Tumgik
aihumii · 2 years
Text
Huling Mensahe: M
Hindi sumagi sa isip ko na sana di kita nakilala. Sa lahat yata ng nagsabi mo sakin, ang pinakamasakit yung parang nagregret ka na kinausap mo pa ako. Sobrang memorable lahat ng memories na kasama ka. Nakahanap ako ng bagong pamilya sa pamilya mo. Sobrang grateful ako kasi buong puso nila akong tinanggap. Iniisip ko tuloy,talaga bang nagsisisi ka sa akin? Alam ko may pagkukulang ako, at sa halos ng mga araw na iyon, iniintindi mo ako. Siguro nga ako ang nagkulang sayo. Nandyan ka, pagkailangan kita. Pero pag kailangan mo ako, wala ako. Hindi ako nagsisi na minahal kita. Sorry. Sobrang grateful ako kina tita at tito kasi tinanggap nila ako. Masyado na siguro akong sakim kung iisipin ko pa sarili ko ngayon. Hiling ko lang, matutunan mo sanang magtiwala sa mga taong nakapaligid sayo lalo na ang mga nagmamahal sayo at sa sarili mo. Susuportahan pa rin kita sa malayo. Nagsisi ka man na nakilala ako sana di mo pagdudahan yung pagmamahal na pinaramdam ko sayo. Alam kong makapal na mukha kong para humingi pa ng favor sayo, pero hiling ko lang na sana buuin mo rin sarili mo.
Please, wag mo na sanang replyan tong message na to.
3 notes · View notes
aihumii · 2 years
Text
Kamusta na kaya ang dati kong sarili
Tumblr media
2 notes · View notes
aihumii · 2 years
Text
bakit ka nga ba nagsimula?
Tumblr media
0 notes
aihumii · 2 years
Text
Ang mundo ay nababalot ng lungkot
Kasiyahan sayo’y pinagdadamot
0 notes
aihumii · 3 years
Text
Nakakapagod, nakakarindi na
0 notes
aihumii · 4 years
Text
Salamat sa limang buwan at limang araw na nakausap kita
0 notes
aihumii · 4 years
Text
At sa araw na ‘to, natapos ang ikaw at ako, kasi wala namang tayo
0 notes
aihumii · 4 years
Text
TotoO
Handa ka bang malaman ang katotohan, toto?
O patuloy ka parin magpapalinlang sa kasinungalian, kasi yun ang pinaniniwalaan mo?
Toto, totoo
Totoo na ito na ang bago
Toto, Oh tignan mo ang mundo
Ang mundo na puno ng imbento
Imbento ng kasinungalingan, na di mo alam ang totoo
Toto, wala nang totoo
Bulag na ang tao sa totoo
Yung ang totoo, toto
0 notes
aihumii · 4 years
Text
Kung sakaling ito na ang huling araw ko sa mundo
Kung sakaling ito na ang huling araw ko sa mundo 
Pupuntahan kita sainyo at sasabihing di ako mawawala sa piling mo
Kung sakaling ito na ang huling araw ko sa mundo
Ipapadama ko sayo ang pag ibig ko na totoo
Kung sakaling ito na ang huling araw ko sa mundo
Sasabihin ko sayo ang salitang “Mahal kita”, hanggang sa mapaos ako
Kung sakaling ito na ang huling araw ko sa mundo
Mararamdaman ko na ba ang pagmamahal mo?
0 notes
aihumii · 4 years
Text
Promises are lies and the Jokes are the truth
Tumblr media
1 note · View note
aihumii · 4 years
Text
TIBOK
Bumibilis ang tibok ng puso
Di alam kung ano ang dahilan ng pagpintig nito
Ang bilis ng pagtibok para kang hinahabaol ng kabayo
Saglit, 
Ano nga ba ang dahilan
O kaya maaaring siya ang may kagagawan
Sa pagpabilis ng puso ko na ngayon ko lang naramdaman
1 note · View note
aihumii · 4 years
Text
Lahat ng dahilan kaya kong tanggapin, pero hindi lahat ng sakit ay kaya kong tiisin
2 notes · View notes
aihumii · 4 years
Text
Nagkakamali ako, pero hindi ko intensyon ang saktan ka
1 note · View note
aihumii · 4 years
Text
Online
Di sila handa, Di ako handa, Di kami Handa
Siguro akala nyo ang dali lang ng lahat, akala ko niyo handa kami sa pagbabago na to. Online class? Hindi na siguro bago, sa iba. Pero paano kami na hindi kaya. Hindi kayang makipagsbayan sa pagbabago. Maiiwanan kami. Maiiwanan niyo kami. Maiiwanan ako. Di kami handa. Di ako handa
Gusto kong makapag aral. Gusto ko mag aral. Gusto ko. Gustong gusto ko. Pero di ko na ata kakayanin. Titiisin ang napakahabang lakarin maabot lang ang pangarap, titiisin ang gutom para lang sa hinaharap. Pero pasensya, di ko kaya. 
Wala ako nung mga bagay na meron sila. Wala ako nung mga makabagong gamit sa teknolohiya. Wala ako nun. Pero meron akong sipag, tiyaga at pangarap. Wala akong pera. Wala
Gustuhin ko mang ipagpatuloy ang pangarap ko. Gustuhin ko man matuto. Di ko kaya, Wala kasi ako nun.
Pasensya na, mahirap lang kasi ako. Di ko kayang makipagsabayan online. Pero may pangarap ako. At sana balang araw makamit ko yun. pero mahirap lang ako. Kaya sa panaginip nalang makakakuha ng medalya. 
Kasi mahirap ako.
2 notes · View notes
aihumii · 4 years
Text
Sige. Ako na lang ang iintindi
1 note · View note
aihumii · 4 years
Text
Nakangiti lang ako pero hindi ako masaya
2 notes · View notes
aihumii · 4 years
Text
minsan na nga lang maging masaya, mabilis pa mawala
1 note · View note