theinvisibleadmirer-blog
theinvisibleadmirer-blog
Invisible Admirer
16 posts
This is my freedom. So please back off.
Don't wanna be here? Send us removal request.
theinvisibleadmirer-blog · 9 years ago
Text
When was the last time you put yourself first? 
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 9 years ago
Text
Ayoko
Hindi kita magawang patawarin, hindi dahil ayaw kitang bigyan ng isa pang pagkakataon. Ayaw kitang patawarin dahil natatakot ako. Natatakot akong mas malala pa don ang magawa mong panloloko. Oo, hindi mo ko niloko sa larangan ng pambabae pero bakit kailangan mo magsinungaling? Para maprotektahan mo ang sarili mo sa galit ko? O ngayon, naprotektahan ka ba? Ayaw kitang patawarin dahil ayaw kitang bigyan pa ng pagkakataong lokohin ako. Ayokong dumating pa sa puntong mas malala pa rito ang magawa mo. Ayoko. Ang sabi mo mas okay na yung magalit ako sayo sa pagsasabi mo ng totoo kaysa yung magsinungaling ka sa’kin pero bakit nagawa mo ‘to? Puro ka salita. Masakit dahil alam mo ang weakness ko pero yun ang tinatarget mo. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko. Natuto na ko.
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Pride
Dalawang beses ka nang nag-cancel ng important matters para sa’kin. Unang beses ay yung meeting mo sa manager mo para sa school na papasukan mo. Tapos pangalawang beses kanina, sinabi mo lang sa'kin na may training ka dapat sa perps kung kailan magkasama na tayo. Tinanong ko kung bakit hindi mo agad sinabi sa’kin. Ang sagot mo naman, “Alam ko kasing pag sinabi ko, cancelled ang lakad natin ngayon. Hindi kita makakasama.” Pero sa kabila nun ay nagawa pa kitang awayin kanina dahil sa babaeng minessage mo na pinagselosan ko :( Naglakad tayo na may distansya sa isa’t isa at aakalain mong hindi magkakilala. Napatigil tayo sa seaside at doon na napagdesisyunang ubusin ang oras na nilaan sana natin para sa isa’t isa. Kaso dahil sa immaturity na ipinakita ko kanina, nasayang ang maraming oras sa hindi pagpansinan. Halos dalawang oras na kitang hindi pinapansin pero parang wala kang pakialam. Ikaw ang hinihintay kong lumapit dahil gusto kong magsorry ka sa nagawa mo. Ilang oras akong naghintay. Humarap na lang ako sa dagat. Napatakip ng kamay sa mukha dahil naiiyak na ko sa taas ng pride mo. Hindi mo man lang ako magawang suyuin. Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko, naramdaman ko ang kamay mo na dahan-dahang tinatanggal ang pagtakip ko sa mukha at kinuha ang kamay ko para hawakan. Akala ko hindi mo na talaga ako lalapitan. Nag-sorry ka at sinabi mo sa’kin na nasaktan ka sa ginawa ko kanina. Medyo nasigawan pala kasi kita in public. Alam kong hindi naman sigaw ‘yun pero aminado akong medyo napalakas yung boses ko. At yun ang dahilan kung bakit parang gusto mo nang maiyak sa harapan ko kanina at umuwi na lang. Pero hindi mo ginawa. Hindi mo ko iniwan mag-isa kanina. Doon ko napagtanto na sana nagkusa din pala akong pansinin ka kanina dahil may nagawa din akong kasalanan. Ang bahagyang pagsigaw sa’yo in public. Pinag-usapan natin ang problema. Nag-sorry din ako sa nagawa ko. Bago tayo magkahiwalay para umuwi ay nagkaayos tayo. Natapos pa rin ang araw na ito nang may ngiti sa mga labi ko dahil hindi ka nagkulang na iparamdam sa’kin ang pagmamahal mo. Kung ako ang tatanungin ay ayoko na sanang umalis pa sa tabi mo. Akala ko, ikaw ang may mataas na pride sa’ting dalawa ngunit nagkamali ako. Ako pala.
10/27/15
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Hindi ko magawang magtiwala ng buo kasi may trauma na ko sa lalaking katulad mo. Taga-bicol. Taga-paranaque. Chickboy. Player, halos pareho pa kayo ng perfume. Kaya sobrang sensitive ko sa bawat pagkakamali mo. Maglilimang buwan na pero ganito pa rin ako. Pilit ko nang kinakalimutan yung manlolokong yun. Yung panggagago niya sakin. Halos apat na taon na rin ang nakararaan, oo gumaling yung sugat pero yung scar nanatili dito. Naalala ko yung naramdaman kong sakit nun, takot na kasi akong maulit. Sorry.
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Sinabi mo sa’kin nung nakaraang buwan na gusto mo nang umuwi dahil napapagod ka na sa pagbabasketball. Sinasabi mo sa’kin na ayaw mo na. Gusto mo nang sumuko dahil madugong training ang kinahaharap mo doon. At nung mga panahong gusto mo na sumuko, nandoon ako upang palakasin ang loob mo. Naalala ko pa yung sinabi ko noon sayo, “Kung napapagod ka na sa pagbabasketball, ibig sabihin napapagod ka na rin mabuhay? Kasi diba ang sabi mo sa’kin, yan ang buhay mo? Kaya wag kang sumuko. Isang buwan na lang naman makakauwi ka na.” Oo. Isang buwan ka na lang noon mananatili sa Bicol para sa Regional game mo. At ngayon nandito ka na sa Manila. Pangalawang araw mo palang pero nagsabi ka agad sa’kin na isinali ka sa Inter-Barangay sa lugar ninyo. Basketball nanaman. Panibagong training nanaman ang pinasok mo. Akala ko pag-uwi mo dito, gusto mo magpahinga. Akala ko aasikasuhin mo yung tungkol sa pag-aaral mo. Akala ko magkakaroon tayo ng mahabang oras sa isa’t isa dahil apat na buwan tayong nagkahiwalay. Akala ko anytime makakasama kita. Akala ko wala na kong kahati sa oras mo. Nakalimutan kong Basketball nga pala ang buhay mo. At dahil mahal kita, iintindihin ko na lang ulit. Wala akong magagawa.’ Yan ang first love mo eh, ‘yan din ang buhay mo. “First love never dies” ika nga. 10/16/15
1 note · View note
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Hindi kita pinapaasa. Tinutulungan lang kitang makalimutan siya.
1 note · View note
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
When everyone thought you have a perfect relationship.
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Madaling sabihin ang sorry. Mahirap lang hanapin ang sincerity.
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Puro ka opinyon, hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon.
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil umaasa pa rin ako na sana gumawa ka ng paraan para makausap ako, na mag-stay ako, na hindi totoo yung sinabi ng ka-team mo, na mahal mo ko. Hanggang ngayon kasi pinanghahawakan ko yung sinabi mong hindi mo ko kayang tarantaduhin katulad ng mga ex ko.
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Swerte talaga ng future girl mo Kuya :) <3
May pangarap ako sa buhay at masasabi kong ayun  talaga yung pinaka lamang ko sa ibang kalalakihan.
Gusto ko makapagtapos ng pag-aaral. Pagkatapos nun, Magpapayaman muna ako tapos pag mayaman na talaga ako, bibili ako o di naman kaya magtatayo ako ng sarili kong planeta at doon ako titira ng mag-isa. Pupunuin ko yun ng mga chocolates at iba pang masasarap na pagkain at akin lang lahat ng yun… HAHAHA JOKE LANG, De eto na talaga, Pag nakapagtapos na ako, Maglilibot libot muna ako. Pupunta ako kung saan saan tapos malay mo, sa ganon ko na pala mahanap yung tinatawag nating the one. Gusto kong magkapamilya. Gusto ko ikasal sa taong mahal ko. Gusto ko ring makita someday yung sarili ko na naluluha sa loob ng simbahan nang dahil lang sa naglalakad yung taong mahal ko nang dahan dahan papalapit sakin at sa araw na yun, ayun na yung kasal namin. Gusto kong ikasal sakanya ng paulit ulit, kung maaari, every year pa eh! Basta ba sa tamang panahon simulan. Gusto kong gawing byenan yung mga magulang nya. Gusto kong maging kapatid yung mga kapatid nya. Gusto ko magka-anak. Gusto ko magkaron ng mga little princesses tapos gusto ko ako mismo yung magb-braid ng mga buhok nila (and I want my wife to be the one who will teach me how to do that). Hindi ako bading ah haha pero gusto kong paglaruan yung mga muka nila, pagsasabuyan ko ng kung ano anong make up ng asawa ko, lalagyan ko sila ng napakakapal na lipstick at kung ano ano pa hahahah, Experiment lang para maiba naman diba! Gusto ko sasabayan ko sila manuod ng mga disney movies. Gusto ko makita sa mga mata nila kung gano sila mag-gwapuhan kay Flynn Rider ng Tangled (ako kasi yun, naks jk). Gusto ko makipag-laro ng lutu-lutuan sa kanila, Gusto ko ako yung mamimitas ng mga dahon dahon sa labas ng bahay namin tapos susunugin namin (haha, my kind of lutu-lutuan talaga pramis. gayyysht). Sa pagdadalaga nila, Gusto ko ako yung bibili ng mga napkin nila (HAHAHAHAHA SOBRA NA TO) and I’ll make sure na hindi sila maiilang sa akin. Gusto kong maranasan na ako naman yung mag-iinterview sa mga manliligaw ng mga magiging anak kong babae (magiging masaya to panigurado! patay kayo sakin ngayooon haha. hot seat ba kamo? kayo naman gigisahin ko, gaganti ako jk) at syempre, gusto ko rin magkaron ng mga anak na lalaki. Gusto ko paglaki nila, sila mismo yung makakasama ko sa paglalaro ng basketball. Gusto ko silang makalaban sa larong dota o di naman kaya ng mga laro sa y8 (BOXHEAD 2PLAY HAHAHA). Gusto kong tulungan sila sa paghahanap ng mga chix (ay bad oh, jk lang haha). Gusto ko silang maka-inuman. Gusto ko silang turuan how to drive at gusto ko rin silang turuan kung ano ba yung dapat maging trato naming mga lalaki sa mga babae. Marami akong plano. Marami akong gusto pero alam kong bago ko maabot lahat ng yan, Iwas muna sa mga bagay bagay na alam kong hindi pa tama at dapat dahil nga hindi pa ito yung tamang oras, aral muna diba diba? Hi future, I’m getting ready at masasabi kong excited na talaga ako! -Makh.
119 notes · View notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
PAHALAGAHAN MO HABANG NASA'YO PA! HINDI YUNG HAHABULIN MO KAPAG HAWAK NA NG IBA!
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
My Relationship Daily Routine
Our Daily Routine: *Magsesend ng goodmorning messages sa isa't isa. *Magmamadali ka na para sa training mo at ako naman para pumasok sa school. *Nasa biyahe palang ako, nasa training ka na. *Magtetext ka kapag water break niyo. Kahit may klase pa ako sa oras na yun, nirereplyan kita. (kasi mahalaga sakin ang libreng oras mo) *Break time ko, nasa training ka naman. *Break time mo, may klase ako. *Tapos na lahat ng klase ko at nakauwi na ko, nasa training ka pa rin. *Gabi na kayo natatapos kaya gabi ka na rin nakakapagtext sakin. *Gumagawa ako ng schoolworks pero nagagawa pa rin kitang kausapin. *Pero minsan, 11pm palang dumadaing ka na sakin na nahihilo ka na o kaya naman masakit na ang ulo mo. *Kaya ako na ang kusang nagtatanong, "Gusto mo na matulog?" *Minsan sinasabi mong kaya mo pa pero madalas pumapayag ka, at gusto mo pa na sabayan na kita matulog. *Masaya na rin naman ako kahit sandaling oras lang ang meron tayo para makapag-usap.  *At the end of the day, goodnight messages. Pero minsan hindi tayo natatapos ang araw natin dito dahil sa tampuhan o away.
Sobrang bitin ng oras na yun para sakin pero anong magagawa ko? Pagod mo sa training ang kalaban ko. Obviously, Wala akong magagawa dun diba? (Lagi naman). 3 months na tayo, 3 months na rin tayo sa ganitong set-up, pero bakit parang laging first time pa rin sakin? Nahihirapan pa rin ako. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi na ko nasanay.
0 notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Pahalagahan
Hangga't nasa iyo pa, pahalagahan mo. Walang makapagsasabi kung kailan siya maaaring mawawala sa'yo.
2 notes · View notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
Sana
“SANA MAREALIZE NG MGA BOYFRIEND NIYO KUNG GAANO SILA KASWERTE SA INYO” -Friend
How I wish he could realize that.
3 notes · View notes
theinvisibleadmirer-blog · 10 years ago
Text
This kind of guy pls?
To my Future Girl.
Hi. Hahahahah! For now, I don’t have any single idea about who you are but I want you to know na I really can’t stop myself thinking about you. Nagkita na kaya tayo? Nakausap na kaya kita? Kumain ka na ba? Masaya ka kaya sa mga oras na ‘to? Sana okay ka lang, Alam mo lagi akong nag-aalala sa’yo pero tiwala naman ako kay God na hinding hindi ka nya papabayaan kaya ayos lang. Sobrang dami kong gustong ikwento sa mga oras na ‘to sa’yo at dahil hindi pa kita kilala, itatago at iipunin ko nalang sila para pag dumating yung tamang panahon, doon ko na sila ikekwento. Gusto ko ring malaman mo na napakatamad kong tao pero dahil sa’yo, namomotivate akong mag-aral ng mabuti, Pasaway rin ako pero pinipilit ko yung sarili kong magbago para pag dumating na yung tamang panahon, masasabi kong deserving na talaga ako para sa’yo. Sobrang excited na kong makilala ka. Sobrang excited na kong ipakilala ka sa family and friends ko, Sobrang excited na rin akong mameet yung parents mo para makapag-thank you kasi dahil sa kanila, meron yung mundong to ng ikaw. Sobrang excited na kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Sobrang excited na kong ipakita sayo kung gaano ka kaimportante sa akin. Sobrang excited na akong mag-effort para sa’yo. Alam ko namang mahaba haba pa yung landas na tatahakin ko bago kita makilala, Alam kong medyo matatagalan pa pero wag kang mag-alala, I will never get tired of waiting for I know to myself na it will be all worth it. Take good care of yourself ha? Wag kang mag-alala, In the future, ako na yung mag-aalaga sa’yo pero sa ngayon, ikaw muna. Kung may hilig ka mang gawin, wag kang mag-alala, kung ano man yan, Suportado kita dyan pwera lang sa pagpatay, pagnanakaw o panghoholdap ha? hahahahah. Sana, suportahan mo rin yung mga bagay na gusto ko sa buhay. Inaamin ko, hindi ako perpektong tao, pasaway pa nga eh… kaya sana matanggap mo rin ako at wag ka sanang mag-sawang intindihin ako kasi ako sayo, sobra kitang iintindihin at hinding hindi ako magsasawang gawin yun kahit gaano mo pa sabihin na sobrang hirap mong intindihin. Sa ngayon, aral muna tayo ng mabuti ha? Sana kahit na hindi pa natin kilala yung isa’t isa, magsilbi pa rin tayong inspirasyon para gumawa ng mabubuting bagay kasi in the future, para sa’tin rin naman yun eh. Mahal na mahal kita at willing akong gawin lahat nang bagay maipakita ko lang sa’yo yun. Kung minsan ka nang nasaktan o may nakasakit na sa’yo, Pasensya na wala ako sa tabi mo para i-comfort ka. Pasensya na kasi hindi kita nagawang resbakan. Wag kang mag-alala, Hindi ako katulad nila at tutulad sa kanila. Takot akong gawin yung mga ganong klaseng bagay, May nanay rin ako, mga babaeng pinsan at kaibigan, iniimagine ko palang na ginagawa sakanila yug mga yun, naiinis na ako at Ayoko rin kasi dumating sa point na in the future, gawin rin yun ng iba sa mga magiging anak natin. Etong blog na to, Gusto kong ipabasa sa’yo to in the future para malaman mo na kahit nung wala pa akong idea kung sino ka, sobra na talaga akong interesado sayo. Again, Ingat palagi, I love you. God bless! Let’s make God as the center of our relationship ha. Ngayon palang na hindi kita kilala, Sobra na akong nagpapasalamat sakanya. Sana ganon ka rin :-) -Makh.
398 notes · View notes