Tumgik
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ginintuang Ala-ala sa Kayamanan ng Kaluran, Palawan
Noong ika-anim ng umaga ng ika-dalawangpu’t walo ng Hunyo ako’y unang nakalanghap ng hangin mula sa Palawan. Sa pag-apak ko pa lamang sa lupa nito’y agad akong namangha. Kahit nasa kalagitna kami ng bayan ng Puerto Prinsesa ay kapansin-pansin parin ang kakaibang “aura” sa paligid. Pagkarating na pagkarating namin, kami ay agad dumaretsyo sa isang tanyag na local na kainan. Syempre katulad ng aasahan mo sa isang lugar na napapaligiran ng dagat, karamihan sa pagkain dito ay lamang dagat. Kapansin-pansin ang pagiging sariwa ng lahat ng mga sangkap na siyang lalong nagpasarap sa mga pagkain. Pagkatapos kumain kami ay sunod na pumunta sa resort kung saan kami ay nagpahinga. Sa loob ng limang araw na pananatili sa Palawan kami ay maraming ginawa mga aktibidad at pinuntahang mga lugar. Kasama na rito ang pag"island hoping" na siyang nagdala saamin sa isang “hidden beach” na sobrang ganda sa kadahilanang wala masyadong nakakapuntang tao dito. Sulit na sulit talaga ang kalahating oras na paglaot at dalawang oras na "hiking" upang ito ay marating. Bukod dito ay nilibot din naming ang isang bakawan na talaga namang mamamangha ka. Sa paglibot na ito ay nakainkwentro kami ng anim na “sea snakes”, sa kabila ng takot ay nagawa pa itong kunan ng larawan ng aking pamangkin. Sunod naming ginawa ang pag-“zizip line” na siya namang napakasaya. Pakiramdam ko nga’y ako’y tinubuan ng isang pares ng mga pakpak at lumilipad sa himpapawid habang ito’y nagaganap. Pinuntahan din naming ang isa sa “Seven Wonders of Nature” at iyon ay ang Puerto Prinsesa Underground River. Bagamat mabaho sa loob kamangha-mangha naman ang mga hugis pormasyon ng mga bato na makikita rito. Ginamit din naming ang pagkakataon na ito upang makihalubilo sa isang etnikong grupo sa Palawan. Ipinakita saamin ng mga katutubo ang ilan sa kanilang ikinabubuhay kagaya ng pangangaso at paggawa ng insenso. Bagamat hindi naiitindihan ang kanilang mga sinasabi tila ba’y may kuneksyon kami sa mga ito na kaya kahit simpleng senyas ay naiintidihan namin. Bago naming tuluyang lisanin ang lugar ng mga katutubo ipinahawak saamin ng mga ito ang kanilang alagang ahas. Kami ay kumaway sa isa’t isa bilang tanda ng pagpapaalam sa kanila. Pumunta rin kami sa isang wildlife preservation center sa Palawan. Ang lugar na ito ay parang isang normal na “zoo” lamang. Ngunit kapansin-pansin ang isang bagay na kailan ma’y di ko pa nakikita sa ibang “zoo” at yun ang ang napakalaking kalansay ng buwaya sa entrada ng lugar. Dito ko rin unang naranasang humawak ng isang buhay na buwaya. Ako’y namangha dahil nung simula akala ko’y napakatigas at magaspang ng mga balat ng mga ito. Ngunit nung aking mahawakan ang mga ito, napagtanto ko na napakakinis at malambot pala ng mga balat nito. Noong araw ng aming pag-uwi kami ay nagkaroon ng mga kaibigang “foreigner” na isa palang “vlogger” syempre kami ay tuwang-tuwa noong kami ay maisama sa kanyang “vlog”. Bagamat maikli lamang ang bakasyong ito sulit na sulit naman dahil isa ito karanasang hinding-hindi ko malilimutan. Ang mga ala-ala ko dito ay patuloy na kikinang na parang ginto saaking isipan.
1 note · View note
Tumblr media
Title: Palawan, Ang Kayamanan ng Kaluran
Noong isa pa lamang akong batang musmos ay pinangarap ko na ang malibot ang buong mundo. Bagamat malayo pa ito sa katotohanan, masasabing nasimula ko na ito kahit papaano. Ang paglalabay sa Palawan ay ang isa sa hinding-hindi ko malilimutang paglalakbay. Dahil ito ay ang nagparanas saakin ng marami kung "First Time".
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pinaranas saakin ng paglalakbay na ito ang kaunaunahang beses kung paglipad sa himpapawid. Bagamat mukhang kalmado, ang aking puso ay talaga namang napakalakas ng pintig. Hindi maalis saaking isipan ang takot at pangamba, ngunit sa oras na makalipad ang eroplano ang aking takot ay natakpan ng pagkamangha. Pagkamangha sa ganda ng kalangitan na talaga namang isang tanawing di malilimutan.
Tumblr media Tumblr media
Noong makarating kami sa Palawan ay agad akong bumaba ng eroplano. Agad akong huminga ng malalim at nilasap ang hangin ng Palawan. Ako'y punong-puno ng pasasalamat dahil kami ay nakarating ng ligtas dito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa paglalakbay rin na ito ko unang naranasan ang isang "Paddle Boat Tour". Nung simula ako'y naiinip ngunit habang kami ay palalim ng palalim sa bakawan ito'y napawi. Ako'y namahang sa dami ng hayop na nakatira dito sabayan mo pa ng mga kwentong bayan na kinukwento ng 'tour guide" namin.
Tumblr media Tumblr media
Ang Paglalakbay na ito rin ang naghatid saakin ng kauna-unahang karanasan ko sa pag"zizip line". Katulad ng pagsakay sa eroplano ako'y kabado rin nung simula ngunit ito'y napawi ng kamangha-manghang tanawin. Sa paglalakbay rin naito ako kaunaunahang nag"snorkeling". Bagamat hindi marunong lumangoy sa dagat ay nakaraos naman dahil sa "life jacket".
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isa ko pang "First Time" naranasan sa paglalakbay na ito ay ang "island hoping". kung saan kami ay lumibot maraming lugar katulad na lamang ng "Puerto Prinsesa Underground River" at sampung isla.
Tumblr media
Ngunit katulad ng lahat ng paglalakbay ang aming paglalakabay sa Palawan ay natapos din. Bagamat bitin sa limang araw na bakasyon, ang mga ala-alang ito ay palaging kikinang na parang ginto sa aking isipan. Kailama'y hinding-hindi malilimutan.
Courtesy: Madz Soriano
2 notes · View notes