w-a-k-e-m-e-u-p
w-a-k-e-m-e-u-p
Untitled
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
w-a-k-e-m-e-u-p · 5 years ago
Text
Pakikipagsapalaran sa panganib
a ating lipunan ay may iba’t-ibang antas may mayaman, mayroon naman na nasa kalagitnaan, at mayroong mahihirap. Ang mga antas na ito ang siyang naglalagay ng hangganan sa mga may pribilehiyo at sa mga nahihikahos.
Buhay at kapalaran ang siyang napapaloob sa dalawang dokumento na “Ang Dagat at si Lolo Pedro, at Kapit sa Patalim ng I-Witness”
Ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa at pagsuong sa kailaliman ng karagatan ay maaring magdulot ng kapahamakan ngunit iyon ay tinitiis ng ating mga kababayang Pilipino maitawid lamang ang mga pangangailangan sa pang araw-araw. Ngunit ito ba’y sapat upang mas umunlad pa ang kanilang buhay?
Tumblr media Tumblr media
Economic Inflation
Sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin, magiging mahirap na ito para sa mga katulad ni “Boyten” na hindi sapat ang kinikita sa pagbebenta ng mga “aquarium fish” upang masustentuhan ang kani-kanilang pangangailangan.
Batid niyang peligroso ang kanyang trabaho ngunit wala siyang balak tumigil mapagtapos lamang ang kanyang anak.
Diskriminasyon
Halos 12 milyon Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Isa sa mga dahilan kung bakit mas pinipili ng ating mga kababayan na magtrabaho sa ibang bansa dahil mas malaki ang kinikita at mas maraming oportunidad sa ibang bansa.
Hindi sa lahat ng oras ay maseseguro ang kanilang kaligtasan lalo na’t nasa kamay sila ng kanilang mga amo. May mga kaso na patungkol sa pang-aabuso sa mga OFWs sa ibang bansa lalo na sa Middle-East countries. Hindi nagiging maayos ang pagtrato sa ating mga kababayan kaya nama’y ang iba’y umuuwi na lamang, ang mas masaklap pa ay umuuwing nasa kahon na lamang, malamig at wala ng buhay.  
Tumblr media
Labis akong naapektuhan sa mga kinakaharap ng mga nabanggit sa dokumentaryo. Nangangahulugan lamang ito na nararapat na maging libre ang edukasyon sa ating bansa at dagdagan pa ang mga trabaho upang hindi na makipagsapalaran ang mga kapwa nating Pilipino sa ibang bansa. Sa panonood ko nito’y nagkaroon ako ng pag-asa upang makatulong sa pag-unlad ng ating bansa nang sa gayo’y sa mga susunod na henerasyon ay hindi na maghihirap ang mga kapwa nating Pilipino, hindi na sila makikipagsapalaran sa mga trabahong ‘di tiyak ang kanilang kaligtasan.
0 notes
w-a-k-e-m-e-u-p · 5 years ago
Text
Buhay sa Hukay
Lahat ng ating mga ginagawa’y may kabayaran mabuti man o hindi. Ngunit ibahin natin ito sa kalikasan dahil mas malala ang balik nito sa ating mga tao na tiyak na ang kabayaran ay buhay mismo. 
Kalagim-lagim ang sinapit ng mga taong naninirahan sa Kabundukan ng Itogon, Benguet. Natabunan ng mga putik, semento, bato at iba pa; buhay at walang kalaban-laban. Ang pagguho ng lupa o “landslide” na naganap ay kumitil sa buhay ng mga naninirahang minero  at iba pang mga mamamayan dito. 
Taong 1903, nang sinimulang buksan ng Benguet Corporation ang kanilang mining operation sa Itogon. Natigil ito noong 1997, mula noon ay namayagpag na ang small scale mining na pinangungunahan ng iba’t-ibang asosasyon ng mga minero. Sa ganoong katagal ng pagmimina sa Itogon hindi maikakaila ang nagbabadyang panganib sa buhay ng mga maliliit na minero na nagha-hanapbuhay doon. Tinitiis ng mga kababayan natin na kapos o di kaya’y mga naghihirap o mas kilala sa tawag na “pobre” ang mapanganib na dala ng pagmimina sa Itogon. Sila’y nagbubuwis ng kanilang mga buhay upang makahanap lamang ng ginto. 
Tumblr media
Kagimbal-gimbal ang ating makikita sa larawang ito. Iyan ay dulot ng kapabayaan ng mga tao. Sa labis na pang-aabuso sa likas na yaman na tinataglay nito. Hindi lamang sa Itogon nangyayari ito kundi sa iba’t iba ring lugar o ‘di kaya’y sa mga bansa na labis at walang kontrol ang pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman. 
Humihina ang pundasyon ng mga kabundukan dahil sa patuloy at walang tigil na pagmimina ng mga minero. May mga ilegal na nagmimina sa iba pang lugar na walang permiso mula sa gobyerno. Iyan ay dulot ng kapabayaan ng mga tao. 
Sa nasabing dokyumentaryo, tila’y walang kaalam alam ang mga tao sa nangyaring pagguho ng lupa ni hindi man lamang naagapan upang mabawasan ang bilang ng patay sa nasabing pagguho.  
Isa na sa mga nawalan ng apo sa nasabing “landslide” ay isang sitenta’y kuwatro anyos na si Martin Pilaan. Siya’y naghuhukay upang hanapin ang kanyang apo na dalawampu’t isang taong gulang na nagngangalang Jerome na isang minero. Kabilang siya sa halos isang daang taong nalibing nang buhay. 
Sa kagimbal-gimbal na pangyayaring ito, ako’y nanlulumo dahil hindi lamang ang mga tao ang naapektuhan pati na rin ang ating kalikasan na kung patuloy pa ang pagkasira ng mga kabunduka’y magiging mas malala pa ito kumpara sa ipinakitang dokyumentary ni Atom Araullo na “Hukay” maaring higit pa sa bilang ng mga namatay sa Itogon, Benguet ang mangyari kung hindi natin iingatan at aalagaan ang ating kalikasan. Kung wasto lamang ang ating paggamit sa mga ito ay hindi tayo aabot sa mga nakapanlulumong sitwasyon. Napatunayan nga na higit pa ang kayang gawin ng kalikasan pabalik sa mga tao. Na sa bawat hukay, kabayaran ay buhay. 
0 notes
w-a-k-e-m-e-u-p · 5 years ago
Text
“Kinatatakutan ng buong sangkatauhan”
Handa ka ba? Sa mga natural na kalamidad na ating nararanasan at mararanasan pa?
Ang kalamidad ay itinuturing na pangyayaring nagdudulot  ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan at ng mga tao sa lipunan.
Tumblr media
*crdts to the rightful owner*
Makikita sa larawang iyan ang ilan sa mga kalamidad na may matinding epekto sa bawat bansang nakararanas ng mga ito. Ang ating bansa ay nakaranas ng mga kalamidad tulad ng bagyo, pagputok ng mga bulkan at pagyanig ng lupa(earthquake). May dalawang kadahilanan ang mga ito, ang pagiging isang arkipelago ng ating bansa, at ang ang Pacific ring of fire na kung saan kabilang ang Pilipinas.
Ano-ano nga ba ang epekto ng matinding kalamidad sa isang bansa? Sa tao?
Sa bansa, may malaking epekto ito sa kapaligiran na nagdudulot ng pagkawala o pagkasira ng mga pananim sa kung saan nagsisilbi nila itong kuhaan ng pagkain sa araw-araw na nag uudyok  upang magtaas ang presyo ng mga bilihin ; pagkasira ng mga ari-arian, tahanan at mga gusali; pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.
Pagkamatay, pagiging salat, kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan at kahirapan ay ang mga dulot ng kalamidad sa mga tao. Lalo na’t kung ang mga tao’y hindi naging handa maaring mas tumaas pa ang bilang at umabot ng milyon ang mga maitatalang patay.
Sa paanong paraan nakaambag ang mga tao sa pagdating ng kalamidad sa isang bansa?
Malaki ang naiaambag ng mga tao sa pagkakaroon ng kalamidad.
Isa na rito ay ang pag-aabuso natin sa’ting kalikasan, ang mga halimbawa nito ay ang ilegal na pagpuputol ng puno at ang polusyon. Ngunit hindi rin naman lahat ng kalamidad ay dulot ng mga tao minsa’y dulot din ito ng mga pagbabago sa ating kapaligiran. 
Tumblr media
Sa kasalukyan, ganito ang sitwasyon sa buong mundo na kung saan ang pokus natin ay ang pera. Kaya naman hindi masyadong napaghahandaan lalo na sa ating bansa ang mga sakuna’t kalamidad na ating nararanasan. Isa sa mga kadahilanan ay ang pagharap pa sa ibang mga suliranin na siya namang binibigyang prayoridad.
Ang aking mungkahi ay nararapat lamang na maging handa ang isang bansa sa mga paparating na kalamidad. Isa sa maaring maging aksyon dito ay ang pagkakaroon ng pondo para mga sakuna at kalamidad o di kaya’y mga imprastraktura na siyang maaring pagtuluyan ng isang komunidad o lipunan na maaring pansamantalang pagtuluyan nang sa gayon ay protektado ang bawat pamilya. Hindi natin kayang diktahan ang kalikasan. Tayo ang kailangang maki-ayon dito.
0 notes
w-a-k-e-m-e-u-p · 5 years ago
Text
Hamong panlipunan sa kasalukuyan
 May mga pagbabago na ba? 
Madalas na tanong ng bawat mamamayan sa bansang Pilipinas. 
Malaki ang aking naging realisasyon ko simula nang aking mapakinggan ang kantang Once Upon a Tune ni Gary Granada na tumatalakay sa mga isyung panlipunan. Ngunit laking gulat ko nang malaman ko kung kailan ito nailathala. Taong 1994 ito nailathala na kung aking paghahambingin ay halos parehas lamang ang mga suliranin noon maging sa ating henerasyon ngayon. 
KANDIDATO-BOTO-PONDO. Paulit-ulit ang paglaganap ng korupsyon. Ang pondong nakalaan sa publiko ay winawaldas ng mga pulitiko. Isang patunay dito ang datos na nagsasabing ang Pilipinas ay nangunguna sa korapsyon sa buong Asya. 
Tumblr media
*credits to the rightful owner*
“Sampung mga daliri, panay malilikot Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot Madudungis na ngipin ng pulitiko Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko”
Malaki ang epekto nito sa ating lipunan. Dahil sa pagkamkam ng mga pondo para sana sa pagpapagawa at pagsasaayos ng mga pampublikong pagamutan, gusali, transportasyon atbp. ay napupunta ito sa mga pansariling interes at luho ng mga pulitiko. 
“My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis Are all political appointees”
Tumblr media
POLITICAL DYNASTY.  Aquino, Marcos, Arroyo, Binay, Duterte, at Roxas, mga kilalang pangalan sa larangan ng pulitika. May isinusulong sa bawat Kongreso noong 1987 na tinatawag na Anti-Dynasty Law. Inihain naman ni Senador Miriam Defensor Santiago ang Senate Bill 2649 na nagbabawal sa mga dinastiya sa politika na humawak o tumatakbo para sa inihalal na mga posisyon sa lokal na pamahalaan. Nagiging “family business” na rin kasi ito. Sanay na ang kanilang pamilya sa ilaw ng pagtakbo kaya naman wala ng kahirap hirap ang pagpasok sa pulitika.
“Kapag ang taongbayan Ay may problema Dalawang tenga, dalawang mata Laging nakasara”
Ito ang isa mga pinakamalaking dagok na kinahaharap ng ating bansa. Ang mga kandidato’y nangako noong eleksyon ngunit kapag may problema’y ‘di naman umaaksyon. Tila’y bulang biglang nawawala. 
Tumblr media
“Kandidatong bobo, lumipad sa langit Di ko na nakita buhat nang ma-elect Sayang ang boto kong mura lang ang benta Nag-enjoy pa sana doon sa artista”
VOTE BUYING. Talamak ito tuwing eleksyon. Nagsisilbing daanan ng mga kandidatong wala namang maitutulong sa mamamayan. Kung gusto mong manalo, bilhin mo ang boto. Nakakalungkot dahil sinasamantala nila ang kahinaan ng mga Pilipinong naghihirap. Hindi natin masisisi ang mga tumanggap ng mga pera mula sa kandidato dahil lahat tayoo’y iba’t iba ang estado ng buhay.
Ilan lamang ang mga ito sa mga kinakaharap na kontemporaryong isyu na nakapaloob sa kantang ito. Nakakalungkot isipin na paulit-ulit ang mga pangyayari. Ngunit ‘wag tayong mawalan ng pag-asa. Malaking tulong ang pagiging bukas ng ating mga mata,tainga, bibig at isipan sa mga isyung ating kinahaharap sa kasalukyan. Isa itong pangunahing hakbang upang mabago ang paulit-ulit na sirang sistema sa’ting lipunan. Sana’y sa mga susunod eleksyon ay matuto at huwag nang magpauto ang mga Pilipino. 
8 notes · View notes