jace-01
jace-01
imnottjc
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
jace-01 · 2 years ago
Text
MT. SAMAT: PAGLALAKBAY SA KASAYSAYAN SA DAMBANA NG KAGITINGAN
Tumblr media
Ang National Shrine at kasama ang Dambana ng Kagitingan sa tuktok ng Mt. Samat. Ang larawan na na sa taas ay sinipi mula sa internet. Travel Through Paradise (2018). Our visit to Mount Samat and Dunsulan Falls. https://travelthroughparadise.com/blogs/regions/central_luzon/bataan/pilar/blog_our_visit_to_mount_samat_and_dunsulan_falls.php
Ang Mt. Samat ang pinakamakasaysayang lugar sa probinsya ng Bataan na matatagpuan sa bayan ng Pilar. Ang bundok na ito ay mayaman sa kasaysayan halintulad sa mayaman nitong kapaligiran. Maraming karanasan ng digmaan ang naganap sa lugar na ito, at sa katunayan ito ang ginawang kuta at taguan ng ating mga ninuno laban sa mga hapong manlulusob. Matatapuan sa Mt. Samat ang National Shrine o Dambana ng Kagitingan, museo na rating taguan ng mga Pilipino, at mga sandata at kanyon na ginamit laban sa mga hapon.
Tumblr media Tumblr media
Aking unang napuntahan ang Mt. Samat noong ako ay sampung taong gulang pa lamang. Ito ay aming inakyat nang hindi sumasakay ng anumang sasakyan mula sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok, gayunpaman ito lang ay aming nilakad. And pag-akyat dito nang naglalakad ay magadang karanasan, sulit ang pagod sa pag-akyat ng matarik  sa paglanghap ng preskong hangin at makakita ng magandang mga tanawin.  Masaya ang aking karanasan na iyon sapagkat habang kami ay patungo sa tuktok, kaming mag-anak ay nakakapagbonding at nagkakatuwaan.  Sa aking musmos na isipan, ako na’y nabighani sa ganda ng Bundok Samat, mula sa yamang kapaligiran nito, maging sa mga estrtaktura na nakapagbibigay halaga sa ating mga ninuno  at lalo na sa nakaraan.
Tumblr media
Shrine of Valor o Dambana ng Kagitingan. Ang larawang nasa itaas ay sinipi mula sa internet. Spoken Vision. Art as a commemorative instrument: The Shrine of Valor in Bataan. https://travelthroughparadise.com/blogs/regions/central_luzon/bataan/pilar/blog_our_visit_to_mount_samat_and_dunsulan_falls.php
Ang Dambana ng Kagitingan ay may 302 ft. na taas, Naitayo ito noong taong 1970. Sa tanda ng istrakturang ito, hindi na pinapayagan ang mga turista na umakyat sa krus, sa kadahilanang ito ay may katandaan na: hindi na kayang mag at ang elevator nito ay mayroong diperensiya na rin. Ngunit sa apat na punta namin rito, ang dalawang unang magkasunod na beses ay aming naranasan ang pag-akyat sa loob ng krus. Ang pakiramdam sa loob nito ay mahangin at nakakamangha sa napakatarik na posisyon nito. Tunay na makapigil hiningang tanawin ang naghihintay sa itaas dahil lubos na matatanaw sa loob ng krus ang West Philippine Sea,  Manila bay at mga kalakip lugar ng Bataan.  
Tumblr media Tumblr media
Sa Mt. Samat, mayroong war museum na kung saan puro mga litrato at kwento ng digmaan, mga armas at kasuotan ng mga sundalo ang makikita. And museyong ito rin ang sinasabing naging taguan ng ating ninuno sapagkat ito ay underground  na istraktura. Ang museong ito ay kakaiba sa mga karaniwang museo sa bansa, sapagkat ito nasa ibaba ng lupa. Sa bawat aming pagpunta ng Mt. Samat, ang museo ang laging huling parte ng lugar na aming pinupintahan. Iba ang pakiramdam na naibigay nito sa akin sapagkat ang mga litrato o mga artifacts  na naririto ay siksik sa mga kwento ng nakaraan. Tila ay naibabalik ng mga ito ang kasaysayan kaya’t ako ay lubos na namamangha kahit ilang beses ko man itong mapuntahan.
Tumblr media Tumblr media
Sa kabuoan, masayang akyatin ang Mt. Samat lalo na’t kung kasama ang buong pamilya o mga kaibigan. Hindi lamang ito isang pook-pasyalan bagkus mayroon ka ring matututunan rito mula sa nakaraan. Ilang beses man akong nakapunta sa lugar na ito, hindi pa rin ako magsasawa sa ganda at yaman nito sa kasaysayan at kalikasan.
1 note · View note