eijilab
eijilab
eiji
2 posts
(ง ̇∇ ̇)ว
Don't wanna be here? Send us removal request.
eijilab · 5 years ago
Text
"Ang Boses"
Sa dilim ako'y nag-iisa
Puno ng lungkot, takot, walang saya
Pakiramdam na di mawawala, di matatakasan
Pagsubok na walang katapusan
Sa madaling araw ako'y nagising
Saya at kapayapaan saaking puso lamang ang aking hiling
Sa kasamaang palad ako'y dapat bumalik
Sa mundong kinatatakutan, aking maskara muli kong ikinabit
Mga huni ng ibon, tunog ng bisikleta sa umaga Mga tao sa paligid o' kay payapa
"Kaya mo yan anak" sabi ng aking ina sabay halik sa aking pisngi
Ngunit bakit may namumuong pangamba sa aking dibdib?
Nandito nanaman ako
Mabilis na pag-tibok ng aking puso dinig ko
Nanlalamig, kamay ay pawisan
Makakatakas pa ba ako sa aking kulungan?
Kahit saan, kahit kailan
Mga bulong niya'y laging nandiyan
Walang saysay ang aking mga pakikiusap
Mapapaisip na lang ako at mapapatingin sa mga ulap
Sa maskarang ito ako'y puno ng saya at tawa
Ngunit sa ilalim nito'y isang taong pagod na pagod na
Kaibigan ko, naririnig mo ba ang mga hinaing sa puso ko?
Hindi ko maunawaan
Ang puso kong puno ng takot na walang kabuluhan
Parang malakas na pag-patak ng ulan
Maingay at hindi ko kayang pigilan
Sa bawat galaw ko
Mga tingin ng tao ramdam ko
Takot, hiya, pagkabalisa
Diyos ko tulungan mo ako!
Sa bawat araw na dumaraan
Pag-asa koy nababawasan
Pang-habang buhay na yata 'to
Kung sinong nakakarinig sa'king saloobin, maaari niyo ba akong pakawalan sa pagdurusang ito?
Natapos ang mahabang araw
"Salamat sa Diyos!" gusto kong mapahiyaw
Halik ang salubong ko kay ina at ama
"Okay ka lang ba?" tanong nila
Ngunit ang araw ay puno ng pagdurusa't hirap
Ngumiti ako at sinabing, "Opo" at bakas ng lungkot nawala sa isang iglap
Sa wakas, ako'y makakahinga na
Sa aking kwarto, gusto kong mapag-isa
Ngunit, sa pagpikit ng aking mga mata
Narinig ko ang boses niya
Sabi niya, "Bukas magkikita ulit tayo."
Walang iba kundi ang boses sa aking ulo
11 notes · View notes
eijilab · 5 years ago
Text
"Kapatid"
Noong tayo'y bata pa
Tayo'y magkasama na
Bawat laro at tawa
Aking naaalala
Mga kwento't pagkanta
Lahat puno ng saya
Sa hirap at ginhawa
Tayo ay magkasama
1 note · View note