pilipinas. Paglabas ko pa lamang ng eroplano naramdaman ko agad ang simoy ng mainit na hangin sa Pinas. Namiss ko agad ang malamig na temperature sa sokor na kung saan ay kailangan mo pang pumasok sa mga store na may heater upang mainitan naman ang iyong katawan. At dun na nagtatatapos ang paglalakbay ko sa SOKOR!!
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
lakbay sanaysay
Isang sanaysay na nagsasalaysay ukol sa mga pangyayari o karansan sa isang lugar kung saan inilalahad o ikinikwento ang naging paglalakbay.   “Urong, Sulong sa Baguio!” ni Anna Marie L. Patdu Baguio, ang Summer Capital ng Pilipinas. Maraming Pilipino at pati na rin turista ang dumadayo sa bundok na ito. Maliban sa Malamig na klima ng lugar, dinadayo rin ang pagpitas ng matatamis na strawberries. Buhay na buhay rin ang kultura ng mga katutubong naninirahan dito. Sa sanaysay na ito ay ilalahad ko ang aking naging paglalakbay sa lungsod ng Baguio. Taun-taon kami ng aking pamilya ay nagbabakasyon sa Baguio. Isang pribilehiyong ibinibigay ng kumpanya ng aking tatay kung saan mayroong libreng tutuluyan o rest house  na ihahandog ang Meralco sa lungsod ng Baguio. Kadalasan ay ang pinupunta lamang namin dito ay ang malamig na simoy ng hangin na malayong malayo sa lalawigan ng Cavite at Maynila. Hindi kami masyadong namamasyal sa mga tourist spots at kami ay kumakain lamang sa labas, mamimili ng kaunti, at magjo-jogging tuwing umaga. Sa aking karanasan ay masayang maglakad lakad at mag jogging sa Camp John Hay kung saan matataas at matatarik ang mga daanan, ibigsabihin, mas nakakapagod ito ngunit refreshing sa pakiramdam pagkatapos.  Hindi lamang ‘yan ang mga dahilan sa pagpunta namin sa Baguio. Kami rin ay namamalengke sa palengke ng Baguio bago umuwi at bumalik ng Cavite dahil dito nanggagaling ang mga masasarap na gulay at prutas, at mas makakamura pa kung doon na bibilhin at hindi sa Maynila.  Nitong nakaraang taon, 2017, ang pagbisita namin sa Baguio ay naging masaya lalo para sakin sa kadahilanang ang aking pamangkin na si Isaiah ay nakasama ko at nakalaro. Sa mga panahong iyon, naramdaman kong muli ang pagiging bata. Naglaro kami ng tagu-taguan kahit kaming dalawa lang, ingles kami kung mag-usap (sossy kasi siya), naglalaro ng zombie-zombiehan at kung ano-ano pa.  Napakaganda ng lugar na ito, kitang-kita ang kagandahan ng kalikasan sa mga bundok tuwing aakyat ng Baguio, ngunit sa kasalukuyan ay nagiging polluted na rin ito, mabigat na rin ang traffic gaya sa Maynila, maging sa Cavite sa kadahilanang, napakarami nang turista ang dumadayo rito lalo na tuwing sasapit na ang bakasyon o tag-init.  Kaya habang nakararamdam pa ng kaunting tag-init. Halina’t mag urong sulong sa Baguio!
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
Abstrak
Ang abstrak ay isang maikling paglalarawan ng isang sulatin partikular na sa isang pananaliksik. Mayroon itong dalawang uri. Ang una ay ang Impormatibong Abstrak
Ang impormatibong Abtsrak ay nagbibigay kaalaman sa mambabasa at nagkakaroon din ito ng estruktura at kalimitan ay kabilang dito ang mga detalye ng buong pananaliksik. Tulad ng Kaligiran, Layunin at Saklaw, Metodolohiya, Resulta at Konklusyon.
Halimbawa:
                                                 ABSTRAK
Pangalan ng Paaralan          :Elizabeth Seton School-South
 Address                                 : Anabu II-D, Imus City, Cavite
 Pamagat ng Pananaliksik     :Epekto ng Paggamit ng Social Media sa mga                                                     Mag-aaral ng Elizabeth Seton School-South
Awtor                                      : Allen Arianne S. Costa                                                  Johannes D. Asombrado                                                  Angelo F. Cuyson
 Sa pag-unlad ng ika-21 siglo, ang paggamit ng social media ay unti-unti nang nagiging parte ng araw-araw nating pamumuhay. Ang higit na nakikinabang sa social media ay mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nangalap ng impormasyon upang tuklasin ang mga epekto ng paggamit ng social media sa mga mag-aaral ng Elizabeth Seton School-South.
             Layunin ng pananaliksik na ito ang malaman ang mga epekto ng social media sa mga high school students ng Elizabeth Seton School-South. Kalakip nito, naglalayon ang pag-aaral na ito na tugunan ang mga sumusunod na layunin:
Nais malaman ng pananaliksik na ito kung nakatutulong nga ba ang paggamit ng social media sa pag-aaral ng mga estudyante.
Nais malaman ng pananaliksik na ito kung ang social media ay mayroong  masama o mabuting epekto sa mga mag-aaral.
Nais malaman ng pananaliksik na ito kung ano ang social media site na     kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng kantitatibong pamamaraan. Ang disenyo ng pananaliksik ay descriptive. Ito ay naglalayong makapagbigay ng paglalarawan base sa nakalap na datos. Gumamit din ito ng likert scale upang malaman ang degree ng bawat sagot sa questionnaire at para makuha rin kung gaano kadalas naitala ang bawat sagot. Ang mga respondents sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12 ng Elizabeth Seton School-South.
Lumabas sa pananaliksik na ito na nangingibabaw ang mga positibong pamamaraan upang magamit ng mga estudyante ang social media para sa ikabubuti ng kanilang pag-aaral. Ang may pinakamataas na approval score na may mean na 4.20 ay ang “paggamit ng social media para sa pakikipag-usap  sa mga kaibigan patungkol sa mga akademikong gawain.” Ngunit lumabas din sa pananaliksik na ito na nagiging dahilan ang social media upang makaabala sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Kinakailangan mabigyan ng tamang gabay kung gaano dapat kadalas paglaanan ng oras ng mga mag-aaral ang paggamit ng social media upang hindi mapabayaan ang kanilang pag-aaral. Dapat maging responsable ang mga mag-aaral sa paggamit ng social media upang mapaunlad ang kanilang sarili at mapabuti ang kanilang kakayahang pang-akademiko.
 Ang isa pang uri ng Abstrak ay ang deskriptibong Abstrak. Limitado lamang ang laman nito at nilalarawan lamang ang saklaw ng pag-aaral hindi ito nakatuon sa nilalaman ng sulatin kumpara ng Impormatibong Abstrak.
Halimbawa: 
EPEKTO NG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL NG ELIZABETH SETON-SCHOOL SOUTH
 Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga posibleng epekto ng paggamit ng social media sa pag-aaral ng mga estudyante ng Elizabeth Seton School-South.
 Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay pansin ang social media at kung paano nito naaapektuhan ang mag-aaral sa kanilang pang akademikong gawain. Isa sa layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman kung nakakatulong ba ang social media sa pang-akademikong gawain ng mga estudyante at sa anong mga paraan. Nagnanais rin nitong alamin kung ano bang social media site ang madalas gamitin ng mga mag-aaral ng Elizabeth Seton School-South, ano ang nagiging epekto nito, at ang oras na nilalaan nila dito bawat araw. Ang mga respondents ng aming pananaliksik ay ang mga highschool students (simula baitang 7 hanggang baitang 12) ng naturang paaralan.
0 notes
teamparacetamol · 6 years
Text
“Sabihin mo na”
A three word poetry
By: Sophia Topacio
 Sabihin mo na. Sige sabihin mo na. Wag kang mangamba. Kahit na alam mong lahat ng mata at atensyon ay nakatuon sayo. Sige lang sabihin mo. Wag kang matakot gagabayan ka niyan ni Mike. Siya ang magiging boses mo. sabihin mo lang lahat sa kanya. Siya na ang bahalang magdala sayo.
Isa pa. Isa pang dahilan bakit di mo masabi?  Dahil baka di mo alam kung ano ba talagang gusto mong iparating. Isipin mo kasi. Isipin mong mabuti kung ano. Isipin mong mabuti kung bakit. Isipin mong mabuti kung papaano. Saka mo ngayon buuin ang gusto mong iparating.
Ang pinakamahalaga naman kasi sa lahat ay kung alam mo kung papaano. Kung di ka sigurado sa ano,  mahalagang alam mo kung papaano. Paano ko ba dapat sabihin? Paano ba dapat ang emosyon ko habang nagpapahayag? Paano ba dapat nakalugar ang kamay ko? Paano ba dapat ang pwesto ng mata ko? Kasi alam mo ba? Kapag nalaman mo na kung papaano, mararamdaman ng pinagsasabihan mo ang sinseridad ng nais mong iparating. Kaya mo ‘yan. Sabihin mo na. Sabihin mo na lang.
.
.
.
.
.
Nagmamahal, talumpati.
Tumblr media
0 notes