thepen37
thepen37
BLOG馃摉
7 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
thepen37 4 months ago
Text
V. ANG PAGSISIMULA
Di mapakali ang rayna kung ano ang gagawin. Sa isip niya ito ay di dapat gawin bagama't sa puso niya, gusto niyang puntahan si Philip. Sa tagal ng pag-iisip napag desisyunan niya na sumipot at makikipagkita kay Philip. Pumunta siya sa isang lake ng gabing yun at dun nakita niya si Philip, naghihintay. Nang lumingon si Philip ay kita sa mukha niya ang kasiyahan at excitement. He was hoping na darating si Queen D. Nag-usap ang dalawa nang heart to heart at nag reminisce sa mga happenings sa life. Before naging Queen si Queen D. ay naging magkasintahan sina Philip. They are lovely couple. Masaya at they love each other. But Queen D. is ambitious. She wants everything but hindi lahat maiibigay ni Philip. Philip is an average man. When the King saw Queen D., nagandahan siya nito not knowing she had already a man. The King asked Diane to be his Queen, w/out pag-alinlangan, nag yes si Queen D. Nagmakaawa si Philip Kay Queen D. but iniwan pa rin niya. Mahal niya pero mas humigit sa kanya ang power at health. Natutunan niya mahalin ang hari kinalaunan until pinakilala ng hari si Philip sa kanyang mga tauhan at asawa. Hindi alam ng hari ang past ng dalawa. Philip tried to enter the kingdom at mapalapit sa hari because of Queen D. It was a plan sa simula pa lang. Babawiin niya si Queen D. sa hari at all cost. Ginulo muli ni Philip ang puso at isip ni Queen D. Aaminin man o hindi, may pagtingin pa rin si Queen D. sa kanya. They hugged each other and Philip kissed Queen D.
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
Gumaan ang loob ni Queen D. Tila na miss nila ang isa't isa. While tahimik at masimoy ang hangin, ng may biglang narinig na ingay sa may damuhan. Nagambala ang dalawa at baka may nakakita sa kanila. Tumayo si Philip at pinuntahan ngunit wala siyang makita. Pero ramdam niya na may nakakita sa kanila sa kadahilanan na may maliit na tela nang damit ang napunit. Binalikan ni Philip si Queen D. Nag worry ang dalawa kasi baka may magsumbong sa hari. Hindi dapat malaman ng hari ang nangyari sa dalawa. Philip promised Queen D na hahanapin niya ang taong iyon at sisiguraduhin na no one ang makakaalam sa kanilang dalawa. Ano kaya ang next step na gagawin ni Philip for Queen D na ngayon alam na niya na may pagtingin at mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa? Saan hahantung ang pag-iibigan nila na alam nila na ang hari ang kanilang makakalaban? At sino kaya ang magsusumbong sa hari? Abangan!
#THEROYALMYSTERY
#02242025
0 notes
thepen37 5 months ago
Text
Tumblr media
0 notes
thepen37 6 months ago
Text
IV. ANG PANUNUYO
Dahil sa nangyari, nag-isip ng paraan si Philip kung paano niya muli makausap si Queen D. Gusto niya humingi nang tawag sa kanyang nagawa.
Isang araw, nagpaalam si Queen D na pumunta sa bayan para mamili nang mga gamit. Hands-on kasi ang Rayna 'pag may event na gaganapin. She will pick what colors or even flowers para sa event. Pumayag ang hari but pasasamahan siya ni Philip to protect her at magdadala nang mga gamit niya. Hindi maka No si Queen D. Ayaw niya sana kasama si Philip but that's the King's order. Nabuhayan ng loob si Philip dahil makakausap na niyang muli si Queen D. Walang imik ang dalawa habang papunta sa bayan. Gusto sana ni Philip na magsalita pero hindi nakatingin si Queen D sa kanya. Walang nagawa si Philip hanggang nakarating na sila sa bayan. Bumili si Queen D ng mga gamit para sa darating na event kung saan dadalo ang ibang mga royalty family in every countries. Hindi makatiempo si Philip na kausapin si Queen D hanggang sa natapos na nga itong bumili. Bumalik na sila sa sasakyan at inilagay na rin ni Philip ang mga gamit. Pabalik na sila sa Palasyo at ng malapit na sila, di na napigilan ni Philip at nagsalita na siya. May binigay na papel si Philip at sabi niya basahin mo ito 'pag makarating na tayo. Hindi nagsalita si Queen D at tinanggap pa rin niya ang papel. Nang makarating na sila ay agad agad na bumaba si Philip para kunin ang mga gamit. Si Queen D naman ay nag utos sa mga servants niya na ayusin ang mga pinamili. Pumunta siya sa kwarto niya at inihatid pa rin siya ni Philip at bago pumasok si Queen D, lumingon siya at nag eye to eye 'yung dalawa. Walang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Tila ang mga mata ang nangungusap at nagpapahiwatig. Tapos 'nun ay pumasok na si Queen D. Binuksan ni Queen D ang papel at isang liham na sinulat ni Philip sa kanya. Humihingi siya nang tawad sa kanyang ginawa at he expressed his feelings towards the Queen. Matagal na niyang iniibig ang Rayna ngunit wala siyang pagkakataon na sabihin hanggang di na niya kaya, kaya niya yun nagawa. Gusto niyang makausap si Queen D at sana pumayag siya. Nais niyang magkita sila mamayang gabi sa lugar kung saan sila unang nagkita. OMG! May nakaraan kaya ang dalawa? Are they exes? Pupunta kaya si Queen D? Mapapatawad kaya niya si Philip? May pagtingin kaya muli ang Rayna? Paano kapag nalaman ng hari? Abangan ang susunod na mangyayari.
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
#THEROYALMYSTERY
#12142024
0 notes
thepen37 7 months ago
Text
III. THE TEMPTATION
Ika nga nila, nasa siko mo lang ang temptation. Kahit kailan pwede ito gumising at disturbuhin ang natutulog 'mong pagkatao. Dito nagsisimula ang pagsisinungaling, paggawa nang di mabuti sa kapwa at ang tukso. Di batid ng hari na may nagaganap na sa kanyang palasyo na di kaaya-aya. Pinagkatiwalaan, minahal at binigay ang lahat ng hari pero bakit may kulang pa rin? Dahil sa kahinaan ng loob, naging marupok ang damdamin ni QUEEN D. Mahal niya ang hari pero nanaig pa rin sa kanyang puso ang tukso.
Palaging nagmamasid sa loob ng palasyo si PHILIP. Sa loob ng palasyo siya naatasan na magbantay para sa pamilya nang hari. Laki nang tiwala nang hari sa kanya at lahat ng bilin ng hari ay sinusunod niya ngunit sya ay mapusok. Gustong-gusto niya si Queen D. Iba ang tingin niya kapag kausap at kaharap niya si Queen D. Gusto niyang hawakan, halikan at yakapin ito. Nararamdaman ni Queen D na may kakaiba sa kanya. Na aawkward si Queen D. Naiilang tumingin at mag-utos si Queen D sa kanya.
Hanggang isang araw, pupunta na sana si Queen D sa ibaba para mamasyal sa hardin ng may biglang kumuha sa kamay niya at dali daling dinala at pinasok si Queen D sa isang room. Nagulat ang Rayna at ng makita niya si Philip ang kumuha sa kanya. Di alam ni Queen D ang gagawin. Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa takot.
Nagsimula magsalita si Philip ng mahinahon. Inilabas ang kanyang nararamdaman sa Rayna. Kay lapit ng kanyang mukha sa Rayna at hinawakan pa rin niya ang kanyang kamay. Ngunit tinulak siya nang Rayna at sinampal. Nagbanta ang Rayna na kapag mauulit pa ito, parusa ang kapalit. Galit na galit si Queen D paglabas ng silid.
Sa kabilang banda, nalungkot si Philip dahil nagalit sa kanya ang Rayna pero naging magaan ang puso niya dahil na express na niya ang kanyang feelings for Queen D. Di makapaniwala si Queen D na nagawa 'yun ni Philip sa kanya. Galit siya ngunit may iba na rin siyang nararamdaman. Gusto niyang mainis at magalit ng lubusan kay Philip pero di niya magawa. Ang Rayna ay may nabubuong pagtingin kay Philip simula nung palagi siyang pinapadalhan ng flowers na palihim. Pinipigilan niya kasi alam niya na ito ay hindi tama at 'pag nalaman ng hari, parusa ang matitikman nilang dalawa.
Hindi nakatulog ang Rayna sa gabing iyon. Palagi niyang iniisip si Philip. Si Philip naman ay uminom dahil sa nangyari. Akala niya walang nararamdaman si Queen D sa kanya. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa? Bibigay kaya si Queen D o pipiliin niya kung ano ang tama?
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
#THEROYALMYSTERY
#120124
0 notes
thepen37 7 months ago
Text
II.THE MAIDS, THE GUARDS & THE SERVANTS
A palace is incomplete without its people. Marami ang nasasakupan ng isang hari. Kahit sa loob ng kanyang palasyo, may mga mata na nakatingin. They served the King. They are loyal kahit buhay man ang kapalit para sa hari because they promises and nanunumpa na they will do everything for the Royal family lalo na ang pamilya Arthur!
THE MAIDS; marami ang nauutusan sa palasyo, ang mga maids. They have important roles because without them, the King as for sure galit. Every minute they are badly needed. Utos dito, utos everywhere. Sa Arthur family, they have 300 maids. They are assigned everywhere sa palasyo. BUT there are famous maids na pinagkakatiwalaan ng hari, sina Maria, Julie at Esther. Si Maria ang nakatuka sa labas ng palasyo. They clean sa labas, saan man sulok. Si Julie naman, sa loob ng palasyo except sa kitchen area because kang Esther na 'yun. They are good maids in terms sa paglilinis at inuutos. They are the best at that part.
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
THE GUARDS; a very important people in the palace. They protect the King. They open their eyes in everyday for the King and for the family. It composes 500 guards in Arthur Palace. Spread in every corner of the palace para magbantay at magmatiyag. The famous guards are Philip and Romeo. Sa labas nakabantay si Romeo at sa loob naman si Philip. They are maaasahan.
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
THE SERVANTS; they are the servers. The food, the dresses or even the organizers of the events, sila ang gumagawa. Marami rin sila, they have 200 servants. Si Love at si Boy ang inaasahan sa mga gawain at sa pagseserve. They are married couple at matagal na rin sila nagseserbisyo sa hari.
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
Lahat ay may ginagampanan. They do their best for the better palace, for the better of Arthur family. Sino kaya ang may alam sa sekreto ng Arthur family? Sino ang kakampi at sino ang kaaway? Lahat maasahan ngunit may nakamaskara at tila nagtatago sa ibang anyo. Malalaman kaya ito nang hari? O siya ang pinupunterya nang kalaban? Alamin!
#THEROYALMYSTERY
#11252024
1 note View note
thepen37 7 months ago
Text
I. THE ARTHUR FAMILY!
Sa isang malayong place, may kingdom na ang naghahari ay ang ARTHUR Family. The King is si King Shawn. Mabait na hari, he loves his people. He listens all the concerns, issues or even the problems of all his citizens. He's SMART.
Maunlad ang kanyang kaharian. Lahat ng tao ay gusto at approved ang kanyang pamumuno. Mas lalo siyang sumasaya 'pag namamasdan niya ang kanyang magandang pamilya. Ang napaka beautiful niyang wife, si Queen Diane. Si Queen D. ay isang mapagmahal na asawa. Lahat ng gusto nang kanyang asawa ay alam na alam niya. She knows eveything when it comes to her husband. She's been there since the day 1 of their marriage. She is submissive. The King and Queen have 2 children, the Prince and the Princess. They are in their twenties. Most of all the time, pusa at aso ang peg ng dalawa. But they are formal when it comes sa mga events happening sa kanilang palace. They are afraid of their King and Queen so isang salita lang, tiklop agad sila.
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
The Arthur Family seems a very perfect family especially sa mata nang mga tao nila. They are royalty, rich and lahat ay magagawa with their power. BUT, every family has a secret. A hidden agenda. Hindi kaakibat ng kasiyahan ang kabaitan. You can't judge a person for what he/she wears, what he/she styles and the way he/she handles everything, just to pretend that everything is good and well-display.
Ano kaya ang tinatago nang Arthur Family? May masamang gawain ba ang Hari? O di kaya ang maamong mukha ni Queen D. ay may tinatagong dilim sa puso at isip niya? What if dahil sa kapabayaan ng dalawang kapatid, nakasira nang buhay ng tao?
Sino-sinu ang mga taong magiging parte nang buhay nila? At paano matutuklasan ang mga sekreto nang pamilyang Arthur?!
#THEROYALMYSTERY
#112324
1 note View note
thepen37 8 months ago
Text
Si KOKOY! 馃惗
Natanong n'yo na ba sa sarili mo minsan kung bakit madamot ang tadhana? Bakit ba pagtatagpuin ang mga bagay na hindi naman kayang paninindigan ng tadhana? Anong nais ituro sa pangyayaring ito? Ipinagkaloob ngunit kay daling naglaho.
Ito ang kwento nang aking alaga na si Kokoy. Sa simula pa lamang, di ko alam ang ipapangalan niya. Tumagos sa isipan ko ang pangalang Kokoy dahil ito ay kay bilis bigkasin at hindi kumplikado. Dumating siya sa buhay ko nung buwan ng Mayo 2024. Hindi inaaasahan dahil binigay siya nang kakilala naming guro. Maliit si Kokoy, parang pandak. Malaki ang mga paa pero kay gandang hawakan dahil ito'y malambot. Ang kulay niya ay naghahalo nang itim at kayumanggi. Maitim ang nguso o bibig niya. Malaki at malambot ang kanyang tenga. Maamo ang mga mata.
Nung dinala namin siya sa bahay ay may deperensya ang kanyang isang paa. Hindi pa siya masyadong nakakalakad ng maayos. Hindi sana kami makakaampon sa kanya kasi may nauna talaga na napagbigyan ngunit ito ay sinauli dahil sa kaakibat na kapansanan na dala. Kung kaya't gumawa ang tadhana na pagtagpuin kami sa kanya.
Sa unang araw, balisa si Kokoy. Di mapakali. Nasanayan din niya ang magkagat-kagat ng anumang bagay. Ganyan naman ang mga aso pag bata pa sila, nilaro laro nila ang mga bagay na nakikita. Aktibo at malikot si Kokoy. Kabisado na rin niya ang kanyang pangalan kasi 'pag tinatawag namin siya na Kokoy, lalapit na ito at gumagalaw galaw ang buntot. 2-3 buwan lumaki na si Kokoy. Mas lalong gumanda ang kulay niya. Dominante ang kulay kayumanggi, humaba na rin ang kanyang buntot. Naging masiglahin si Kokoy at napapasaya niya kaming lahat.
Tumblr media
Ngunit ang tadhana ay kay lupit. Kay sakit isipin at damhin ang sinapit sa aming pinakamahal naming si Kokoy. August 01, 2024 binawian ng buhay si Kokoy. Kay hirap tanggapin ang pinagkait ng tadhana. Bakit binigay pa ngunit babawiin lang agad? Nagkasakit si Kokoy, hindi kumain. Nagsusuka at nagbabawas siya nang dugo. Wala akong nagawa at yun ang pagkakamali ko. Hindi ko siya nadala sa pagamutan. Walang gamot ang nainom. Dapat din pala, hinayaan ko siya na maglakad lakad at palayain para makakain siya nang halamang gamot o damo. Di ko kasi pinakawalan. Binibigyan ko lang siya nang tubig kasi umiinom naman siya.
Patawad Kokoy kung di kita nailigtas. Patawad kasi napabayaan kita. Kay sakit ang nadarama. Di matanggap ang paglisan mo kasi minahal na kita at ang buong pamilya ko. Hindi pa rin namin hawak ang buhay mo. Sana masaya ka kung saan ka naroroon. Mamimiss kita nang sobra Bi. Hindi man tayo pinagsama nang tadhana nang kay tagal, nagpapasalamat pa rin ako kasi naging masaya at makulay ang buhay ko. Tinuruan mo akong magmahal at mag alaga nang aso. Masaya at masarap pala. Pasensya na rin tadhana sa mga tanong ko. Nadala sa bugso sa damdamin. Lahat ng mga aksyon may kaakibat na resulta. Ngayon, gusto ko muna magpahinga na mapalapit sa mga alagang pusa at aso. Magpapagaling muna sa sugat. Kung darating man ang panahon na handa na ako, sana natuto na ako at maging mahusay pa sa pag-aalaga.
Hindi man kita nakasama nang kay tagal Koy, mananatili ka pa rin sa puso namin. Lumipad ka at maging malaya na Bi, mahal kong Kokoy. Salamat ng lubusan. Naging tunay kong Kaibigan. Salamat Panginoon sa lahat ng pangyayaring ito. Masakit pero magiging matatag. Huwag mong pababayaan si Kokoy, Panginoon.
Mamimiss kita aking Kokoy! Mahal ka namin! 馃
2 notes View notes