Text
The Stranger
Ilan sa mga dating hindi mo kakilala ang kilalang kilala mo na ngayon? Sino saknila ang mga naging kaibigan mo o naging parte ng buhay mo?
Laging nagmamadali si David pumasok sa trabaho, halos sa kalsada na siya nagaalmusal ng tinapay habang nagmamadali pumasok. Takot kasi tong si David masabon ng Boss niyang napakasungit. Sa tuwing pumapasok si David, lagi siyang binabati ng isang binatang halos kasing edad din niya. Hindi niya kilala, kabaligtaran ni David, ang binata ay simple, at laging nakatambay sa labas ng kanilang building nakaupo at bumabati sa lahat ng dumadaan. Ano kaya ang napapala nitong taong to sa kakabati sa mga dumadaan? Tanong ni David sa Sarili. Isang hapon, Habang papalabas ng building si David ay napansin niyang papalapit saknya ang binata. Iiwas na sana si David pero sinabi nito saknya " Magiingat ka paguwi Sir, lagi kang magdarasal ". Binalewala ni David ang sinabi ng binata at nagmadali lumakad papalayo. Sa di kalayuan, may isang mabilis na sasakyan ang papasalubong sa karamihan na parang walang preno. Aba! Kagulatan ang mga tao, marami ang naaksidente at nasagip ng rumaragasang sasakyan.
Nagulantang si David at di malaman ang gagawin. Natulala siya sa isang tabi at parang binuhusan ng malamig na tubig. Lumipas ang araw na yon at sumapit na naman ang araw ng kinabukasan para pumasok. Nakita ni David ang binatang laging bumabati saknya at tinanong niya ang Pangalan nito. Samuel, samuel po ang Pangalan ko. Sagot nito. " Pagkasabi mo sakin kahapon na magdasal ako at magingat, aktong nagkaron ng aksidente sa di kalayuan at marami ang napahamak, manghuhula kaba? " Tanong ni David.
Gusto ko lang po kayo paalalahanan na sa bawat minuto ng buhay natin, matuto tayo magdasal. Lagi po kasi kayong abala nakikita ko. Sige po, ingat po kayo. " sagot ni Samuel. Matapos ng araw na yon, parati ng binabati ni David si Samuel at di katagalan ay naging magkaibigan sila.
Tulad ni Jesus, ang bawat isa saatin nung una ay tinuring siyang Stranger. Di natin siya kilala, wala tayong idea kung sino ba siya, Ano ba ang mayroon saknya. Pero hindi siya nagsawa satin, kahit na binabalewala natin siya. Hindi siya napagod at hindi siya nakalimot paalalahanan tayo sa bawat pagkakataon. Tulad ni David, matuto tayo makinig at tanggapin si Hesus bilang kaibigan na handang tumulong at makinig sa bawat pagkakataon ❤️

vmhisula,2021
#encouragement#motivation#positivity#inspiration#writing#goodvibes#gospel#christian faith#christian motivation
1 note
·
View note