Tumgik
cinderean · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Memories of us —
and the places we’ve been together —
Forget me not.
1 note · View note
cinderean · 2 years
Quote
What about when someone doesn’t need a shoulder? What if they need the arms?
x
799 notes · View notes
cinderean · 2 years
Quote
I wish I could have stayed in your life, but I was too much and not enough at the same time.
x
50K notes · View notes
cinderean · 3 years
Text
being known is being loved
“i know your pizza order” “you have freckles on your ears” “you make this face when you’re tired” “you order green tea on a good day black on a bad day” “you always make that face before you try something” “the tips of your ears turn red when you’re angry” “i knew you’d say something” “you must be exhausted to miss the class” “your favorite pie is pumpkin, right?” “i know your phone number, don’t worry” “you miss me, i can tell” “you fiddle with your pens when you’re bored” “you don’t like converse unless they’re high tops” “your favorite cereal is cinnamon toast crunch and you first ate it when you were 8”
being known is being loved.
163K notes · View notes
cinderean · 3 years
Text
ily, flaws & all.
Nu'ng nagsabi sa 'kin ang ate ko, couple years ago, na gusto niya magpa-helix piercing pero nagdadalawang-isip siya kasi baka magalit si inay, sabi ko:
"Sige girl, go. Wala naman na magagawa ang inay kapag nagawa mo na. Hehehe. *wink wink*"
At pag-uwi niya nu'ng araw na magpa-piercing siya, nagtampo nga ang inay.. Pero syempre, wala na rin sya nagawa. Hahaha! Mahal ka namin, inay! (Ayoko sana magpaka-hipokrita kaya inaamin ko pong apaka walang kwenta nu’ng advice kong ‘yon :( hahaha! So this is a friendly reminder na ‘wag nating i-push gawin ang isang bagay dahil lang alam nating wala nang magagawa ‘yung tao kapag nagawa na natin..)
Bale, wala talaga 'yang masyadong koneksyon sa sinusulat ko. Hahahaha! Gusto ko lang i-highlight na habang walang kwenta 'yung binigay kong advice sa ate ko, nu'ng time na nag-rant ako dahil may sinabi 'yung crush ko na ang yabang ng dating at gusto ko ma-turn off, sabi naman sa 'kin ng ate ko:
"Hayaan mo na. 'Yung iba din, may yabang. Eh di 'yung crush mo na lang, diba?"
It was an unsolicited and mediocre advice. Pero nu'ng pinag-contemplate-an ko, it made so much sense.
Naalala ko, oo nga pala, kapag pumipili tayo ng taong mamahalin, kasabay nating pinipili 'yung flaws ng taong 'yun. Kumbaga, oo nga, mayabang nga si Juan, ayaw natin ng gano'n kaya iniwan natin siya.. 'Yung bago natin, si Pedro, mayabang din pala. Baka nga, "mas" pa.. I mean, just when we thought we dodged a bullet, here comes another bullet - na magpapa-realize sa 'ting, hindi natin pwedeng takasan na lang lagi ang mga bagay-bagay dahil lang hindi tayo komportable dito. O hindi natin ‘to gusto. O hindi tayo sigurado.
Bakit nga ba madalas kapag may nadi-diskubrehan tayong ayaw natin, gusto nating umalis? I mean, I get that we tend to look for someone better, perfect pa minsan. And it’s okay, naniniwala akong pipiliin natin who we believe is the best for us. Pero sa kabilang banda, paano kung mapupunta din pala tayo kay Pedro, hindi ba sana niyakap na lang natin nang buo si Juan? Gaya ng kung paano rin natin gugustuhing yakapin tayo ni Juan? Kasi at the end of the day naman, we are all flawed, diba. But.. we are all valuable. And we all need someone who won’t take our flaws against us. Instead, gagamitin ng someone na ‘yun ‘yung flaws natin upang mahalin at alagaan tayo lalo.
Sabi nga, love is not a feeling daw. It’ s an everyday choice to stay, for better or for worse.
Kasi ‘yung mga shortcomings and imperfections naman, inevitable eh. Masasaktan at masasaktan talaga tayo kasi nandyan talaga ang mga ‘yan even when we're doing our best. But in spite of that, choosing the same person everyday just proves that love is stronger than that person's imperfections! And how comforting it is to realize na we are loved by someone,
flaws and all.
3 notes · View notes
cinderean · 3 years
Text
Lagi na lang ako iniiwan dahil hindi raw nila ako deserve.. May deserve daw akong better.. Well, thank you and maybe, it is true. Nakaka-flatter pero.. napapaisip din ako.
Na mas masakit pala kapag iniiwan sa gano’ng dahilan. Kasi parang mas masakit na sampal lagi ‘yung kahit anong buhos ko ng pagmamahal at pag-aalaga, ang ending, iniiwan din ako dahil may mas deserving daw ng love ko.. O iniiwan ako dahil mahal na mahal daw ako..
Minsan naiisip ko, hindi ba dapat umaalis kasi hindi na mahal, o hindi na masaya, o dahil madaming pagkukulang? Hindi ba pwedeng sila ‘yung maging “better” na sinasabi nila para ma-deserve ang pagmamahal ko? Hindi rin naman ako perfect so, bakit hindi pwedeng ma-deserve namin ang isa’t isa? Bakit?
Lagi na lang..
1 note · View note
cinderean · 3 years
Text
When you asked me to stay, I stayed. But when I was the one who needed you to stay, you walked away.
0 notes
cinderean · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
24 on the 24th.
0 notes
cinderean · 3 years
Text
“1897 Mayo 1
Mahal kong Oryang,
Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang ulit na ihaharap sa pulang bandila. Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan, Oryang. Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang mga tula. Maging ang bulong at buntung-hininga’y magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa. Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaan mong ang halakhak at sigaw ng ating mga kasamahan ay sa akin rin. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako’y mananatili sa iyong piling. Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng bayan, tayo’y mananatiling katipun, kawal, at bayani ng ating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali at gabi upang sa muli mong paggising ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma. Hindi ko man hawak ang bukas, nais kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka. At kung magkataong ako’y paharapin sa ating anak na si Andres, buo ang loob kong haharap sa kanya at sasabihin ko sa kanyang mali ka. Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.
Ikaw ang aking bayan, Andres”
0 notes
cinderean · 3 years
Text
it’s the smallest habits. how you spend your mornings. how you talk to yourself. what you read. what you watch. who you share your energy with. who has access to you. that will change your life.
63K notes · View notes
cinderean · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
275K notes · View notes
cinderean · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
: "Love, bakit hindi ka madalas magsabi ng 'I love you' sa 'kin?"
Sa loob ng dalawang taong pagsasama namin, ngayon lang ba niya napansin? Or ngayon lang siya nagka-lakas ng loob itanong sa 'kin?
It's not because words of affirmation is not my love language, but because having said "I love you" too many times before sa previous relationship ko -- tipong bina-babble ko na lang out of nowhere or kaya automatic ko na lang siyang nilalagay sa hulihan ng bawat good morning, good night at random messages ko --
: "Mas gusto ko na lang sabihin ang ‘I love you’ ngayon, sa mga moments na nararamdaman ko talagang nagmamahal ako. I mean, I love you all the time... It's just that, mas gusto ko na lang siyang sabihin sa mga pagkakataong.. sobrang na-miss kita at nagkita ulit tayo after nating matagal na hindi nagkita.. Or in between our kisses.. Or when you effortlessly uplifted my mood sa araw na sobrang badtrip ako.. Parang ang sarap niya sabihin habang nanonood tayo ng sunset, o kaya kahit simpleng umuulan lang.. Nagde-date man tayo nang bongga, o simpleng nagku-kuwentuhan lang.. O kaya ‘pag sumasakit ang puso ko kapag nakikita kong nalulungkot ka.. Ayoko lang magmukhang walang difference ‘yung ‘I love you’ ko sa ‘yo sa araw-araw, sa ‘I love you’ ko ‘pag masaya talaga ‘yung puso ko. Gusto ko na lang siya sabihin sa mga moments na heightened ‘yung emotions ko."
Tiningnan ko siya, nakatingin lang siya sa 'kin, nakikinig.
: "Ayoko sanang sabihin 'to kasi baka tumigil ka magsabi ng ‘I love you’, tapos sasabihin mo, ‘Sige, ako rin’. Eh.. ayoko. I love hearing and reading those words from you. Pero syempre, ayoko rin namang patuloy mo lang silang sasabihin dahil lang inamin kong I love hearing and reading them. Ayoko ring mafeel mong obligado kang sabihin sa 'kin 'yun araw-araw. Pero mas lalong ayokong itigil mo dahil ganito 'yung sinabi ko. Mas gusto ko pa ring ipakita mo 'yung pagmamahal mo sa paraan kung paano ang alam mong pagmamahal."
Ngumiti siya sa 'kin. 'Yung ngiting naliliwanagan.
: "Sorry din kasi alam ko may mga taong nalulungkot talaga kapag hindi nasasabihan o naibabalik ang ‘I love you’. Ikaw, alam ko nalulungkot ka.. Pero thank you kasi hindi mo 'ko inaaway. Thank you kasi kahit ngangayon ka nagtanong, at ngangayon ko sinabi, alam kong sa loob ng dalawang taon, naintindihan mo 'ko."
: "I love you..”
: “At kapag sinasabihan mo ‘ko ng ‘I love you’.. Minsan, sasagutin ko ng ‘Thank you!’ kasi totoo namang thankful akong may nagmamahal sa ‘kin. Minsan, sasagot ako ng ‘I love you more!’ kapag feeling ko mas minamahal kita kaysa minamahal mo ‘ko. Minsan, tutuksuhin kita ng tanong na ‘Really?’ kapag wala lang, nagpapa-cute lang ako. Minsan, sasagutin kita ng ‘Dapat lang!’ kapag nang-aasar ako. O kaya minsan, ngumingiti lang ako. See, the thing about ‘I love you’ is that, hindi siya tanong na kailangan may sagot. Hindi siya dependent clause na kailangang may kasundo para mabuo. Hindi siya sinasabi para lang marinig pabalik. Hindi siya ibinabalik dahil lang dapat siyang ibalik.”
: “I.. love you.”
: “Really? Dapat lang! Thank you! I love you more! *ngiti*”
Then we shared a good laugh. And sealed the night with a kiss.
0 notes
cinderean · 4 years
Text
I am a detailed storyteller.
Ako 'yung tipong 'pag nagkwento, simula talaga sa pinagka-puno't duluhan, so tendency, mahaba ang intro. Hehe. Ayoko lang talaga dumiretso agad sa pinaka-gist tapos ang daming maiiwang tanong. Pero syempre, hindi ko naman hahabaan ang intro kung alam kong walang sense at hindi konektado sa pinaka-pinupunto ko. O kaya pag alam kong nagmamadali 'yung tao, hindi na 'ko mag-eeffort mag-intro, ganern.
One time nagkwento ako sa isang classmate ko nu'ng college. Wala naman kaming ginagawa no'n kaya akala ko okay lang magkwento ako sa kanya. Kaya lang nu'ng sunod na beses na magku-kwento ako, sabi niya sa iba naming kaklase, "Si Rean, iku-kwento lang niya 'yung nangyari sa kanya nu'ng gabi, pero sisimulan niya sa nangyari mula umaga."
At du'n ko nalaman na, bes, nainip siya sa kwento ko hahaha! Actually, pabiro naman niya sinabi kaya natawa ako, pero somehow, na-sad pa rin ako. It got me thinking na, hindi talaga lahat ready makinig sa 'yo, wala man silang ginagawa o hindi man sila nagmamadali. Or minsan baka ayaw lang talaga nila ng maingay. Hahaha! Sorry na.
Noon, ang pinipili ko lang talaga nang husto ay ang mga iku-kwento ko. Pero simula nu'ng mangyari 'yon, naging mapili na rin ako sa mga pinagku-kwentuhan ko. Mas naging aware na 'ko sa mga taong nagke-care talaga, meron man o walang kwenta ang mga sinasabi ko, at willing makinig sa 'kin, gaano man kaikli o kahaba ang mga kwento ko.
Thank you! ♡
1 note · View note
cinderean · 4 years
Text
Find a soul that doesn’t lose appreciation once they are used to you.
178K notes · View notes
cinderean · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sige na.. Patawarin mo na ang sarili mo, sa mga naging desisyon mo noon.
Lumaki ako sa kwento ng nanay ko na she married her first, and only, boyfriend. Kaya bata pa lang ako, pinangarap ko na ring kung sinong unang magiging boyfriend ko, gusto ko siya na rin pakakasalan ko. Pero nu'ng tumuntong akong high school, dala ng excitement sa mga bagong taong nakikilala, napalapit ako sa isang lalakeng dalawang classroom ang layo sa 'kin. Naging malapit kami.. sa text. Sobrang malapit na pagkatapos ng halos isang buwang pagte-text, nag-"I love you" na siya.. sa text. At ang lola mo, nag-"I love you, too".. sa text. Since siya ang supposed first and last boyfriend ko, kamusta na kami ngayon, you ask.
Welp.. we didn't end up together.
The way I understand "love" habang mas nagma-mature ako, sabi ko, parang.. nasayang 'yung "I love you" ko noon. Sabi ko, ang bigat nga pala talaga ng weight ng phrase na 'yon, bakit ba basta ko na lang binitawan noon? At matagal ko ring sinisi ang sarili ko for that. Sabi ko, sayang kasi at that age, parang we never really meant it. Sabi ko pa, ayoko siyang i-consider as "first boyfriend" kasi parang hindi naman talaga namin minahal ang isa't isa, puppy love lang talaga. Kahit ang totoo naman, ayoko siyang i-consider as "first boyfriend" kasi gusto kong i-convince ang sarili ko na posible pa ring mangyari ang isa sa mga simpleng pangarap ko nu'ng bata pa ako. All the while, minaliit ko 'yung naramdaman namin. Pero I've come to realize na.. hindi dapat.
Kasi binalik ko 'yung "I love you" sa kanya dati kasi 'yun 'yung nag-describe ng naramdaman ko noon. 'Yun 'yung definition ng "I love you" para sa 12-year-old self ko. Hindi porke iba na ang paniniwala ko sa love ngayon, hindi ko na ia-acknowledge ‘yung “love” para sa amin noon. Impulsive man o hindi, desisyon ko pa ring bitawan ang mga salitang 'yon. Pambata man o hindi, alam kong I cared for him sa paraang naiintindihan ko noon.
Sige na.. Patawarin mo na ang sarili mo, sa mga naramdaman mo noon.
I was a hardcore achiever nu'ng elementary. Nu'ng mag-high school, since mas lumawak na ang mundo, nakaramdam ako ng takot na hindi ko kakayaning makipagsabayan sa mga tao sa paligid ko. Since sabi nila, masaya raw ang high school, sabi ko gusto ko na lang rin mag-enjoy. Pero hindi super enjoy na hindi ko na seseryosohin ang pag-aaral, pero hindi rin naman super seryoso na makakalimutan ko nang mag-enjoy. Sabi ko, ise-set aside ko na lang muna ang goals ko academic-wise. Naaalala ko, shinare ko pa 'yun sa nanay ko, sabi ko sa kanya, gusto ko na lang at least ma-maintain na nasa first section ako. And at the same time, nage-enjoy ako.
Nag-struggle ako sa isang subject nu'ng 3rd year high school at nag-manifest 'yon pagtuntong ng 4th year at nalipat ako sa second section. A week before magsimula ang pasukan, ‘yung araw na maglabas ng sectioning ang department namin.. Oh, that day broke my heart. Naaalala ko nu'ng umuwi ako, tumakbo agad ako sa nanay ko at umiyak. Tapos 'yung first day bilang nasa second section ako, naiyak din ako kasi reality hits hard. Nakakahiya kasi feeling ko tuloy ang naging first impression sa 'kin ng mga bagong kaklase ko, OA ako (which is true). Hahaha! Pero nakaka-touch kasi sobrang naging warm pa rin nila.
Looking back, sabi ko.. BWISET. Hahaha! Napaka-immature ko para iyakan 'yon. Para section lang?! Katapusan na ba ng buhay ko noon?? Legit na dumating 'yung time na ikinakahiya ko ang sarili ko kapag naaalala ko 'yon. Pero.. 'yun na nga siguro ang naging tingin ng mga tao sa 'kin noon eh, sila pa ba ang agree-han ko kahit alam ko sa sarili kong nasaktan talaga ako?
Sabi ko, hindi.. Hindi maling umiyak ako noon kasi 'yun 'yung alam kong accurate expression ng naramdaman ko. 'Yun 'yung heartbreak para sa 15-year-old self ko. Hindi porke naka-graduate na 'ko ng kolehiyo, may karapatan na 'kong maliitin 'yung pag-iyak ko noon dahil "lamang" sa section.
Sige na.. Patawarin mo na ang sarili mo, sa mga nasabi mo noon.
May kaibigan akong nakapagkwento sa 'kin noon ng not-so-good experience niya sa crush ng naging crush ko nu’ng 4th year high school ako. Dapat labas na 'ko sa kung ano mang istorya ang meron ang kaibigan ko at ang crush ng crush ko, or sa kung anumang istorya ang meron ang crush ko at ang crush niya. Pero 'yun nga, dahil nag-"selos" ako noon, medyo nakisawsaw ako. Sinabi ko sa crush ko 'yung experience ng friend ko sa crush niya, with the motive at the back of my mind, na ma-off 'yung crush ko. But instead.. naging mag-boyfriend/girlfriend sila. Napakalungkot ko naman pala noon para maisip na kapag na-off 'yung crush ko sa crush niya, automatic sa 'kin siya magkakagusto? Hahahay. Patunay sa sinabi ko dito noon na hindi natin makukuha ang mga tao o ang mga bagay by crook!
But more than anything else, mas nangibabaw 'yung amazement ko sa crush ko sa sense na, buti na lang hindi siya nakinig sa 'kin. Feeling ko nasabi ko na ‘to dito dati pero du’n tayo sa mga taong sinusubukang kilalanin ang isang tao sa POV niya at hindi basta naniniwala sa comment ng iba. After two years noon, mag-jowa pa rin sila and I heard from a mutual friend, na galit pala sa 'kin si girl dahil sa nasabi ko.. Which I fully understand kasi there really are words that would just stick with you. 
Na-guilty ako nang sobra no'n, kasi sa totoo lang, naging magkaibigan rin talaga kami ni girl. Kaya nahihiya man, pinush ko pa ring makapag-message sa kanya noon saying sorry sa nasabi ko at naramdaman niya. But somehow, I didn't feel the need para mag-sorry sa naramdaman ko kahit obviously, wala akong karapatang magselos sa kanila noon. Hindi porke masaya na ‘ko ngayon, pwede na ‘ko magalit sa 16-year-old self ko dahil sa nasabi ko out of “selos” na alam ko noon.
Sige na.. Patawarin mo na ang sarili mo, sa mga nagawa mo noon.
Nagawa n'yo na bang umiyak sa harap ng prof n'yo? Ako, hindi pa. Pero nagawa ko nang umiyak sa harap ng dean ng college department namin noon. Hahahaha! Haaay, sobrang napapa-facepalm na lang ako kapag naaalala ko 'yon. Tanda ko medyo inuuhog pa ako habang umiiyak at ine-explain sa kanya kung paano ako na-mental block sa exam and.. the rest is history.
Naalala ko, dumating 'yung time na iniiwasan ko talagang makasalubong 'yung dean namin sa corridor dahil nahihiya ako sa kanya. Feeling ko kasi kapag nakita niya ako, automatic magfa-flashback sa utak niya 'yung itsura ko nu'ng time na 'yon. Lol. Pero anumang facepalm ang gawin ko, hindi porke okay na ‘ko ngayon eh pwede ko nang ikahiya ang 19-year-old self ko sa mga nagawa ko sa isa sa mga adversities ng buhay ko noon.
Ugh.
I hated myself for these moments kasi pag ni-look back, cringey. Ngayon, cringey pa rin syempre hahaha pero may pagka-proud na ‘kong nararamdaman dahil nakakaya kong ipakita ang tunay na nararamdaman ko. Dang, I’ve been wearing my heart on my sleeve since then.
So 'yun nga, mga kapatid. If may experience man kayong pareho, mas light, or mas malala sa mga nabanggit ko.. Mula sa umiyak ka man noon dahil sa simpleng sugat, tandaan mong umiyak ka kasi nasaktan ka talaga. Hanggang sa tingin mo man ay nasayang lang ang oras mo kaiiyak sa taong hindi pala worth it ng luha mo, maalala mo sanang iniyakan mo siya kasi totoong napasaya ka niya. Gaya ng paulit-ulit kong pinupunto sa post na 'to: Hindi natin kailangang i-invalidate ang naramdaman natin noon dahil lang irrelevant na siya sa buhay natin ngayon. Napagdesisyunan, naramdaman, nasabi, at nagawa natin 'yung mga bagay na 'yon noon kasi.. tao lang tayo. Haha. At ngayon, it is what it is.
Sige na.
8 notes · View notes
cinderean · 4 years
Text
im on tumblr bc im a romantic this energy doesnt exist on any other platform
155K notes · View notes
cinderean · 4 years
Conversation
1 year ago..
Him: Lagi na lang ako. Hahaha!
Me: Yaan mo na, wala ka namang girlfriend. Kaya wag ka muna maggi-girlfriend ah. Hahaha!
Him: Eh paano kung gusto ko na mag-girlfriend?
Me: Pag may girlfriend ka na, out na 'ko.
Him: Eh paano kung ikaw ang gusto ko i-girlfriend?
1 year later..
May girlfriend na siya!!!
Pero hindi ako.
4 notes · View notes