whatispenname
whatispenname
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
whatispenname · 4 years ago
Text
IBA’T IBANG LARANGAN NG SINING NA PUWEDENG PASUKIN NG ISANG MULTIMEDIA ARTS GRADUATE
by Christhoper Ibit - Feb 9, 2021
Nung ako ay bata pa, ako’y napapaisip kung pano ba kumikita ng pera ang mga taong nasa larangan ng sining at paano sila nagiging matagumpay sa kabila ng pagiging negatibo ng mga taong nakapaligid sakanila.
Ako ay isang estudyante sa isang Unibersidad sa Pilipinas at aking naunawaan na ang oportunidad sa sining ay napakalawak at ang kursong Multimedia Arts ay makakatulong upang ikaw ay maging tiyak sa gusto mong pagdalubhasaan.
Kung kayo ay nagtataka sa iba’t ibang oportunidad na pwedeng pasuking ng isang Multimedia Arts Graduate ang blog na ito ang sagot upang kayo ay maliwanagan.
Narito ang ilan sa mga larangan ng sining na puwede niyong pasukin:
1.       Pag didisenyo ng Grapiko
Ito ang larangan ng sining na para sa mga taong may kakayahan na pagtimbanging ang mga salita, logo at kulay. Kadalasan itong nagagamit sa mga materyal na pang promosyon.
Tumblr media
  Creator: Pekic | Credit: Getty Images/iStockphoto
2.       Produksyon ng Pelikula
Ito naman ang larangan ng sining na para sa mga taong kumuha ng kursong sinematograpiya. Dito ay kanilang maipapahayag ang kanilang mga perspektib at pananaw gamit ang pag-gawa ng pelikula.
Tumblr media
Credit: Film Array/ https://motionarray.com/learn/filmmaking/film-terminology/
3.       Animasyon
Ito ang larangan ng sining na para sa mga taong naka pokus sa 2D o 3D na karakter kasama ang ang kanilang pag galaw at kinagagalawan.  
Tumblr media
Credit: Variety/ https://variety.com/gallery/variety-10-animators-to-watch-2017/
4.       Pag didisenyo ng website
Ang mga multimedia artst ay may malawak na sakop ng kaalaman, kasama narito ang mga simple at detalyadong pag cocode para makagawa ng isang website. Ang pag didisenyo ng isang website ay isa sa mga kursong kailangan mong makuha upang makatapos sa Unibersidad.
Tumblr media
Credit: Clicktale/ https://www.clicktale.com/resources/blog/conventional-vs-unique-website-design/
5.       Pagbuo ng isang laro
Ang pag buo ng isang laro ay isa sa mga posibleng maging trabaho ng isang multimedia arts graduate.  Ito ay para sa mga taong nag pokus sa larangan ng mga bidyo games at iba pang mga laro.
Tumblr media
Credit: TalentLyft/ https://www.talentlyft.com/en/resources/game-developer-job-description
6.       Industriya ng Pamamahala
Ang mga multimedia artists ay binansagang malikhain dahil sa ating pagkakaron ng malawak na kaalaman sa sining. Ang ating pagkamalikhain ay maaari din na mai-apply sa industriya ng pamamahala at ito ay siguradong makakatulong sa pagpapatakbo ng isang negosyo o kompanya.
Tumblr media
Creator: NicoElNino | Credit: Getty Images/iStockphoto
7.       Industriya ng Patalastas
Ito ay para sa mga tao na gustong gamiting ang kanilang pagiging malikhain sa pag gawa ng mga patalastas o pag didisenyo ng mga anunsyo.
Tumblr media
Credit: Passionate In Marketing/ https://www.passionateinmarketing.com/the-impact-of-covid-19-on-the-advertising-industry/
1 note · View note