Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
“Hindi Ko Alam”
Hindi ko alam kung bakit ikaw saki’y mahalaga Hindi ko alam bakit isang ngiti mo lang kilig ay dama na Hindi ko alam kung bakit sa buhay ko ayaw ka ng mawala pa Hindi ko alam bakit ikaw ang pinangarap na makasama
Noo’y di ko alam aking misyon sa mundo Ngunit naramdaman na nung ika’y dumating sa buhay ko Niyakap ng katotohanan na nagmula sa pagtitig mo Kaya naman di na papayag na ikaw pa’y mawala sa piling ko
Hindi ko alam bakit ikaw ang minahal Dahil sayo, naramdaman kung paano tunay na magmahal Sa harap ng altar ika’y hihintayin gaano man katagal Nakita ang sarili na sayo ako’y magtatagal
Sa bawat ngiti at yakap mo ako’y nasanay Binigyan mo ng kulay ang matamlay kong buhay Kaya ako ay malulungkot kung ika’y biglang mawalay Dahil sobrang Mahal Na Kita at yan ang Tunay!
-badillannespokenwords
0 notes
Text
“Tropa”
Nagsimula sa tawagan ng MARE PARE kaya TROPA’y nabuo Sa pagtambay, tawanan at kwentuhan ay nagkaisa tayo Pansit CHAMI ang hilig natin kaya naging tambayan ay doon sa may kanto Hanggang sa isang iglap, gumaan ang samahan at naging isang grupo tayo
Isang grupo ang nabuo, walo tayo sa kwentong ito Panibagong TROPA ay muling dumating sa buhay ko Di mawala sa labi ang mga ngiti sa twing kasama kayo Na tila pag kayo’y nandyan, araw ko’y nakukumpleto nyo
Walong tauhan, walong kabataan Iba iba man ang noong ating pinagmulan Tayo’y pinagsama ng tadhana upang sa Tropang ito’y walang bitawan Na kaylanman,pangakong wala ng ayawan
Nagsimula tayo lahat sa simpleng pamumuhay Kaya naman hanap ay Tropang totoo na panghabangbuhay Na kayang magbigay sa atin ng kasiyahang walang humpay Na tila kaya kang ingatan at sayo’y laging nakaalalay
TROPA na kaya kang patawanin sa likod ng kalungkutan Yung kaya kang iangat kung pakiramdam mo’y nabibigatan Yung sa anumang trip o problema ikaw ay kayang samahan Yung TROPA na kahit kanino, kaya kang protektahan
Itaga sa bato ating pagkakaibigan Ipaubaya sa tadhana ating samahan Ang pag ikot ng mundo’y ating sabayan Kaya sana hanggang huli, pangakong wala ng iwanan!
-badillannespokenwords
0 notes
Text
“Moving On”
Patawad kung noon pinilit kong limutin ka Pinilit kong di ka na mahalin pa Ginawa ang lahat malibang lang sa iba Ngunit sa pagpikit ikaw pa din aking nakikita
Bakit di ko ninais na humanap pa ng iba Bakit tila sayo ako’y umaasa pa Bakit ganun, mahal pa din kita Mahal pa ba kita o namimiss na lang kita?
Bakit ikaw pa din ang hinahanap hanap ko Bakit ikaw pa din ang laging naiisip ko Bakit sinisigaw ng puso ko ay Pangalan mo Mahal, Bakit naman kasi ako’y Nilisan mo?
May gulo sa isip at puso’y di mawari Sakit na nadarama madalas akong magkunwari Pusong talunan na tila iyong inapi Sana salitang manhid sakin ay minsang sumapi
Akoy umaasang babalik ka pa Umaasa pa din kahit magmukha ng tanga Kahit gaaano katagal hihintayin kita Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba
Naniniwala akong Babalikan mo rin ako Nararamdaman kong mahal mo pa din ako Naririnig ko sabi nila gusto mo pa din ako Nakikita ko mga simbolo ng noong ikaw at ako
Pero teka nag iilusyon na lamang pala ako Pakiramdam ko’y nababaliw na ako Ano ba tong mga sinasabi ko sayo Dapat pala limutin ko na ang isang tulad mo
-badillannespokenwords
0 notes
Text
“Dating Tayo”
Patawad kung minsan napagod ka na
Sa relasyong to ay naumay kang bigla Dumating sa punto na minsan nairita ka na At bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata
Masaya naman noon,pero nagbabago din pala Mga bagay na ayoko noon sinusunod mo pa Hindi lang ako makausap nag aalala ka na Sinusundo mo pa kahit gabing gabi na
Naaalala mo pa ba bawat kulitan natin noon Masayang magkasama sa buong Maghapon Sa bawat problema ay kasama ka sa pag ahon Na tila puso natin ay di mapigil sa pagtalon
Yung mga oras na tayo ay magkasama Na tila di mapaghiwalay pag nagkadikit na Magkahawak kamay habang saki’y nakatitig ka Sabay ngiti at sasabihin mong “Mahal kita”
Naalala mo pa ba bawat ating mga pangarap Nangako tayo habang ako’y iyong yakap Naalala mo pa ba ang dating tayo? Yung mga oras na noong mahal mo pa ako
Naalala mo pa ba, malamang hindi na Sapagkat ngayon mahal mo’y iba na Di na napansin, sobrang bilis ng panahon Biglang naglaho ang masayang Tayo noon
Madaming tanong sa sarili, isa na ang Bakit Iniwan mo ako ng walang dahilan, Bakit? Ako’y iyong biglang pinakawalan,Bakit? Kailangan ba biglaan ang ‘yong paglisan,Bakit?
Ngunit patawad kung minsan nagkamali ako Patawad kung ako’y di sayo perpekto Patawad kung minsan naging mapagsarili ako Ngunit tapos na, naglaho na ang dating tayo.
-badillannespokenwords
0 notes
Text
“Ligaw Tingin”
Patawad kung minsan ay napatingin ako sayo Na tila mundo ko’y biglang napatigil mo Daliang bilis ang tibok ng puso ko Di mawari kung anong naramdaman ko
Nabihag ako sa angking ganda mo Sa mga mata na halos bulagin mo O anong saya ng isang kagaya ko Lalo na nung kinausap mo na ako
Sa bawat ikot ng ating mundo Sa bawat oras na tumatakbo Sa bawat minuto na ika’y kasama ko Sa simpleng ngiti mo ako’y napapasaya mo
Nahihiyang lumapit sa isang tulad mo Ni kausapin ka’y may kaba pa sa dibdib ko May tanong ako at sana ako’y pansinin mo Pwede ko bang ligawan ang isang tulad mo?
Patawad kung minsan may pagkatorpeng sadya Yung tipong lalapitan kita pero di ko kaya Tipong loob ko ay nanghihinang bigla Napapailing nalang sa twing nakikita kita
Dumating isang araw at nagkasalubong tayo Pilit itinago ang kilig na naramdaman ko Tikom ang bibig habang nakatitig sayo Halos gusto kong sabihin na sobrang saya ko
Natutulala na tila pakiramdam ko’y nasa ulap Inaabangan sa bintana para sayo’y makasulyap Mga mata ko sayo’y tila ayaw ng kumurap Dahil noon pa man ikaw na aking pangarap
Sa pagsulyap at pagtitig sayong mukha, Sa ngiti mo mula sa labing kulay pula Sa bawat araw na dumarating sa ating dalawa Gusto kong sabihin na ikaw sakin ay mahalaga
-badillannespokenwords
0 notes