Tumgik
Text
Ang Trese ay Hudas; Advance Happy Friday the 13th para sa pusong wasak.
Halos limang buwan na din kung bibilangin.
 Parang kahapon lang, parang kailan lang.
 Sariwang sariwa pa lahat, mga dayalogo at palitan ng mga salita. Panandaliang saya na tumagal ng araw na inabot pa ng linggo. Mga luhang pinakawalan na hindi lang nanggaling sa bungo pati na rin sa mga pusong lito. Mga tawanan na inalay sa isa’t isa. Mga kalungkutan ng iba. Mga bagay na nag bibigay pag asa sa isa.
 Parang kahapon lang, parang kailan lang.
 “May mga tao talagang mahilig mag hangad ng sobra kahit na hindi naman pinag kakaitan.”
 Sabi nila, nakaka bobo daw ma inlove. Hindi mo daw talaga masasabi na nagmamahal ka, hangga’t hindi mo nararanasan maging tanga. Tama nga naman. Siguro? Sa akin oo. Ewan ko na lang din sa iba. Pero habang nasa byahe ako kanina, kasama yung alaga kong kuneho. Napag tanto ko na nakaka talino din ang pag-ibig.
 Paano?
 Halimbawa:
 Una. Kapag wasak ka, gumagamit ka ng mga words na hindi mo naman talaga alam kung ano yung meaning. Basta ang alam mo lang, alam mo yung meaning nun. Hindi mo na kailangan ipaliwanag. Basta yun na yun!
 Pangalawa. Gumagamit ka ng mga kung anu-anong quote na narinig mo lang naman sa T.V o sa kakapanuod mo pa lang ng movie. Oh di ba? Kung sino sino pang mga sikat na tao yung gagawin mong reference, ma express mo lang yung nararamdaman mo. Yung mga bagay na hindi mo naman talaga naaalala, eh bigla na lang lumalabas, kapag broken hearted ka. Awtsu!
 Pangatlo at huli sa lahat, nakakagawa ka ng ganito. Nakakapag compose at construct ka ng mga thoughts sa isip mo. Tapos na ilalagay mo sya sa kung anu anong medium. Talaga ngang binibigyan nya ko ng lakas ng loob na isiping matalinhaga at brainy ako, in short, feeling ko matalino ako. Wala naman talaga akong gusto ipunto. Ang dami ko lang napagtanto mula Quezon Ave. hanggang West Ave.
 Habang nasa byahe ako, ang dami kong naalala. Bigla na lang akong napapikit sa loob ng bus habang nakatayo. (Hindi na sana ako tatayo, kaso mukhang maganda naman yung babaeng nasa gilid ko kaya sya na lang yung pinaupo ko) Pumikit. Sabay hingang malalim, para akong nasa isang movie at ako yung bida. Love story tapos yung set-up nasa bus din. Nasa scenario na yung bida na niyang biglang maaalala lahat, tapos biglang titigil yung bus. At sa hindi malaman na kadahilanan, bigla na lang papasok yung katambalan nya sa loob. Destiny? Tadhana? Kalokohan? Syempre malabo, kasi sa storyang to, hindi naman ako yung bida. At hindi naman ito love story, so nung napapikit ako, napapikit lang ako. Wala akong naisip. Wala akong naramdaman. Napangiti lang ako, naaalala at nasabi ko na lang sa sarili ko na “Oo nga pala, Ika-trese nanaman bukas.”
 Bukod sa may Tres, (Na paborito ko na numero kasi November 3 yung birthday ko) sa Trese, eh gustong gusto ko yung Filipino Comics na ipinabasa sakin nung isa kong kakilala. Yung bida kasi dun eh Trese yung apelyido. Pero hindi naman kasi yung pinaka naging dahilan kung bakit. Simula nung gabing yun, naging paborito ko nang numero yung trese.
 “Sariwang sariwa pa lahat, mga dayalogo at palitan ng mga salita. Panandaliang saya na tumagal ng araw na inabot pa ng linggo. Mga luhang pinakawalan na hindi lang nanggaling sa bungo pati na rin sa mga pusong lito. Mga tawanan na inalay sa isa’t isa. Mga kalungkutan ng iba. Mga bagay na nag bibigay pag asa sa isa.”
 Magulo yung iniisip ko ngayon. Kaya wag ka nang mag taka, kung malito ka din sa mga nabasa mo. Maraming bagay ang tumatakbo sakin sa mga oras na to, sapat na para gisingin yung diwa ko na kanina pa inaantok. Mas okay na siguro na mapuyat ka dahil sa academic shits o kaya dahil sa kausap mo yung taong gusto mo kausapin kesa naman na mapuyat ka, kakaisip kung bakit KJ ang oras, tila ba pinaglalaruan ka ng pagkakataon, at kung bakit ikaw pa yung napiling pag tripan ng tadhana. Sila nga ba ang magulo o sadyang magulo lamang ang damdamin ng tao?
 Naka limang Itim ako kanina. Nung natikman ko ulit yun, na realize ko kung gano kasarap yung Pula.
0 notes
Text
Tatakbo at gagalaw Mag-iisip kung dapat bang bumitaw Kulang na lang, atakihin Ang paghinga'y nabibitin Ang dahilang alam mo na Kahit ano pang sabihin nila Tayong dalawa lamang ang makakaalam Ngunit ako ngayo'y naguguluhan Makikinig ba ako Sa aking isip na dati pa namang magulo? O iindak na lamang Sa tibok ng puso mo At aasahan ko na lamang na Hindi mo aapakan ang aking mga paa Pipikit na lamang at mag-sasayaw Habang nanonood siya... Paalis at pabalik May baong yakap at suklian ng halik Magpapaalam at mag-sisisi Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi Tayong dalawa lamang ang nakakaalam Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo At aasahan ko hindi niya lamang aapakan ang aking mga paa Pipikit na lamang at mag-sasaya Habang nalulungkot ka Pipikit na lamang at magsasaya Habang nalulungkot ka Ako'y Litong-lito Tulungan niyo ako Di ko na alam Kung sino pang aking pagbibigyan o Ayoko na ng ganito Ako ay litong-lito
0 notes
Text
Ansarap mag ingay dito. Walang nakakabasa. Walang nakakaalam na iba. Hahahaha. Hi, Tay Nico! :)
0 notes
Photo
Tumblr media
You'll never know. You'll never want me to know.
0 notes
Quote
Don't you dare let our best memories bring you sorrow.
0 notes
Text
Hindi ko maintindihan Parang wala namang pupuntahan Ayoko na ng ganito Nahihirapan ang puso Oh, tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo naman talaga Tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo naman talaga Hindi ko maintindihan Tila tayo'y naglolokohan lang Ayoko na ng ganito Nasisira na ang ulo Oh, tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo naman talaga Tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo naman talaga Kung iisipin mo Ikaw pa yung talo Sino pa ang niloloko mo? Tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo naman talaga Tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo naman talaga Tayo na lang dalawa Tayo na lang magsama Tayo na lang dalawa Tayo naman talaga Ayaw mo ba talaga? Ayaw mo bang magsama? Ayaw mo lang talaga Ayaw mo ba talaga? Ayaw mo ba talaga? Ayaw mo bang magsama? Ayaw mo lang talaga
0 notes
Text
Brick Red; para sa babaeng nagbigay kahulugan sa kulay na Pula.
Sabi nila.. kung may kulay man ang pag-ibig, malamang Pula na yon. Pero bakit nga ba nila nasabing Pula ang kulay ng pag-ibig? Dahil ba Pula ang kulay ng puso? Eh bakit nga ba kapag sinabing pag-ibig eh naiisip agad natin ang puso? Ang puso ay para sa dugo. Eh bakit nga ba Pula din yung kulay ng dugo? Hindi ba pwedeng blue? Mas okay nga siguro kapag nag asul na lang yung kulay ng puso, para cool. Malamig. Parang yung puso ko ngayon..
Malamang hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na isulat ang mga bagay na mababasa nyo ngayon, kung hindi ako nakainom ng Red bull kanina. Oo tama ka, paborito ako ang Red bull. Iba yung tama, iba yung tama sa puso ko. Ang bilis. Parang kumakaripas sa pagtabo na kabayo yung kabog ng dibdib ko. Para akong kinikilig. Para akong kinakabahan. Lahat nararamdaman ko, lahat nabibigyan ng kaliwanagan. Ang sarap uminom ng Red bull, kasi sa tuwing umiinom ako nito, nararamdaman ko, na may puso pa pala ko. 
Kung may pera lang siguro, kung talagang nagkaayaan na mag punta doon sa tagpuan, sa lugar na maraming ala ala na pilit na ibinabaon, malamang eh nakainom nanaman ako ng paborito kong alak, ang Red horse. Iba yung tama nito, kung yung unang inumin ay nagpaparamdam kung ano yung meron ako, eto naman yung kabaliktaran. Kung baga sa medical term, eto na yung anesthesia ko. Eto na yung pangpa manhid. Umiinom kasi mapait, umiinom para kahit papaano, makalimot. 
Gusto ko pagmasdan palagi yung pag lubog ng araw. Marami itong pinapaalala at pinaparamdam sa akin. At syempre, ano pa bang aasahan mo? Gusto ko ito tignan, kasi naalala ko yung buhok mo. Yung buhok mo na mala sunset yung kulay. Hindi ba't may bahid naman ng pagka Pula iyon kahit na medyo magpaka orange ang mga ito? Naaalala kita, araw-araw. Oras-oras, minu-minuto. Wala araw na hindi ko minahal ang kulay na Pula. Walang sandali na hindi ako nasabik na matanaw yung pag lubog ng araw. Kasi alam ko na magkikita na tayo, kasi alam ko na masisilayan na kita, kahit saglit, kahit sandali. Alam ko naman na lahat ng ito ay may kapalit. Sa bawat tamis ay may pait. Parang yung sigarilyo ko lang na paborito kong ihithit. Ang dati'y itim, ngayoy naging Pula. Gusto na kitang makita. Asan ka na ba, Ruby?
0 notes
Text
Gusto ko .. Sana
               Sabado.Isang ordinaryong araw lang sana ng isang buong linggo, kung hindi lang nagbago ang ikot ng mundo…
               Tinext kita pagkagising ko. Gusto kong sabihing sana ako ‘yung nasa panaginip mo. Pero ang tigas naman ng mukha ko. “Tulog mahimbing. :)” Message sent.
               Pumasok na ko sa school. Nagbabakasaling kahit saglit, mailipat sa iba ang atensyon. Ang atensyon na inagaw mo, mula nung sabihin mo ‘ yang nararamdaman mo. Nakarating na ko sa pupuntahan ko kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. Bawat tunog, isang dasal, sana ikaw. Sana. Bigla kong napangiti. Hindi ko mapigilan, nang makita ko ang iyong pangalan.
               “Jwu.” Awtsu. Suplado. Pero kinilig ako nung narinig ko yung boses mo. Tumawag ka. Hindi mo man alam, ikaw ang nagpasaya ng aking umaga.
               Ilang oras pa tayong magkausap. Hanggang sa matapos ang isang nakakaburyong klase. Planado na sana ‘yung hapon. Pero kahit di ginusto, naudlot lahat ng plano. Kunwari hindi ko ginusto. Pero ang totoo, iniisip kong baka sakaling makapagkita tayo. Gusto kong magkita tayo.
               Ayaw kitang itext. Ayaw din kitang hindi itext. Parehas nating ayaw. Kinausap ko ‘yung kabigan naten. Naglabas ng saloobin, pinakawalan lahat ng hinaing. Makikipagkita ka kung kasama siya. Gusto kong kumontra. Gusto kong tayo lang dalawa. Hindi ko alam kung anong gusto mo. Tinanong kita kung gusto mo ba kong makita. Pero hindi ko maintindihan kung anong gusto mo talaga. Sa hinaba haba ng prusisyon, sa Cubao din pala tayo dadalhin ng pagkakataon.
               Hindi  ko malimutan ‘yung itsura mo nang makita ka. Hindi ko alam kung nangingiti o nakangiti kaba. Pero feeling ko, masaya ka. Nag-aya kang kumain. Hindi pa naman ako gutom. Pero hindi pa rin naman ako kumakain. Gusto mong dun tayo sa hindi pa natin nakakainan kaya naglakad tayo para maghanap. Sa dami ng tao, nakahanap tayo. Oriental Bowl ba ‘yun? Nung una, nag-aya ka sa KFC. Pero nalaman kong dun kayo kumain ni JC. Azar.
               Gusto ko sanang ayain mo kong manuod ng sine kaso ewan ko ba kung nagpaparinig ka o wala lang talaga. Jumebs ka pa sa may cinema.
               Nagpunta tayo sa National Book Store. Hindi ko alam kung saan. Pero nagtiwala ako sa gusto mong puntahan. Bibili sana tayo ng libro. Sobrang natuwa ako. Dahil kahit sa libro man lang, magkakaroon ng “saten.” Kaso wala tayong nakita. Nag iikot-ikot tayo nang may bigla kang inabot na libro, “Sana Akin Ka Na Lang” ata ‘yun. Fvck. Sana. Ewan ko kung napansin mo ba. Pero bago mo gawin ‘yun, merong libro sa kamay ko na gusto kong makita mo kaya kunwaring inaayos ko. “Always in my Heart.” Sana nabasa mo. Teka mali pala. Dito pa lang ‘yung najebs ka. Kaya nagpunta tayo sa cinema.
               Bumalik uli tayo sa ating pinagkitaan. Ang dami mong gusting bilhin. Ang dami nating pinuntahan. Ang dami nating tinignan.Nagpunta tayo sa shoe salon. Merong dalawang sapatos, Isang black, ‘yung gusto mo. At isang green, ‘yung gusto ko.
               Kung saan-saan tayo naghanap ng mga gusto mong paggastusan ng pera mo. Bench, Penshoppe, World Balance blah blah. Tumingin tayo ng pantalon sa Bench. Bumili ka kahit ‘yung tatak eh herbench. Nakatatlong sukat ka bago nakuha ‘yung tama. Tayo kaya, ilang sukat pa para maging tama?
               Nagtext ‘yung tatay mo, taya ka daw sa lotto. Nagtanong tayo sa ibang tao. Pero wala nun dito. Dumaan din nga pala tayo sa Sandugo. Dahil walang napala, nag-aya kang lumabas para makapagyosi. Para makapag usap tayo.
               Bumalik tayo sa shoe salon. Babalikan mo na ‘yung gusto mo. Bibilhin mo sana kaso hindi nagkasya,  pinaglalaruan ka ng tadhana. Eto na ‘yung pagkakataon ko, sinukat mo’yung gusto ko. Pero kagaya nung una, wala ring nagkasya. Kung kelan bibilhin mo na. Kung kelan handa ka na.
               Nagpunta tayo sa Banchetto, naghanap ng yosi at muli mo na namang nabanggit si JC. Teka nga, kasama mo kaya si Daisy.
               Umupo tayo sa entrance ng Araneta. Bigla sumundot sa isip ko ang isang imaheng masaya, isang imaheng maaaring mangyari sana, ikaw at ako na nakapila, para sa laban ng Barangay Ginebra. Pero agad napawi ang saya, dahil alam natin parehas na hindi tama ang ating ginagawa.
                Ilang minuto siguro tayong nag-usap. Hindi lang ng tungkol saten. Pati na rin ‘yung iba mong saloobin. Wala akong masabi sa’yo. Hindi ko alam kung dahil sa pagod ko o dahil sa hindi ko alam kung pano sasabihin ‘yung totoo. NATATAKOT AKO. Natatakot ako, na baka nabigla ka lang, baka ‘yung nararamdaman mo, hindi totoo. Hindi ko kayang makita ‘yung ganung reaksyon mo. Hindi ko kayang pakinggan kung ganun ‘yung sasabihin mo. Maghintay tayo. Pumayag ako. Kahit ang totoo, gusto kong iba ‘yung imungkahi mo kahit komplikado.Hindi ko kayang magpanggap na walang narinig. Hindi ko kayang magpanggap na walang naramdaman. Gusto ko sanang ipagdamot mo ‘ko. Gusto kong sabihin mong handa kang sumugal kahit di sigurado. Gusto kong ipaglaban mo ko. GUSTO KONG GUSTUHIN MONG MAKASAMA AKO!
               Sinabi kong pagod na ko. Pero ayoko pang umuwi. Gusto ko lang sumandal. Gusto kong sumandal sa’yo kahit pa pampabigat  ‘yung nararamdaman ko.Tumayo na tayo. Naglakad. Umikot. Naghanap ng 7-11. Sa pangatlong pinuntahan naten, nakahanap na tayo ng bakanteng upuan. Buti wala ng ika-apat. Pagod na kase ako. Sobrang sakit na ng binti ko. At kagaya ko at ng binti ko, pagod at sobrang sakit na ng puso ko. Naupo tayo, kagaya ng poster ng isang pelikula na may kasalanan kung bakit tayo humantong sa ganito.
               Bago tayo diretsong umuwi, dumaan tayo sa Mercury. Bumili ng tubig at deodorant. Maalala mo sana ko sa tuwing ipapahid mo ‘yan sa kili kili mo. Sa paraag ‘yon, magiging bahagi ako ng araw mo at ng sistema mo.
               Pagdating sa sakayan, sobrang dami ng tao at siksikan. Nauna ka. Nasa likod mo lang ako. Inabot mo ‘yung kamay mo para maksunod ako sa’yo. Pero natakot ako. Baka biglang bitawan mo ko dahil sa hirap makipagsiksikan sa mga tao. Ilang saglit pa tayong naghintay. Ilang bus ang lumipas. Hanggang sa may dumaan at muntik pa nating mapalagpas. Buti nakahabol tayo. Salamat, sa wakas nakasandal at nakaupo.
               Gusto kong humaba ‘yung byahe. Kahit magbayad ng higit sa sampung pisong pamasahe. Ipinagdasal ko sa kahit sinong di nakikita ang pagtraffic sa Edsa. At kagaya mo, sana humaba ‘yung East Ave na kalsada. Para makasama ka ng mas mahaba.
               Nagdalawang isip ako kung isasandal ko ‘yung ulo ko sa balikat mo. Gustong gusto ko. Hanggang sa meron na lang tayong ilang minuto, nakapagpasya na ko. Smandal ako. At kagaya ng gusto ko, isindandal mo din ang iyong ulo. Ilang minuto, mistulang huminto ang pagtigil ng mundo, tumigil sa paggalaw lahat ng tao. Pababa na ko. Pinilit kong lumingon kaso hindi na kita nakita, natatakpan ka ng iba. Hanggang sa huling hakbang pababa, pinilit kong masilayan ka, ngunit hindi ko nagawa. Hindi kita nakita na nagdulot sa pagpatak ng mapait na luha.
0 notes