Tumgik
dyaryobagwis · 2 months
Text
Ancajas, Sultan tiklop sa Japan
Bagwis Tabloid
February 26-March 3, 2024
Monday-Sunday
Hindi kinaya ng dalawang Filipino boxers ang mga kamao ng counterparts na Japanese sa Kokugikan Arena sa Tokyo nitong Sabado, Feb. 24, ng gabi.
Parehong taob via knockout sina Jerwin Ancajas at Jonas Sultan.
Inabot ng nine rounds si Ancajas bago tumiklop kay Takuma Inoue sa main event ng card.
Ang oras: 44 seconds pa sa round.
Nakatiyempo si Inoue (19-4), binigyan ng matinding kanan sa sikmura si Ancajas (34-4-2). Hindi binalik ng kaliweteng Pinoy ang depensa, sinundan ng Japanese champ ng isa pang malakas na kanan na lumanding sa parehong parte ng sikmura.
Puporma pa si Ancajas nang biglang napaluhod, tukod sa lona ang dalawang kamao. Hindi na siya nakatayo, sumenyas ang referee na tapos na ang boksing.
Sa unang pagkakataon ay naidepensa ni Inoue, nakababatang kapatid ni Japanese star Naoya, ang kanyang WBA bantamweight title laban kay ex-champ Ancajas.
Sinikwat ni Takuma ang vacant championship noong April nang talunin sa puntos si Liborio Solis.
Sa non-title bantamweight undercard, mas mabilis ang dating ng talo ni Sultan kay Japanese Riku Masuda sa first round.
Natikman ni Sultan (19 wins, 7 losses) ang unang KO loss ng career nang abutin ng malutong na kaliwa sa bodega. Sinubukan pang tumayo ng Pinoy pero hindi umabot sa count.
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
dyaryobagwis · 2 months
Text
Scholarship sa Taiwan bukas na!
Bagwis Tabloid
February 26-March 3, 2024
Monday-Sunday
May balak ba kayo na mag-aral sa Taiwan? Heto na ang kasagutan.
Ang Manila Economic and Cultural Office–Taipei Economic and Cultural
Office (MECO-TECO) Sandwich Scholarship Program (SSP) ngayong taon ay bukas na para sa mga gustong mag-apply hanggang Marso 15, 2024.
Layon ng SSP na bigyan ng pagkakataon ang mga Filipino MS at PhD student na magsagawa ng mga pananaliksik sa kilalang unibersidad o research institution sa Taiwan.
Ang SSP ay isang “collaborative undertaking” ng MECO at TECO na ipinapatupad sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) at National Science and Technology Council ng Taiwan.
Bukas ang SSP sa lahat ng MS at PhD students na nais gumawa ng kanilang thesis/dissertation sa Taiwan sa larangan ng Natural Sciences, Life Sciences, Engineering at Chemistry.
Ngayong School Year 2024, may nakalaan na 10 SSP slots. Magsisimula ang SSP sa Taiwan sa Setyembre 2024.
Para sa mga karagdagang impormasyon makipag-ugnayan sa International Technology Cooperation Unit (ITCU) na nasa 3rd Floor, DOST Main Building sa DOST Compound, General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City o sa [email protected] / [email protected]. Kailangang isumite ang aplikasyon hanggang sa Marso 15, 2024. Teng Aviles
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Tumblr media
Isang magtatalaba na nag-aani ng kanilang produkto gamit ang makabagong balsa (DA-FNRDI)
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
PhilHealth package sa breast cancer tinaas sa P1.4M
Tumblr media
February 26-March 3, 2024
Monday-Sunday
Mula sa P100,000 itinaas ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa P1.4 milyon ang “Z-benefit” package nito para sa mga breast cancer patient.
Sinabi ni PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. na ang pagtaas ng coverage para sa mga pasyenteng may breast cancer ay kasunod ng 30% pagtaas sa mga benepisyong ipinagkakaloob ng ahensya sa kanilang mga miyembro.
“[Breast cancer] is really very common with everyone. So that's 14 times, 1,400 percent increase. I think that's just one of the accomplishments that can put a smile on the face of the Filipino
people,” ayon kay Ledesma sa isang pulong balitaan kamakalawa.
Ipinagkakaloob ang Z-benefit package para sa mga “Case Type Z” o mabibigat na karamdaman na maaaring maging dahilan ng matagalang gamutan sa ospital. Sakop nito ang gastos para sa kuwarto sa ospital, in-hospital medications, laboratory examinations, operating room fees, at professional fees.
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Makabagong balsang kawayan, nagpapataas ng kalidad ng talaba sa Pangasinan
February 26-March 3, 2024
Monday-Sunday
May teknolohiyang ginagamit ang mga ilang samahang namamalakaya sa Pangasinan na nakapagpaparami ng kanilang mga talaba.
Sa ulat ng Department of Agriculture–National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI), ginagamit na ng mga magtatalaba sa Anda, Bani, Bolinao, Sual at Alaminos City ang isang makabagong balsa na kayang malagpasan ang mga bagyo at pataasin ang kanilang produksyon.
Ayon kay Dr. Joseph Christopher Rayos, project leader and chief of NFRDI-Aquaculture Research and Development Division, ang kanilang balsa ay gawa sa kawayan, may pampalutang at panali.
Sa paggamit ng balsang kawayan, mabilis ang pagdami, gumanda ang kalidad ng laman at mababa ang bilang ng mga nangamamatay na talaba.
Ang balsang kawayan ay unang dinisenyo sa bansang Hapon at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources–National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI) at pinondohan ng DA-Bureau of Agricultural Research.
Dahil hindi nakasayad sa ilalim ng dagat ang panali ng balsa–may isa’t kalahating metro ang distansya mula sa sahig kapag low-tide–kakaunti o kayang walang buhangin ang mga shell ng talaba.
Sinabi ni Dr. Rayos na mas maiksi ang pagpaparami ng talaba sa kanilang balsang kawayan: mga lima hanggang anim na buwan.
Mas malaki, anya, ang mga talaba dahil sa mga pagkain natural na nakakain ng mga ito nasa tubig.
At sa bawat metro kuwadrado ng balsang kawayan, aabot sa 22 hanggang 24 kilos ang maaring anihing talaba. Naga Sura
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Mga Alternatibong ruta pa-Kabisayaan at Kamindanawan, ibinahagi ng PPA Matnog
February 26-March 3, 2024
Monday-Sunday
Ipinababatid ng Philippine Ports Authority (PPA)-Matnog na may mga alternatibong ruta papuntang Kabisayaan bago at sa panahon mismo ng Mahal na Araw.
Sineserbisyuhan ng Matnog Port sa Sorsogon ang mga byahero’t pasahero papuntang San Isidro at Allen ng Northern Samar.
Sa ulat ng Philippine Information Agency-Sorsogon, pwedeng sundan ng mga byahero at bakasyunista ang ilang mga ruta sa ibaba, ayon kay G. Achilles Galindes, ang division manager ng Terminal Management Office (TMO) sa Matnog:
Batangas—Masbate—Cebu; San Andres (Quezon)—Masbate—Cebu; Pio Duran (Albay)—Masbate—Cebu; Pilar (Sorsogon)—Mobo Port (Masbate)—Cebu; Pilar (Sorsogon)—Mobo Port (Masbate)—Mintac Port (Masbate)—Cebu; at Pilar (Sorsogon)—Mobo Port (Masbate)—Mintac Port (Masbate)—Polambato Port (Bogo, Cebu).
Noong ika-28 ng Enero, binuksan ng PPA-Matnog ang rutang Matnog—Magino-o, Calbayog.
Dahil sa mga alternatibong ruta, matitiyak na dire-diretso ang pagdaloy ng mga produkto mula sa Luzon papuntang Kabisayaan at Kamindanawan. Sura Naga
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Rhene Imperial sasabak na sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco Martin
Tumblr media
Pinasa-submit na ang action superstar na si Rhene Imperial ng mga requirements ni Coco Martin para pag-aralan na ng huli ang puwedeng partisipasyon ni Rhene sa top-rated action caper ng ABS-CBN.
“Inirekomenda na ako ni Pareng Lito Lapid sa ‘Batang Quiapo’ kaya any moment, magti-taping na ako para sa kanila,” pahayag ni Imperial sa isang eksklusibong panayam.
Ayon sa Action King na nakilala sa mga pelikulang “Boy Singit,” “Boy Nazareno,” “Ninong,” “Ulo ng Gang-Ho” atbp. na pawang mga blockbuster, maganda ang pasok sa kanya ng 2024 dahil sunud-sunod ang kanyang pelikula. Pagkatapos ng “Loyalista (The Imelda Papin Story),” nakapag-shooting na si Rhene ng “Bantag,” ang life story ni Gerald Bantag, ang dating Chief ng Bureau of Corrections o BuCor at umano’y pumatay sa radio commentator na si Percy Lapid.
“Sabi ni Coco, kailangan na ma-refresh siya sa mga pelikulang nagawa ko. Titingnan niya kung paano ako kumilos sa screen para tamang-tama ang role na ibibigay sa akin,” wika ni Imperial.
Malaki ang maiaambag ng beteranong action superstar sa ikagaganda ng “Batang Quiapo.” (Boy Villasanta)
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Sa katatapos na 38th EDSA People Power celebration
`Laging balikan ang nakaraan’–Vilma Santos
Idinaos noong Biyernes ng hapon sa St. Paul University sa Quezon City ang pagtatanghal muli ng pelikulang “Anak” ng Star Cinema na pinangungunahan nina Vilma Santos, Claudine Barretto, Baron Geisler, Amy Austria, Cherry Pie Picache, Joel Torre at marami pang iba sa direksyon ni Rory Quintos.
Noon pang 2000 ipinalabas ang obra maestrang sinulat ng ngayon ay National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricardo Lee, mas kilala sa tawag na Ricky Lee.
Pero hindi nagdalawang-isip ang Cultural Center of the Philippines (CCP) na muli itong itampok sa pamamagitan ng Film, Broadcast and New Media Division sa programa nitong “Cine Icons” na naglalayong ituon ang pansin sa mga likhang-sining ng mga Pambansang Alagad ng Sining kaya tamang-tama lang ang “Anak” para rito dahil ang screenwriter ng pelikula ay National Artist na.
Dumalo sina Vilma, Ricky at Claudine sa pagtatanghal na umapaw sa tao at halos lahat ay napaluha sa napakadakilang obrang ito tungkol sa Overseas Filipino Workers (OFW).
Gayunman, sa open forum o talkback ay hindi na nakadalo pa si Claudine dahil may pupuntahan pang ibang appointment kaya sina Vi at Ricky na lang ang naiwan sa panel.
At dahil nga ipinagdiwang ang ika-38 taon ng EDSA People Power kahapon ay matinik ang mga nanood lalo na ang mga estudyante, guro at mga panauhin mula sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila sa pagtatanong kung ano ang masasabi nina Santos at Lee—na madalas magsabi tungkol sa mga pelikulang nagpapakita ng katotohanan sa Lipunan—kaugnay sa kanilang masasabi sa mahalagang kasaysayan ng bansa mula nang 1972 hanggang 1986.
Si Vilma Santos-Recto muna ang nagsalita: “Napakahalaga na balikan natin ang nakaraan. Mahalaga ito sa atin.”
Bagamat walang diretsahang pagbanggit sa EDSA People Power si Ate Vi, idiniin naman niya sa kahalagahan ng “nakalipas.”
Si Ricky ang mas tuwiran sa pangangailangan ng EDSA People Power.
“Mahalaga ang pagbabago. Para makamtan natin ang tunay na ibig sabihin ng demokrasya, kailangang laging may pagbabago,” wika ni Lee na nakulong noong Martial Law nang dahil sa kanyang aktibismo. (Boy Villasanta)
Tumblr media
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Bagwis Tabloid
February 26-March 3, 2024 Issue
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Nabalewala si Cedrick Juan sa tie win nina Piolo Pascual at Dingdong Dantes sa 1st MIFF sa US
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Bakit ba may awards night din ang kauna-unahang Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles, California sa Amerika kamakailan?
Ito ay sa kabila ng pareho rin ang mga pelikula na pinagpilian sa timpalak, ang sampung opisyal na kalahok sa katatapos na 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na idinaos sa buong Pilipinas.
Ang mga obra maestrang itinanghal sa US ay ang "When I Met You in Tokyo," "Mallari," " (K)Ampon," "Broken Hearts Trip," "Penduko," "GomBurZa," "Rewind," "Family of Two," "Becky & Badette" at "Firefly."
Ang sabi nga ng dating peryodistang pampelikulang si Ronald Carballo, bakit hindi na lang ipinalabas ang mga pelikula at magiging tampulan pa ng kawalang katarungan kung nanalo ang isang entry o creative sa Pilipinas pero talo naman abroad.
Pagdududahan pa, halimbawa, kung talagang mahusay si Cedrick Juan na siyang Best Actor sa MMFF para sa "GomBurZa" pero talo siya ng nag-tie na sina Dingdong Dantes para sa "Rewind" at Piolo Pascual sa "Mallari."
Pero kanya-kanyang programa nga ang bawat awards group.
May karapatan ang MIFF na magbahagi ng kanilang parangal na may sarili ring pamantayan.
Pero bakit hindi na-nominate man lang su Christopher de Leon bilang Best Actor sa pelikulang "When I Met You in Tokyo"?
May laman naman ang akting ni Christopher at malaki ang papell na kanyang ginampanan, di ba?
Gaano na 'yong nominasyon man lamang? Boy Villasanta
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Kasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque, isinulat sa buhangin
Tumblr media Tumblr media
Ang pinakahuling larawan sa social media na magkasama sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay noong nagbakasyon sila sa Japan bago matapos ang 2023.
Ang bakasyong grandeng ito ay bahagi na ng plano nina Bea at Dominic ng mga unang bahagi noong isang taon.
Marami pa silang balak noon at kulay-rosas pa ang kanilang paligid.
Panay pa ang kilig-to-the-bones na mga statement ni Alonzo pag itinatanong sa kanya si Roque.
Na para bang wala nang katapusan ang kanilang kaligayahan.
Inspiradung-inspirado ang aktres sa kanyang pakikipagromansa sa aktor kahit ano pa ang sabihin ng kanyang mga kaibigan na kesyo hindi bagay sa kanya ang isang tulad ni Dom na anila at sa pananaw nila'y wala pang napatunayan at hindi malaking pangalan ang kasintahan.
***
Ngayon ay wala nang lumalabas na mga larawan na magkasama sina Dom at Bea kundi sila-sila lang, solo-solo lang.
Sa kanyang pinakabagong post sa Facebook at Instagram, mag-isa lang si Roque samantalang dati-rati'y matatamis na pagsasama o kaya'y pagkiling ng aktres sa mga bisig ng aktor ang makikita sa social media.
Ang isa pang pinakahuling publisidad ni Dom sa kanyang sarili sa IG at FB ay may karga-karga siyang bata.
Nakakaintriga, di ba?
Pero kaanak lang niya ang baby girl at hindi anak.
Nakasulat din sa IG caption ni Dom na "Missing New York" dahil pabalik-balik naman siya sa US.
May isa namang litrato si Roque na nakaupo sa dalampasigan at nakatanaw sa malayo.
Nag-iisa rin siya.
***
Sa panig naman ni Bea, solo na rin ang mga rekuwerdong kanyang ipino-post sa social media.
Hindi tulad noon na namumutiktik ang kanilang photos together ni Dom saanman at kailanman sila magpunta kung saan-saan.
Ngayon ay bigla na lang ipinamarali ni Bea sa apat na sulok ng mundo ang kasaluluyang sitwasyon ng kanyang buong pamilya.
Isinir-culate niya ang family photo nila na parang sinasabing sa gitna ng kanilang paghihiwalay ni Dominic ay handa siyang suportahan ng kanyang malaki at malawak na angkan.
***
Wala pa naman talagang eksaktong petsa ang kasal nina Bea at Dominic dahil bago pa umugong ang hiwalayan ay hindi pa sila solido sa plano.
Ang general information lamang ay ang plano nilang destination wedding at ibig sabihin ay sa ibang bansa.
Pero wala na rin ito.
Wala na rin ang naka-schedule na pre-nuptial photoshoots para sa dalawa.
'Yon lang ang may nakatalagang petsa at lugar.
Pero ang sinasabing sa April ang .matrimonya para sa dalawa ay walang katotohanan lalo pa ngayong ang kasalan ay iginuhit lang pala sa buhangin sa dalampasigan na pag hinampas ng alon ay mabubura na lang at sukat.
***
Nito namang mga huling araw na Enero at mga unang bahagi ng Pebrero ay wala na ring isinasagot si Alonzo tungkol sa balak nilang kasal ni Dominic bagamat may sinasabi siya tungkol sa kasintahan.
“He is self-assured now,” pahayag ng aktres.
“He is health conscious. He always plays golf,” wika pa ni Bea.
“Wala pa talaga,” ang tanging sagot lang ng dalaga sa mga tanong ng mga peryodistang pampelikula tungkol sa kasal.
Matatandaan na nag-engage sina Bea at Dom noong July last year.
Pero bigla na lang nitong pagkatapos ng unang linggo ng Pebrero ay nagpasabog sina Cristy Fermin, Boy Abunda at Ogie Diaz na hiwalay na sina Alonzo at Roque.
Sa anong dahilan, walang sibabi sina Boy, Ogie at Cristy.
Pre-nuptial agreement nga ba ang dahilan?
Umoo naman daw si Dominic sa kasunduan pero bakit hindi pa rin tuloy ang kasal?
Ano ba talaga, Kuya?
Kasi nga raw, sobrang dami nang naipundar ni Bea--malawak na farm, makapal na ipon sa bangko, mamahaling mga alahas, mga bahay na elegante at marami pang iba.
Sa pagkadalaga naipundar ni Bea ang mga ari-ariang ito.
Paano kung kasal na sila ni Dom?
May karapatan ba ang lalaki sa kayamanan ng babae?
Nandoon nga 'yon sa premarital agreement para alam ng bawat isa ang kani-kanilang karapatan at obligasyon sa pang-ekonomiko nilang buhay.
Bakit sinisiraan ng netizens si Bea?
Ipinagtatanggol naman siya ni Dom. "Bea, a beautiful person inside and out," sabi ng aktor.
Lalabas din naman ang katotohanan.
0 notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
DepEd dapat bilisan pagbili ng textbooks — Gatchalian
Matapos lumabas sa isang pag-aaral ang mga kinakaharap na hamon sa pagbili ng textbooks para sa mga pampublikong paaralan, binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian ang kahalagahan ng mas mabilis na proseso ng pagbili ng mga aklat.
Batay sa konsultasyon sa National Book Development Board (NBDB) at mga private publisher, kabilang sa mga kinakaharap na hamon sa pagbili ng mga aklat ang kakulangan sa panahon para makabuo ng mga textbook, pati na rin ang tumatagal na proseso ng pag-review.
Bagama’t madalas umaabot ng 18 buwan ang pagbuo ng mga textbook ayon sa NBDB, anim na buwan lamang ang ibinibigay ng Department of Education (DepEd) para sa textbook call o paghingi ng mga textbook.
Dahil dito, nagsusumite na lamang ang mga publisher ng mga nagawa nang drafts na may bahagyang pagpapabago upang tumugma sa requirements ng DepEd. Nagdudulot ito ng mas matagal na proseso ng rebisyon at editing. Lumalabas din na walang sapat na staff ang DepEd para sa pagrepaso ng mga textbook, habang magkakatunggali naman ang mga komentong natatanggap ng mga publisher mula sa iba’t ibang reviewer.
Una nang hinimok ni Gatchalian ang DepEd na mamili na lamang ng mga textbook na gawa na tulad ng ginagawa ng mga pribadong paaralan. Aniya, dapat kasing pagsikapan ng pamahalaan na bigyan ng aklat ang bawat mag-aaral.
Tumutugma naman ang pag-aaral ng Congressional Commission on Education o EDCOM sa resulta ng 2019 Southeast Asian Primary Learning Metrics (SEA-PLM) kung saan lumalabas na isa sa limang mag-aaral sa Grade 5 ang nakikihati sa libro ng isa o higit pang mag-aaral. (Nino Aclan).
Tumblr media
0 notes
dyaryobagwis · 3 months
Text
Cha-cha kasado na kay PBBM, Romualdez
Tumblr media
Nagpasalamat si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong suporta nito para isulong ang Charter change sa economic provisions ng Saligang Batas.
Kasamang dumalo nina Pangulong Marcos at Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos sa selebrasyon ng Constitution Day ng Philippine Constitution Association (Philconsa) at ng Manila Overseas Press Club na ginanap sa Makati Shangri-La kamakailan.
Sa nasabing okasyon ay binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan na amiyendahan ang 1987 Constitution, partikular ang economic provisions nito upang luwagan pa para mahikayat ang mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.
Ikinagalak ni Romualdez ang naging pahayag ni Pangulong Marcos dahil malaking bagay umano kung magiging maluwag ang Saligang Batas sa pagpasok ng mga foreign investment sa bansa na nangangahulugan ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.
0 notes
dyaryobagwis · 3 months
Text
Medical Cannabis Bill aprub sa House panel
Tumblr media
Gumalaw na sa Kongreso ang panukala na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa bansa.
Kinumpirma ni Surigao del Norte Congressman Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na inaprubahan na “in principle” ang Medical Cannabis Bill.
Paglilinaw ni Barbers, ang panukala ay eksklusibo lamang “for medical use” at wala probisyon na ito’y pinapayagan para sa “recreational use”.
“Medical cannabis will be used to treat debilitating diseases as identified by the physicians and there is a proposal also to include ‘yung non-debilitating ang example na ibinigay nila ay ‘yung anxiety or severe insomnia… which can be cured by medical cannabis,” ayon kay Barbers.
Nilinaw pa ng kongresista na ang marijuana ay mananatiling ipinagbabawal sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165).
Binigyang-diin pa ni Barbers na mga accredited medical cannabis physician lamang ang maaaring magreseta nito.
Sa ilalim ng panukala, bubuo ng Medical Cannabis Office sa Department of Health na siyang mangangasiwa sa pag-isyu ng permit sa lahat ng mga doktor.
Tiniyak ni Barbers na sapat ang “safety measures” na nakasaad sa panukala para siguraduhing hindi maabuso ang paggamit ng medical cannabis. (Kay Fazon)