Tumgik
zxcvbnmperilu · 5 years
Text
Drawing Stuffs, Some Rants, Daily Blog, Foods (?), Travels etc. 💓
Nung binasa ko yung mga dati kong post dito sa tumblr ko para bang galit na galit ako sa mundo 😂 kaya magpopost na din ako dito ng mga kung anong cheber ang ginagawa ko sa buhay para naman masaya diba (ansabe???)
0 notes
zxcvbnmperilu · 6 years
Text
March. 28, 2019 // hindi nanaman ako makatulog
Akala ko tapos na, akala ko magiging okay na, akala ko okay na, yun pala hindi padin. Hindi padin okay, at hindi na talaga maibabalik sa dati.
Mula sa Kusina ay rinig na rinig namin ng kapatid ko na sumisigaw si Mama sa galit habang kausap ang Papa namin, lumapit kami sa pintuan ng kwarto nila Mama at napagalaman namin na may babae padin pa pala si Papa.
Akala namin, isa lang, may iba pa pala...
Yung pinalayas kami ng Papa ko nung nakaraan sa bahay, single parent yung babae at may tatlong anak na mga nasa elementary at isang highschool, this time, single parent din na may apat naman na anak.
Sobrang disappointed ako, naiirita ako, naiinis ako, hindi pa pala nadala si Papa, naghanap pa ng iba, hindi na nakuntento kay Mama at saamin.
Sa bagay, kapag nga umuuwi dito sa pinas yon laging nasa inuman, natitigil lang uminon kapag aalis na ulit, yun pala kaya araw-araw nasa inuman, may iba palang pinupuntahan, pinapasyal at binibigyan ng pera at oras pero kaming sarili niyang pamilya, ni minsan hindi namin narinig sa kanya na gusto niya kami kasama at ipasyal,
Yun pala iba ang gusto ipasyal..
Narinig din namin sa usapan ni Mama at Papa na maghihiwalay na sila paguwi ni Papa sa darating na April at gusto ay magharap harap nga si Mama at yung mother niya at yung si Papa at mga magulang niya para formal daw na maghiwalay na at hindi na nga daw kaya ni Mama yung ganoon na niloloko ulit siya matapos bigyan pa ng isa pang pagkakataon.
Akala siguro, kapag pinasyal na niya kami at binili ng pagkain at bumili ng gusto namin ay mapapatawad na namin siya at kakalimutan na namin yung ginawa niya saamin. Hindi ako mukhang pera, kami, hindi kami mukhang pera ang gusto lang talaga namin ay makasama ang Papa namin pero ano nga ba magagawa namin eh si Papa ang ayaw mismo na kasama kami dahil iba pala ang gusto niya kasama.
Inintindi ko naman eh, hindi naman talaga ako mapagtanim ng galit pero parang sa nalaman ko ngayon hindi ko talaga alam kung makakalimutan ko, kasi unang-una ang cheating ay choice, hindi sinasadya, hindi aksidente o kung ano 'man. Nasa choice iyon ng tao kung gusto ba niya lokohin yung asawa niya or maging faithful sa asawa niya diba?. Walang "Hindi ko sinasadya" , "Hindi ko alam", "Ikaw kasi eh kasalanan mo.." . Tandaan binigyan tayo lahat ng choices sa buhay natin at hinayaan tayo na magdecide ng malaya.
Nasa desisyon ng isang tao kung ano ang gusto niya mangyari sa buhay niya.
Tapos ang hirap pa, akala ni Mama at ng kapatid ko, strong ako kasi hindi nila ako nakita na umiyak kahit na nung pinalayas kami nung dati, kaya nagpapakatatag din sila kasi akala nila ayos lang sakin, kumbaga parang hindi daw ako affected, ang hirap magpanggap na hindi ako umiiyak, pero ang totoo pupunta ako ng cr doon ako iiyak o kaya sa kwarto, kapag tulog na yung kapatid ko saka ako iiyak ng iiyak ng dahil sa nangyayari. Kakatapos lang nung birthday ko nung nakaraan, tapos maggragraduation sa May 25.. grabe saya talaga. Hay. 🙃
0 notes
zxcvbnmperilu · 6 years
Text
Feb 21 2019 - 10:36 PM
Edi as usual, anong bago, si Papa umuwi nanaman lasing pero wow lang ha this time maaga pa, 10:00 PM umuwi sa bahay pero as usual lasing nanaman. Karaniwan uwi non eh, 2:30 AM or kaya 3:00 AM. Galing diba?. Araw-araw iinom, maghapon hanggang inumaga.
Kaninang umaga, matapos ng ginawa niya nung nakaraan araw, nakatahimik lang, walang kakibo-kibo, eh paano siya ang may kasalanan, tapos ngayon, husay talaga, nakakagigil, ayan, nagagalit at naglalabas ng sama ng loob at galit niya kay Mama, malakas ang loob kasi nakainom lang.
Punyatera talaga, napakatoxic sa bahay kapag nandito siya. Hindi na nga marunong magsorry, mataas pa ang pride, siya pa ang may gana na magalit tapos malakas lang ang loob kapag nakainom.
Naawa na talaga kami kay Mama at ayaw na namin siya makita nahihirapan, kaya sabi namin sa kanya umalis na talaga kami. Kahit mahirap sa una, basta walang toxic na kasama.
Nakakainis din, siya pa ang may gana na paghinalaan si Mama na may iba.
Sana umalis na siya, at sana umalis na din kami ng bahay.
0 notes
zxcvbnmperilu · 6 years
Text
Ngayon na nga lang ulit ako nagtumblr tapos ganito pa ang ibloblog ko 😂. Buhay talaga, hindi ko alam kung ano talaga mangyayari kung talagang aalis na kami ng bahay at maghihiwalay na si Mama at si Papa.
Pero sana hindi na sila magbalikan, ayaw lang namin na nakikita si Mama na nalulungkot, umiiyak at sinasabihan ng hindi magaganda. Kaya sana hindi na, kasi ganun din, babalik lang din si Papa sa dati, walang hiya padin after ng ginawa niya.
Akala niya siguro madadala kami sa mga gadgets , alahas at sa pera. Kaya siguro inom lang ng inom at nangbababae lang basta binibigay niya ng gusto namin tapos kapag kinontra namin siya, saka manunumbat na siya ang nagbigay ng mga gamit namin.
Mahusay talaga.
Tapos mamayang 4:30 AM babalik kami sa bahay kasi kukunin ni Ferin ang uniform at gamit niya at papasok sa school tapos ako ganun din kukuha ng damit, magpapalit at papasok sa OJT. Pero hindi padin ako natutulog. Ewan ko ba bat ganto. Bahala na talaga pero sana hindi na bumalik, ayaw ko doon. Kapag nandoon si Papa, umaayaw lang ako lalo na magstay sa Bahay kasi sa buhay ko, bahay ang pinakatoxic sakin na environment.
0 notes
zxcvbnmperilu · 6 years
Text
Feb. 20, 2019
Hindi nagkulang si Mama, hindi siya naging masamang asawa at naging masamang ina, in fact ginawa niya talaga ang part niya, inalagan niya kami at minahal talaga niya kami. Hindi ko lang talaga lubos na maisip na bakit ganoon yung ginawa ng Papa ko kay Mama.
Naiinis ako kapag sinasabi ng Mama ko sakin na huwag nga daw ako magtatanim ng sama ng loob kay Papa kasi siya ang nagpaaral samin, good provider siya, lahat ng gusto namin binibigay. Pero, NEVER. NEVER SIYANG NAGING ISANG GOOD ROLE MODEL NA TATAY.
Kasi yung dapat na magtatanggol samin, wala, wala lang. Yung dapat na isa din sa tutulong kay Mama na magadvice saamin, wala, puro si Mama din. Good Provider lang siya. Yun lang. Period.
Inggit na ingit ako sa mga kaibigan ko na yung Papa nila may time sa kanila, yung mas gugustuhin na kasama ang pamilya, kasi never ko na naexperience yan. Si Papa ko kapag umuuwi ng pinas galing abroad, iinom araw-araw, 9 AM ng umaga tapos uuwi din Madaling Araw na. Tapos ang worst pa at ang sakit lang sa pakiramdam, maaalimpungatan ako nh madaling araw yung Tatay ko minumura ng minumura ang Mama ko.
Tapos ang gagawin ng Papa ko kinabukasan, ipapasyal kami, ibibili ng kung ano gusto namin, tapos kay Mama ibibili siya ng mamahaling alahas tapos akala niya okay na.
Kaya naiintindihan ka na talagang sagad na sagad na si Mama kaya pumayag siya na lumayas nga doon sa bahay namin, sabi nga namin ayaw na namin bumalik. Okay na tama na yung mga nakaraang taon na nakalipas. Na kapag pagod na si Mama ayos lang samin na wala kaming Tatay kasi kung puro kunsumisyon lang ibibigay kay Mama hwag na.
Pero ang hirap din sa part ko, naramdaman ko na talaga yung pressure, kasalukuyan, si Ferin magaaral pa, Grade 10 palang sa pasukan, tapos may Senior High pa at College tapos gusto nga din niya Magdoctor. Parang nung mga nakaraan araw nanghihingi pa ako ng sign kay Lord kung magwowork na ba ako, pero mukhang mag sagot na ata agad.
Kaya after ko matapos ojt at portfolio ko, balak ko na maghanap agad ng work hangga't wala pang board exam. Pero hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng trabaho. Lord, trabaho po at gabayan niyo po ako. Hindi ko na po kaya.
0 notes
zxcvbnmperilu · 6 years
Text
Feb 19 -- Feb 20, 2019
Napakaunexpected ng araw na 'to, kasi kahapon lang (Feb 19) nagkita kami ni Geae edi saya-saya lang namin kasi kwentuhan lang kasi isang sem kami hindi nagkita dahil magkaiba kami ng OJT nitong Field Instruction 2. Nakuha ko na din yung softcopy ng Graduation Picture ko sa studio, nakita ko pa nga yung friend ko din na si Lawrence. Wala akong kaide-ideya sa mangyayari ngayong araw, akala ko paguwi ko ng bahay papahinga na ako, yung the usual lang na ginagawa ko, titingnan kung may nagmessage sakin and then magprapractice ako magdrawing ng digital arts tapos kapag lasing na umuwi ulit si Papa the usual na gagawin namin ng kapatid ko magtatago sa kwarto at ilolock yung pinto namin.
Hindi pala.
Paguwi ko kanina, nagtaka ako kasi yung sasakyan ng Tito *slash* kapatid ng Mama ko nasa may labas ng bahay namin, nagulat ako kasi "Ano ginagawa ni Tito saamin?" , Kasi wala naman certain event na dahilan kung bakit mapupunta yung Tito ko sa bahay tapos nung papasok na ako nakita ko yung Kapatid ko saka si Mama nasa labas ng bahay namin kay dami-dami bitbit na bag, tapos nakita ko din Papa ko, akala ko pa nga nung una aalis kami eh kasi nakabukas pa ang gate ng bahay tapos biglang sinabi nga sakin ni Ferin na "Ate magimpake ka na aalis na tayo, pinapalayas tayo ni Papa". Edi ako nagulat kasi hindi ko alam kung ano nangyari tapos ayun nga ganoon pa ang bungad nga sakin na pinapalayas kami ni Papa, and then the usual, Tatay ko lasing, tapos galit na galit kay Mama, si Mama umiiyak sa sobrang galit, si Ferin halatang umiyak kasi medyo mugto mata pero pilit na pinagiimpake na ako ng mga dapat dalhin tapos naririnig ko nga si Papa na sinasabi niya siya na lang daw ang aalis, tapos si Tito naman sabi na bukas na nga lang daw ulit magusap kasi nakainom nga si Papa at sarado isip..
Nung time na yon hindi ko talaga alam kung ano dapat ko sabihin. Pero hindi ako umiyak. Kahit na hindi ko alam nangyari nagimpake padin ako at after non umalis na nga kami at nandito muna natulog sa bahay ng Tito ko.
Si Ferin tuwang tuwa na umalis na kami sa bahay, ayaw niya din kasi lalo na kapag nandoon pa si Papa, si Mama umiyak hindi dahil sa sakit, kundi sa galit at natuwa din na umalis nga din doon sa bahay.
Tapos pagdating sa bahay ng Tito ko nagulat yung asawa ng Tito ko at bakit nga daw ang dami namin bitbit na bag, akala nga din aalis kami, tapos pinaakyat muna kami sa may kwarto ng pinsan ko at nagusap usap nga sila kung ano nangyari. Mapati pinsan ko nagulat din kasi gabing gabi na nandito kami and then kinuwento ni Ferin kung ano nangyari.
Hindi 'man sinabi ni Mama yung buong kwento pero parang naramdaman at nagkaclue na ako kung ano, mukhang may ibang babae si Papa, kaya daw pala siguro lagi lagi umiinom at laging nasa kapitbahay kasi andoon yung babae, nahuli daw ni Mama sa cellphone ni Papa sa may messenger.. tapos nakita ni Ferin nung paguwi niya galing school, nanghihina si Mama at bigla na nga lang daw nagimpake at parang nagbibilin kay Ferin, edi yung kapatid ko ayaw niya sumama kay Papa kaya sabi nga kay Mama sasama. Tapos narinig nga daw na dumating si Papa at tumakbo siya papasok ng kwarto at nagkunyaring tulog.
Tapos maya-maya daw naririnig na niya na nagaaway na si Papa at Mama sa labas, at biglang hinanap nga daw si Ferin at sinabihan na magimpake na nga daw siya at lumayas na daw kami. Nung time na yon nasa biyahe palang ako galing Baliuag, walang katext text sakin na ganoon na pala nangayri sa bahay.
Sabi ni Mama si Papa daw ang nagsabi na lumayas kami, hindi naman daw si Mama ang nagsabi, kundi si Papa na mismo, kaya sumunod lang daw si Mama at ayaw nga daw niya ipagpilitan ang sarili niya doon sa bahay at kunsumisyon lang ang aabutin niya.
Bago daw umalis ang sinabi ni Papa sa kanila "Putang Ina niyo wag na kayo babalik" -- eh dahil inaantay nga ako makauwi nila Mama, si Papa ko daw kay yabang-yabang at nangiinis pa daw kasi ang sinasabi sa kanila "Sino inaantay niyo?, ano? Saan kayo titira at san din kayo matutulog" , nung narinig ko 'to bwisit na bwisit ako lakas talaga ng loob, minura na nga sila at pinalayas kami tapos ganoon pa.
Hanggang ngayon hindi padin ako makatulog, hindi din ako makaiyak kahit na feeling ko kapag naiyak ako gagaan feeling ko, ewan ko, pero temporary pagiging strong lang 'to, hindi ko alam kung hanggang kelan, sana kayanin ko. Pero ayoko na bumalik doon sa bahay, ayoko kasama sa bahay si Papa, sapat na siguro yon sa ilang taon na kunsumisyon at sakit ng ulo na binigay niya kay Mama. Kaya ayaw nga namin na bumalik na talaga doon.
Magkakasama kami ngayon sa kwarto nila Mama, ngayon ko lang nakita ang Mama ko na ang himbing himbing ng tulog at ngayon lang din kami napanatag ni Ferin ng loob sa pagtulog, pero hindi padin ako makatulog ng dahil sa nangyari. Hindi ko kasi alam kung ano susunod na mga mangyayari pa, magkakaalaman kapag nagkausap ulit si Mama at si Papa. Pero ayaw na namin, sabi namin kay Mama wag na kasi ayaw na talaga namin.
0 notes
zxcvbnmperilu · 6 years
Text
"Nagreview ka ba talaga?" -- a rant dedicated to my professor
3rd Year College, 2nd semester exactly. Hindi ko talaga ito makalimutan kasi feeling ko napahiya ako or pinahiya ako sa buong klase. Midterm examination namin yun sa isa sa mga major subjects sa course ko, nung araw na yon, nacheck na ni Prof ang mga test booklet namin at ibibigay niya samin dapat. Pero always, ang lagi niya gagawin ganire.
Natapos na checkan ang test booklet imbis na ibigay agad, iaannounce niya sa buong klase na si classmate #01 mababa ang grade at needs improvement, na si classmate #02 may maling grammar at dapat baguhin next time sa essay at etc.
Kahit na sabihin na natin 8 na katao lang kami sa loob ng isang classroom, pero ung iaannounce mo pa sa buong klase yung pagkakamali nung estudyante sabayan pa ng onting rant about doon sa estudyante ay hindi maganda bilang isang prof at sa isang lisensyadong social worker.
Madalas niya ako mapagalitan at magrant tungkol sa akin, sinasabi pa nga sakin ng prof ko na galingan ko daw, magreview, pumasok maaga. Well I decided na gawin yun this 3rd year college, ginawa ko simula 1st semester hanggang 2nd semester, ang buong akala ko okay na sa kanya yun. Akala ko lang pala, may masasabi padin papala siya.
Nailabas ang result nagulat siya at parang hindi pa siya makapaniwala (hindi po ako nagmamayabang) sa isang major subject ako yung pinakahighest, nataasan ko yung sabihin na natin "favorite student" niya kaya hindi siya makapaniwala. Tinanong niya muna agad yung si "Favorite student" bakit daw bumaba siya. Nung mga time na yung parang disappointed siya kay "Favorite student". Matapos niya kausapin si "Favorite Student". Sinabi sakin ng napakagaling kong prof, sa buong klase ganito: "Ang Taas mo ngayon ah, NAGREVIEW KA BA TALAGA?"
Like what the EFFFF MA'AM. Nakita mo akong nagrereview nun, nasa harap mo na ako mismo nung examination day tapos nung nataasan ko ang "Favorite Student" mo tatanungin mo sakin yan!?. Wow Ma'am. Grabe. Sa tanong niya palang na yun, alam ko na ibig sabihin niya, nakakagalit lang kasi parang ang pinapalabas niya nangodigo or sa kopya lang kaya mataas ako pero parang dati lang sinasabi mo sakin galingan ko at maging highest tapos nung may mataas na akong result ganyan pala ang sasabihin mo sakin 😂.
Lechugas talaga nung araw na yun, nakakagigil. Tapos eto pa sinabihan pa ako na 'Alam mo dapat ang theme song sayo "Paminsan-minsan" kasi minsanan ka lang mataas ang grade sa exam" sabay tawa. Aba'y nakakabeastmode, gusto kong manapak ng araw na yun. Syempre yung iba nagtawanana kaya pakiramdam ko nun pinahiya ako. Alam mo yung ginawa mo yung best mo tapos ganoon pala matatanggap at maririnig mo sa kanya. Tapos ang hindi ko din matanggap sa kanya, yung sasabihin niya samin na "Minomotivate" niya kami pero kung sa titingnan ang minomotivate lang niya talaga eh si "Favorite Student" niya.
Gawd. Hindi ko talaga malaman sa professor ko na yon bakit ganoon siya minsan. Nakakainis lang kasi porket nakataas ako, ang akala niya nangodigo ako at nangopya lang. Husay. Wow talaga. Wow.
0 notes
zxcvbnmperilu · 6 years
Text
Truly a miracle..
Bakit miracle?.. well this March 27 (last day of our 2nd semester also) nakausap na naming ulit at nagpasa ng thesis paper sa amin professor sa Research 2. Well hindi naman talaga namen ineexpect ng ka-partner ko sa thesis. Sinabi kasi ng professor namen na hindi na nga kami magdedefense katulad nung ginawa nung other group (yung kanila kasi at natapos sila at talaga naman may matino-tino na thesis adviser) . Kami at pinagbigyan lamang para matapos na namen ngayon semester ito dahil next school year graduating na kami at may OJT na (hindi katulad nung ibang course na second semester pa daw yung kanila). 
Gulat at hindi kami makapaniwala kasi ba naman, hindi na magdedefense is a good thing (nakakakaba mag defense Lalo na kapag hindi mo pa nasagot yung tanong sayo ng panelist, magtatanong pa sila ng magtatanong sayo). But somehow sa loob-loob ko din medyo unfair sa other group kasi sila nagdefense (hindi naman sa nagrereklamo pero pakiramdam ko lang naman na medyo unfair sa kanila). Apat lang kami nakakaalam, Me. my partner, my friend (girl) and my research professor. She told us na hwag na nga din sasabihin sa iba dahil baka akalain ng iba naming classmate at mga estudyante na kukuha ng research pwede iyon na hindi magdefense. 
Marami-rami din kasi kaming mga kaklase na mga nag-drop dahil ang dahilan mahirap isabay ang research subject (imagine, from 6 groups nung research 1, 1 group na lang ang nagdefense nung march 19). We are lucky at hanggang ngayon hindi padin talaga ako makapaniwala, I don’t really know what to feel about this pero sabi naman ng friend namen na si girl it’s okay lang sa kanya (pero sa two group members niya I think hindi). 
0 notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Photo
Tumblr media
18 Realization when you are 19 yrs. old (Inspired by Neil Jed Castro post, it should be ‘18 realization when you are 18′ but well, I’m going to be 19 yrs old this coming March 22 so yey hahahaha. I’m getting old mah friends) 
1.) When you fall in love, it feels like forever but it is definitely not. Yun pala, kung hindi para sayo tatangalin siya sa buhay mo. Kaya huwag maging kampante agad, pero depende padin sa tao yun.
2.) One-sided love is never worth it. Kung ginawa mo na ang lahat, and you feel unworthy, useless at trash. Umalis na agad sa toxic relationship. Marami ang darating na deserved mo at magiging worth it ang lahat ng mabuti na ginawa mo dahil babalik din ito sayo sa huli.
3.) Don’t trust right away. Dito ako lageng nadadale, yung akala ko na pwede ko pagkatiwalaan yung tao pero darating pala yung time na lalabas ang tunay na kulay nila. Kaya beware always.
4.) Prioritise your studies. Ito ang isa sa mga pinagsisihan ko sa buhay, yung kaya ko naman maging better at mag-excel pero hindi ko ginawa. Kaya if ever na makapag-aral ako ulit, I will promise to myself na I will excell.
5.) No one really understands how you feel inside. Nahahalata nila na malungkot ka or my problema or kung ano man. Pero kapag sinabi mo na sakanila, hindi pala talaga nila ikaw naiintindihan. I think they just like the ‘juicy stories’. *chismoso/chismosa ganern* 
6.) No one understands you until it happened to them. Ika nga magaling mag-advice kasi hindi naman sa kanila nangyari at hindi ka nila maintindihan pero once na nangyari na sa kanila. Doon palang nila malalaman at maiintindihan. Ganyan tayong mga tao, hangga’t wala tayo sa sitwasyon nung kapwa natin hindi natin sila mauunawaan. 
7.) The world is cruel. The world is full of judgmental people. They will act in front of you like a good sheep, but behind those mask is a evil wolf hiding. Beware and be wise to choose people who are worthy of your trust and love. Not everyone deserves it. 
8.) Most people dwell in physical beauty not in the heart. Hindi mahalaga ang physical beauty, ang mas mahalaga yung ugali. Ang Beauty malalaos. a beautiful heart doesn’t fade away.
9.) Sometimes, we learned lessons the hard way. Yung papahirapan ka ng husto ng buhay. Yung mga problema na binibigay sayo gusto mo na sukuan pero at the end of the day. I believe that if you pray to God and belive in him, he will help you and he always give answers to our prayers. 
10.) Standards are not important. If love comes, let it be. Most of us may mga standards or dream girl/boy something. But believe me, if you feel love even though that person doesn’t have all of your standards, you will just see yourself fall in love to that person. 
11.) I  would rather be alone than be with fake people. Maraming hipokrito at mapagpanggap kaya mas mainam kung kahit onti lang kaibigan ko atleast totoo sila. 
12.) When someone leaves, there will be a someone who will come to your love that you deserve. Nasaktan ka man at iniwanan. may darating at darating sa buhay mo na deserve mo sa kabila ng mga ginawa sayo noon na hindi maganda.
13.) I think ‘Low-key relationship’ are the best.  People do not need to know all the things that are happening in your relationship. There are things that are way sweeter when kept on private. A lowkey relationship is more peaceful. There will be less intruders. When your relationship is away from the public eye, you spare yourself from people having too much expectations from the both of you. A relationship that is beyond social media. A relationship that is definitely not perfect but is real. A relationship that does not have to maintain a certain image. 
14.) Be good always. Even though life and some people knock you down, get up and be still good to them,
15.) Don’t open -up to people easily. Often, they will just going to judge you and don’t understand you. Because they had a different mind set to you. Don’t trust to that kind of people. 
16.) Love yourself. Bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo, para bago mo mahalin yung iba, handa ka at mabibigay mo yung love mo sa kanila.
17.) Appreciate always. Dahil for sure nageeffort yung taong binibigyan ka or pinapahalagahan. Maliit na bagay man o Malaki lagi dapat I-appreciate
18.) If you felt that it makes you happy. Go, or else you will regret everything in the end. Kung sa tingin mo na yung bagay na yun nagbibigay ng kasiyahan sayo, go. (In a good way na happiness HAHAHAHA) 
19.) Other people’s opinion doesn’t matter. Maraming sasabihin ang tao, hwag mo hayaan na ma-idown ka nila. Dahil buhay mo yan at hindi dapat nila pinapakailaman yun. 
0 notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Text
Thesis Adviser
Ayoko naman talaga ng may masisi or naninisi ng iba eh kaso iba din talaga. Kapag 3rd year College na, usually may thesis na major subject with defense na nga din talaga. At kailangan pala ng Adviser para bago magpacheck sa professor sa adviser muna ang unang magchecheck. Ganito sana ang siste ko, 1st sem at kalagitnaan ng 2nd sem this 3rd year college ako, solo lang ako (hirap mga bes walanjo talaga, kay gastos-gastos sa bulsa).
Syempre required na maghanap ng Thesis Adviser dahil itutuloy na nga yung Chapter 3 at 4 for final. Edi naghanap ako ng Thesis Adviser, triny kitang lapitan SIR kung payag ka ba or okay lang sayo na maabala kita. December nun magchrichristmas break na, pinuntahan at tinanong kita kung pwede ka ang sabi mo sa January 2018 sasabihin mo sakin. After ng christmas break pinuntahan kita at tinanong ka muli kung payag ka, MALINAW NA MALINAW AT KLARONG-KLARO kong narinig na pumayag ka at sabi mo pa nga puntahan ulit kita pero itext muna kita bago kita puntahan. Tandang-tanda ko yan.
Ayokong-ayoko talaga yung binabaligtad yung kwento. Nakakairita at nakakaasar lang.
SIR. Nung tinawagan ka daw ng Professor namin sa research ang sinabi mo, late akong nagpunta sayo at late kami nagpunta ng kasama ko nung 3rd week ng February. SIR, hindi mo ba natatandaan na ang usapan natin itetext muna kamo kita bago kita puntahan sa office mo dahil baka nga may meeting ka or ginagawang paper stuff. Pero ano ang nangyari?. Ayon, ni isang reply wala akong nareceive sayo, tapos nung pinuntahan ka namin sa office mo nung mga panahon na thesis adviser ka pa namin, anak ka ng nanay mo. Katabing-katabi mo lang pala at nasa table mo lang pala ang lintek mong cellphone.
Nagulat ako nung nakita ko yun, kasi tinawagan ka lang, bigla mo agad sinagot, sakin text lang hindi mo pa magawang replyan or buksan ang cellphone mo para malaman namin kung pwede ba kami na makapagpacheck sayo ng thesis paper.
Nakakaasar ka, mabuti na lang mabait yung Professor namin sa research at binigyan kami ng chance, March 2 ang pasahan pero nung ilang days bago mag-March 2 hindi pa kami makapagsurvey at pinapaulit mo ng pinapaulit yung Chapter 1 at Chapter 2.
Naawa din ako sa ka-partner ko na si Erald dahil gusto na din niya matapos sa research. Pero hindi ba namin malaman kung ano ang iniisip mo talaga nung mga panahon na yun. Sa totoo lang nasayang ang time natin parehas, nanghihinayang ako sa time na naaksaya na dapat tapos na kami ngayon at walang kaproble-problema.
Kung sana nung una palang sinabi mo na hindi mo kayang maghandle ngayon sem sinabi mo na agad sakin nung una palang kita tinatanong. Pwede ka naman huminde eh, pero pumayag ka at sabi mo okay lang tapos idadahilan mo samin ni Erald na marami kang ginagawa o kaya busy ka.
Pinupuntahan kita nung January at February palang, pero ayun. Wala ka nga ni isang reply, ni hindi mo nga siguro binabasa din text ko sayo. Lintek yan, tapos sasabihin mo sa professor namin late kami pumunta sa iyo?. Tapos nung nakasalubong ka ni Erald ang dami mo daw dinadahilan. Magaling ka nga daw gumawa ng excuse.
Nakakadala ka po SIR. Pero salamat parin, pero sana sa susunod na kukuha sayong adviser hindi mo na gagawin yun ulit sa kanila. Nakakastress kasi ginawa mo samin, gusto na namin idrop ung Research dahil kulang na kulang na nga sa time. Pero salamat talaga mabait ang prof namin.
Maraming salamat po SIR. Hanggang sa muli.
0 notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Photo
Tumblr media
Oyasumi Punpun | Goodnight Punpun Sa pagkakaalala ko, November or December 2017 ko ito na basa. Top Recommended Manga to read kasi ito sa may myanimelist.net. Ang gumawa din nito ay si Inio Asano , may nauna akong nabasa na manga ni Asano. At the heck, parang ang nabasa ko ay porn with story. Kasi kada chapter may sex scene. Pero maganda yung artwork, detalyadong-detalyado. At talaga naman yung story maganda, reality at life kasi based (mas enjoy akong basahin yung manga kung base talaga sa realidad at sa buhay, hindi puro sweetums,lovely at romance na lang lagi). Pero etong Oyasumi Punpun, maganda. Maganda talaga siya pero somehow tinigil ko basahin, hindi dahil sa napangitan ko. Kundi nai-stress ako. Yes, nai-stress ako. Nung unang basa ko hindi ko kinaya yung maturity at yung reality genre. Meron kasing part or rather kada ata chapter may nagsasakitan at blood. Nakakaistress dahil ganun talaga ang buhay. At hindi din nawala ang sex scene dito 😂 Nung una din nabwibwisit ako kay Inio Asano dahil bakit 'bird' ang nagrerepresent kay Punpun Onodera samantalang yung ibang characters eh normal na human beings, pero sa story tinuturing na 'Normal Human' si Punpun. ( Nanghihinayang din ako kasi ang ganda ganda nung scene tapos si Punpun ayun ibon 😂. Medyo nasira ng onti yung detalyadong-detalyado na art). At sa totoo lang nung una hindi ko talaga nagets kung ano yung genre talaga pero as soon na binabasa mo yung story, may about depression or rather si Punpun may depression. Kaya ang creepy din talaga.
0 notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Text
Social Work | Animation
Napakahirap pala kung ang kukunin mong kurso sa kolehiyo eh hindi mo naman talaga gusto. Yung araw-araw pipilitin mo sarili mo na kumbinsihin na maganda yung kinuha mong kurso at hindi mo pagsisihan. Yung tipong, ipagmamalaki mo sa sarili mo na mas maganda yung kurso na kinuha mo kesa sa gustong-gusto mo talaga.
Pero at the end of the day.. kahit anong ipilit at kumbinsi mo sa sarili mo, kung hindi mo pala talaga gusto, babalik at babalik ka padin doon sa gusto mo talaga (WHUT. Parang naging hugot na to HAHAHAHAHA).
Ayun na nga, ganyan na nga nangyayari sakin ngayon. Gusto ko talaga na kunin kurso simula high school palang ako ay BS in Animation. Gustong-gusto ko na to the point na nakikiusap ako kila Mama at Papa na pag-aralin ako sa Makati (dahil doon lang meron na Animation course). Gumana naman pinayagan ako kaso, nagbago isip ko. Hindi kasi in demand dito sa pinas ang animation. Kung gusto ko makapagtrabaho, sasadyain ko pa talaga mangibang bansa dahil doon lang demand. Kaya napagpasiyahan na Social Work kunin ko.
At ayun nga graduating na ako next year, matatapos na ako. Nakakadrain mag-aral lalo na kung katulad ng professor namin sa major subjects na madami reklamo at kay galing-galing din manlait. *Lels parang gigil na gigil sa part na 'to HAHAHAHA*
Yung iba mong kaklase na ang yayabang kasi mataas ang nakukuhang grado sa pagsusulit pero sa totoo lang mga nangongodigo naman.
Kaya nakakapagod, hindi ko din malaman pano nga ba ako nakasurvive 😂 pero atleast graduating na. Pero gusto ko padin sana makapag-aral ng Animation, someday. Sana.
0 notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Text
Nakakairita | Naiirita ako
Ako lang ba??? , yung naiirita sa mga taong kukwestyunin ka kung bakit mo nagustuhan ang isang tao kahit base lang sa pisikal na anyo ang labanan at usapan?. Lagi kasi sakin yan nangyayari, na halimbawa na lamang. Magsasabi ako sa iba kong friends na may crush ako o kaya naman may nagugustuhan, ang unang-una nilang itatanong sakin "Gwapo ba?" . Talintik yan, kapag ang sinagot ko naman ay "Ayos lang naman, cute or gwapo siya". Tapos hindi pa maniniwala, titingnan ang picture at patagong lalaitin.
The Heck. Irritating. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na tumitingin sa itsura. More on personality based talaga ako. Kapag naman inexplain ko sa kanila at sa iba mga walang kwenta kausap. Kahit na magsasabi sila na 'Tumitingin din kami sa itsura' , anak ng bayabas may mapadaan lang na 'gwapo' daw na lalaki, ang mga eyeballs ng mga bruha matatangal na sa bungo nila.
Respeto na lang at be supportive na lang kung totoo kayong kaibigan. Hindi porket hindi pasok sa 'Standards' niyo kung ano-ano na sasabihin niyo samin o kaya sa mga kaibigan niyo.
Marami akong ganito na 'FRIENDS' , at lagi ko na lang naiisip kung talaga bang kaibigan ko sila. Pero basta, ewan na ba 😂. Basta mas mahalaga sakin personality.
0 notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Video
♡\( ̄▽ ̄)/♡ cute 
youtube
Here’s a new song before January end.
It’s a Tagalog song featuring Miku Hatsune. The title in English means “The Star, Machine and Monika” and I hope everyone enjoys this!
6 notes · View notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Video
(*¯︶¯*)
youtube
Original Tagalog Song - Twilight’s Jūratė
Here’s a song me and my friend made, a Lithuanian legend, retold in Filipino, sung by a Japanese Vocaloid.
Hope you guys like it. <3
Bandcamp: https://aryuna.bandcamp.com/ Soundcloud: https://soundcloud.com/paradisoclinic
2 notes · View notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Video
Naiyak ako dine! HAHAHAHAHAHA pero good song siya (nakakarelate kasi DATI ( ̄▽ ̄)
youtube
So here’s a new song, more on piano this time, or to be precise, justpiano this time! heheheheh
The title of this song is Althea, and is about………love I guess???
First time doing songs with themes like this so I’m more than excited to share this with everyone <3 <3
3 notes · View notes
zxcvbnmperilu · 7 years
Photo
Tumblr media
One of my 12:00 AM thoughts: Kapag ba talaga it is over, over na ba talaga?
Hindi ko nga din masasabi, ayoko din magsabi. Dahil lahat ng tao iba’t-iba ang story. Paano na lang kung mag-advice ako pero pwede pa pala na ganito ang gawin para maayos?.
Kaya kapag dumating na yung point na tatanungin ako ng “Ano ang gagawin ko bes?” . Ang sagot ko lang lagi ay “Kung saan ka masaya at kung ano talaga ang gusto mo gawin”.
People loved to advice, well it is really good to listen to their stories. Pero kapag ikaw na yung may problema, sarili mo ang hindi mo magawa-gawa mag-advice.
Naghiwalay kami, 1 month na nakalipas. Ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko “Kalimutan mo na yun, may darating na mas better”. Pero ganun ba talaga ang ending?. Yun ba talaga ang ending?
It really depends, kaya ngayon mas gusto ko na lang magkwento sa taong ang sasabihin adviced saakin ay “Gawin mo kung ano talaga ang gusto mo at lalo na kung doon ka talaga sasaya” kesa sa mga taong sasabihan ako na naiintindihan nila ako pero kung makapag-adviced napakadali ng pinapagawa nila.
Kaya lesson na din sa buhay ko yung hindi na ako magsasabi ng tapos, hindi na ako makikinig sa opinyon ng iba lalo na kung ayaw ko naman gawin at labag sa loob ko.
Lalo na ngayon, kapag pala mas madami nakakaaalam. Mas madami mangingielam. Kahit ano din gawin mo, masasabihan at masasabihan ka pa din ng society na “Tanga” ika nga.
“Tanga ka kapag binalikan mo pa” “Eh Tanga ka pala eh, bakit hindi mo binalikan?!”
Oh diba ang gugulo nila, kaya mas magandang sundin ang gut feeling mo at ng hypothalamus mo.
Sa ngayon, oo it’s over muna ang aming istorya. Ewan ko lang at hindi ako sure kung ano pa sunod na mangyayari kasi kada araw madami pwede mangyari. Bahala na batman ng mga intsik talaga 😂.
Sabi nga sakin ng mga kaibigan ko “Marami pa pwede mangyari, hindi pa tapos. Maghintay lang tayo”
1 note · View note