Text
" I heal every day, albeit slowly. Be patient with me, for there is nothing I want more than to open my heart, and give myself fully like I did once, though before I chose foolishly. I want to trust once again with all my heart and hold nothing back. I want you to feel me totally surrender on the altar of the love you offer me. I want you to know me, inside and out. I don't want to be afraid of showing you my dreams and my fears, my hopes and my failures, my virtues and my shortcomings, but I hold in my chest a very broken heart, shattered in pieces that do not know exactly how to fit together again. I am afraid of hurt, of pain, of rejection, of being broken once again and yet I cannot deny the need in me to love entirely. Be gentle with me, for my heart is very tender and still bleeds quite easily. I know it is not your fault all that has gone before, and that you are different from all I have ever known but that doesn't change the fact that I need very gentle, very loving hands because trust is hard to give. But if I have to ask for one thing, I ask that you have faith in me, that you trust that I love you immensely, that I want to give you all of me, that I am sincere in my feelings and that you trust my words when I say that I am learning how to love you with all of me every day."
e.v.e.
77 notes
·
View notes
Text
Tell me what lurks behind those haunting eyes,
Tell me, my love, what colors your sky and what shade is your moon at night,
Tell me about your dreams that behind your lips lie,
Tell me what aches, tell me what burns,
Tell me what is hidden in the forest of your heart,
Tell me what worlds you build and you tear down,
Tell me about the hopes that are seeded in your heart that are patiently waiting for rain,
Tell me about all the feelings that you sprout like a river being born that looks for the ocean and the sky,
Tell me everything I want to know and I will listen to you like a garden parched for rain,
For you in me is all I ever want, be we near or far,
But do not let a sound breach your lips for it is the voice of your soul that I long for,
So write my love, write and fill every space with your sweet essence,
Write until there is no more ink to gift the world as I share with her,
Our love.
e.v.e.
309 notes
·
View notes
Text
"Let me have a soul of crescent moons that rise, and a skin made of the mysterious heart of night, hair of pale starlight and hands of warm night winds that blow. Let my feet be like the deep silence that treads and finds refuge in the beauty that hangs from the silver boughs. The songs in the dark let my lips bestow to that who seeks to kiss my soul."
e.v.e.
64 notes
·
View notes
Text
1. I don’t know if I’m selfish for wanting attention and appreciation all the time, or just so selfless for wanting things I didn’t felt for always putting others first.
2. I always end up at the start or the end, for once I want to be the center of everything.
3. I always reach hands, but I realized, my hands won’t meet anyone else’s if they don’t like to reach mine.
4. I swear people would like me if they will get to know the real me, for we all know that the inside is far more than what on the outside, but how could they know me, how could people like me, if the first thing they would see is what on the outside.
5. Sometimes, all I want is just a simple talk, well, all the time.
6. I know it is me that should love myself more than anyone else, but I’m always wanting people to make me feel, that there’s something in me someone would love.
7. I’m always regretting joining a large group of people, at the end of the day, everything will be shoved to my face that even in a large group, even in a greater chance some would notice me, no one will.
8. I gave up, I almost gave up, but I want to be loved.
9. I’m having a hard time on convincing myself that I don’t need anyone, that I will end up unappreciated and unnoticed, and that’s fine and I could carry on but …
10. Someday, I’ll be tired enough and I will accept things.
/ I
77 notes
·
View notes
Text
what keeps me up at night? loneliness. the feeling that no one keeps me up at night is what keeps me up at night. no one to share the night with to share the story of my day. i am not to end the day yet alone. somehow i want someone to end it with. this is what keeps me up at night– i have no one to share it with.
57 notes
·
View notes
Text
“When people found out I was a math major they were always like, ‘Oh, I bet you can calculate numbers super fast!’ I would always tell them, 'Dude, I haven’t seen numbers in years.’”
— Transitions to Higher Math professor
2K notes
·
View notes
Text
Kalayaan
Sino nga ba ang malaya? Ang may watawat na nakabandera ngunit ang ekonomiya ay kontrolado naman ng imperyalista? Ang hindi nasakop ninuman ngunit ang pamahalaan ngayon ay hindi maintindihan? Ang makapangyarihan bansa ngunit tila ang ekonomiya ay nakaasa sa mga giyera? Ang taong wala sa kulungan ngunit gipit kahit may kabuhayan? Ang mga nasa liblib sa timog ngunit nasa gitna ng mga bala at pagsabog? Ang nakapila sa pagsakay ng tren ngunit ang iniisip ay ang trabahong binilin? Ang magaaral na maganda ang grado ngunit ang hinaharap ay hindi sigurado? Sino nga ba ang malaya? Ano nga ba ang kalayaan?
- k.d.
10 notes
·
View notes
Text
Balik-tanaw;
amihan ang nagbuhat ng mga gunita sa pag-aakalang sila'y pumanaw na aandap-andap na tila tala bubulusok paibaba mga alaalang sa putik ibinaon muling sisilay mula sa kahapon sa mga dahon nagsipagtalon nagsipagtakbo paroon mula sa bisig ng hangin galing sa talulot ng mga rosas mula sa mapusyaw na mga labi galing sa natuyong mga luha maglalakbay pagka-dapithapon sasabay sa ragasa ng alon tahimik na gagambala sa gabi gaya ng bulong ng mga paru-paro gaya ng ngiti ng bahaghari tulad ng tanglaw ng buwan tutulay sa mga ulap sa himpapawid, sa pampang mga alaala, mga gunitang– akala ko'y nalimutan na
8 notes
·
View notes
Text
Sinimulan ko nang bilangin ang mga liham na naipon na sa ilalim ng aking kama. Mga liham na ibinaon ko na sa limot. Sadyang kay bilis tumalilis ng bawat segundo, hindi ba? Hindi ko na maalala kung ilang libong pilas ng papel na ang aking nagasta para sa mga ito. Labing isa ba? Dalawampu? Hindi ko mawari kung bakit hindi pa rin sapat ang mga ito para paglagyan ng aking mga kataga, maging kung hanggang kailan ko kikipkipin ang mga ito. Sadyang duwag lamang siguro akong pakawalan ang mga alaalang nakamarka dito. Magmula sa kalat na tinta, bakas ng aking mga daliri, samyo ng aking balat, hanggang sa piling mga salitang inilagak ko sa bawat linya nito. Burado na ang ilang mga titik at kupas na rin ang kulay ng ilang pahina. Gayunpaman, nananatili sa hangin ang mga damdaming pumaimbabaw sa akin noong isinusulat ko pa ang mga ito. Nagbuhat ng munting kislot sa'king puso ang mga katagang halos nakaligtaan ko na na sa akin pala nagmula. Mga alaala. Memorya. Gunita. Ang mga ito na lamang pala ang nagsisilbing tanikala na nagbibigkis sa akin at sa nakaraan. Ang mga liham na ito ang nagpapaalala sa akin tungkol sa'yo. Natatakot akong tuluyan ko nang malimot ang lahat kasama ka at ang dati kong saya. Datapwat, hindi rin magtatagal ay kakailanganin ko nang selyuhan ang mga ito at tuluyan nang pakawalan. Subalit sa ngayon, aalalahanin muna kita.
10 notes
·
View notes
Text
Tagpuan
Kita'y nagkatagpo sa panaginip– kung sa'n ‘yong ngiti ay nalirip hawak-kamay sa paglalakbay 'di aninag misteryong nakaakbay Yaon ang unang pagkakataon, dinala tayo ng panahon sa bisig ng isa’t isa, sa kanlungan ng paraisong animo'y puno ng ligaya Kasabay ng hanging pumagaspas, puso'y lumulukso, tigib ng hiyas– saya’t awit ng pagsintang 'di kupas habang umiindayog sa ritmo ng kumpas Oo nga’t hawak natin ang bukas, walang unos o balakid man ang wawakas, sa istoryang dalisay at wagas hayaang magpatuloy kasabay ang oras Landas ay nakaguhit na sa kapalaran, muling magtatagpo, sa alapaap ay lulan kita'y hihintayin, nawa'y muli kang masilayan 'dili na sa panaginip na ating lumang tagpuan
14 notes
·
View notes
Text
Salamangka
Isusulat ko yaon; kung paanong nagdampi ang ating mga labi kung paanong nagdaop ang mga daliri sa gitna ng gabi'y nabuo ang bahaghari at ang hiwaga ay namutawi
‘Di ordinaryong pangyayari kung saan milyong paru-paro– sa'king kalamna'y bumaluti datapwa’t namangha sa tinig binihag ang lumbay at pagkasawi ipinalit ang malapad na ngiti
isusulat ko yaon; kung paanong kinalinga mo ang mala-rosas na pisngi at tila huminto ang buong paligid animo'y natutulog ng mahimbing sa katahimikan at kapayapaan
isusulat ko yaon; kung paano mong sinimulan ang istorya ng pagsinta kung paanong winakasan mo ito sa isang salita; paalam Lahat'y ilusyon lamang pala gaya ng isang salamangka
10 notes
·
View notes
Text
Kwentong Pagibig
Batid ko ang bawat titig mo datapwa’t nangingimi akong suklian ito kahit pa ng isang ngiti lamang o simpleng kaway o pagtango
Dama ko ang bawat pagsulyap mo ang iyong mga matang nangungusap na tila hinahagod ang aking pagkatao; ginagalugad ang aking mundo; kinikilala ang aking puso
Batid ko ang bawat pagtingin mo na wari'y katumbas ang tinig, “Bawasan mo ang distansya, gawin mong sentimetro ang pulgada”
Minsa'y naulinigan ko ang iyong tawa, sinundan ko ang kinaroonan mo’t nagtama ang ating mga mata ngunit wala pang ilang segundo'y kumawala na
“Sayang” “Sayang”
11 notes
·
View notes
Text
Lxxiv
nagpapatintero ang pintig ng ating puso kasabay ang bawat nota ng teklado pababa, pataas–mabagal, mabilis at naapuhap natin ang ating mga sarili sa bingit ng pagibig at pagtangis subalit inangkin natin ang langit habang lumilipad sa animo paraisong kanlungan ng mga tala at bulalakaw sa kakaibang mundo kung saan ikaw at ako ay mistulang mga estranghero hinahabol ang bawat hininga habang nilalasap ang hanging pumapasok sa ating mga baga at itinaas natin ang ating mga kamay habang kumakampay sa saliw ng liwanag ng buwan at awit ng luntiang kapaligiran
Oo;
tayo'y nasa paraiso ng misteryo sinisimsim ang bawat segundo at ang tagpong ito sinubukan nating humiyaw sa kabila ng kaligayang natagpuan datapwa’t nangibabaw pa rin ang katahimikan at kapayapaan at isinara nating tuluyan ang ating mga matang hapo sa maghapong pakikibaka nandirito na tayo
Oo; nandirito na tayo
11 notes
·
View notes
Text
Ipaalala mo sa akin;
Ano nga ba ang paborito mong bulaklak? kulay? pabango? alak?
Ipaalala mo sa akin;
Ano'ng tunog ng unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo? at ang tinig ng along humahampas sa dalampasigan? ang huni ng hanging mula sa silangan? ang luha ng mga bituin sa madilim na kalangitan?
Ipaalala mo sa akin;
Kung ilang pahina na ng aklat ang aking nadungisan, kung gaano katagal ka nang lumisan; kung hanggang kailan maghihintay at para saan?
Ipaalala mo sa akin;
ang unang araw na nagkatagpo ang ating mga mata; unang pagkakataong nagdampi ang ating mga balat; ang tamis ng unang ngiti matapos isiwalat ang damdaming inilihim nang walang bakas
Ipaalala mo sa akin;
ang dahilan ng paghinga, ang dahilan ng pagbangon sa umaga, kung ilang araw pa ang bibilangin bago magbalik ka
Ipaalala mo sa akin;
‘pagkat ayaw kong malimot ang kahapon, ang alaala mo ang halik na minsang pumawi ng lumbay ko
16 notes
·
View notes
Text
Sa pagkubli ng araw
Nawa'y ang natitirang mga oras ay ‘sing dami ng buhanging nakalagak dito sa dalampasigang ating tinutuntungan–na kahit pa halukayin ng tadhana'y hindi mauubos na tila walang hanggan. Sana. Kahit ilang libong daluyong ang sumalubong, manatili pa ring magka-ugpong ang ating mga daliri–sabay sa pagtilapon ng alon sa ating mga paa. Nais kong makasama ka. Hindi rito kundi sa paraisong itinakda para sa ating dalawa. Ngayong dapithapon, pagsaluhan natin ang halik ng pagasa. Apuhapin natin ang bakas ng pitong pulgadang pangako. Aabutin ko ang iyong puso at ikaw rin sa akin. Gawin nating matamis ang larawang ating iginuguhit. Hayaan ang kaluluwa ng isa’t isa na umuwi sa tanging tahanan nila–sa iyong bisig at sa akin. Sana. Magkasama nating lakbayin ang daigdig kahit sumalungat ang hangin. At, bagkus ay matangay nito papalayo ang aking luha, pangamba at takot. Kahit pa takipsilim ang nakaabang sa atin, manatili ang tanglaw sa ating mga mata–na kahit gaano pa kadilim ay masaling pa rin natin ang isa’t isa–na kahit gaano pa kakapal ang balakid ay makita pa rin kita. Sa pagkubli ng araw, dangan ko sa aking labi ang panalanging,“Mahal kita, nawa'y kumampi sa akin ang langit.”
12 notes
·
View notes
Text
Ano tayo?
Hindi tayo mga tauhan sa isang kathang-isip, datapwat ang istorya nati'y mala-panaginip saan mang panig ng daigdig ay ‘di malirip gaya ng hanging pa-Kanluran ang ihip
Mali bang maghangad ng paraiso? katiting na lugar na tayo'y 'di masisiphayo munting tahanang walang pagbabalat-kayo ikaw at ako–hindi hunyango
Ano tayo? Hindi ko mabalam Ano tayo? Hindi ba ligaw lamang?
Hindi tayo mga tauhan sa isang kathang-isip, datapwat ang istorya nati'y mala-panaginip hindi ko maarok o maisip kung saa’t paanong ang bukas'y muling masisilip
27 notes
·
View notes
Text
Ang pamagat ng kabanatang ito'y Pag-ibig
Nalalanghap ko pa ang amoy ng sigarilyo na naiwan sa aking palad mula sa pawis ng iyong balat nang hinawakan mo ang aking kamay kanina. At dahil dito'y naalala kita–ang ‘yong mukha at ang ngiti mong walang kapara. Kakatuwang bagay na nakapagsusulat ako ngayon, 'di dahil sa ragasa ng butihing musika sa aking tainga, bagkus dahil sa damdaming naghihintay na bumugso papalabas sa aking katawan. Nais kong sabihin ang mga bagay na ito sa iyo. Nais kong magkadaupang palad tayo sa gabing ito. Hindi tayo maglalakbay sa kung saan. Hindi tayo lilipad sa kaulapan. Dito lamang tayo.
Mayroong kung ano sa iyong mga mata na nangungusap sa akin na pilit akong iniimbitahang kandiliin ka. Sa iyong mga labi na tila ba bumubulong, tumatawag sa aking pangalan. Sa samyo ng iyong hininga at balat na nag-iiwan sa akin ng marka ng alaala at animo inaanyayahan akong hawakan–yakapin–hagkan ka na para bagang may bumalong na salamangka o kung anong uri ng mahika. Gusto kong sabihin ito sa'yo ngunit hindi ko alam kung papaano. Sapat ba ang mga talinhaga? metapora? pang-uri? o kung ano pa mang makukulay na kataga? Hindi ko alam. Subalit sa kung saan sa likod ng aking isipa'y kumakatok ang tanong na, mauunawaan mo ba?
Nais kong marinig mo ito: Gusto ko kung paano kang umindak sa saliw ng paborito mong banda, sa tuwing sinasabayan mo ang melodiya, habang binibigkas mo ang mga liriko. Gusto ko kung paano mong hinahawi ang aking buhok mula sa aking mukha at kung paanong perpektong nagkakadaupan ang ating mga daliri kahit pa mas mapapayat at mahahaba ang sa iyo. Gusto ko kung paano mong lambingin ang aking mga labi at ang aking pisngi.
Nabibighani ako sa'yong mga mata, ngiti, tawa–at sa luha sa'yong mga pisngi. Gusto ko kung paanong tila bata kang umasta; takot na maiwang mag-isa. Gusto ko kung paano mong hinahangaan ang paglubog ng araw at sa t'wing sinasabi mong nais mo akong makasamang mamasdan ito. Gusto ko ang biglaang katahimikang paminsang namamagitan sa ating dalawa. Mayroong bahagi sa iyong isipan na nabihag ako at 'di ko na mabalam ang landas palabas. Hindi na ako makatakas. Marahil hindi mo mauunawaan. Hindi mo maiintindihan ang mga ito sapagkat walang anumang salitang makapaglalarawan sa katagang Pag-ibig.
18 notes
·
View notes