Tumgik
femsculinity · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
01 PAA
Unica hija ako ng pamilya, kaya’t una kong natikman ang mga panlasang panlalaki sa mga nakita kong kinagawian ng aking ama. Tuligsa ng kasalukuyang pananaw na nananalig sa lipunan, medyo complicit ang ipinaratang niyang uri ng masculinity, batay sa kung paano niya ipinahayag ang kanyang sarili. Hindi siya nailang noong nilagyan ko siya ng kolorete sa mukha noong family day namin sa dati kong Pre-K. Paulit-ulit niyang binasa sa akin ang mga kwento’t alamat na himalang hindi ko kinasawaan, at nakipaglaro siya ng luto-lutuan o kaya’y manika paguwi niya mula trabaho. Dito nabuo ang aking pananaw sa masculinity bilang isang fluid na konsepto — marahil ay itinuring kong masculine ang iba’t ibang mga bagay na hindi siguro likas na ganoon sapagkat iyon ang aking pinanghawakan sa panahon ng aking kamusmusan at wala pang  kamuwang-muwang ang aking pagiisip. Sa ganito ring paraan, habang nagawa ko namang makilala ang iba’t ibang mga estereotipong lutang (tulad ng kinaugaliang paglaki ng katawan, kalaliman ng boses, etc), hindi ko agarang iniugnay ang mga ito sa kabuuang diwa ng paggiging lalaki. Kung tutuusin, maaaring sabihing hindi laging nauukol sa lalaki ang konsepto ng masculinity, ngunit naging masculine ang mga ito para sa akin sapagkat sila’y nabilang sila sa mga unang bagay na nakatulong sa aking kumilala sa uri ng masculinity na maaaring sulyapan sa ibabaw.
Isa sa mga nakasanayan kong gawin bilang bata ang paglakad gamit ang napakalaking sapatos ng aking ama. Halos magkandarapa ako sa tuwing suot ko ito, ngunit ito’y aking piniling panindigan — inakala ko kasing maganda ‘tong tignan sa paa ko. Siguro, maaaring sabihing sa ganitong paraan na ako natutong maglakad, tipong hindi hindi diretso at medyo paligoy-ligoy, na siya ring sumasalamin sa kung paano kong kinalakihang unawaan ang konsepto ng kasarian — malaya, hindi nakapirmi at wala masyadong kinikilingan.
0 notes
femsculinity · 5 years
Photo
Tumblr media
02 KAMAY
Karaniwan kong nahanap ang aking sariling nakaupo sa hita ni tatay habang siya’y nagmamaneho noong nasa amin pa ang box-type niyang Mitsubishi Lancer. Muli, nakadiin nito ang fluidity ng gender na tanda ng aking kabataan, at siya ring kinalakihan kong paniwalaan. Nawili ako sa tuwa at pagkatindig-balahibong aking nadama sa tuwing nasa likod ako ng gulong, hanggang sa agaran ko nang ginustong matutong magmaneho kahit hindi abot ng biyas ko ang brake at tapakan ng gas. Ayaw kong magpagupit kung hindi ako nakasakay sa upuang hugis kotse, at una kong hinanap ang mga maaaring sasakyan sa tuwing dumalaw kami ni Lolo sa Timezone. Halos natitikman ko pa rin ang inis naaabutan ko mula kay Lola dahil 20 minuto na niyang hinahanap ang telepono niya — ‘yun pala pinanglalaro ko ‘to ng F1 racing at pinagtitiisan ang napakaliit nitong keypad. Ngunit, sa kabila nitong poot, sinabi niya lagi saking, “Kung gustong-gusto mong magdrive, papagaralin kita nang maaga para ipagdrive mo ‘ko sa SM at makapagpahinga si Dada (lolo) sa bahay. Kawawa kasi.” Mula noo’y naging isa sa pangunahing launin ko sa buhay ang dalhin si Lola sa North EDSA upang mapakinabangan pa niya ang kanilang libreng pangsine (perk mula sa kanyang senior citizen card), hangga’t kaya pa niyang mamasyal.
Isa sa pinakalaganap na estereotipong ipinapataw sa mga lalaki ang angking kahiligan nila sa mga sasakyan. Salin sa mga konseptong ipinaratang ni Foucault, masasabing power is critical to understanding masculinity in its nuances and entirety. Siguro, sa pananaw ng kalalakihan, nakakapagpabigay kapangyarihan ang makapwesto sa likod ng gulong ng isang kotse, na para bang sila ang literal na “driving force” sa kung sino man ang maging kanilang pasahero. Mabisa itong metapora upang maipakitang kung sino man ang may hawak sa kapangyariha’y siyang may kakahayang humubog sa status quo o kinatatayuan ng lipunan.
0 notes
femsculinity · 5 years
Photo
Tumblr media
03 DALIRI
Binigay sa akin bilang regalo noong ika-siyam kong kaarawan ang PSP kong kinagiliwan nang mahigit limang taon bago ito tuluyang kumupad at sumuko. Isa sa mga una kong pagkabatid ukol sa masculinity ay kinabilangan ng mga games at gamers — mula sa pagtatambay ko sa YouTube na halos pinamunuan na ng ‘sangkaterbang gamer na lalaki (pewdiepie, markiplier, jacksepticeye) hanggang sa napadpad na ako sa mga computer shop dahil wala pa kaming printer sa bahay at napansin kong magkandakuba na yung mga binatang nakaupong maglaro ng mga RPG na labis kong kinatakutan. Sa pansariling dako, nangyaring kinagawian kong maglaro ng racing, tekken at FIFA world cup (na siya ring paborito kong uri ng mga game) sa maghapon kong pagbabad sa PSP. Sa dalawang nahuli, malalakas at malalaki ang katawan ng marami sa mga lalaking gumaganap sa mga larong ito, na siya ring karaniwang stereotype ng hypermasculinity na umiiral sa lipunan ngayon. Napansin kong malaki ang pagkakaiba ng porma’t anyo ng mga lalaking ito kumpara sa mga lalaking nagbibigay buhay at pinaglalaruan ang mga tauhang ito — marahil payat at marupok ang mga ito. Doon ko sinimulang kwestyunin ang dichotomy at irony na ipinapataw ng ganitong ideya ng pagkalalaki — nilalaro ba ng mga bata ang mga ito dahil dito sila nakakapagproject ng itsurang nais nila para sa sarili? Ito ba ang pamantayang itininuturi nilang astig para sa isang lalaki? Ganito kaya ang konsepto nila ng masculinity?
Nakapagpaparating ng tiyak na palagay ukol sa masculinity ang mga game o laro sa mga pposisyong ipinapataw nito. Maaaring sadyang marahas, madugo, graphic o kaya nama’y dinidiinan ang halaga ng pisikal na kalaksan ang mga larong ino-orient o minamarket sa demograpikong panlalaki, habang puro pagluto, pagbihis at pagaalaga ng hayop na mga laro ang inaasahang pagkaabalahan ng mga babae. Ngunit dahil labis silang nakakaaliw at nakakaadik, madaling hubugin ang pananaw o palagay ng tao ukol sa masculinity sa pamamagitan ng paglaro ng mga games sapagkat maeexpose sila sa mga bagay na ito nang paulit-ulit, dahil sa pinagsamang entertainment at addictive factor ng mga ito. Kagaya ng mga kamay, nahuhulma ng mga laro ang konsepto ng masculinity sa bawat pindot ng mga daliri sa keyboard, o kaya nama’y mga diin nito sa iscreen.
0 notes
femsculinity · 5 years
Photo
Tumblr media
04 DIBDIB
Inakala kong larangang panlalaki lamang ang paglaro basketball, kaya laking gulat kong makita makipagbakbakan ang mga women’s basketball team tuwing UAAP season. Lumaki ako sa isang tahanang pinalikuran ng munting basketball court upang matugunan ang pagkahilig nito ng lolo’t tito ko. Lagi ko silang minasdang maglaro sa lilim ng kahapunan, kung saan ako’y naintriga at sa kalauna’y napasabak na rin kahit hindi ko kinayang magshoot at halos malulon na ako sa tangkad nung basket.
Sa karanasan kong ito, inakala kong kinailangang maging matangkad, maliksi at agresibo upang matawag ang isang lalaking masculine. Napansin kong wagas ang paghingal ng mga manlalaro sa gitna ng kanilang mga laro, kaya’t naisip kong magbasketbol na lang nang nakadiaper para makitang kasing sipag at kisig ko ng mga nakikita kong maglaro sa TV (at dahil karaniwang wala ring nagsusuot ng t-shirt sa loob ng bahay). Look the part, ika nga. Ngunit, sa pag-iral ng mga babaeng basketbolista, natanto kong ‘di porket lalaki lang ang nakikita kong gumagawa ng isang bagay, sila lang ang nakakagawa nito. Hindi gendered, kung baga, ang mga gawaing katulad ng sports, sapagkat wala namang itinatakdang panuntunan ang mga ito sa kung sino lamang ang maaaring makisangkot sa paggawa ng mga bagay na ito.
0 notes
femsculinity · 5 years
Photo
Tumblr media
05 ULO
Signature pose ko ‘to nang mahigit isang dekada bago ako nalulong sa pagka-finger heart at peace sign. Kahit saan ako lumingon, may plakadong baril sa ilalim ng mga baba ng lahat aking mga nakasalubong, maging sa harap man ng magasin, sa SOP ng GMA, o mga nagkandasiksikang billboard sa EDSA. Hindi ko naiwasang sumabay sa uso, at sa katagalan, kinagawian ko na rin ang kilos na ito. Sa tuwing naglaro kami ng mga kapitbahay ko sa kalsada, magpopose sila nang ganito habang nakafreeze sa ice ice water. Nauwi ko ang kaugaliang iyon sa bahay, kung saan sinabi ng nanay kong “jologs” lang ang mga gumaganoon. Ha? Nagtaka ako, at dahil hindi ko alam ang ibig sabihin nitong salita, ito’y aking iniugnay sa mga kauna-unahan kong konsepto ng masculinity, sapagkat karaniwang mga lalaki ang nakaporma nang ganito, lalo na ang aking mga kaibigang kapitbahay na halos araw-araw ko noong kasama. Sa kalaunan, naiugnay ko na rin ang lahat ng nakasanayan naming gawin tuwing kami’y magkasama bilang gawain “jologs” — pagtambay sa karinderia pagkatapos naming maidlip sa hapon, panonood ng knowledge channel dahil hindi kami makalabas dulot ng malakas na ulan, o kaya nama’y pagpitas ng mga gumamela sa halamanang katabi ng simbahan. 
Hindi ko ipinalagay na negatibo ang mga bagay na ito, sapagkat nasiyahan ako tuwing nagawa ko sila. Sa kabilang dako, pinanghawakan kong laging kinailangan ng mga babaeng kumilos nang mahinhin, manamit nang konserbatibo at magsalita nang tahimik. Hindi ko inakalang maaari palang tawaging jologs ang mga babae dahil nakasanayan kong iugnay ang konseptong ito sa mga una kong nakilalang lalaki bilang bata, kung saan sila ang nakasama ko sa pangkalahatan ng aking pagtanda. Ngunit, sa dami na nang napagdaanan kong karanasan sa buhay, natanto kong hindi limitado ang konseptong ito sa paglalarawan lamang ng mga lalaki, at lalong hindi nakatakda ang isang pangkat ng mga role o kaugalian batay sa kasarian kung saan sila mas litaw. Nangyari lang na dahil ito ang kinalakihan kong paniwalaan bilang konsepto, ito rin ang kinasanayan kong panghawakan.
Maaaring magbago ang mga paniniwala o pagtingin ng tao sa konsepto ng masculinity batay sa paraan ng paglalatag nito sa sa lipunan, pati na rin sa mga kontekstong nakasanayan na ng isang indibidwal. Ang paggiging jologs, gamer o basketbolista ay nabibigyang kahulugan batay sa pagganap ng mga nakatakdang gumanap sa mga papel na ito, at ng mga taong nakakapagpasiya sa kung paano ihuhulma ang ganitong mga konsepto. Maaari kong ipalagay ang paggiging jologs bilang isang facet ng masculinity, ngunit baka para sa iba, wala itong kinikilingan na kasarian. Maaaring magbago ang pagpapakaulugan ng isang espasyo depende sa kung sino at paano ito ginagamit at itinuturing. Bunga ang marami sa mga sinauna kong haka ukol sa masculinity mula sa mga namasdan ng aking mga pandama, sa iba’t ibang mga bahagi ng katawan, pati na rin sa aking kamusmusan bilang isang batang walang kamuwang-muwang.
0 notes