cedrieee
cedrieee
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
cedrieee · 2 years ago
Text
Kalimutan ang mga Problema sa Buhay sa Sinagtala!
Tumblr media
Ang Sinagtala Resort ay matatagpuan sa Orani Bataan. Ito ay isa sa mga pabaoritong puntahan ng mga tao kapag sila ay may planong lumangoy. Kilala ito dahil sa kaniyang kalawakan at ang mga ibat-ibang maaari mong sakyan sa kanilang tinatawag na “Adventure Park”. Ito ay aming pinuntahan para sa isang espesyal na okasyon, ang kaarawan ng aming nanay. 
Tumblr media
Sa iyong pagpasok sa Sinagtala, ikaw ay may matatagpuang isang malawak na lupain, puno ng mga maliliit na bahay kung saan maaari kayong pumasok sa isa ayon sa inyong nareserba. Sa aming karanasan dito, marami kaming nakilalang mga tao habang kami ay lumalangoy at nakasakay sa mga palaro sa Adventure Park. Sa lahat ng aking napuntahang resort, ang Sinagtala talaga ang aking pilit na babalik-balikan, dahil ito sa mga magagandang aktibidad na maaari mo magawa sa loob nito, hindi lang puro paglangoy.
Sa kalahating araw na kami ay narito, kaagad namin sinalubong ang kaarawan ng aming nanay, nilatag namin ang mga pagkain sa maliit na bahay at kumain. Matapos nito ay hindi kami nagpahuli, inuna namin ang mga aktibidad sa kanilang Adventure Park kagaya ng Skybridge, Zipline, Sky Swing, at ang Skybike. Kahit ako na may takot sa matataas ay napasabak dito. Dito talaga sa Sinagtala, makakayanan mo gawin ang mga akala mo ay hindi mo kayang gawin. Matapos naman dito ay lumibot kami sa napakagandang tanawin ng resort. Hindi talaga mauubos ang kagandahan ng resort na ito. Tunay naman na mabubusog ang ating mga kalooban sa aktibidad dito, at ang ating mga mata sa kagandahan ng tanawin dito kung saan maraming puwesto kung saan maaari ka kumuha ng iyong litrato na maganda.
Tumblr media
Sinagtala, ito lang talaga, kahit ako ay marami nang napuntahang resort, ito ang tumatatak sa aking isipan. Maaari ko rin masabi na dito ko natagpuan ang kasiyahan dahil sa tanawing mataas. Dito rin ako unang tumapang at sinubukang harapin ang aking takot sa matataas na lugar.
1 note · View note