Tumgik
#hinanakit
billiedeansbitch · 10 months
Text
potangina tumblr nawala lang ako ng ilang days nagmuka ka nang twitter (x) i honestly prefer the previous version of tumblr web broo :(
3 notes · View notes
lihimlihamtinta · 9 months
Text
Maraming bitbit na lihim ang aking mga mata
Kasing dami ng beses na pinigil nyang lumuha
Kasing dami ng pagkukunwaring 'di ako nasaktan
Kasing dami ng pagpipigil na manuntok sa mukha
Maraming salitang hindi lumabas sa aking bibig
Mga salitang naglalaman ng hinanakit at hinagpis
Mga salitang dala ay pagmamahal na kay lalim
Mga salitang ikinubli dahil dinadaga itong dibdib
Maraming kanta ang nakabisa ng aking tainga
Mga awit na naglalaman ng tunay na pagsinta
Mga awit na para bang hinugot sa ating alaala
Mga awit na ako mismo ang naglapat at tumipa
Marami ang laman ngunit kakaunti ang lumabas
Siguro ay hindi sapat ang inipong tapang
Marahil ay hindi sapat ang aking mga dahilan
Maaring wala namang magbibigay halaga
27 notes · View notes
daramdarararam · 7 months
Text
Gagi. Bakit ba lagi nalang ako iniiyakan ng mga katrabaho ko ? Haha Tangina. My team lead namin umiiyak. Ano kase, hindi nya na raw kinaya ang bibig nung team nya. Hagulhol na sya while andami kong ginagawaa. Last time ang umiyak sa tabi ko e ung isang editor na lalaki tangina. Natuwa naman ako na parang safe space ako, kaya sakin naglalabas ng hinanakit about anything. But, ako din I do have, A LOT of frustrations, minsan power tripping ako kase, kayang kaya ko silang ibalibag lahat, kaya medyo nareremedyohan ko ung hirap ng trabaho ko. Kaso ung tl ?? na andaming pedeng gawin ? hina nga ni ate ghurl. if ako team lead, never ako iiyak, ako magpapaiyak, kaya when inoferran ako ng ganon umayaw ako kase, may tendencies talaga na magppower trip ako so dont give me too much power, or else its over for u hahahahahha. Kaya madami din takot sakin sa office e, HAHAHAHAA ngayong aalis na ako, hirap maniwala na mamimiss raw nila ako, wala ng approachable na teamate. kahit tong lead ko malungkot talaga kase bihira raw tulad ko. weew. pero, ang toxic talaga nung kateam ko na yon, ilang tao na ang pinapaiyak nila HAHAAHA. alam kong toxic talaga sila, kase kahit ako, nakikita ko, kaso hindi nila ako basta magalaw galaw kase, mas malakas pwersa ko. Sila ang napaiyak ko naa HAHAHAHAHAHAHAHA. sobrang nakakatawa lang nung mga nangyayare. Lalo na kung idetailed ko kahit ung mismong nangyayare sa work, kaya sila nagtotoxic at iyakan HAHAHAHHAHA. BUTI NALANG TALAGAAA AALIS NAKO MGA PAKYU KAYOO HAHAHAH
9 notes · View notes
hinagpisattinta · 1 month
Text
Kung sana’y pinakinggan mo ang paos na sigaw ng puso hindi siguro napaaga ang pag lipat ng pahina.
Sinubukan kong ibuhos sa’yo ang mga hinanakit na inaalagaan ko taon na ang lumilipas “Nitong mga nakaraan hindi ko alam saan ako pupunta, ginagawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin, ito ay ang magpatuloy. Hindi ko alam kung ano gusto kong tahakin, para akong naliligaw.” Isa lamang ang mga salitang ’yan ang ibinanggit ko sa’yo no’ng araw na ’yon. Nag baka sakali kasi akong sasamahan mo ako sa pagtuntun ko sa tamag daan. Akala ko hihigpitan mo ang kapit sa pisi ng ating pagmamahalan. Pasensya ka na hindi ko napansin na rupok na pala ang tali kaya’t napigtas na ang pagunawa mo. Inakala kong hindi ako maliligaw sa piling mo.
2 notes · View notes
the-archer-of-light · 2 months
Text
“Kaibigan o Ka-ibigan?”
Tumblr media
Sa bawat tawa at bawat kwento, nararamdaman ko ang init ng kanyang presensya. Siya ang kaibigan na palaging nariyan para sa akin, handang makinig sa aking mga hinanakit at magbigay ng payo sa mga oras ng pangangailangan. Ngunit sa kabila ng aming masayang pagkakaibigan, mayroong isang bagay na hindi ko maiwasang maramdaman - ang pagtibok ng aking puso para sa kanya.
Tuwing siya'y nasa aking harapan, tila ang oras ay tumitigil at ang mundo'y umiikot lamang sa paligid namin. Bawat ngiti niya ay nagdadala ng liwanag sa aking buong araw, at bawat tingin ay tila may tinatagong mensahe na hindi ko mawari. Subalit sa kabila ng aking nararamdaman, batid ko ang delikadong linya na naghihiwalay sa pagkakaibigan at pag-ibig.
Araw-araw, sinusubukan kong itago ang aking mga damdamin, takot na mawala ang kakaibang ugnayan na nabuo namin. Subalit sa tuwing nagkakatagpo ang aming mga mata, tila walang kapantay na hirap ang aking nararamdaman. Ang pagsisisi ay naglalaho, at ang pag-asang maaari kaming magkatuluyan ay patuloy na bumabalot sa aking isipan.
Sa kabila ng pagsubok na harapin ang katotohanan, napagtanto ko na ang aming pagkakaibigan ay higit pa sa anumang romantikong relasyon. Ipinagpapasalamat ko ang bawat sandaling kami'y magkasama, ang bawat alaala ng aming mga masasayang pagkakataon. Ang pagkakaibigan na ito ay isang biyayang hindi matatawaran, at masasabi kong masaya na ako na kahit sa isang sulok ng aking puso, siya ang aking lihim na pinanghahawakan.
— cleo (2024) 📜
Tumblr media
2 notes · View notes
yourdailykath · 1 year
Text
Me gaslighting myself na pwede pa maidaan sa ice cream therapy mga hinanakit sa buhay
20 notes · View notes
melovesanneeeee · 1 year
Text
Yung magmula bata ka, hindi ka nasanay na nag-oopen up ng kahit na ano sa family at friends mo tapos as you age, pahirap nang pahirap pa lalo ang pag-oopen up para sayo, na dumadami na yung mga hinanakit mo sa mundo. N when someone comes along na handa nang makinig sayo with care and without judgement, hindi mo na alam saan magsisimula i-spill ang lahat. Nagsa-struggle ka kasi parang gusto mong sabihin agad lahat-lahat but it turns out, nao-ooverwhelm ka, yung nasi-share mong kwento, shallow at magulo, nakakapagod o di kaya ay nagsasawa ka kaagad to kuwento hays! Tapos nandon pa yung takot na baka iiwan ka rin nung mga taong nag-reach out sayo virtually kasi there would be days na distant ka, cold ka, o wala ka sa mood makipag-usap.
16 notes · View notes
dimakatulog · 1 year
Text
Hindi na kayang idaan sa ice cream therapy mga hinanakit ko sa mundo
18 notes · View notes
eeunoia · 7 months
Note
heylooo ate! i miss you naaa😭😭 unfortunately i got my previous acc deleted hue eu uee kaiyak, don’t worry i’ll still continue reading your fics po
i tried my best na mabalik kaso ayaw laki ng hinanakit ko sa tumblr na ‘to >.< i hope u remember me pa rin, night night!!
Tumblr media
HEY OMG I MISSED U!!! KAMUSTA KA NA? AKALA KO ANO NANGYARI SAU HUHU 🥹 Thank you for still reading my works 🤍 Let’s catch up if you have time. Ingat lagi ha!
3 notes · View notes
adobongcer · 10 months
Text
Tumblr media
oo, deserve mo talaga 'tong playlist na ginawa ko para sa 'yo hindi dahil gusto kita. ginawa ko 'to dahil sa tuwing maririnig ko ang mga kantang nakalagay rito, ikaw ang naaalala ko. naalala ko ang mga ngiti, tingin sa mata ng isa't isa, mga tawa na halos sumakit na ang tiyan nating dalawa, at ang mga huling sandali na tayo'y magkasama. siguro kapag nakita mo ang mga kanta rito, matutuwa ka. dahil karamihan dito ay ang mga kantang pinakinggan nating dalawa hindi mo alam na may gusto akong iparating gamit ang mga liriko ng mga kantang iyon. pati paano mo maintindihan kung iba ang lenguwahe nito, diba?
binibigyan kita ng bakas kung sino pero hindi mo mahulaan na ikaw mismo, ang sarili mo ang gusto ko. pinaparamdam ko na may nararamdaman ako, pero hindi mo talaga maramdaman dahil manhid ka, o baka napapansin mo pero binabalewala mo ito.
ayos lang kung ganun, basta kahit paano maiparamdam ko na may isang taong kayang ipakita ang pagmamahal sa 'yo kahit hindi mo maramdaman dahil baka isipin mong parte ito ng pagkakaibigan, pero hindi. gusto talaga kita, literal. hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin dahil isa akong duwag pag dating sa pag-ibig, takot akong ako'y layuan mo dahil sa nararamdaman kong ito sayo. alam kong hindi ito mababaw, lalo na sa akin. pero paano ko naman maiiwasang mahalin ka kung ganiyan ka? ipinakita mo sa akin kung sino ka, kung ano ka talaga, lahat ng ugali mo ipinakita mo kahit hindi dapat, masyado tayong kumportable sa isa't isa. paano kita hindi mamahalin kung pinakinggan mo lahat ng kwento, hinanakit, sakit na nadarama, at mga walang kwentang sinasabi na nagmula sa bibig.
kaya oo, gusto kita kasi ikaw 'yan. ikaw na 'yan e, bakit ko pa sasayangin ang pagkakataong iparamdam sa 'yo na ikaw ang aking minamahal? parang ang tanga naman kung hindi ko gagawin 'yun diba? kaya kapag nalaman mo kung sino ka, wag mo akong iwasan. manatili ka lang sa aking tabi, hayaan mo akong ipakita ang pagmamahal ko sa 'yo. ayos ba?
3 notes · View notes
lihimlihamtinta · 1 year
Text
Itinago niya ang lahat ng naipon na hinanakit
Basang mga mata ay kaniyang ikinubli
Ipinilit na maging sapat para sa sarili
Siniguradong walang makaririnig ng kaniyang hikbi
Siguro nga'y naging matagumpay siya sa paglihim
Dahil walang dumating upang siya'y sagipin
Pikit ang mata at nanatiling alipin
Ginapos ng hinanakit sa dilim ay kapiling
13 notes · View notes
jocolatemousse · 10 months
Text
Crush ko si Wriothesley pero no thank you sa gameplay niya. May mga hinanakit pa'ko kay Heizou. 🤣
3 notes · View notes
akonaman · 1 year
Text
napaiyak na lang talaga ko kanina sa inis, galit, poot, hinanakit sa sobrang kakupalan ng boss ko. di ko alam kung bakit wala siyang common sense. naka lunch ako and may food sa harap ko sa FUCKING PANTRY tapos may lumapit sakin na guard magpapapirma ng sec viol na pwede naman pirmahan ng ibang tms sa floor. like hello wala bang ibang tms sa floor? tapos ang ginawa hinintay pa talaga yung isang gm para magsumbong na i refused daw kase. like kuya okay ka lang? i respectfully told you na i was on lunch and mahirap ba irespeto yun? one time nga ihing ihi na ko hahabulin mo pa ko para sa pirma. gano ka naman ka gago sa part na yun?.
pag lunch hahagilapin din kita para magbantay. pag sila natutulog sa station di namin sila sinisita pero pag kami, kailangan urgent pirmahan kahit meron naman ibang pwedeng pirmahan yung request.
sama mo pa tong boss ko na di makaintindi. as leaders daw kailngan dapat pinirmahan ko na lang daw? do not pick that "leadership card" on me kase parehas lang kayo ng guard. di kayo marunong rumespeto ng time off ng tao mo. so you're saying na kahit naka lunch/break ako wala kong karapatan to say no? where's the respect there? kaya galit sayo buong cluster eh. bare minimum ng pagiging tao di mo alam.
2 notes · View notes
sunhiyyihsapphic · 1 year
Text
another day, another hinanakit 🥰
3 notes · View notes
paksht · 1 year
Text
kahit na sobra ang tinatago na hinanakit,
sa huli't huli, di mawawala yung pagmamahal na mayroon ako
at binigay niya
akala ko sa kabila lahat ng nangyari't hindi pagkakaunawaan,
maglalaho 'yon at kakayanin kong hindi siya ang kasama
pero mali parin ako.
---
Hunyo 01 2023
3 notes · View notes
melovesanneeeee · 1 year
Text
narealize ko lang na kahit pala naiyak mo na lahat, hindi parin mawawala yung hinanakit
10 notes · View notes