Text
Tag-ulan sa Hulyo 310722 20:58
Sinarado ko ang bintana pero ang lamig ng gabi鈥檡 sumasakop pa rin sa mga kanto ng aking kwarto, sa puwang ng aking kama. Pinikit ko ang mga mata聽 at nadatnan ang bumabalot na init,聽 dala ng eksena ng mga nakaw na ngiti, ng nauunawaang katahimikan, ng balikang pagtatangi.
Ang tunog ng ulan ay katulad noong聽 narinig ang boses na umaawit nang palihim sapagkat mainit ang yapos nito sa bumabagabag na problema. Mahinahon ngunit sigurado ang pagkanta, tulad ng pagkakahulog ko. Tinanggap ang nararamdaman nang may pag-aalangan, dahil sino ba ang hindi matatakot sa kawalan ng katiyakan?
Ngunit sinugal ko, sa kabila ng mga boses na pumipigil, kahit minsa鈥檡 hindi makapagsalita; sapagkat sa pagkakataong ito,聽 hindi ako natakot sa ulan.聽
Sa kalauna鈥檡 unti-unting nabatid ang gumagapang na pangamba. Sanhi ng ginaw,聽 ang kawalan ng kakayahang makalapit. Bakit hindi na maabot ang kamay?聽 Ang mga kamay na bumubuhat,聽 na umaakay at kinakapitan. Bakit mas sumisikip ang dibdib kahit lumalapad ang distansya?聽 Bakit pilit na inaaninag ang anino sa lalim ng dilim?聽
Tila napagpasiyahan na ang malay贸 sa init ng mga bisig,聽 sa espasyong inuuwian, na ating sinubukang ingatan. Marahang hinandugan ng pasensya聽 at ng pag-unawang ipinagkakait sa sarili ang binhing namunga.聽
Nakikiusap ako鈥檛 humihingi ng palugit聽 kahit iilang minuto lang ang ibigay聽 nang maranasan muli ang awit, ang sinasabayang ritmo pauwi, bago maglaho ang alingawngaw ng dati. Subalit nawala na ang hangin,聽 At natangay din ang mga sana鈥檛 siguro.聽 Tumila ang bagyo,聽 at nandito na tayo: ikaw na waring tinatakbuhan ang totoo,聽 at ako na tinatakbuhan ang nararamdaman. Wala na ang mas sasakit pa聽 sa pamilyar na naging malabo,聽 sa hindi inaasahang kabiguan,聽 sa magkaibigang nagpapanggap na estranghero.聽
Marahil hindi na talaga ito maiiwasan,聽 dahil sa pag-iba ng panahon,聽 sa ulang naging bagyo,聽 tayo rin ay nagbago.聽
Baka kinailangang magbago.聽
Umaga na.聽 Binuksan ko na ang bintana.
2 notes
路
View notes
Photo

to the person who's still finding her way through the current, here's to baby steps and small victories.
0 notes
Photo


paalam.聽
0 notes
Text
lingap 160118 14:25
Nararamdaman ko na ang paparating na unos. Nananakot, nakakapangilabot ang lamig, ang kawalan, ang pinsalang masasapit. Malapit na.
Ako鈥檡 tumatakbo sa dilim, wala akong nasisilayan, naghahanap ng masisilungan, ng isang tahanang tatanggap ng isang taong gusgusin, isang makasalanang umaasa na lamang sa init ng sariling katawan. Napapagod na ako. Kaunti na lamang, susuko na, susuko na ako.
Subalit nakakita ako ng tahanan. Hindi man perpekto, hindi man ganoon katibay, pero matagal na bago ulit ako nakakita ng mapangkakapitan ng pangamba鈥檛 pag-aalinlangan. Nakakita ako ng walang pasubaling pagtanggap sa gitna ng aking pag-aabala. Nahiya at lumayo ako, at sa halip na ako鈥檡 itaboy, ako ay niyakap. Nadama nito ang kinakapos na paghinga ng puso. Binigyan ako ng katiyakang matagal ko ng sinuyod. Minsan na lamang ulit ako makaramdam ng ganitong klaseng init, ang tipong hindi nakapapaso sa halip, nakahihilom.
Nakita kita.
Salamat at nagkaroon muli ako ng lakas; tinuruan mo akong maniwala sa iyo, mahal, sa akin, at sa atin; at sa wakas, nalipasan ko ang sigwa.
Huwag ka ng matakot. May taong aalaga na rin sa tahanang ito. Mananatili ako, Sa paglipas ng bagyo, sa pagbunga ng mga halaman, sa pag-iba ng panahon, sa tahanang binigay mo.
Hindi ako aalis.
0 notes
Text
tumahan 140419 01:01
walang pinipiling oras ang disgrasya. wala itong pinipiling lugar wala rin pinipiling tao. walang nasisilayang babala na paparating na ito pero minsan mararamdaman mo lang na malapit ito. kaya,
patuloy lang na tumatakbo ang mga paa ko, dinadala ang mabigat kong katawang pagod nang tumindig, tumungo sa aking patutunguhan kahit minsan, parang hindi na makabuluhan; malay贸 lamang ako sa pinsalang hindi naman sigurado at hindi rin naman nakikita, ang bigat ng sarili kong katawan minsa鈥檡 wala namang laman. saan nanggagaling ito? ni ang mga balikat ko nalilito sapagkat paano mo nga naman mararamdaman ang isang bagay na wala naman talaga? paano nito nagagawang pasikipin ang dibdib, na parang inuubos ang natitirang saglit na mabuhay kahit wala namang sumasakal? ang ulo鈥榶 patuloy na humihilab, nagtatanong, at naiiwang mga tanong. mahirap ipaliwanag at bigyang-liwanag ang mga bagay na nais nating maintindihan, mga taong nais nating balikan,
ngunit ngayong gabi, sa dilim nito, sa dala nitong takot at nagbabalang kasawian, may simoy na humahaplos sa aking mga pisngi, sa aking mga palad mula sa iyong bibig, sa init ng iyong bisig ang mga yakap mo sa aking pinapaalalang maaaring magpahinga at huminto,
huminga.
salamat. pinaalala mo sa akin ang katatagan ng isang kuwit, at ang kahalagahan ng isang tuldok.
hinga.
kaya, sumandig muna tayo. lalaban muli tayo bukas, babangon.
0 notes
Text
mitsa 220120 00:57
noong nahumaling ako sa apoy, sa sobrang liwanag, ako ay lumapit sinundan ang matingkad na ilaw at nabulag, nagwala. hindi nakita ang mga babala.
basta madama ang init, ang paalalang hindi pa namamanhid, takbo.
mabilis akong tumakbo, nang hindi humihinto; at nakarating ako sa paroroonan ngunit hindi ko namalayang nasusunog na pala ko.
dahil ang inakalang init na yumayakap sa kalamnan, ay nananakal pala na usok sa lalamunan. ang dahilan ng hirap sa paghinga, ay humihigpit na bagang bumibigay na. ang mukhang bulaklak na sumisibol, isa palang pas貌ng dumudugo.
unti-unting nanghina kaya鈥檛 umatras upang hindi na tuluyang makasugat at masugatan; at sa bawat hakbang papalayo ay nasulyapan ang mga pasa sa katawan, ang mga natirang haligi ng bahay na iniwan. wala nang natira kundi ang mga lab铆 ng nasirang tulay. sinubukang hanapin ang mga pwede pang isalba, subalit mga basang unan na lang ang napuna.
ngayon, huli na. naubos na ang mitsa, ang kakayahang uminda ng sakit na dinala ng apoy ng poot at galit kaya hindi na ipipilit.
tangayin nawa ng hangin ang abo sa nararapat nitong patutunguhan upang mabigyan ito ng bago at malinis na tagpuan. ang lamig na siyang iniwasan ngayo鈥檡 muling binabalikan, titiisin hanggang sa wala nang maramdaman.
ang sinapit ng pagtago, ng walang tigil na paglayo, ang tanda ng dulo, abo.
0 notes
Text
ano ang sagot? (n.d.)
Nagbubukang-liwayway na ngunit kasabay nito ang patak ng mga luha kong sanhi ng iyong paglaho. Pilit ko pa ring kinakapa, inuunawa ang mga talinhagang tinataglay ng bawat hakbang mo papalayo. Hindi ako mapalagay sa mga bagay na hindi ako sigurado. Hindi sapat ang walang katiyakan. Sinusubukan ko pa ring hanapin ang mga sagot sa mga nagtatagong tanong. Saan na ba ako tutungo? Unti-unting na akong nawawalan at nauubusan ng pag-asang makatagpo ng kasiguraduhan mula sa iyo.
Nawala ka, at ako itong naghahanap sa wala na pala.
Nagtago na ang araw at ako ay nandito pa rin. Walang katapusan kong tinutuklas ang paliwanag sa mga nagguguluhan kong damdamin. Nababagabag ako sa mga bagay na lingid sa aking kaalaman at kamalayan. Mga kakatwang kabatirang hindi maintindihan ay pinipiling huwag na pag-usapan. Lumalalim lamang ang sugat na hindi mahilom-hilom ng oras. Kahit anong bilis ng takbong ginagawa upang mapalayo sa iyo, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa mga iniwan mong bakas.
Bumabalik pa rin ako sa iyo.
Ngayong gabi ay tugatog ng katanyagan ang buwan subalit may mga parteng hindi ko pa rin talaga masisinayan. Mga sikretong hindi nabubunyag. Walang tigil akong nagtitimpla ng mga hula para lamang mahanap ang kasagutan. Sasayaw na lamang ba ako sa himig ng mga daing ko? Ito na ba ang katapusan ng masidhing pagsuyo?
Bawat sulok sa kaibuturan ng kaluluwa ko ay natuon ko na. Lahat ng direksyong maaaring mapuntahan ay nalibot ko na. Lahat ng maaaring maitanong ay natanong ko na.
Itong mga tanong ay naiwang mga tanong at ako, naiwan dito.
0 notes
Text
oras na 140320 18:00
Bata, gumising ka na mamulat na sa mga katotohanan. Oras na para tumindig at lumaban tayo鈥檡 makikipagsapalaran.
Wala ng panahon para maging kampante dahil yumayanig na ang ating kalayaan. Hindi na dapat magbubulag-bulagan na sanhi ng alikabok ng pag-aalinlangan. Tumindig para sa mga pinipigilang tumayo Bumangon para sa mga hindi kayang manindigan. Mag-ingay para sa mga iniiwasang pakinggan.
Dalhin mo ang armas ng iyong utak at ibubunyag natin ang baho ng administrasyong sunud-sunuran sa huwad nitong diyos-diyosan. Bubuwagin natin ang mga kadenang kumakapit sa kakayahan nating ikubli ang kasamaan. Bitbitin mo ang lakas ng loob mong magsalita nang hindi tayo malupig ng mga tutang makapangyarihan.
Bata, ikaw ang pag-asa. Huwag kang matakot dahil hindi ka nag-iisa. Sama-sama tayong aalsa at kakapit sa bising ng ating mga kasama. Tuluyang pakuluin ang dugo ng galit at hindi na tayo magkikimkim.
Walang dilaw, walang pula dahil ang kulay ng Pilipino ay iisa.
0 notes
Text
Presinto 190716 17:19
Isang bilanggo sa piitan Tahimik na nagdadalamhati Hiling sana'y di maulinigan ang ungol ng pagkasawi
Patak ng mga luha Bakas ng lumbay Isang bilanggong balisa Sa dalagang nagbabantay
Wag sana siyang matyagan ng diwatang nagmamasid Ganda'y hindi mapapantay Ngayo'y hindi mapalagay
Isa lamang siyang alipin Sino ba ang bilanggo Para siya'y mahalin Ng dalagang totoo
Ngunit hindi niya nakikita Ang nililihim ng dalaga Hindi nagsasalita Umiibig pala sa kanya.
Ang mga nararamdaman Hindi kailanman magbabago Ngunit ito'y kahiya-hiya, Patuloy na lang itatago
Pareho'y umiirog nang tunay Umiirog nang walang malay Ngunit hindi na inamin Ang maglalaho ring damdamin
Itong bilanggo, Ako. At ang dalaga, Ikaw.
1 note
路
View note