Text
“And a softness came from the starlight and filled me full to the bone.”
— W.B. Yeats; The Wanderings of Oisin
718 notes
·
View notes
Photo

Purple Prairie Clover (via USFWS Mountain-Prairie)
32 notes
·
View notes
Photo

Boop for a big smooch! Instagram: my.husky.buck
154 notes
·
View notes
Text
“She is beauty. She is grace. She will Screech. IN YO FACE”

694 notes
·
View notes
Quote
The biggest coward is a man who awakens a woman's love with no intention of loving her.
Bob Marley
0 notes
Text
p u t a n g i n a n g y a n
t a m a n a
w a g k a n a n g l u m i n g o n
0 notes
Text
Papalag pa ba ako?
Kung sa huli’y,
‘Di naman ako
Ang pinili mo.
0 notes
Photo
Jane here (or Jessie, if I can grow my hair that long)

Childrens perspective on Hairstyles by ~Rose-Ann-Mary-K
143K notes
·
View notes
Photo
When was the last time you had a tête-à-tête with your best gal pal? It’s Galentine’s Day, so give her a call!
Image from false friend La librairie (1900), which is really about the book industry and trade, not libraries. Quelle surprise! For the library, you want la bibliothèque.
239 notes
·
View notes
Text
I have to stop hating myself—
Dahil feeling ko ang clingy ko
Or anxious
Or selosa
Overthinker
Masyado akong mapagbigay
Or maintindihin
Hindi ko kailangang ibaba ang sarili ko
To please you
In fact
It would be dangerous to think
Na kailangan kitang i-please
At sa totoo lang guilty ako dyan
Pero ayoko na
Ayoko nang i-compromise ang sarili ko
Dahil kung tanggap kita kahit pa may “kahit pa”
Hindi ba, kung handa tayong sumugal
(Sa pagmamahal?)
Tama at dapat lang na tanggap natin ang isa’t isa
Kahit pa may “kahit pa”
Hindi ko inexpect na ikaw
Sa lahat ng lalaking nakasalamuha ko
Na inakala ko
Na inasahan ko
Dahil sa totoo lang, sa tipo mo
Ako namumuhi
Sa tipo mo ako napagod
Sa tipo mo ako nawalan ng pag asa
Na may makakatipan pa akong
Di tulad ng tipo mo
Kaya ko namang wala ka
Pero hindi ko kayang bitawan yung katotohanan
Na sa kabila ng pagkakaiba natin
Sa kabila ng karumihan nating dalawa
Na maaring maging ugat ng kawalan
Ng tiwala isat isa
Handa akong
Matutunang mahalin ka.
Nakakagulat sa totoo lang
Nang mapagtanto ko
Na ang pagmamahal
Ay isang desisyon
Hindi siya yung basta mo na lang mararamdaman
Hindi siya tulad ng paghanga o libog
Na kundi sumidhi
Ay kusang lumilipas
Ang pagmamahal pala
Ay yung tahimik na pagpili
Sa iisa
Nang paulit ulit
Nang paulit ulit.
0 notes
Text
She never looked nice. She looked like art, and art wasn’t supposed to look nice; it was supposed to make you feel something.


Rainbow Rowell, Eleanor & Park
1 note
·
View note
Text
rant/ emote/
Di ako makatulog.
Bakit ba kasi sinubukan ko pa yang badoo na yan. Bakit may mga taong walang pake sa pakiramdam ng kapwa nila (guilty). Bakit pa kasi tayo nangungulila sa isang* taong akala natin e magpapakumpleto sa atin?
Keywords:
The (aircraft) mechanic
Chef from Benguet
BPO guy
The freelancer
Cute nurse from Kamuning
The accountant (lol)
Anim silang bukod tangi sa ilang daan sigurong naswipe left ko. Tatlo dyan ang so-so lang kausap, isang sexy af pero kupal af (sad), isang pabethic (pabebe x pathetic), at isang casper (friendly pero biglang manggghost). Medyo negative yung keywords pero naniniwala naman akong mabuting tao yang mga lalaking yan sa kaibuturan ng pagkatao nila.
Sabagay, ilang porsyento lang naman sa mga nabubuong relasyon online ang nagiging successful in real life, diba? Eh yung mga relationships nga sa labas ng cyberspace, ilang porsyento lang din ang nagwwork out, pano pa yung sa online dating apps? Hindi ako makapaniwala sa sarili ko hanggang ngayon - na pinatulan ko to. (Disclaimer: retired na ko sa mga dating apps, okay? Lol.)
Kapag may nagtatanong kung bakit ako gumamit ng badoo or bumble or (pucha) nag-explore sa omegle (not a dating app, btw), sinasabi ko na lang na frustrated na ko sa mga lalaking nakapaligid sa kin. Paano naman kase, yung trip ka to the point na ha-harassin/ isstalk/ ica-catcall ka, o yung trip ka pero nasobrahan sa katorpehan, or yung trip ka pero may jowa naman, o yung trip ka pero marami pala kayong trip niya, o yung akala mo trip ka pero yung friend mo pala ang trip, or yung akala mo legit guy friend pero trip ka pala, o yung trip mo at dumamoves ka pero turnoff pala sa kanya, o yung trip mo pero lalaki din ang trip (daming ganito hays), o yung trip mo pero di ka trip (yung kilala ka naman pero wala ang lovelife sa bokabularyo or di ka talaga kilala in the first place).
Jusme. Kung sasabihin niyo na rin lang na “baka naman kasi choosy ka teh” my gahd, aba syempre kahit papaano magse-set naman ako ng standards para sa sarili ko! Sa 26 na taon ko sa dito sa earth, base sa lahat ng mga naranasan ko na sa life so far, at lalong base sa lahat ng karanasan ko sa mga lalaki, hindi pa ba ako maghahanap ng matino, disente/mabuting tao, may pinag-aralan, at maginoo-kahit-medyo-bastos? San banda yung hitsura dyan? Wala nga eh! Bonus na lang kung marunong siyang mag alaga sa sarili niya (aka may abs lol). Pero pwera biro, sa lahat ng bagay na ginagamit na panukat ng tao sa sarili at kapwa niya, hanggat maaari ayokong gamitin ang physical appearance. Kaya excuse me, hindi ako nagiging choosy dito. Ginagamit ko lang yung utak ko, sayang eh.
“Eh ateng, puro utak naman pala kasi ang gamit mo. May natibok pa ba dyan sa dibdib mo?”
Tanginang puso yan.
Tangina.
Pahamak.
Kaya kong patotohanan yung verse sa Bible na “ang puso ang pinaka-mapanlinlang sa lahat.” Kung ite-terno natin sa kasalukuyang lingo, “pokmaru ako.” Yun yon. Mahirap at ayoko sanang aminin pero alam ko sa sarili ko na kaya kong magmahal nang totoo, nang buong-buo. Alam ko, dahil hindi ko kayang hindi magpatawad o humingi ng tawad - dahil sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan, walang katapusan ‘to. Hangga’t pinipili niyo ang isa’t isa, magpapatawad at hihingi kayo ng tawad. Pwe. Pero totoo ‘to.
Teka, hindi dun natatapos ang pagiging marupok ko. Mahirap akong masaktan. Takot akong ma-gago. Kaso, buhay nga naman, ilang beses na kong nasaktan/nanakit at maraming beses na kong na-gago. Kung tataya man ako sa lecheng pag-ibig na yan, na sinasabi ng marami na pinangungunahan ng puso, wag na lang. Kung aasa ako sa testimonya ng mga di umano’y totoong umiibig na sinasabing, “kapag tinamaan ka, yun na yon, siya na yon.” Leche kayo, lokohin niyo lelang niyo. De, biro lang. Masaya ko para sa kanila, sila yung exemptions to the rule. Ako, isa ko sa mga sawimpalad na nagmahal, nasaktan/nanakit, sinubukan ulit magmahal, nasaktan lalo. Ayan tuloy, ‘marupok’. Ang punto ko lang naman kasi dito eh hindi sapat na nagmamahal ka lang, hindi sapat yung puro puso.
“Akala ko ba marunong kang magpatawad?”
“Bakit ka ganyan, pano ka ba ginago at ganyan ka na lang ka-bitter sa buhay?”
Oo nga, marunong nga akong magpatawad, pinatawad ko na silang lahat (bukod sa sarili ko, anyway ibang account na yun), pero hindi ako nakakalimot. At lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ipagsasapalaran ko ulit ang tyansa ko sa isang taong minsan nang nanakit sa kin. May limitasyon din ang pagka martir ko. Oo, magpapatawad ako dahil bukod sa mahal ko yung tao, mahal ko din ang sarili ko. “Iintindihin kita, tatanggapin ko ang (mga) pagkakamali mo, pero may punto akong di na muling tataya sa ‘yo.”
Hindi lahat ng nang-gago sa kin ay potential boyfriends - may random person sa kalsada, yung manong sa kabilang kalye sa barangay Dalig, yung kapitbahay namin na sige ang sext sa kin na walang pinipiling oras, mga nakakasabay sa commute, actually naknampucha kahit saan! Hindi ako na-rape pero katumbas ng paglalapastangang yon ang bawat panggagagong nagawa sa kin as early as I can remember: hipo, halik, salita, tingin, titig, kalong, beso, yapos, dakma, two-time, online, offline, nakaw picture, text, call, etc. Name it, baka may nakalimutan pa ko. So far, ang pinakagago sa kanilang lahat? Tatay ko. The usual, TPL. Nasaktan na niya ang Nanay ko to the point na nasabi na lang ni mother na “Hindi na ko magiging masaya kahit kailan.” Tangina diba?
(Ibang tono: Pero napatawad ko na siya. At wala naman akong magagawa kundi harapin ang buhay kasama ng mga katotohang yan. Pasalamat na lang ako dahil hanggang ngayon pinipili pa rin naman nila ang isa’t isa.)
Yung sinasabi kong mga panggagagong yan, eh nag-uugat sa kalibugan ng mga lalaki. Ani nga ng isang mabuting kaibigan na may daddy issues din, “hanggat tumatayo yon, maghahanap yon ng butas.” Dont get me wrong, may kalibugan din naman ang mga babae, pero bilang isang babae alam ko ang pinagkaiba ng libog na yan.
At para sa mga lalaking guilty na nakakabasa nito, sa barangay na kayo magpaliwanag, mga gago.
May ideya na ko ng kasalimuotan ng pagiging isang babae mula noong five o seven years old pa lang ako. Kaya wag kayong judger dyan. Hindi ko na ide-detalye dito, magbasa na lang kayo ng balita re: sexual harassment/violence against women and children. Ganun na rin yon. Sa kasamaang palad, walang pinagbago ang headline noon at ngayon.
“Eh ganda mo naman kasi teh, kaya ka nababastos.” O kaya, “Eh mukha ka kasing masyadong mabait/ masyado kang suplada/ yung suot mo kasi agaw-pansin.” At iba pang dahilang duduro sayo na para bang kasalanan mo pang nababastos ka. Sa mga taong ganyang mag-isip, ito lang ang masasabi ko:
P U T A N G I N A N I Y O
Kahit nga yung mismong mura may pagka-misogynist pa eh, eh kung sabihin ko kayang ‘putangama’?! Putangama niyong lahat, mga gago!
Okay, hinga. Hinga.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinubukang i-rationalize yung hindi magagandang karanasan ko sa mga lalaki. Kung paano ko iintindihin ang patriarkal na lipunang ‘to. Dahil sa totoo lang, ayoko namang gawing excuse ang mga karanasang ‘yon para hindi mag-asawa o para talikuran ang pagkababae ko. Ito yung isang pasanin ko sa buhay na hindi pwedeng idaan na lang sa kasabihang, “If you can’t beat them, join them!”
Kaya sa kabila ng lahat ng yan, tangina, umaasa akong may lalaking kaya akong respetuhin at kaya kong mahalin. Hindi ko sinasabi na dapat eh mala-anghel siya sa kabaitan, dahil hindi naman ako perpekto at marami akong pagkakamali at ugali na di rin niya magugustuhan. Hindi ko rin kailangan ng taong kukumpleto sa kin, dahil may Gumawa na no’n noon pa. Umaasa lang ako na may makatipan na lalaking makakasundo ko sa mga pananaw sa buhay. Yung lalaking sawa at pagod na rin sa maraming ka-bullsh*tan sa mundo. Yung tanggap na komplikado talaga ang buhay pero gorabels lang. Saka, ayokong tumandang mag-isa, tbh. Pero kung doon ako papunta, well, okay. I guess I’ll just make the most out of the experience then.
At kung tatanungin mo ulit, meron pa namang natibok dito.
Sorry pero don’t expect na magccue-in si Moira o yung December Avenue.
1 note
·
View note