Tumgik
#Reanspeaks
cinderean · 3 years
Text
ily, flaws & all.
Nu'ng nagsabi sa 'kin ang ate ko, couple years ago, na gusto niya magpa-helix piercing pero nagdadalawang-isip siya kasi baka magalit si inay, sabi ko:
"Sige girl, go. Wala naman na magagawa ang inay kapag nagawa mo na. Hehehe. *wink wink*"
At pag-uwi niya nu'ng araw na magpa-piercing siya, nagtampo nga ang inay.. Pero syempre, wala na rin sya nagawa. Hahaha! Mahal ka namin, inay! (Ayoko sana magpaka-hipokrita kaya inaamin ko pong apaka walang kwenta nu’ng advice kong ‘yon :( hahaha! So this is a friendly reminder na ‘wag nating i-push gawin ang isang bagay dahil lang alam nating wala nang magagawa ‘yung tao kapag nagawa na natin..)
Bale, wala talaga 'yang masyadong koneksyon sa sinusulat ko. Hahahaha! Gusto ko lang i-highlight na habang walang kwenta 'yung binigay kong advice sa ate ko, nu'ng time na nag-rant ako dahil may sinabi 'yung crush ko na ang yabang ng dating at gusto ko ma-turn off, sabi naman sa 'kin ng ate ko:
"Hayaan mo na. 'Yung iba din, may yabang. Eh di 'yung crush mo na lang, diba?"
It was an unsolicited and mediocre advice. Pero nu'ng pinag-contemplate-an ko, it made so much sense.
Naalala ko, oo nga pala, kapag pumipili tayo ng taong mamahalin, kasabay nating pinipili 'yung flaws ng taong 'yun. Kumbaga, oo nga, mayabang nga si Juan, ayaw natin ng gano'n kaya iniwan natin siya.. 'Yung bago natin, si Pedro, mayabang din pala. Baka nga, "mas" pa.. I mean, just when we thought we dodged a bullet, here comes another bullet - na magpapa-realize sa 'ting, hindi natin pwedeng takasan na lang lagi ang mga bagay-bagay dahil lang hindi tayo komportable dito. O hindi natin ‘to gusto. O hindi tayo sigurado.
Bakit nga ba madalas kapag may nadi-diskubrehan tayong ayaw natin, gusto nating umalis? I mean, I get that we tend to look for someone better, perfect pa minsan. And it’s okay, naniniwala akong pipiliin natin who we believe is the best for us. Pero sa kabilang banda, paano kung mapupunta din pala tayo kay Pedro, hindi ba sana niyakap na lang natin nang buo si Juan? Gaya ng kung paano rin natin gugustuhing yakapin tayo ni Juan? Kasi at the end of the day naman, we are all flawed, diba. But.. we are all valuable. And we all need someone who won’t take our flaws against us. Instead, gagamitin ng someone na ‘yun ‘yung flaws natin upang mahalin at alagaan tayo lalo.
Sabi nga, love is not a feeling daw. It’ s an everyday choice to stay, for better or for worse.
Kasi ‘yung mga shortcomings and imperfections naman, inevitable eh. Masasaktan at masasaktan talaga tayo kasi nandyan talaga ang mga ‘yan even when we're doing our best. But in spite of that, choosing the same person everyday just proves that love is stronger than that person's imperfections! And how comforting it is to realize na we are loved by someone,
flaws and all.
3 notes · View notes
cinderean · 6 years
Text
Bawat tick, bawat tock.
Naging hype din 'yung kantang "Di Na Muli", diba? At eto na naman ako sa galit ko sa mga kantang nagiging hype, na feeling ko hindi na nananamnam ng karamihan 'yung lyrics ng kanta. Kaya di ko alam kung natamaan ka rin but when Itchyworms said "ang oras kapag hinayaang lumipas, madarama mo hanggang bukas, di mababawing muli", I felt that..
Legit. Ramdam ko hanggang ngayon ang epekto ng mga oras na pinalipas ko lang. Na I feel helpless kasi alam ko namang hindi ko na sila mababalikan pang muli. Na natatawa na lang ako ngayon dahil sobrang sinayang ko nga pala 'yung oras ko kakahilata, walang ginagawa. Pero ayoko ring sisihin ang sarili ko dahil sa mga panahong 'yon, siguro kinailangan ko talagang huminga at palipasin ang oras na humihinga lang.
Ako lang ba? Or normal talaga na as we age, mas nagiging conscious tayo sa time, na sobrang crucial para sa atin maski ang isang oras? Lalo na siguro pag working na tayo, 'no? Kasi bawat segundo, piso, ganern. Kasi nu'ng bata tayo diba, "live while we're young" lang motto natin. Pero ngayon, aware na tayong importante pala talaga kahit ang mga segundo. At siguro nga, ang mga importanteng bagay, madalas we take them for granted. Kaya saka lang natin mare-realize na naging sobrang yaman pala natin noon sa oras, namumulubi lang tayo ngayon kasi hindi natin sila in-invest sa tamang mga bagay.
Pag hinihintay, ang bagal.
Pag hinahabol naman, ang bilis.
See, hindi natin kakampi ang oras.
Pero wag mo sanang kalimutang hindi rin natin ito kaaway.
So, in case naggagahol ka ngayon, or may hinihintay, gusto ko lang ipaaalalang kaya mo 'yan! Trust me, I've been there.. and I'm still there. At para makaalis, kailangan ko nang baguhin 'yung thinking kong "I have all the time in the world", ASAP.
Because the biggest trouble we tend to overlook is we think we have time.
But.. what if we don't?
1 note · View note
cinderean · 7 years
Text
19 Life Lessons I've Learned In 19 Years
1.) Be the better and the bigger person. 2.) Don’t worry about hitting the rock bottom. The good thing about it is there’s only one way left to go. 3.) Don’t let it get to you. Forgive yourself for your mistakes. 4.) You can’t always have the best of both worlds. But trust me, it’s okay. 5.) Train your mind to see the good in everything. See things differently by looking at them from a different angle. 6.) Learn how and when to say “no”. It doesn’t make you a bad person. 7.) People will permanently be temporary. 8.) Once in a while, buy yourself flowers for no reason at all. 9.) Reward yourself with a box of pizza and a pint of ice cream. 10.) Keep it on the inside because that’s the safest place to hide. 11.) You’re never too old to get excited about your crush. 12.) Don’t be easy to define. Let them wonder about you. 13.) Invest in Sunday dresses. 14.) Believe you have what it takes. But work hard in silence and stay low key. 15.) Everybody has toxic friendships. And if you find yourself in one, it’s okay to leave. 16.) Keep secrets. 17.) People are pretty harsh online. Shake them off. 18.) Sometimes, you just gotta redeem yourself. Nanakorobi yaoki. 19.) Stay and fight. The Lord will fight with you.
3 notes · View notes
cinderean · 6 years
Text
Sana today..
Sa pagsakay mo ng jeep..
Sana mag-"thank you" ka sa taong inabot ang bayad at sukli mo sa jeep para mas ganahan silang sumuyo ng bayad ng iba.
Sana abutin mo rin nang bukal sa loob ang bayad nila.
Sana magkusa ka ng usod sa jeep pag alam mong may sasakay dahil alam kong maiinis ka rin kung sakaling ikaw yung uupo pero parang tuod ang mga pasahero.
Sa pagtawid mo ng kalsada..
Sana hintayin mong mag-green 'yung stoplight at gamitin mo ang pedestrian lane lalo na kung hindi ka naman nagmamadali.
Kung pupunta kang mall..
Sana willingly mo buksan ang bag mo kapag nakita mong may guard na nagche-check ng bag kasi hayaan mo na, ginagawa lang naman nila trabaho nila.
Sana mag-"good morning/afternoon/evening" ka pabalik sa mga saleslady sa mall kasi feeling ko gumagaan ang loob nila sa gano'n since buong araw silang nakatayo.
Sana sundin mo 'yung "walk" or "stand" sa escalator kasi wala namang mawawala kung susundin mo 'yon, diba.
Sana ngitian mo 'yung guard na binuksan ang pinto para sa 'yo sa kung saan mang fastfood chain or mall.
Kung kanino man..
Sana mag-"you're welcome" ka pag may nag-"thank you" sa 'yo.
At sana today, mapansin mo na 'yung mga bagay na hindi mo madalas napapansin kasi akala mo normal lang sila dahil nakasanayan mo na.
Small things, right? But they could go a long way.
Good morning! 🍃
0 notes
cinderean · 7 years
Text
Dalawang salitang tig-apat na letra.
Pag may nagtatanong sa ‘kin kung kamusta na ako, ang weird kasi no'n ko pa lang din maiisip kung kamusta na nga ba ako..
Pero dahil biglaan ‘yung tanong, isasagot ko ‘yung number 1 na sagot ng mga tao kapag may nangangamusta:
“Okay lang..”
Naisip ko tuloy, for some reason, na kapag ‘yung tipikal na “okay lang” ang sagot mo, saka mo lang din malalamang hindi ka talaga okay.. Diba? Parang sa pagkain din, pag tinanong ka kung masarap ba o hindi, pag sinagot mo “okay lang”, ibig sabihin, di ka talaga nasarapan. I mean, lagi na lang okay lang.. Pero, okay lang ano? Gaano nga ba ka-okay ang “okay lang”?
Ako siguro, “okay lang” dahil alam ko naman sa sarili kong hindi ako super saya. At “okay lang” kasi hindi rin naman ako malungkot. Pero hanggang saan ang limit no'n? Gaano katagal akong “okay lang”?
Wala naman~ Realization ko lang was baka talagang kailangan din tayong masanay na kinakamusta ang ating sarili from time to time. Para lang makita natin ang progress natin. Kasi kung mananatili tayong kasapi ng Samahan Ng Mga Taong Okay Lang, ibig sabihin, something’s not right. Maybe we’re doing it wrong.. And we’ve got to do something about it.
Anyways, kamusta? :)
PS. Oh, wag mong sasabihing okay lang. Hahaha!
0 notes
cinderean · 8 years
Text
Usapang bashers.
This world is so cruel and the people are so mean. Ayoko sanang maging somehow cynical pero.. ewan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi mapataas ang kilay sa mga ganap ngayon at sa kung paano mag-respond ang mga tao dito.
Sobrang misuse na ng social media. Dati, nag-uumapaw ang perks ng paggamit nito dahil sa konting pa-click click lang, nagagawa na nating makipag-communicate sa mga taong malalayo sa atin. Pero habang tumatagal, di lang natin napapansin, unti-unti na pala tayong binabago nito.
Marami kang makakasalamuhang maangas - kaliwa’t kanan, ultimo sulok - sa social media. Sakaling makapagbigay ka ng opinyon na salungat sa kanila o makagawa at makapag-post ng konting kamalian, nakahanda sila para kutsain ka, laitin, husgahan, pagsalitaan ng hindi maganda, at kung anumang trip nila. Biktima at suki na ang kanilang sadyang pangunahing puntirya - ang mga taong bukas na libro ang mga buhay.. walang iba kundi ang mga artista. Ang mga artistang walang malay.
I don’t think I will ever understand kung bakit kailangang mang-hate ng isang tao. I mean, paano ka nakakatulog nang maayos na alam mo sa sarili mong nag-iwan ka ng isang hate comment sa isang taong hindi mo naman kilala personally? Paano mo magagawang murahin at i-disrespect ang isang tao sa social media lang?? Kung talagang sa tingin mo ay makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang galit mo at kung talagang may ipinaglalaban ka, aba, eh wag kang manggigil sa keyboard lamang ng phone mo. Walang mangyayari kung ‘yan lamang ang pagbubuntunan mo.
Sabagay, gano'n naman kasi yata talaga. Matapang lang ang tao pag hindi nakikita ang kalaban. Pag nakatago ang tunay niyang pangalan sa kanyang username. Pag nakatago sa litrato ng kung sinuman o anuman ang tunay niyang mukha. Pag nakatago sa isang social account ang tunay niyang pagkatao. Hindi ko lang talaga maintindihan eh, kung bakit ba may mga hate comments pa sa comment section sa YouTube. O sa Instagram. O sa Facebook, sa Twitter, o sa kahit saan. Kasi diba, bakit mo naman pag-aaksayahan ng oras panoorin o magagawang puntahan pa ang account ng isang tao at tingnan ang mga pictures nito, kung ayaw mo naman sa kanya in the first place? It doesn’t make any sense. Lalo na’t hindi naman tayo nire-require na mag-iwan palagi ng comment sa lahat ng videos na mapapanood natin o sa lahat ng pictures na makikita natin.
Hindi ko rin naman po nila-lahat. Meron din kasing mga fans na nagiging mang-aaway lang bigla dahil pinagtatanggol nila ang kanilang mga idolo. Pero kailangan bilang faney, alam mo at tanggap mo ang weakness at flaws ng idol mo para kung sakaling may mag-pinpoint nito, hindi ka na maapektuhan. If ever namang hindi totoo ang ipinaparatang sa idol mo, i-block mo na lang. Kung bastos ang sinabi, report mo. Laging may paraan na mas matiwasay. Kasi kung papatulan mo ‘yan sa pakikipag-comment, hindi kayo matatapos, hahaba lang ang diskusyon ninyo.
We’ll never know naman talaga kung sinu-sino ang maaari nating makabunggo at makalaban sa mundo ng social media. Malay mo, ‘yung inaaway mo, future biyenan mo pala. O kaya, ‘yung ino-okray mo, future Miss Universe pala. O ‘yung pinagsalitaan mo nang hindi maganda, future Presidente pala.. Kung akala natin mahirap nang bawiin ang mga salitang nasabi natin, mas mahirap bawiin ang mga pamba-bash na pino-post natin.
Think before you click, mga kapatid.
0 notes
cinderean · 8 years
Text
Nasa-satisfy ka ba kapag nakakaganti ka?
Oh. Ang powerful ‘no? Ang simpleng tanong lang naman pero para bang isang malakas na sampal. Isang malakas na sampal na hindi mo inaasahan. Tapos syempre, dahil hindi mo inaasahan, sobra 'yung naging pagpaling ng ulo mo. 'Yung halos mabali na 'yung leeg mo? Ganern!
Pero de, seryoso nga. Nasa-satisfy ka ba pag nakakaganti ka? Naco-compensate ba 'yung pain na nararamdaman mo? Nare-reimburse ba sa paraan na gusto mo? Naghi-heal ka ba? O sumasaya? Natatanggal ba 'yung lungkot mo? O feeling mo may nafi-fill kang something na nawala sa 'yo?
Pero sa tingin ko, innate characteristic na ng mga tao 'yon. 'Yung pag nasaktan tayo, gusto nating maranasan din nu'ng taong nanakit sa 'tin 'yung naramdaman natin. Medyo harsh 'no? Pero totoo. Maganda at simpleng example siguro eh nu'ng mga bata pa tayo. Pag halimbawa, hinampas tayo ng kapatid natin, o kalaro, o kung sinuman. Automatic, gaganti rin tayo ng hampas. Minsan nga mas nilalakasan pa natin 'yung ganti nating hampas eh. Tapos syempre, 'yung ginantihan natin, gaganti ulit kasi mas malakas 'yung hampas mo. Tapos pag gumanti ka ulit, gaganti ulit siya. Walang katapusang gantihan hanggang sa mauwi sa seryosohang sakitan. Titigil na lang pag pumapalahaw na sa iyak 'yung isa tapos nagsumbong sa nanay. Hahaha! Pero hindi ko alam kung naka-relate ba kayo o baka likas na amazona lang talaga kami ng ate ko kasi medyo ganyan kami. Medyo lang naman. Lol.
Pero 'yun nga. Revenge, I think, is an immature approach. Kaya ang naging example ko ay nu'ng mga bata pa tayo eh. Kasi mas immature at mas impulsive tayo noon. Kung anong pumasok sa isip, push na agad. Di na natin naiisip na mas lalala ang sitwasyon pag talagang nagkakasakitan na tayo. Pero ngayong malalaki na tayo, o matatanda na tayo, mas malawak na 'yung understanding natin sa mga bagay bagay. At pag mas malawak na ang understanding natin, madali na lang ang pagtanggap.
Ang post na 'to ay hindi lang advice kundi reminder ko rin sa sarili ko. Hindi ako maghuhugas-kamay dahil alam ko naman sa sarili ko mismo, na nagkakamali rin ako. So, 'yun. Ang pagganti sa masamang paraan (kasi may pagganti namang mabuti), ay hindi necessary. Yes, may iba’t ibang bigat ng pain tayong nararamdaman pero hindi tayo no'n binibigyan ng karapatan na manakit rin ng iba. Tama talaga ‘yung kasabihang, minsan mas okay na 'yung tayo na lang ang nakaranas kaysa maranasan pa ng iba. Ang martyr pakinggan, pero tama naman, diba? ;)
0 notes
cinderean · 8 years
Text
18 things I’ve learned in 18 years.
1. Master the art of contentment. As the saying goes, happiness will never come to those who don’t appreciate what they already have.
2. Aim high, but always keep your feet on the ground.
3. Do yourself a favor: Love your eyes.
4. Don’t hang your heart on things.
5. Never hold grudges. A forgiving heart is a happy heart.
6. In everything you do, put God first.
7. Positive thinking doesn’t always work. Sometimes, you really have to expect the worst.
8. You cannot please everybody. So, take care of what makes you, “you”. Keep it real and be yourself!
9. Love is compromise. Stay in touch with your loved ones. Nuff said.
10. To heal a wound, you need to stop touching it. You can take it literally or figuratively. It’s up to you.
11. Never deprive yourself of the things that give you butterflies. Work hard, play hard. Remember to breathe every once in a while.
12. Pain is temporary. Ice cream is forever - it truthfully is.
13. Everyone is slightly unhappy. And at times, all it takes to save them is for one person to see what’s precious in them.
14. Hold your horses. There’s always a right time for everything.
15. Always go for the personality. Looks fade, but personality lasts.
16. Think before you act or speak. A bit cliché, but it is cliché for a reason. There’s no “undo” button in real life. 
17. Pray not only for yourself. Pray for the world.
18. Remain open to where you are being led. 
1 note · View note
cinderean · 8 years
Text
Rekindling an old flame.
Paano kung isang araw.. bigla siyang bumalik sa 'yo?
Oops. Hypothetical lang 'yan, kaibigan. Kinabahan ka ba bigla? Napaisip? Nataranta? Eh paano kung totoo pala? Handa ka ba? Tatanggapin mo ba siya? At papasuking muli sa buhay mo sa pangalawang pagkakataon?
Mahirap.. Mas mahirap pa ngang mag-desisyon sa pangalawang pagkakataon eh, diba. Kasi nando'n 'yung takot mong baka magkamali ka ulit. Nando'n 'yung pangambang baka magkasakitan lang kayong muli. Mahirap sumugal sa isang larong nakita mo na kung paano matapos at naranasan mo na kung paano ang matalo. Bukod dito, syempre marami kang maiisip na pagkakataon. Maiisip mo na maaaring hindi ninyo na pala kilala ang isa't isa. Na marami na ang nagbago at marami ng nangyari sa inyo. Nag-grow na kayo na hindi ninyo nakasama ang isa't isa. What are the chances na kagaya pa rin ng dati ang lahat? Na pareho pa rin ang nararamdaman ninyo?
Wala.. Mas mahirap madurog sa pangalawang pagkakataon. Malaki ang tsansang may mawala sa 'yong mas maliliit na mga piraso. Maliliit na mga pirasong mas mahirap hanapin. Maliliit na mga pirasong malaki pala ang ibig sabihin.
So.. what's the catch? Magsimula ulit kayo with a clean slate. Mag-start ulit kayo from scratch. 'Yung walang advantage. 'Yung para bang kinikilala ninyo ang isa't isa bilang ibang mga tao. Baka sa gano'ng paraan, hindi ninyo na kailanganing iwanan ang isa't isa gaya ng nangyari noon. Baka sa gano'ng paraan, mas maging okay ang lahat.
1 note · View note
cinderean · 8 years
Text
Wag tayong mangolekta ng pangalan ng mga maling pag-ibig.
Sabagay, babae ako. Hindi ko naman gamay ang mindset ng mga lalaki pag manliligaw sila. Baka gusto lang talaga ng girlfriend, 'no? Kasi minsan, baka akala nila, girlfriend ang sagot sa kalungkutan or kakulangan nila. Pero, “baka” lang naman 'yan. Dahil gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ko rin alam. So mga brotherhood, peace tayo.
Well, sa point of view ng isang babae, though hindi ko rin naman nila-lahat kasi maaaring magkakaiba pa rin kami ng mindset, pero ako, at karamihan sa mga kilala ko at mga kaibigan kong babae, naniniwala talaga kami na sagrado ang pag-ibig. Yes, yes. Alam kong ilang beses ko na rin ‘tong nasabi dito at paulit-ulit na ‘ko, pero kasi, ewan. Dala siguro ‘tong post na ‘to ng disappointment pag nalalaman kong ang dami at ang bilis magpalit ng jowa ng isang tao. Like, parang ano. Nagpapalit lang siya ng cellphone tuwing may bagong uso. Ganern.
Pero ‘yun nga. Alam kong ang serious pakinggan ng term na “sagrado”. At ang general niya masyado. Pero para mas madaling maintindihan 'yung concept, sabihin na lang nating it’s something na hindi mo pwedeng idagdag na lang bigla sa priorities mo dahil gusto mo ng jowa. Huwag mo siyang madaliin.. Or bastahin.. Or laruin.
Wag tayong basta mangolekta ng pangalan ng pag-ibig. Ng mga maling pangalan ng pag-ibig. Para diba, if ever may nagtanong kung ilan na naging jowabels mo, awkward kaya kung matatagalan ka pa nang pag-iisip kung ilan nga ba. Or minsan, mapapabilang ka pa ng literal sa daliri mo. (Wag naman sana.) Kasi diba mas masaya kung walang bilangang magaganap. Kasi simulat sapul, isa lang talaga. Yern.
PS. Quality, not quantity.
1 note · View note
cinderean · 8 years
Text
If you just realize what I just realized.
Loading… Please wait… Signing in…
Given the chance, kung makakausap ng isang 18 year old Rean ang 12-16 year old Rean, madami siyang gugustuhing sabihin at ipaalala kanya. Tungkol sa studies, sa love, sa friends, sa family, or even life lessons. Na alam mo ‘yon, 'yung mga bagay na kapag naiisip kong nagawa ko nga pala noon at bigla kong maaalala ngayon, mapapa-facepalm na lang ako. Mapapahiling na sana may nakapagsabi sa 'kin noon ng mga advice na ito.
So, if ever nasa high school ka pa lang at sakaling napadpad ka dito, sana may mapulot ka sa mga sasabihin ko dito. Take it from me. Though hindi rin naman ako nagmamarunong. Hihi. I mean, I’ve still got a lot of growing up to do. Open pa rin ako sa kung anumang paparating na life lessons sa buhay ko. But for now, here..
Studies. Kalma, bb. Wag ka munang masyadong magpadala sa stress na dala ng highschool. Wala pa 'yan sa ¼ ng stress na mararanasan mo pagdating ng college. Literal na magfi-fit sa feels mo 'yung isang line sa kanta ng One Republic na Counting Stars. 'Yung “lately, I’ve been, I’ve been losing sleep”. Kasi totoo pala. Totoo pala 'yung “sleepless night” nilang tinatawag. Lalo na kung nag-procrastinate ka lang nang nag-procrastinate nu'ng umaga, tas sa gabi ka magka-cramming, aabutin ka na ng 2:30 AM, to think na 7 AM pa naman ang klase mo kinabukasan. #guilty #WagTularan Pero bukod do’n, tambak kasi ang mga gawain talaga. So, ngayon pa lang, mag-ipon ka na ng tulog! Hoho. Pagdating naman sa mga exam, pagsisisihan mo (somehow) 'yung mga luhang nilaan mo sa mga bagsak mong exam sa highschool. Walang wala 'yan sa kung paano mo iiyakan ang mga bagsak mong exam sa college. Especially kung sa major subject. #RelateMuch At lalong lalo na kung 0%-based ang program ninyo. #AccountancyProblems And finally, wag ka masyadong magpakasubsob sa pag-aaral. Mag-petiks at mag-chill ka muna. Kasi sa college, di mo na 'yan magagawa. Pero hindi kita tinatakot ah, nagbibigay lang ng heads up. Hihi.
Love. Wag mong seryosohin ang pag ibig sa highschool. I mean, wait. Hindi ko kino-contradict 'yung mga previous posts ko dito na seryoso ang love. Pero ngayon, iba ang gusto kong iparating. Na if ever mahanap mo ang “lovelife” mo sa highschool, wag mo siyang masyadong seryosohin to the point na pag nag-LQ kayo or na-heartbroken ka, eh talagang magwa-walwal ka. Na akala mo doon naka-depende ang buhay mo. Na talagang nanghihinayang ka kasi napag-usapan ninyo na ang kasal ninyo at pangalan ng mga magiging anak ninyo. Lol. After all, it’s just teenage love. It wasn’t meant to stay. Marami pang mangyayari sa inyo at marami pang kailangang mangyari sa inyo, separately. Kasi ako, personally, nagsisisi na 'kong nagmadali ako sa love noon. Sana lang. Sana lang may nakapag-warn sa 'kin noon na hindi pa namin talaga mean ang I love you’s namin noon. Sana naisip ko na hindi naman talaga gano'n kadali bitawan ang mga salitang yo'n.
Friends. Mag-ipon ka ng kaibigan. And by that, ibig kong sabihin, totoong mga kaibigan. At hindi dahil sinabi kong “mag-ipon”, eh ibig sabihin kailangan madami. Ibig sabihin, kailangan malaki 'yung worth. For example, kapag nag-iipon ka ba, anong mas gusto mo? Yung bari-bariyang ipon – piso, limang piso? Oo, mukha silang madami, lalo na dahil mabigat sila, pero ang totoo, maliliit lang naman talaga ang value nila. Kahit isang libong bariya pa ang ipon mo, pag ni-total mo, konti pa rin sila. Pero halimbawang nag-ipon ka ng bills – 1000, 500. Magaan lang sila, oo. Pero malaki naman ang value nila. Mahirap silang ipunin, oo. Pero ‘yung maka-ipon ka lang ng tatlo hanggang limang 1000, okay na ‘yun. Truth be told, sa highschool mo mae-earn ang mga rare find na kaibigan. Sabi nga nila, hindi mo man daw mahanap sa highschool ang magiging bride/groom mo, sa highschool mo naman mahahanap ang maid of honor/bestman mo. Pero syempre, depende pa rin naman ‘yon. Kasi pwede ka rin namang makatagpo sa college. Pana-panahon lang naman ‘yan. Tama?
Family. Wag na wag na wag kang mag-hesitate mag-spare ng time sa family mo. Kasi sa college, time mo nga para sa sarili mo sobrang bihira mo nang maibibigay, eh ano pa 'yung time mo para sa family mo or sa mga kaibigan mo or sa kung sinuman. So, yun nga. Ngayon pa lang, wag mo nang palampasin ‘yung mga family gatherings/outing ninyo. Kasi sa college, talagang matututo ka nang mag-kompromiso. Na tipong kunwari may family outing kayo this weekend pero Midterms/Finals ninyo rin the next week, o diba, kakailanganin mo talagang mag-sacrifice.
Life. Life is about taking risks, kaibigan. Wag tayong matakot sumugal o magbaka-sakali. Don’t be afraid to put yourself out there! Dahil sabi nga nila, life begins at the end of your comfort zone. ‘Yung mga bagay na hindi mo aakalaing kakayanin mo, ‘yung mga bagay na takot kang subukan, ‘yung mga responsibilities na ibibigay sa ‘yo, ‘yung mga posisyong tatayuan mo – lahat ‘yan may meaning. Sumali ka na nang sumali sa kung anumang activity ngayon, tanggapin mo na nang tanggapin ang kung anumang responsibilidad, kahit iniisip mong hindi mo kaya, kakayanin mo ‘yan. There’s no harm in trying naman. Take a risk and stop playing it safe. Dahil sabi nga sa kasabihan, “in the end, we only regret the chances we didn’t take”. Wala naman talagang assurance na makukuha mo ang best of both worlds sa lahat ng pagkakataon, pero para mangyari ‘yon, kelangan brave ka. Kahit anong mangyari, kahit anong maging kahinatnan ng mga gagawin nating desisyon, ang general rule: kailangan lagi kang ready dahil hindi ka naman hihintayin ng buhay kung kailan ka lang ready.
Well.. I guess that’s pretty much it! This has been Rean. Signing off.
3 notes · View notes
cinderean · 8 years
Text
Be a keeper, not a creeper.
Wag kang pakampante sa “I will stay” ng isang tao. Dapat alam mo rin kung paano siya alagaan sa buhay mo. Because the way I see it, it goes both ways.
So, here are some advice kung paano mo mapapanatiling intact ang samahan ninyo ng isang taong mahalaga sa buhay mo, ng mga taong gusto mong manatili sa buhay mo:
Huwag kang magda-dalawang isip na bigyan siya ng oras. Alam kong sobrang in-demand ka kasi halos hindi mo na maka-angan ang lahat. Marami tayong ginagawa. Pero hindi naman talaga titigil at mauubos ang mga gagawin natin eh. Kaya dapat, tayo ang titigil. Tayo ang gagawa ng time. Tayo ang magfi-free ng sarili natin para sa mga taong mahal natin.
Kapag may effort siyang in-exert para sa'yo, ipakita mo sa kanyang na-appreciate mo 'yon. A simple effort means a lot. At bibihira na lang ang taong marunong um-effort sa panahon ngayon. Kaya pag nag-effort para sa’yo ang isang tao, ibig sabihin importante ka talaga sa kanya. Learn to appreciate. That’s the least thing you could do. O kaya naman, make an effort rin. Sabi nga nila diba, invest in people who invest in you.
Keep in touch. Dahil ang pinaka-importanteng ingredient sa love ay ang “communication”. Huwag mong hahayaang lumipas ang isang taon na hindi kayo nag-uusap ng isang kaibigang malayo sa’yo, ng isang taong importante sa’yo. Hindi naman nga kailangang updated kayo lagi sa buhay ng isa’t isa, pero ‘yung minsang kamustahan at kwentuhan, keri na ‘yun, diba?
Show your care. For instance, nakikita mo sa mga posts niya sa social media accounts niya na problemado siya, i-message mo siya right away. Nope, hindi na kailangang wallpost or naka-public pa ‘yung madamdaming message mo. I mean, para saan? Mas genuine pa rin ang private message. Mas mafi-feel mo na totoo ang sinasabi niya sa'yo lalo na’t kayong dalawa lang ang nakakakita ng pinag-uusapan ninyo.
Be there for him/her kapag alam mong kailangan niya ng tulong mo. As much as possible, huwag mo nang hintayin na siya ang lumapit sa’yo. Ikaw na ang mag-alok. Trust your instincts. Kung alam mong may mali, do something about it.
Kung may naging alitan, matutong magpakumbaba. Hindi naman ibig sabihin na kapag ikaw ‘yung nagso-sorry at ikaw ‘yung nagpapakumbaba eh ikaw na ‘yung may kasalanan or ikaw na ‘yung mali. Mas mabuti pa ring mawala yung pride mo para sa taong mahal mo, kaysa mawala ‘yung taong mahal mo nang dahil lamang sa pride mo. Settle the conflict. Maaari ngang nasaktan ninyo ang isa’t isa, pero alam kong hindi ninyo naman ginusto ‘yon, diba? Hangga’t maaga, gamutin ninyo na ang sugat at huwag nang hintaying magkaroon pa ng lamat.
Tell him/her how much he/she means to you. Any chance that you get. Kasi maikli lamang ang buhay. Hindi natin alam ang mga mangyayari mamaya, bukas, o sa isang araw. At hindi natin alam kung anu-ano exactly ang mga pinagdadaanan ng isang tao. Kagaya mo, alam kong marami kang pinagdaraanan ngayon, at ‘yung feeling na at least may isang taong magsasabi sa’yo na nagma-matter ka sa buhay niya, nakakagaan na ng araw, diba?
Include him/her in your prayers. Very self-explanatory. Hihi.
Naku, hindi po. Hindi ko po masasabing naa-apply ko rin lagi ang mga ‘to. At hindi ko rin masasabing hindi pa ako nawawalan ng taong mahalaga sa buhay ko. Gaya ninyo, hindi ako perpekto. But of course, kahit gaano pa kadami ang isulat ko dito, after all, nasa sa'yo pa rin naman 'yan. Sariling diskarte mo pa rin kung paano mo aalagaan ang mga taong ayaw mong mawala sa buhay mo. Maaari lamang kitang matulungan, pero hindi kita pwedeng diktahan.
Love is compromise, keep that in mind. It’s a give-and-take process. Walang mauubusan, walang malalabisan. Kailangan balanse.
6 notes · View notes
cinderean · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nikko: “Sorry, Becca. Break na tayo.” Becca: “Ha? Bakit? ‘Di ba sabi mo mahal mo 'ko?” Nikko: “Dati 'yon.. Pwedeng magbago.” -Para Sa Hopeless Romantic, 2015
One, two, three, sing! Napakasakiiiiit, Kuya Eddieeeee~
With feelings dapat ah. Kasi talaga namang napakasakit. Napakasakit makipaghiwalay. Napakasakit maiwanan. Napakasakit magmahal. Pero para daw mabawasan ang sakit, tanong ng madla, ano raw ang “best way” para makipaghiwalay sa isang tao?
And the answer is. Wala.
Sa kahit anong paraan mo mang gustuhin, sa kahit anong paraan mo mang pagpa-planuhan, wala. Makakasakit at masasaktan ka pa rin. Pero ang pinaka-on point na dahilan kung bakit walang “best way” para makipaghiwalay sa isang tao, ay dahil hindi naman kasi dapat yo'n kasali sa mga iisipin kapag pumapasok ka sa isang relasyon. Kung may away, kung may misunderstanding, never mo dapat magiging option ang bumitaw. Kasi sa pagbitaw mo, hindi mo naman malalaman na may isang tao palang pilit kumakapit at lumalaban para sa'yo.
Alam kong iba’t iba ang mindset ng bawat tao. Iba’t iba tayo ng paniniwala at opinyon pagdating sa pakikipag-relasyon. Pero may part sa’kin na umaasang sana kahit ang pinaka-general idea na “sagrado ang pag-ibig” ay hindi na lingid sa atin. Hindi madaling hanapin ang taong ating makakatuluyan, pero hindi naman ibig sabihin no’n ay trial-and-error ang ating kailangan. Dahil at the end of the day, kaibigan, sagrado ang pakikipag-relasyon.
Walang “best way” para makipaghiwalay kay boyfie or kay gf, kasi kung hiwalayan rin naman ang usapan, never itong naging “best”. Wag tayong mag-goof around. Masakit masaktan, totoo. Pero mas masakit makasakit ng damdamin ng ibang tao.
0 notes
cinderean · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Mas pinili ko kasing mahalin ka nang palihim, mas ginusto kong maramdaman ang kilig nang pakimkim. Natutunan kitang mahalin sa sulyap at tingin, niyayakap kita mahal, kahit malayo ka sa tanawin.
Tuluyan ko nang nakabisa ang iyong postura, ang iyong tindig kahit nakatalikod ka. Ang itsura ng iyong buhok kapag nililipad ng hangin, ang iyong ekspresyon at iyong mga tingin.
Alam kong wala kang kamalay-malay, na ang ngiti mo ang siyang nagbibibigay kulay, sa aking araw na matamlay, at sa aking mundong walang buhay.
Dumating ang isang araw na nakita kitang nakangiti, ngunit bakit parang hindi ko maramdaman ang nakagawi? Hindi ko maramdaman ang paru-paro sa aking tiyan, hindi ko maramdaman ang sayang nakasanayan.
Pilit kong hinanap ang kung anong mali, hanggang sa nadako ang tingin sa iyong katabi. Noon lamang ako naliwanagan, nabato sa kinatatayuan, lumaglag ang balikat at nawalan ng pag-asa, na mabibigay mo rin sa'kin ang ngiting binibigay mo sa kanya. Pagkatapos kong makita kung gaano kayo kasaya, alam kong wala na akong lulugaran pa.
Ngunit mahal, naisip ko kaagad, hindi mo nga pala alam ang aking nararamdaman. Hindi mo nga pala alam na napapasaya mo ako, kaya hindi mo rin alam kung sakaling masaktan ako.
Kung may mga kasiyahang tahimik kung ipagdiwang, may mga kalungkutan ding mag-isang pinaglalamayan. Bakit kung kailan inakala kong mapagsalba ang iyong mga ngiti, ngayon pala'y siya ding papatay sa akin at sasawi?
Pero minsan naiisip ko, kung ipinaalam ko ba ang nararamdaman ko para sa'yo, maaari kayang may magbago? Ang pagsinta ko kaya'y masuklian mo? Ikaw ba'y matutuwa ring nakilala ako? Magiging masaya rin sa mga ngiti ko?
Pero sabi nila, may mga pagtinging mas mabuti kung hindi ipapakita, may mga damdaming mas mabuti kung hindi ipadarama. May mga pagpapahalagang mas mabuti kung babalewalain, at may mga pagmamahal na mas mabuti kung pipigilin.
2 notes · View notes
cinderean · 9 years
Text
"Kung bulag lahat ng tao sa buong mundo, ilang tao ang magkakagusto sa'yo?"
Madaling purihin ang magandang babae at amining pogi ang isang lalake.. Lalo na kung makikita natin sila nang harapan o mapapagmasdan gamit ang sarili nating paningin. Pero paano kapag hindi? Paano mo maipapaliwanag sa isang bulag na tao na maganda ang isang babae o pogi ang isang lalake? At gaano mo ito kayang mapatunayan sa kanya?
Paano kung idinescribe mo sa isang bulag ‘yung literal na itsura ng subject? Sinabi mo lahat ng magagandang papuri sa kanyang mukha at katawan. Sa tingin mo ba na-picture na talaga niya sa isip niya na maganda/pogi siya? Oo naman, diba. Pero sa tingin mo ba convincing enough yo'n? Maiisip mo ba na baka hanggang doon lang ang limit mo kaya titigil ka na do'n? Hindi mo ba susubukang i-skip ang physical appearance niya? Like, diretso ka kaagad sa pagkekwento ng humble beginnings ng subject? Kung paano siya makitungo at magbigay halaga sa mga tao sa paligid niya? Kung paano siya bilang isang kaibigan, bilang isang kapatid, o bilang isang anak ng Diyos? Na minsan pala sa buhay niya, may nabago siyang buhay ng isang tao? Eh yo'n ba? Convincing enough na ba yo'n? Syempre depende pa rin sa vision ng subject. Kung paano ang definition ng maganda sa kanya. Pero majority naman sa atin, alam kong mas titingin sa kabutihan ng loob eh. Tama ba? Kasi ang puso, kahit hindi nakakakita, madaling maka-konekta. Unlike sa mata na kapag hindi na nakakakita, useless na.
I guess it’s safe to say na ang panlabas na itsura, waley sa kabutihan ng loob ng isang tao. Cliché, right? But it’s a friendly reminder na we always have to make sure na hindi tayo nagiging “into” sa isang tao dahil lamang sa itsura niya. Tandaan na ang panlabas na anyo, temporary ‘yan. May iba nga diba, if ever hindi sila nagagandahan sa itsura nila, basta ba’t may pera, pwedeng magpa-retoke eh. Pero ang ugali ng isang tao, kung sa simula’t sapul ay hindi na talaga maganda, kahit siya pa ang pinaka mayamang tao sa buong mundo, hindi na niya maaaring ipa-retoke, hindi ba?
Compliments that aren’t about physical appearance are the best ones. So, kapag may taong pinuri ang iyong personality, talent, attitude, skill, kahit ano, basta hindi patungkol sa'yong mata, ilong, tainga, bibig, etc., please keep him/her in your life. Dahil isa siya sa mga taong magmamahal sa'yo regardless sa kung ano pang itsura o magiging itsura mo.
1 note · View note
cinderean · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Darating siya sa buhay mo na parang isang bula. Pasasayahin ka lang sandali at bigla ring mawawala. Hahanap hanapin; pananabikan ang muli niyang pagbalik. Pero paano, kaibigan, kung hindi na pala siya babalik?
Ingatan mo siya, dahil hindi siya magtatagal. Sabi nga nila, ang pag-ibig ay pag-sugal. May mananalo, may matatalo. May magpapaubaya, may mabibigo. May sasaya, may magdurugo. May susuko, may magpapa-uto. May mawawasak, may mabubuo. Pero sa huli, anuman ang mangyari, negatibo man o positibo, handa ka ba? Sa sakit? O saya? Sa hinagpis? O pagkatuwa? Kaibigan, handa ka ba?
Paalala lang na hindi lahat ng tao na makikilala natin sa ating buhay, ay siyang darating para makasama natin habang buhay. Kaya sa ngayon, ingatan mo siya, sa abot ng iyong makakaya, kaibigan, ingatan mo siya. At huwag hayaang dumating ang isang araw na… iwan ka na lang rin niya.
2 notes · View notes