Kung alam mo ang buhay gobyerno, alam mong walang magbabago
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kung ginawa ng SM saleslady yan, Malulugi SM
youtube
 Nag viral mga April 8 isang sagutan ng isang Leni supporter at BBM supporter sa UP Diliman.
Oo nandun na nga tayo. Hindi na sinaalang alang, kung di man hinahanap ng BBM supporter ang isang away or pakikipag talo sa pag pasok sa UP Diliman na sa ngayon at puno ng Martial Law displays sa daanan ng mga jogger sa Academic Oval, na suot suot ang kanyang Uniteam getup na base sa 1 second lang sa video ay mask at tshirt.
Katwiran ba yun na hamunin mo na agad ng debate or makipagsagutan ka sa tao? Isipin mo na lang kung ginawa yan sa isang SM branch.
Nakakita ang sale lady ng Nike shoes ang isang customer tahimik na nag lalalakad sa mga shelves ng sapatos.
âHoy! Bumibili ka ng Underarmour! At bakit ano ba napapatunayan niyan? Si Steph Curry? Dito ka na lang sa Nike, subok na matatag ito. Ilang champions na nag endorse nito.
Ilang milyong katao ang lumalabas sa bahay na naka Nike. Number 1 in shoe sales ito. Gamitin mo naman utak mo paminsan minsan!â
Sa tingin mo ba makakabenta si Ateng Saleslady ng bagong sapatos? Sa tingin mo ba lalakas SM or Robison, mga suking mall kung ganito mag benta mga salelady.
Ang saleslady or waiter kung sa restaurant, mag sasalita lang yan kung kakausapin mo. Nakasuot na nga ng Underarmour or BBM Tshirt, disidido na yan. Hindi mo na mabebentahan yan.
Pero kung nag tanong ang customer... Miss ano bang magandang rubber shoes under 10K or 5K. Waiter ano ba specialty of the house. Ayun makakapasok ka pa ng products mo. Baka nga mamahalan pa ang customer dahil nakakuha siya idea.
Ito lang talaga punto. Nang away ka na nga, makaka dagdag boto ka pa ba? Kung salesday ka or may ari ng mall babalik balikan ka pa ba?
At babalikan mo pa din sila! Kailangan mo pa din sila! Dahil kapwa pilipino mo yan. Di lahat ng pagkakataon ay gusto mo sinasabi ng tao, hindi lahat ng pagkakataon mamahalin ka, hindi lahat ng pagkakataon may kasundo ka.
Kung wala naman ginagawa, nananahimik lang ang isang tao bagamat nakasuot ng kulay mapulitika. Yaan mo siya. Babalikan mo pa din mga yan dahil kailangan mo.
Kailangan natin ng unity lahat di ba? Kapag nag baha or trahedya dito sa manila kailangan mo pa din mga nasa paligid mo? Kapag nag loko ang presidente si BBM man or si Leni kailangan mo pa din nasa paligid mo para bumato pataas.
Kalma lang.
0 notes
Text
Kung may follow-up Question sana ukol sa Martial Law
Yung sikat na interview ni Bongbong kay Jessica Soho makikitang naiipit si BBM sa tanong tungkol sa Human Rights violations nung panahon ng kanyang Ama. Diniin pa lalo ni Jessica Soho ang tanong:
Hindi parte ng Administrasyon ng aking ama â BBM There were thousands, maraming nabiktima ng Martial Law. Some people disappeared. Some people were tortured, jailedâŚ(BBM namilipit) Itâs a difficult question.. â Jessica Soho
Jessica Soho - BBM
Yung kay Korina Sanchez naman, na hindi tayo biniyayaan ng magandang camera angle na nag iisip or naiinis man si BBM sa mga tanong sa kanya, ito ang sinabi:
Do you ever think that Martial Law will happen again? â Korina I hope not because Martial Law implies that we are at war. Sana di na tayo papasok sa gera â BBM
Korina-BBM Part 2
Walang follow-up questions. Kinatwiran pa ni Korina kanyang style sa dulo. Hindi siya nakikipag away, di siya nag babara, pinasasalita lamang niya.
Ano yun neutrality? Ano napala natin kay Korina Sanchez-Roxas? Ano kaibahan niya kay Toni Gonzaga?
Pogi nga labas ni BBM kasi walang nagtatanong. Maiipit mo na sana, lalo't balikan mo tanong kay Jessica Soho. Ang follow-up, may gera ba nuong 1972? Kung sabihin ni BBM laban sa Komunista, nasaan tayo ngayon na may Anti-Terror Law at NTF-ELCAC?
Gaya nga ng tanong ni Jessica Soho âsome people disappearedâ. Nito lang, si Doc. Ma. Natividad Castro arrestado nuong February 18, 2022, Friday, at hindi alam ng kamag anak or ng abogado kung nasaan siya.
Wala pang martial law ganun na, may dinudukot na lang sa mga bahay bahay. May nawawala. Baka nga di na kailangan ng Martial Law ayon sa ngayon ay VP Candidate sa partido ni Ping Lacson na si Tito Sotto.
Pag nanalo siya ano na? Masasabi ba nating pinaikot lang ni BBM ang sagot? We are at war with the communists. Yes to Martial Law. Kung nag tanong lang sana.
0 notes
Text
Walang full disclosure si Toni at si...
Apat na araw lang mula sa pag post ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel si Gelo Gonzales ng Rappler sinulat ang article na Collective anger: People speak up on Toni Gonzaga-BBM interview ukol sa umaapaw nag alit diumano sa actress sa pagbigay ng pagkakataong magsalita si Bongbong Marcos.
Ang unang apat na talata ng kanyang sulat ay:
Toni Gonzagaâs Bongbong Marcos (BBM) interview on her Toni Talks YouTube channel has people talking.Â
Her interview with BBM, published on BBMâs birthday, Monday, September 13, dangerously played accomplice to the whitewashing of the history of the Marcoses. Toni Gonzaga-Soriano, although it wasnât a secret, failed to mention in the interview that Bongbong Marcos is her wedding ninong (godfather).
The failure to disclose the affiliation was among the mistakes made by Gonzaga-Soriano.
Prior, she had interviewed opposition figures such as Isko Moreno, Chel Diokno, and Leni Robredo, which gave her a veneer of neutrality.
Collective anger: People speak up on Toni Gonzaga-BBM interview
Naiimagine niyo ba ang mukha ni Gelo Gonzales habang sinusulat ang naunang apat na yan? Nauna talaga yung pagka-Ninong or hindi pag sabi ni Toni na Ninong sa kasal si BBM.
Parang sinasabi niya: mapag kunwari ka, plastic! Di mo sinasabi na ninong mo sa kasal, kahit lahat pa ng opposition figures interview mo biased ka, kasi di mo sinasabi na Ninong mo sa kasal.
Pinag initan pa nga ni Gelo ang number of views (2 millions) ng Toni video.
Tanong niya ilan daw kaya ang nauto ng video na yun, siguradong hindi siya. At hindi rin nag papabola ang mga social media posts na embedded sa naturang Rappler article na galit din kay Toni, kasama na ang dalawang ito.
There's a difference between doing interviews with a critical line of questioning to unveil the truth and hold the person accountable; with doing interviews to enable historical revisionism, trumpet lies, and amplify propaganda. Know where you should stand.#NeverForget
â Jervis Manahan (@JervisManahan)
September 14, 2021
Shame on you â those calling themselves âcontent creators for educationâ eh âdi niyo chinachallenge mga guests niyo na nagkakalat ng kasinungalingan. Yes, Toni Gonzaga â youâre one of those ses
â Jen Aquino | Manindigan Tayo sa 2022 (@theJenAquino)
September 14, 2021
NGAYON, tignan naman natin ang interview ni Korina Sanchez-Roxas kay Bongbong Marcos gamit ang pamantayan ni Gelo Gonzales. Sa mga hindi pa nakakaalam, pinsan ni Mar Roxas ang asawa ni Bongbong Marcos.
"Secretary Mar Roxas is the cousin of my wife, Vice President Jejomar Binay and I are from the north, Â Mayor Rodrigo Duterte and I are good friends and Senator Grace Poe is my sister in government. We are good friends," he added.
Bongbong: I can work with any of the presidentiables
Base sa pamantayan ni Gelo, bagsak din dapat si Korina dahil wala pong disclosure na naganap sa video na uploaded ng Rated Korina channel. Mukha pa ngang iniiwas ni Korina ang usapin ng kanilang relasyon sa interview.
You donât know me naman as Senator Bong, you know me as Bong - BBM Correct dyan tayo galing sa Ilocos-lovakia, dun tayo huling nagkita. â Korina
Korina-BBM part 1
Ano ang konek ng saan kayo huling nagkita sa first name basis niyo?
Marahil ayon sa unity message or talagang close nga sila, yung side ni BBM sa remark na iyon ay: âdi ka naman iba sakin, alam mo naman ang gusto kong pangalanâ.
Yung kay Korina naman ay âmatagal na akong hindi nag ilocos, so di tayo close.â Ha? Ano daw?
Ano sa palagay niyo? Pwede niyo naman bilangin ilan sa mga matataas na tao ang ka first name basis ni Korina para mapanatag kayo. Kahit ba ganun, bakit ko kailangan malaman kelan sila huling nagkita.
What will your wife â Lizaâs â role be in your government? â Korina I thinkâŚYou know my wife⌠- BBM Maliban sa pagpunas ng pawis mo â Korina
Korina-BBM part 2
Yung dating ni BBM mukhang walang masagot kaya willing siyang ipasa kay Korina kasi sanay na siya. First name basis na sila. Wala siyang maisip na sagot: kilala mo naman asawa ko. Bakit? Alam natin pero hindi sinabi.
Hindi pinatulan ni Korina at sinabing magpupunas ng pawis ba si Liza, na malamang lamang ay alam ni Korina ay mali ang sagot so get na ni BBM na dapat itayo niya ang asawa niya mag isa.
Kung gusto mo mag research ulit para pataas, ilang asawa ng malalaking tao ba kilala ni Korina. Pano sila nag kakilala. Lagi bang husband and wife ang interview niya? Parties ba? Nakaka ilang family dinner kaya si Liza sa Cubao?
Sige wag kayo maniwala sakin, pakiramdam ko lang naman ito sa samahan nila. Pero SIGURADO tayo sa lahat madaming public appearance ang iniiwasan ni Bongbong Marcos, at kay Korina panatag ang loob niya sa ngayon.
Hindi ibang tao si Korina kay BBM at si Korina naman di tayo nagbigyan ng full disclosure.
Ang video ni Korina sa ngayon ay nakakuha ng tig 1 million views, part 1 at part 2 yan.
Walang public uproar tulad sa nakasaad sa sulat ni Gelo Gonzales sa Collective anger: People speak up on Toni Gonzaga-BBM interview. Teka kung ikatutuwa natin na maraming umangal sa interview ni Toni paano na sa walang umangal?
May mga tanong nga si Korina na tungkol sa administration ni Ferdinand Edralin Marcos, si Apo, pero kabaligtaran ito sa gusto ni Jervis Manahan na maging critical.
There's a difference between doing interviews with a critical line of questioning to unveil the truth and hold the person accountable; with doing interviews to enable historical revisionism, trumpet lies, and amplify propaganda. Know where you should stand.#NeverForget
â Jervis Manahan (@JervisManahan)
September 14, 2021
Umamin nga si Korina sa style niya, hindi siya nag babara. Pogi nga ng dating ni BBM kahit na mukhang mahihirap mga tanong. Nag mukha tuloy unity candidate, willing to move on.
Sa ngayon ay 2 weeks na simula ma upload sa Rated Korina channel ang interview ni Korina Sanchez-Roxas kay Ferdinand âBongbongâ Marcos, Jr. Â Tila yata nabawasan ng bilis sa pag analyze itong si Gelo Gonzales sa mga pumapansin pa kay BBM.
4 days lang nakalipas nag sulat siya para pumuna kay Toni Gonzaga. Wala pa siyang sinulat sa ngayon. Ewan ko lang kung Rappler may sulat sa interview na yun.
0 notes
Text
Hindi siya Cooking Show
Kayo ba ay may sariling isip na Anti-Marcos or sunod sunuran lang sa isang Yellow Troll Army na cut and paste lang at mag share kung ano lang ang sinabi nila?
Nuong napabalitaang hindi dadalo si BBM sa forum ng KBP ginawa din issue kaagad na naduwag si Junior, takot humarap sa taong bayan para ipakita lang na marunong siya magluto.
FORMER senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., or BBM, a candidate for president in the 2022 elections, on Friday skipped a forum organized by the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) and opted for a separate one-on-one interview with television host Korina Sanchez-Roxas, whom he joined in a cooking demonstration.
BBM opts to cook, Isko okays turncoatism - The Manila Times
Amid todayâs live forum, attended by five candidates â senators Panfilo Lacson and Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo, labor leader Leody de Guzman, and Manila mayor Isko Moreno â who bared their platforms and insights on important issues, the Rated Korina Facebook page released photos of Bongbong Marcos in his taped interview with star journalist Korina Sanchez, where he showed the magazine show host how to cook dishes from his hometown of Ilocos: bagnet and pinakbet.
Bongbong Marcos skips presidential forum to cook âbagnetâ and âpinakbetâ
Cooking show lang pala!
HINDI siya cooking show! Wala nga sa introduction ni Korina Sanchez ng Presidentiables na series niya na nag luto lahat ng candidates. Interview siya tulad ng ginawa ni Toni Gonzaga, tulad ni Boy Abunda.
Mas consistent pa nga format ni Boy Abunda kumpara kay Korina. Bakit nga ba iba iba ang kay Korina?
Base sa naka upload sa YouTube channel ng Rated Korina si Lacson at si Pacquiao ang may mga pinaka magigsing video. Si Bongbong, si Leni, at si Isko may mga tig dalawang video, at sa combined na oras ay hindi naman nagkakalayo sa haba. Minsan may questions mula sa ibaât ibang sector ng lipunan minsan wala.
May mga edits pa yun. Assembled ang interview bilang palabas ni Korina at pangalawa lamang bilang isang interview kung saan makikita mo ang kandidato na tila ikaw ang nagtatanong.
Hindi mo alam ilan lahat natanong, hindi mo kita mga reaction, hindi mo kita kung nahirapan.
Sa ngayon may pangalawang bash na nga si Toni Gonzaga, nag pakilala lang naman kay BBM sa Philippine Arena. Pero bakit wala sa usapan at pangigilatis ang ginawang interview ni Korina Sanchez-Roxas?
0 notes
Text
2-0, lamang daw taong bayan?
Noong 1986, tila imposibleng talunin si Marcos. Noong 2016, tila imposibleng talunin si Marcos, Jr. So far, ang score ay Marcos: 0, Taumbayan: 2. Ngayong 2022, gawin nating 3-0. Huwag magpatinag. Kaya natin âto. Tara na. IPANALO na natin ito.
â JR Santiago (@oslecjunior) February 13, 2022
Si dating Assistant Secretary JR Santiago nag iilusyon ng 2-0 pabor sa taong bayan.
Unang una hindi pabor si Lee Kwan Yew sa mabulaklak na alaala ni Asec Santiago. âIt is a soft forgiving cultureâ ika nga ng dating pinuno ng Singapore.
Yung ibang bansa tumatawa na lang.
Mga Russians.
Italians
Romanians
Libya
1 note
¡
View note
Text
Camera angles pa more....ay wala pala.
Idagdag natin dun sa hindi mapakaling kuha ni BBM sa isang interview niya kay Jessica Soho, itong nag viral ngayon na video sa 2016 debates.
Tawagin na nga nating "He's Traumatized" at nakikita naman ang bunga, nag BaBack-out Muli si Junior sa mga debates ngayong formal campaign period.
youtube
youtube
Yung kuha sa He's Traumatized kasama ng magagandang tanong, BAKIT wala sa interview ni BBM sa Rated Korina? Ano yung mga design principles dun sa edit.
0 notes
Text
Paano pumapabor ang Camera; Salamat po Video Editor
Nuong umiwas si Bong Bong Marcos nakita niyo na marahil ang video na ito, summarized on Facebook.
youtube
Ito ay part ng isang interview, 10 years ago ayon sa timestamp sa YouTube channel ng GMA 7 news.
Bukod sa matatalas talaga ang tanong pansinin mo naman angulo. Minsan babagsak camera kay Bong Bong habang paatake pa si Jessica Soho. Makikita mo paano tinanggap ni BBM ang mga tanong na di pabor sa kanyang ama.
Ngayon tignan mo naman kung makakakuha ka ng parehas na anggulo sa interview ni BBM at Korina.
youtube
youtube
Makikita mo ba yung anggulo na kinuha ni Jessica Soho sa interview?
Una, sabi ni Korina sa umpisa ng programa hindi namili si Bong Bong Marcos ng tanong. Hindi ko alam kung totoo yun pero ibig sabihin ng namili, may advance knowledge na si BBM na sa tanong.
Maaring advance kung kayat pumayag si BBM na mag pa interview sa mismong araw ng KBP. Maaring advance at duong lang pinakita ni Korina ang tanong sa araw ng kanilang pagkikita.
Bukod sa masasabi nating hindi kasi agresibong pagtatanong tulad ni Jessica Soho, pansinin niyo tuwing kelan babagsak ang camera kay BBM.
Hindi habang nakikinig siya sa tanong lalot tungkol sa kanyang ama. Parang wala kuha habang nag iisip or papabwelo pa lang siya sa sagot. Hindi mo nga alam kung naiinis or natataranta, or pwede naman relaxed lang.
Yung camera babagsak kay BBMÂ na sasagot na siya ng tanong. Hindi mo matatancha kung bago ba sa kanya mga tanong or pinag handaan.
Naalala niyo pa naging issue earpiece sa DZRH interview ni BBM, mas lalo ka pa nga dapat nag iisip dito, may edits na di mo gets bakit meron. Pero sige maaring agad agaran nga naman nakakasagot si BBM pero anong malay niyo.
Compare niyo editing sa mga ibang interview ni Korina na kandidato sa Presidente at VP, upang makita niyo pagkakaiba. Tabi mo lang sa Jessica Soho interview malaki talaga pagkakaiba.
0 notes
Text
Election Surge
Yes, alam ko 90 days away ang election. Kung may surge in 2 weeks naman lilitaw yan, tulad ng pag taas halos katapusan lang ng pasko.
Hindi naman siguro masama sabihin sa lahat ng kampanya...
MAY VIRUS PA MGA TANGA!!!
Napaka laking psywar tactic yun, napupuno hospital at level 5. Wag niyo bigyan ng pagkakataon.
0 notes
Text
Kung si Jessica Soho ay Biased...
Umayaw si Junior kay Jessica Soho dahil biased daw.
MANILA, Philippines â Presidential aspirant and former senator Ferdinand Marcos Jr. on Monday insisted that he snubbed the interview with veteran journalist Jessica Soho because she is âanti-Marcos.â
Marcosâ camp had previously explained that Marcos had chosen to skip the interview because Soho was biased against his family and that he would rather speak directly to people on platforms he chooses.
Inquirer.Net
Ano naman masasabi mo kay Korina Sanchez-Roxas, isang personalidad at kilalang broadcast journalist na pinili mismo ni Junior?
Kung masamang tao ang inayawan syempre dapat positive description tayo sa taong kanyang pinuntahan.
Ano sa palagay niyo?
Kaibigan
Kamag-Anak (Roxas-Araneta)
Kung pumayag si Junior dapat kabaligtaran nung anti na inayawan niya so âPro-Marcosâ sa pinayagan di po ba?
0 notes
Text
Lopez + Mar Roxas = Korina
Si Ba-Backout Muli ay umatras na naman sa isang malaki forum ng mga tatakbong Presidente sa Eleksyon ngayong May 2022.
Sa kinagulat ko naman si Junior na sigurista pumayag mag pa interview kay Korina Sanchez, sa isang dating haligi na news anchor ng ABS-CBN. Maaring wala na siya sa naturang channel pero yung palabas niya, kahit iba nag produce, pinapalabas pa din sa ABS-CBN.
Si Korina, kung nakakalimutan niyo, asawa ni Mar Roxas na kilalang haligi naman ng PNoy administration, isang Dilawan. Lopez at Mar Roxas connected sa isang tao, mga pamilya na dapat pinag iingatan ng isang Bong Bong Marcos at baka balikan siya.
Hindi sa format yan. Mga galit kay Marcos sasabihin may format siyang iniiwasan. Kahit na ano pang format yan maiipit ka kung maiipit ka, kung gugustuhin ng nag-interview.
Bakit siya pumapayag sa particular na grupo na ito? Boy Abunda na nasa payroll pa ng ABS-CBN. Korina Sanchez na asawa ni Mar Roxas.
0 notes
Text
Management Decision Yan
Ang GMA nag labas ng Jessica Soho para sa isang serye ng mga interviews sa mga lalaban sa pagka pangulo sa 2022 elections.
Yung mahigpit nilang karibal. Sabihin na nating bugbog. Sabihin na nating lugi sa kapital dahil sa mga sweldo ng mga kilalang broadcaster sa hanay nila, nilabas si Boy Abunda.
Puro na lang pag sisi sa approach ni Boy Abunda. Management decision yan.Â
Maiinit na palabas ngayon kahit anong bagay na may kinalaman sa election. Planado na nila lahat ng coverage nila hanggang election. Planado na mapapala nila.
Alam na nila mapapala nila kung ang itatapat na palabas sa isang tulad ni Jessica Soho ay isang Boy Abunda.
At syempre alam ng siguristang nagtatago sa sari saring presidential interviews na Bong Bong Marcos ang mapapala niya sa isang ABS-CBN na hawak ng mga Lopez, isang pamilya na minsay inapakan na ng ama niya, kung ano ang mapapala niya sa pag payag sa interview.
0 notes
Text
Bakit Pumayag sa ma-interview sa Pagmamay-ari ng mga Lopez?
Obvious naman may iniiwasan si Junior.
Bakit mo naman pag uusapan yung mga bagay na lugi ka? Yung mga bagay na di mo na masagot...
Alam din niya ang mga media outlet na di susunod sa gusto niya. Wag ka pupunta sa pwede kang kuyugin ikanga.
Pero di ba kayo nag tataka bakit pumayag siyang mag pa interview kay Boy Abunda ng ABS-CBN, isang pagmamayari ng mga Lopez. Sa ABS-CBN na minsan nang nag alaga sa isang Kris Aquino ng 20 years.
Isang ABS-CBN na ipinaglalaban nating mabuksan muli, mula sa pang aapak ni Duterte. Yun lang may katanungan dun, kung bakit hindi renewed sa panahon ni PNoy. May away nga kaya?
Hindi naman nating maitatanggal ang posibilidad na solo lang gumalaw si Boy Abunda. Yun ay kung naniniwala kang di pwede sumingit mga Lopez sa malalaking bagay na ganyan, pakikisama sa mga politico laloât nasa lugi sila na walang franchise.
Pwede naman talaga mag isa lang si Boy Abunda. Kaso kung ikaw nga ay isang Bong Bong Marcos Jr. na sigurista, dami nga iniiwasang interview, hindi ka ba maninigurado sa isang mas nakakataas kay Boy?
Hindi mo ba sisiguraduhin na yung pamilyang may hawak sa ABS-CBN na kung babalikan ay may atraso pamilya mo, ay di makikialam kay Boy Abunda?
At yun na nga ang sa akin, hindi kaya history repeating itself ito? Tandaan nung 1965 may isang Fernando Lopez na tumakbo bilang Vice President ni Ferdinand Marcos Sr.
Wag na nating pag usapan ang eventual nilang away at pagkuha ni Marcos sa ABS-CBN. Walang Marcos kung walang ABS-CBN. Kung walang isang mayamang pamilya (Lopez) nag hahanap ng manok na masasandalan nila.
Ito na nga kaya yun. May manok na ba ang pamilya Lopez sa Halalan 2022?
0 notes
Text
Ang Magulang ay Laging Tama
Kung tinatawag nating panatisismo ang kay Pangulong Duterte.
At syempre kung nasaan si Duterte nandun na din si Bong Go.
Kung tinuturing natin isang pangaabuso, isang brainwashing gamit ang systema ng Education sa bansa para maituring si Imelda Marcos na Ina ng Bayan.
Bakit pa natin ipapagpatuloy ang isang mali, at tawagin nating Nanay Leni.
Presidente ang hanap natin. Hindi magulang! Dyan nag uumpisa lahat ng ambuso, hindi mo tinutuwid ang magulang. Hindi mo kinakalaban kahit mali.
Na dapat mong gawin kasi hindi dapat sumobra sa kapangyarihan ang Presidente.
0 notes
Text
Tell me who your friends are...
Maraming natuwa, natakot, siguro pati na din validated na nagsama lahat lahat ng may kaso ng plunder sa isang Uniteam.
Kita niyo na! Kaya walang pagbabago nagsama sama lahat ng may kaso; magkakauri sila, magkakampi. Dun tayo sa naiiba kay Leni Robredo.
Magkaiba nga ba?
Tatlong taon na tayong kinumbinse ni Antonio Trillanes, tapos pakikisamahang maging Senador na lang ulit si Jejomar Binay? Hindi man lang nahiya sa laway na tinapon niya. Kay Colmenares pa todo away siya.
youtube
At nasaan ang genuine opposition na tinuturing ni Trillanes at pumayag din siyang kasama si Dick Gordon? Kinain ulit ni Trillanes laway niya?
May opinion piece na ba Rappler laban sa Senate slate ni Leni Robredo? Curious lang. Puro walang kwenta mga pinili ni Madame.
May hangganan din pala ang katagang:
0 notes
Text
Pantay lang si Harry Roque at Antonio Trillanes
Umani na naman ng katakot takot na salita si Harry Roque sa kanyang paglunok sa sariling prinsipyo pagkatapos pumayag tumakbo bilang Senador sa ilalim ni Bong Bong Marcos.
Pinalala pa ito nang mahuli pa siyang nagbura ng kanyang pananaw sa mga Marcos. Akala niya e maipapakita pa niyang ang prinsipyo niya ay hindi pinagbebenta.
Tama naman ang pag puna sa kanya. Pero ang tanong ko lang eh, bakit Antonio Trillanes tahimik lang kayo?
2014 pa yata nag umpisa si Antonio Trillanes laban kay VP Binay noon gamit ang Senate Blue Ribbon Committee. Isipin mo na yung mga oras na ginugol, bayad sa overtime, materyales, para lang matunton ang corruption ng Pamilya Binay.
2014 hanggang 2016 isa nga lang naging litanya ni Trillanes. Ang conclusion ay corrupt talaga at hindi dapat maging Presidente si Binay.
âIf we want a thief for a President, the Philippines will deteriorate,â Trillanes said
2021 pumasok ang isang Leni Robredo, at nailagay na nga si Jejomar Binay sa kanyang mga itatakbong Senador, si Trillanes naman ay wala - dumila lang sa sapatos ni Leni. Tumuwad na mala Harry Roque.
Lagpas isang taon sa Senate Committee, paulit ulit mong litanya papunta sa 2016 election, bakit pwede mag Senador si Binay ngayon sa mata niya.
Wala pang isang taon ang issue ni Trillanes at ng Makabayan Bloc, ang laking dramang ginawa ng dating Senador. Kaya nga hindi nakapasok si Neri Colmenares sa hanay ng mga Senador ni Leni Robredo.
Lamang at karapat dapat pa talaga si Binay kay Colmenares ha??? Anyare! Walang kaso ang isa, inayawan niya, yung isa naman dalawang taon niyang pinatunayang magnanakaw, payag na.
O di ba? Tulad ni Roque, nasaan ang prinsipyo ni Antonio Trillanes? Dahil lang ba kay Leni Robredo?
Bakit kay Leni wala kayong problema? Hindi na ba uso ang katagang âtell me who your friends are...â
Akala niyo ba libre si Binay?
0 notes
Text
Nakakapasok ka ba sa Office of the President, ako Hindi
Naalala niyo pa ba ito? Si Janet Napoles sumuko sa Office of the President at 9:37 ng gabi

Presidential Spokesperson Edwin Lacierda said in a statement that Napoles surrendered to the President at 9:37 p.m. - Philippine Star, August 28, 2013
Sana all pwede sumuko sa Presidente kahit di oras ng opisina. At mukha pang hatid sundo.
Navotas Rep. Toby Tiangco on Saturday said presidential spokesperson Edwin Lacierda had no business fetching Napoles and taking her to the Palace.
âHe said he asked permission from the President, but take note that it was the courtânot the Presidentâwho had ordered her arrest. Did he also ask permission from the judge?â Tiangco asked. - Philippine Daily Inquirer, September 1, 2013.
Sigurado ako dun naisilang ang ilan DDS, at kung hindi man die hard supporter nanawa na sa mga salita ni PNoy.
Sana lang sa mga DDS na yan, ganun din ang pagdududa kay Michael Yang, na minsan na ring natawagang Presidential Adviser kahit Chinese.

Close talaga sila. Walang nagawa yung bantay Jaworksi ni Bong Go at nag tatabi pa nga sila dito sa picture sa baba.

Hanggang sa umabot na nga tayo dito sa isang familiar na sala atmosphere, magkasama si Linconn Ong ng Pharmally at Michael Yang.
May abogado naman si Yang, si Raymond Fortun hindi basta basta, sigurado akong hindi chipipay, pero sa bawat oras mag papakita si Presidente Duterte na dapat sana sa mga problema ng bansa puro pag papatanggol sa isang Chinese National?
Limang taon na prusisyon natin, actually 8 years dahil 2013 pa si Janet Napoles, akalain mo sa Sala pa din ang tuloy.
0 notes
Text
Tell me Who Your Friends Are
Sabi ng DDS blogger na mag-ingat kay Isko dahil sa kanyang mga kaibigan.
OK lang. Karapatan niya iyon. Mag-iingat din tayo sa mga kaibigan ni Duterte.
#yormeisko#iskomoreno#dutertepalpak#duterte#Sara Duterte-Carpio#2022 Elections#Philippine elections 2022
0 notes