Tumgik
trigoshark · 6 years
Text
"Here comes the buggy."
- iii
0 notes
trigoshark · 6 years
Text
Yung imbes na bumitaw ka kasi di mo nakikita, ayun mas lalo ka pang nahuhulog nang hindi sinasadya
- III
0 notes
trigoshark · 6 years
Text
It's just that I'm not really into you, anymore.
- III
0 notes
trigoshark · 6 years
Text
Malayo sa katotohanan
- III
0 notes
trigoshark · 6 years
Quote
Nakakabanas pala ang salitang sorry pag paulit-ulit
III
0 notes
trigoshark · 6 years
Text
sobra.
Ang toxic mo.
6 notes · View notes
trigoshark · 7 years
Photo
Tumblr media
Puno (March 4, 2017 - 1:44 PM)
Sa dulo sa malayo Sa malayo sa di maabot Sa lugar kung saan katahimikan ay nahahanap Sa lugar kung saan katahimikan ang nangingibabaw.
Lugar na dating pinupuntahan Lugar na ngayo’y binabalikan Mga kahapon na natapos na Mga kahapon na nagdaan na.
Katulad ng isang dahon Nanggaling sa sanga at nagsihulog Mga tuyong dahon sa lapag Maihahalintulad sa tuyo kong laway.
Mga salitang hindi nabitawan ng maaga Mga dahon na namatay at saka nahulog Mga salitang kinimkim at tinago Mga dahon na namatay at saka nahulog.
Ako na maihahalintulad sa puno Naubusan at namatayan ng sandamak-mak na dahon Ako na maihahalintulad sa puno Ubos na ang mga dahon na aking tinuring na pag-asa.
2 notes · View notes
trigoshark · 7 years
Photo
Tumblr media
TAGAYTAY WRITE-UPS - 12:43 PM (March 31, 2017)
“Ayusin mo sarili mo!”
One of the few lang to sa naririnig ko once in a while. People are bombarding me with this stuff. Sure, it’s easy for you guys to say na magbago ka na or ayusin mo sarili mo. The thing is, ang hirap niyang gawin. Easy to say, hard to do.
It’s not a matter of I can’t do it, sadyang mahirap lang talaga. Madaling sabihin sa sarili mo na kaya mong magbago at kaya mo maging maayos, pero sa totoo lang mahirap nang i-translate ang words into action, mahirap panindigan ang mga bagay na sinasabi galing sa bibig natin. Alam ko sa sarili ko na kaya ko pero mahirap, mahirap ang proseso, lalo na kung hindi lang isa ang kailangan mo ayusin, kung hindi sandamak-mak. Actually long before this chaos, ok na ko, naka-raos na ko. Na-coconstruct ko na ang sarili ko, nabuibuild ko na ang sarili ko. I was at the point na nasasabi ko na sa sarili ko na kaya ko na, I have faith in our almighty god. Nandun na ko sa point na ready na akong i-accept siya ng buo. Then all of the sudden, puff! Back to scratch na naman ang peg ko. Back to zero na naman ako sa lahat ng progress ko. Isipin mo yung nag-iinstall ka tapos kung saka nasa 99% na, saka nagloko at na-fail ang installation. That’s what exactly happened to me, I got doomed all because of one situation, one situation brotha. Yung situation na nagbigay sakin ng idea para magdoubt sa sarili ko na kahit ano pala ang ibigay ko sa iba, di pala nila akong kayang bigyan pa-balik kahit konti lang, kahit sa araw man lang ng birthday ko. This is one of those days na feeling ko hindi talaga ko magiging enough para sa kanila, I feel na parang spare tire lang ako na nanjan lagi pag kailangan nila. Ilalabas tuwing emergency at gagamitin, ibabalik sa dating kinalalagyan pag bumalik na ang original na nagmamay-ari ng pwesto. Para tuloy akong substitute player sa isang liga, laging nasa bang-ko na ipapasok lang sa laro pag na-injured ang superstar. -inc-
0 notes
trigoshark · 7 years
Photo
Tumblr media
TAGAYTAY WRITE-UPS - 11:18 AM (March 31, 2017)
“How can you manage to be happy despite na hindi naman lahat ng binibigay mo, laging may bumabalik sayo?”
I actually don’t know. Sa ilang years na nagexist ako sa earth, never ako humingi ng kapalit sa mga bagay na binibigay ko. Para sakin kasi giving is my way of expressing how I appreciate, how I care and at the same time, how I love them in so many ways. Since ako naman ay never naka-experience ng sobra, o kung hindi man sobra saktong, pagmamahal galing sa mga taong ineexpect ko na magbibigay nun. Malungkot pero yun yung pinanggalingan ko ng idea na kailangan mabigay ko sa iba yung hindi ko naranasan para wala ng dumagdag sa category na kinabibilangan ko.
Hindi ko to pinlano or what to gain sympathy from the others, yun lang talaga yung gusto kong gawin. A lot may think na parang ginagawa ko lang to for the sake na magkaroon ako ng kaibigan at para makuha ko yung loob nila. Apparently, I was not really after that. Ginagawa ko yung mga bagay na to dahil masaya ako dito, dito ako nakakahanap ng contentment sa buhay. People may think na parang I do things to impress people para lumapit sila sakin, which is not really my thing. I don’t fake insincere friendship for the sake of popularity and stuff. I love what I do, I love making people happy. As I always say nung high school pa lang ako, “Your happiness is also my happiness.” Para sakin kasi pag nakakita ako ng happiness and joy sa mukha ng tao, it makes me feel happy din. Masarap sa feeling na makakita ka ng mga taong masaya at naka-ngiti pero mas masaya kung sa likod ng mga ngiti na yun, isa ka sa mga dahilan nito.
Be happy with or without receiving back. The key to happiness is to accept what life throws back at you. Di porket di ka mahal ng mahal mo, walang pake sayo ang taong inaalagaan mo, wala ka lang sa taong tinuturing mong lahat mo ay gagawin mo ng rason yun para sabihin mo sa sarili mong, “di ko kayang maging masaya kasi wala naman pala siyang kayang ibalik sakin kahit isa.” No matter what circumstance or trials ang dumating, if your heart is really pure and your only intention is to make everyone happy, wag kang mag-iisip ng mga ganitong bagay. Number one, it’ll destroy you mentally. Kung anu-anong mga bagay ang papasok sa utak mo. You’ll question your self worth kasi binigay mo na lahat, ginawa mo na lahat but still hindi pa rin enough. Sa pagpapasaya ng tao, hindi always give and receive ang process. Madalas you give, but you don’t receive something in return. Part of life, live with it! Number two, if hindi enough ang binalik sayo, i-accept mo nalang. Buti nga meron kaysa wala. Not all who ask for this stuff ay nababalikan, madalas nga hindi. Ang ending nagiging sawi at paiiyak-iyak pa. Yes it hurts pero learn to accept things. Someday siguro someone will give back to you more than what you expect, believe.
Lastly, I just want to say na parang may feeling ako na parang pinapatamaan ko ang sarili ko. Semi-part of this article is parang totoo for my situation. Sometimes kasi you just can’t really help it. Kahit sino na man siguro nag-aatim na makatikim ng konti pabalik diba kasi akala mo magkakaibigan kayo at importante ka. Nanjan ka nung kailangan ka nila pero nung kailangan mo na sila nagdisappear na parang bula. As I’ve said, learn to accept. Things sometimes don’t go the way you want it to be. Labo ko XD
1 note · View note
trigoshark · 8 years
Text
Fun fact
Sinusuklayan ko ang kilay ko na para bang buhok sa ulo 😂
0 notes
trigoshark · 8 years
Photo
Tumblr media
Sapat
Sapat na maari din maging LAWAt, ILOGt, sLIMA, sANIM, basta yun. Corni ba? Ganyan din ka-corni ang isusulat ko ngayon. Pero bago ang lahat, sana SAPAT na ang pa-unang joke ko sayo para mapatawa at mapa-ngiti kita. Joke yun seryoso, di lang talaga halata. ;)
Sapat. Salitang masakit pakinggan kapag dinugtungan mo ng hindi sa una, HINDI SAPAT. Ganun. Minsan mahirap maibigay ang mga bagay na mahirap din makuha. Minsan ang sakit lang pag binibigay mo na, iniaalay mo na lahat, hindi pa rin sapat at kulang pa rin.
Ibigay mo ang makakaya mo, hindi ang lahat mo. May mga taong ganito na kahit hindi na kaya, binibigay pa rin nila ang lahat. Pinipilit abutin ang mga bagay na hindi naman talaga abot. Para sa mga taong ganito, wag niyo ibigay ang lahat niyo, ibigay niyo ang makakaya niyo. Magtira kayo para sa sarili niyo, wag niyo sagarin sa dulong-dulo dahil kahit ibigay mo sa kanya ang lahat, kung hindi siya kuntento, hindi magiging sapat sa kanya yan.
Wag mong iyakan, magmumukha kang kawawa. Kapag hindi siya kuntento at sinabi niya sayong hindi sapat ang ibinibigay mong pagmamahal, hayaan mo lang. Wag mo na iyakan. Isipin mo ha, ikaw na nagmahal ng sobra, ikaw na nagbuhos ng sobrang effort, ikaw na nasasaktan pa ng sobra ngayon, katulad nga ng sinabi ko ay wag mo nang sagarin, wag mo nang iyakan. Yung luha na lalabas sa mata mo dahil sa pag-iyak, itira mo nalang yan sa sarili mo. Ang iyak ay para sa mga patay, hindi sa mga buhay na mukhang patay. Sa madaling salita, iniiyakan ang mga importanteng bagay, hindi ang mga walan kwentang bagay. Masyadong mahal ang luha mo para sa walang kwentang taong katulad niya na hindi marunong ma-kuntento sa kung anong kaya mong ibigay.
Kung ibinigay mo ang makakaya mo at hindi pa rin sapat, bawiin mo at ibigay mo nalang sa sarili mo. Sayang lang kung hindi maappreciate at itatapon lang nila ang effort na ibinigay mo. Angkinin mo nalang pabalik, tutal pinaghirapan mo naman makuha yun. Wala namang masama kung babawiin mo ang sayo na ibinigay mo sa iba na hindi naman nila pinahalagahan.
0 notes
trigoshark · 8 years
Photo
Tumblr media
Di ko alam
Di ko alam kung gusto kita bumalik or trip ko lang tawagin ka papa-lapit sa akin at sabihing, “May naiwan ka.” Sabay turo sa aking sarili at sasabihing, “ito oh.” Kaso ewan ko ba, parang wag nalang. Shut up nalang ako hahahaha.
Di ko alam, pero gusto kita sa kadahilanang hindi ko rin alam. Tatlong daan at labing apat na araw na ang nakakalipas simula nang ikaw ay aking masilayan. Naweiweirduhan ka? Ako rin actually.
Di ko alam, pero masaya ako pag kasama kita. Tanong lang, bestfriend mo ba si kupido? Kung oo, pasabing tama na kaka-pana.
Di ko alam, pero napapangiti nalang ako sa kadahilang hindi ko rin alam. F na f ko lang siguro maging masaya kahit deep inside, nasasaktan talaga ako. Awooooooo
Di ko alam, feel ko makipagchat, pero tinatamad ako magtype. (Pero nagtytype ng blog post, aba aba. :P)
Di ko alam, di ko talaga alam.
0 notes
trigoshark · 8 years
Photo
Tumblr media
Wala lang
Walang ginagawa Bilang kinabahan bigla Hindi dahil walang ginawa Kundi iba na ang nasa isipan
Wala akong maisip na gawin, Wala akong maisip na maisulat Kaya ito at gumawa ako, Pinamagatan kong wala lang.
Wala lang, gusto lang sumulat Kahit ako lang ang makabasa, Kahit ako lang ang makaintindi, Basta magsusulat ako.
11:11 na, ikaw ay nasa aking isipan pa rin. 11:12 na, wala, ganun pa rin.
Hindi ko alam kung saan mapapadpad, ang mga walang ito. Sana hindi matulad sa amin, wala lang talaga ang turingan.
Wala na tinatawag, mayroon talaga. Ano ang mayroon doon? Wala din.
Napaso ang dila ko sa kadahilang hindi ko alam Hindi ito mainit, malamig, wala lang din.
Naubos na ang kinakain ko, nawala na ng tuluyan. Yung pagmamahal ko sayo? Wala din, buong-buo pa rin.
Lumabas ako ng silid, naghanap ng makakain. Ganun ba talaga pag wala na at naubusan, maghahanap nalang ng iba?
Bumalik sa silid, magkahawak ang dalawang kamay. Nasaan ang dala? Wala, wala akong nakuha.
Walang hawak, Walang dala, Walang maisip, Walang magawa.
Hihinto nalang at titigil Sasabihing tama na. Mananahimik at titingin nalang, wala nang patutunguhan ang sinusulat.
0 notes
trigoshark · 8 years
Photo
Tumblr media
Thoughts ni B1: Newton’s Three Laws of Motion when it comes to love
Ayon sa Physics, si Isaac Newton ay nakabuo ng tatlong Laws of Motion. Ang Law of Inertia, Law of Acceleration, at Law of Interaction. Pagdating sa pag-ibig, ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito?
Law of Inertia, the first Law of Motion. Nakasaad sa konteksto na “An object at rest stays at rest and an object in motion stays in motion with the same speed and in the same direction unless acted upon by an unbalanced force.” Ibig sabihin, pag ang isang bagay ay hindi ginagalaw, hindi talaga ito gagalaw. Pag ang isang bagay ay gumagalaw, mananatili rin itong gumagalaw sa parehas na bilis at direksyon maliban lamang kung ito ay lalagyan ng pwersa. Katulad na lamang sa pag-ibig, kung hindi ka gagalaw at hindi gagawa ng aksyon, mananatiling walang usad ang mayroon kayo. Kung may galaw naman at may usad, maganda iyon. Pero kung katulad ito ng Law of Inertia na consistent sa bilis at direksyon, mag-isip isip ka. Hindi rin maganda na walang nangyayari, na hanggang doon lang ang mayroon kayo. Yung para sa hospital lang, yung heartbeat monitor. Kung ibabase doon, flat line lang, parang sumakabilang-buhay na relasyon. Mas maayos kung gagawin mong mala-up and down ang relasyon niyo na kung ibabase sa heartbeat monitor, may buhay. Masaya yung intense na relasyon, yung hindi consistent, yung may adventure, yung may ups and downs. Masaya yung relasyon na dumadaan sa pwersa ng problema, kasiyahan, at kalungkutan. Hindi yung consistent lang sa kasiyahan. Mas balanse at mas exciting kapag iba-iba ang pwersa at hindi nananatili sa parehas na bilis at direksyon.
Law of Acceleration, the second Law of Motion. Nakasaad sa konteksto na “Acceleration is produced when a force acts on a mass. The greater the mass (of the object being accelerated) the greater the amount of force needed (to accelerate the object). May mga bagay na mabigat, mayroon ding magaan. Kapag ang isang bagay ay mabigat, kailangan mo rin ng mabigat na pwersa upang mabuhat o matulak mo ito. Kapag ang isang bagay naman ay magaan, mas magaan na pwersa ang kakailanganin mo upang mabuhat o matulak ito. Katulad na lamang sa panliligaw, kung siya’y mahirap makuha, kailangan mo ng dobleng pwersa upang siya’y mapunta sa iyo. Kailangan mo ng dobleng effort upang ikaw ay kanyang mapusuan. Kung siya naman ay hindi naman gaano kahirap abutin at hindi kasing hirap katulad ng isa, maaring gamitan mo siya ng mas magaan na pwersa. Yung tama lang at hindi ka mahihirapan. Mahirap din naman kasing magbigay ng sobra-sobra sa taong ang kailangan ay sapat lang. Tandaan na hindi sa lahat ng oras ay kailangan sumobra ang iyong binibigay, hindi naman masama kung sakto at tama lang ang maibibigay mo.
Law of Interaction, the third Law of Motion. Nakasaad sa konteksto na “For every action there is an equal and opposite re-action.” Sa bawat galaw na gagawin natin, may parehas at magkasalungat na reaksyon. Katulad na lamang kapag tayo ay nagmamahal. Kapag nagmamahal tayo ng isang tao, maaring suklian niya ito ng parehas na pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Kapag nag-effort ka na pasayahin siya at paligayahin siya, malamang ay ganoon rin ang ibabalik niya sayo. Tandaan lagi na kung ano ang iniaalay mo, bumabalik rin sayo ito. Madalas hindi mo alam pero sa di inaasahang oras at ibang paraan dumadating ito at ipinapadama sayo. Dapat hindi tayo sumuko agad, tuloy-tuloy lang dapat.
0 notes
trigoshark · 8 years
Photo
Tumblr media
Thoughts ni B1: Paano mo malalaman na gusto kita?
Hindi mapagkakaila na isa akong mapagmahal na tao (jk lang). Mapa-hayop, mapa-lugar, mapa- bagay, mapa- tao o mapa-extraterrestrial man (aka alien) ay mapagmahal talaga ako.Hindi ako mapili pagdating sa pagmamahal, basta alam ko na isa siyang mabuting tao at mapagmahal katulad ko hahaha.
Lagi kitang tinitignan. Nagmimistulang aso ako sa tuwing ika’y aking nakikita. Walang humpay ang pagsulyap ko sayo. Lahat ng ginagawa mo, cute sa paningin ko. Hindi ko alam pero ganun talaga ako sa mga taong gusto, nakukuntento ako sa pagtingin sa kaniya buong araw. Parang yung makita ko pa lang siya, masasabi kong buo na ang araw ko at masaya na ko. hihihi
Ikaw ang bukambibig ko sa iba. Madalas pag nagkwento ako, alam na nila agad kung sino ang gusto ko. Hindi dahil sinabi ko ngunit naramdaman nila habang kinikwento ko. Yung feeling na kinikwento mo siya sa kanila with matching kilig smile pa, yung mga ganun. Sabi nila dun pa lang sa way ng pagkwekwento ko, halatang may ibang halo na. Galing naman nila. hahaha.
Naiilang ako sayo. Lalo na pag yung tipong tayong dalawa lang ang magkasama. Parang lahat ng gusto ko sabihin sayo, umuurong. Yung feeling na sa tuwing kasama kita, puro “ui” lang ang masasabi ko dahil sa sobrang awkward. Lagi kong nilalagay sa utak ko na maging friendly pagdating sayo, yung maging madaldal ako sayo. Pero everytime na nag-aattempt ako, lagi nalang akong tumitiklop. hehehe
Pag may nagtatanong sa akin na kung gusto ba kita, hindi ang sagot ko. Pero kung biro-biro lang, madalas with full of confidence, oo ang sinasabi ko. Siguro naman may mga nakaranas na nito. Yung tipong biru-biruan tapos sabay aamin ka at sasabihing, “joke lang hahaha”. Parang shunga, umamin na nga, binawi pa. Sayang pag-asa, pero diba sayang din friendship. Paano kung ikaw lang pala ang nakakaramdamn ng ganun, eh di iyak na? Tantrums na? Yung mga ganun. Pero madali kasi pagpa-biro ang pag-amin mo, less kaba. Hindi sa sinasabi ko na pagpa-biro yung pag-amin mo, ibig sabihin biro lang din yung inaamin mo. Sadyang may mga pag-aamin lang talaga na mas madaling idaan sa biro. huhuhu
Pero ang lahat ng mga hihihi, hehehe, hahaha, at huhuhu, ay nauwi sa katapusan, magandang katapusan na may kasamang aral.
0 notes
trigoshark · 8 years
Photo
Tumblr media
Patago
May mga bagay na ginagawa natin na hindi natin ipinapakita sa maraming tao, madalas kinikimkim natin ito sa ating sarili. Patagong nahulog, patagong nagmahal, patagong nasaktan, patagong nagmove-on. Iyan lamang ang ilan sa mga bagay na madalas sinasarili natin. Bakit hindi nalang natin hayaan na lumabas ito, na makita ng iba? Bakit hindi nalang natin hayaan na makita ito ng lahat, ng buong mundo? Bakit?
Patagong nahulog. Isa na ito sa mga bagay na hindi natin inaasahan, ang mahulog nang hindi inaasahan. Sa dinadami-dami ng pwede nating mahulugan, bakit doon pa sa wala pang sasalo sa atin. Hindi naman masama mahulog, pero sana naman tama ang lalanding-an natin. Yung hindi tayo pababayaan malugmok sa lupa at masaktan.
Patagong nagmamahal. Dito papasok ang palihim na pagtingin at palihim na pagsulyap. Hindi masamang palihim magmahal sa isang taong kahit kailan ma’y hindi natin makukuha ngunit ito’y masakit sa damdamin. Yung pakiramdam na masaya siya at naka-ngiti habang ikaw itong nagtitiis na nagpapakasaya para lang masabi mo sa sarili mo na “Okay lang, kaya ko pa”. Madali lang naman magmahal, pero makahirap maka-ahon sa pagmamahal na ito.
Patagong nasasaktan. Nahuhulog ang patagong pagmamahal sa patagong nasasaktan. Hindi ba’t masakit ang magmahal ng walang sukling kapalit? Alam mo na yun pero parang di pa rin nadala sa sitwasyon. Alam mo namang wala siyang panukli diyan sa pagmamahal na ibinabayad mo pero bakit ipinagpatuloy mo pa rin magbayad ng buo? Wala nang masakit pa sa pagmamahal na hindi masusuklian pero wala nang mas sasakit pa sa pagmamahal mo ng buo na alam mo naman sa simula’t sapol pa lamang, hindi niya kayang masuklian. Nasaktan ka na, may magagawa pa ba? Habang ika’y nasasaktan, isipin mo nalang na isa itong leksyon, leksyon na makapagtuturo sayo ng magandang aral.
Patagong nagmomove-on. Ito ang pinaka-magandang gawin sa ganitong sitwasyon, ang magmove-on. Hindi dahil gusto mo lamang pero ito ang kinakailangan. Hindi sa lahat ng oras, kailangan mo ibilanggo ang sarili mo sa kasinungalingan na magkakaroon ng kayo. May mga oras na kailangan natin gumising sa katotohanan na kahit anong pilit mo na ipagtagpo ang inyong daan, hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa. Nakakalungkot diba? Pero yung ang dapat, yun ang nararapat. Masakit pero kailangan tanggapin. May mga bagay talaga na kahit anong pagmamanipula mo, hindi talaga aayon ang pwersa sa’yo. Umupo ka na lamang at pagka-abalahan ang iyong sarili, hayaan mo na ang taas na gawin ang love story na gusto mo. Dadating naman to, sa tamang oras, sa tamang lugar, at sa tamang panahon.
0 notes
trigoshark · 8 years
Photo
Tumblr media
Kwentong lamig sa labas (III)
Ngayon ako’y lumisan na Pinapanuod kita tumakbo papalayo, papalayo sa akin, papalayo sa pag-asang makita ka pa muli.
Ngayon ako’y naiwan sa labas, nakatayo sa gitna ng daan Nararamdaman ko ang lamig, lamig na hindi dulot mo, Ngunit lamig na dulot ng lansangan.
Tumawid ako sa pag-aakalang makakalimutan kita, yung tayo. Teka, wala namang tayo diba? Kahit kailan hindi nagkaroon ng tayo.
Naglalakad sa gilid ng daan Nagbabakasakaling ikaw ay masilayan Ako ay nabigo sa aking hangad, ako ay nalagpasan mo na pala.
Pauwi na ko sa aking tahanan Pero tila’y hindi ka makalimutan. Iniisip kung nasaan ka ngayon, iniisip kung sino ang kasama mo ngayon.
Nakauwi na ako ng payapa Pero isip at puso’y nasayo pa rin. Ano bang mayroon ka, kahit sa aking tula’y naroon ka.
Ilang linggo na ang nakalipas Hindi pa rin kita makalimutan. Bibitawan na kita at kakalimutan ng tuluyan Doon na patungo ang lahat.
Nagbabaka-sakaling makita ka muli Sa parehas na oras, sa parehas na lugar Sisilayan ka na lamang sa malayo Hindi na muli pang lalapit pa sayo, ako’y maghahanap na lamang ng iba.      
0 notes