Text
Lolo, miss na kita. Sobra! Exactly 2 months ago noong iniwan mo kami. At everytime na naaalala kita, umiiyak pa rin ako. Kamusta ka na po pala dyan sa langit? Masaya ka ba kasi kasama mo na si Lola? O baka hindi ka pa makaakyat gawa ko? Kasi lagi pa rin kitang iniiyakan? Sorry, Lo. Hindi ko pa po yata tanggap na wala ka na. Lagi pa din kitang hinihintay tuwing Sunday. Hindi ko nga inaalis 'yung picture nating dalawa sa display photo ko sa Facebook e. Gusto ko kasi lagi kitang nakikita. Hayaan mo, Lo. Magiging okay din ako. Basta gusto kong malaman mo na mahal na mahal na mahal po kita. Gabayan mo po kami. Dalawin mo na lang din po ako palagi sa panaginip ko ah. Kwentuhan mo ako. Yakapin mo ako. I love you, Lolo. Mahal na mahal na mahal kita.
3 notes
·
View notes
Photo




Happiness starts with a wet nose and ends with a wagging tail. ❤️
His name is Allison, a 5-month-old Australian Shepherd from Tabby Town Cat Cafe & Corgi Club located at Lumil, Silang, Cavite. Super kulit, super malaro, super seloso, gusto niya kasi siya lang ‘yung nilalaro but super sweet at super malambing. Siya ‘yung sumalubong sa'min pagpasok namin sa area nila na may kasamang friendly kagat, at siya din ‘yung naghatid sa'min palabas. Super nag-enjoy ako sa kanya, kahit na gusto niyang kagatin ‘yung relo at bracelet ko, pati na 'yung id na suot ko. Hihi. Umakyat pa siya sa'kin, akala mo naman ang gaan niya. Pinuno niya din ako ng laway niya, puro kiss at himod kasi, kaya super love ko na din siya. Nakakalungkot lang noong natapos na 'yung time namin, nagba-bye na ako sa kanila, lalo sa kanya. Parang hinaharangan niya 'yung gate palabas, tapos noong nakalabas na kami, nakatingin lang siya na parang gusto niyang sabihing magstay pa kami or huwag na kaming umalis. Bigat sa loob talaga. Sana may chance pa ako na makita at mabisita ulit siya kasama yung ibang pets doon, since by June daw magclose na yung cafe due to some financial? reasons. Hays. Basta super saya ko kasama si Allison at iba pang dogs at cats sa Tabby Town kahapon. Kita naman sa pictures, diba? Haha. (At tsaka napapost nga ako ng entry dito eh, na super bihira ko na din magawa. Ahhhh! Basta ang saya saya ko lang! Hihihi) Parang nawala yung lahat ng problema, stress at kung anong malulungkot na bagay na naiisip ko lately. Nakakarelax sila. Same naman kapag kasama ko si Happy ko. Super love ko sila.
Love you, Allison! 💋
0 notes
Quote
Have you ever had to get through a day, smiling at people, talking, as if everything were normal and okay, while all the the time you felt like you were carrying a leaden weight of unhappiness inside you?
Elizabeth Wurtzel, Prozac Nation (via books-n-quotes)
3K notes
·
View notes
Text

Am I a failure? Am I a loser? For not fighting for what I want, for what’s worth it? For giving up in the middle of the fight?
Ang lalim. Akala mo naman kung ano nang ipinaglalaban. Pero, seriously, until now naiiyak pa din ako. Naiinis ako sa sarili ko, sa desisyon ko, na hindi tumuloy, bumaba at sumuko na lang. Naaawa ako sa sarili ko kasi alam kong kaya ko, pero bakit hindi ako lumaban?
March 18, Saturday morning nang naisipan akong yayain ng pamangkin ko na sumama sa hiking nila sa Mount Daraitan, Tanay, Rizal sa darating na March 25. Since gusto ko din namang maka-experience na mag-hike sa ibang lugar, at based sa mga nakikita kong photos at nababasang articles tungkol sa Mount Daraitan, pumayag ako. Matitiis mo ba naman ang Sea of Clouds na masasaksihan mo kapag narating mo ang summit? Wow! Parang nasa heaven lang, hindi ba? I even invited my ‘lil bro to come with me. Go kami. One week of excitement and preparation. At dumating na nga ang Saturday, March 25, around 1:00 A.M. kung saan kami nag-meet sa Edsa Shaw para magbyahe papuntang Tanay, Rizal. Nakarating kami ng bandang 3:00 A.M sa Barangay Hall ng Daraitan. One hour breakfast then, kaunting orientation, tapos sabak na. Simula pa lang ng trail, puro assault na. Pataas na puro malalaking tipak ng bato ang kakapitan at tutungtungan. Sobrang hirap. Lalo na’t walang patag na pwedeng maging chance ng pahinga mo. Wala, as in wala. Dumagdag pa iyong 4:00 A.M. na pag-akyat mo, super dilim tapos may maliit na headlight ka lang sa ulo mo na nagsisilbing ilaw mo sa daraanan ninyo. Isa pa ang lamig ng klima since ang taas ng lugar. Level 1 palang yun, para isipin na 4/9 ang difficulty ng Mount Daraitan. Woah! 2,070 plus feet ang kailangan mong akyatin. Grabe! Kahit medyo kinakapos na sa paghinga, dagdag pa ang bigat ng bag na bitbitin ko na may lamang tubig at pagkain, sige lang hindi pa alintana ang hirap at pagod. Pero habang tumataas ang aakyatin, humihirap ang daraanan, nandoon na iyong sobrang lakas na ng tibok ng puso ko na halos kumawala ito sa dibdib ko. Nagdidilim na ang paningin ko dahil na din wala siguro akong suot na salamin that time. Isa pa, nanghihina na ang tuhod ko at nanlalambot, nanginginig. Pero go pa din ako kasi sabi nga ng Tour Guide at ng mga kasama ko, pahinga lang, huwag magmadali, makakarating din kami, walang susuko. Ate Josie, one of our Tour Guides even offered herself na siya na ang magdadala ng tubig ko para medyo gumaan ang katawan ko. Ako, “Go! Kaya ko ‘to!” ang peg. Sige akyat, Gwen. Kaya yan! Akyat, pahinga, upo, inom, akyat, hingal. Hanggang sa sobrang awa na sa akin ni Ate Josie, kinuha na niya ang bag ko. Siya na daw ang magbibitbit hanggang summit para lang mas gumaan ang pag-akyat ko. Kahit hiyang-hiya ako, ibinigay ko na kay Ate kasi pursigido akong marating ang tuktok. Until isang level pa ng akyat, may sumuko na sa isa sa mga kasama namin sa Team, si Ate Tine. Nangangatog na daw iyong tuhod niya, so she decided na mag-back out na lang at bumalik sa Barangay Hall. Hanggang sa naisipan na ng brother ko, ni Ate Josie at ng pamangkin ko na pababain na din ako. Naaawa na sila sa akin kasi as they can see daw, hindi ko kaya kasi namumutla na ako. So,napaisip na din ako. Kaya ko ba? Kasi alam ko sa saraili ko, kaya ko. Kulang lang ako sa pahinga at siguro sa mas mabigat na pagkain. Kaso ang nasa isip ko din noon, 3 to 4 hours pa ang aakyatin bago marating ang tuktok. Exactly 5:00 A.M. palang that time, and I was like “What the hell? Two to three hours pa na puro assault? Tapos traverse pa!”. Also, inisip ko din na magiging pabigat ako sa mga kasama ko lalo na sa buong Team. Kaya ayun na nga, kahit na sobrang bigat sa loob, kahit ang sakit sa dibdib, at kulang na lang umiyak ako, nag-decide na din ako na bumaba at sumama kay Ate Tine. In short, nag-back out po kami. Loser ako. :( And that was my biggest mistake that time. Naiiyak pa din ako. Haha. Buti pa nga iyong phone ko, nakarating sa Summit samantalang ako, haysss! Laking pagsisisi ko talaga, lalo na noong nalaman kong exactly 6:00 A.M., narating na ng Team ang summit. Almost one hour lang simula noong bumaba kami. Kumbaga, yung time na ibinaba namin is iyong time na iniakyat nila. Nakakapanghinayang. Mas masakit at nakakaiyak pa iyong panghihinayang ko sa hindi ko pagtuloy sa summit kaysa sa sakit ng katawang natamo ko. Pero syempre, kailangang magpaka-optimistic. Naisip ko na alng din na, atleast iyong brother at pamangkin ko, naabutan yung Sea of Clouds. Masaya na ako sa na-experience nila, na sulit at worth it iyong pagod nila at iyong binayad ko para sa brother ko. Haha. By the way, nagpunta na lang pala kami ni Ate Tine sa ilog doon na heart-shaped daw. At natuloy naman din kami ni Ate Tine sa Tinipak River at Mamara Cave. Syempre kailangang sulitin ang bayad so, kahit doon man lang humabol kami. Doon palang sa crystal clear na tubig at white rock formations ng river plus stalagmites and stalactites, super lamig na tubig with lagoon na medyo mysterious ng cave, panalo na, what more pa kaya kung naabot namin ang summit? Argh! Okay, enough for the regrets!

Dear Mount Daraitan Summit, Dear Sea of Clouds, Pangako. Babalik ako sa'yo. Isinuko man kita, pero pangako, babalikan kita. Hindi pa tayo tapos, at alam ko maabot din kita, Yak Hane!

- gwenn
0 notes
Photo
Thank you soooo much, Bhe. Iloveyou super! Nandito lang si Ate palagi para sa’yo. You’ll always be my baby girl! Godbless! ❤️❤️❤️

Sa napaka ganda, napaka bait, napaka humble, napaka sweet, napaka mapagmahal at maalaga kong ate, happy happy birthday sa’yo. Hehe, dito nalang kita babatiin ng bongga dahil alam mo na medyo safe dito. Hmm, alam ko ate may mga dinadamdam ka pa rin dyan sa puso mo at alam kong until now nasasaktan at nagagalit ka pa rin pero di ka naman namin masisisi lahat dahil nasaktan ka ng sobra at alam naming lahat na di mo deserve yun. Napaka buti mong tao para saktan lang ng ganon, para i-take for granted lang ng ganon. Kaya kung ano man yung matatanggap mo na blessing o kahit anong magandang bagay ay deserve mo yun. Yung gaya mong napaka mapagbigay at mapagpatawad is dapat lang suklian ng kabutihan. Ate, nandito lang ako lagi for you. Kapag feeling mo down ka or di mo na kaya yung mga binibitbit mong sama ng loob, nandito lang ako. You can always count on me. Nandito lang ang little sissy mo, di kita iiwan. Di man tayo nagkakasama at di pa man tayo nagkikita alam mong mahalaga ka sa akin at mahal na mahal kita. Yung araw na minessage mo ako at pumayag kang maging ate ko is napakalaking bagay sa akin at pinaka pinapahalagahan ko kasi diba alam mong wala akong ate? Magkikita rin tayo soon ate, magba bonding tayong dalawa tas magkekwentuhan ng walang kasawaan.
Thank you sa lahat ate, sa lahat ng advice mo, sa love mo. Thank you kasi pinaramdam mo sa akin kung gaano kasarap magkaroon ng ate. Happiest Birthday to you Ate Gweeeeny! I love you so much. God bless you always.
Eenjoy mo lang lagi ang bawat araw kasi deserve mong maging masaya. Hayaan na lahat ng nanakit sa’yo kasi di sila worthy ng atensyon mo.
@sincerely-gwenn
25 notes
·
View notes
Text

Cavite is such a wonderful place. Isa ito sa mga dinarayo lalo na kapag summer. Bukod kasi sa ilang hours lang ang byahe from Manila, dito rin matatagpuan ang iba't-ibang resorts and beaches na perfect kahit sa ating mga budget. At kung talagang naghahanap kayo ng cheap outing getaway, meron din namang mga ilog or lakes dito. Sa katunayan, last Sunday lang, May 1, 2016, nasubukan kong puntahan ang isang para sa aki’y "Hidden Paradise" ng General Emilio Aguinaldo, Cavite o mas kilala sa tawag na Bailen, Cavite. Ito ay ang Malibiclibic Falls.
It was a great early Sunday morning when I decided na sumama sa outing na in-organize ng Tatay ko kasama ang kanyang co-workers sa company na kanyang pinagtatrabahuhan. Napag-alaman ko kasi na doon sila pupunta, sa Malibiclibic Falls. At first, nagtaka ako sa name kasi never heard pa siya sa akin noon. So, na-curious ako. I tried searching for it over the internet. I saw some photos na naging dahilan ng pagkamangha at pnanabik ko pa lalo upang mapuntahan at marating iyon. At hindi nga ako nabigo. Kung gaano iyon kaganda sa photos, mas nakakamangha pa kapag harapan mo nang nakita.
So, paano kami nakarating doon?
It was a 20-minute motorcycle ride from our house to Lumipa Barangay Hall. Lumipa is a Barangay in General Emilio Aguinaldo where Malibiclibic Falls were located. Kasama ko ang pamangkin kong si Sam at ang kapatid kong si Daryll. Nauna na kasi yung Tatay ko at yung co-workers niya since may sasakyan naman sila kung saan nandoon din yung mga gamit at pagkain. Pagkarating namin, nagpa-register muna kami sa isa sa Barangay Officials doon. May record sila ng mga bumibisita sa naturang falls. Ito daw ay para ma-monitor nila ang mga pumupunta doon at for safety purposes na rin. Binilinan din nila kami na magbihis na ng aming pampaligo dahil walang lugar ng bihisan sa pupuntahan namin. Isa pa, binigyan nila kami ng malaking plastic upang tapunan ng lahat ng basurang aming malilikom, para na rin mapanatili ang kalinisan ng naturang lugar. Matapos iyon, sinamahan na kami ng isang Manong na siyang magsisilbing guide namin papunta sa falls since wala talagang may alam ng daan patungo doon. From Lumipa Barangay Hall, tumungo na kami sa lugar for about 10 minutes sakay ng aming mga sasakyan.


Then, tumigil kami sa isang tila malawak na bukirin. Hanggang doon na lang daw ang aming mga sasakyan dahil from that point, kailangan na naming bagtasin ang daan patungo sa falls. Dala-dala ang aming mga gamit at pagkain, naglakad kami for about 15 - 20 minutes.


Matarik ang daan pababa kaya kailangan ng ibayong pag-iingat. Isa pa, medyo malambot ang lupang aming tinatapakan dahil bago ang araw na iyon, umulan kinahapunan. May part rin na sa malalaking bato kami hahakbang at kakapit sa mga baging na nakasabit upang makalampas lang. (Wow! Trekking, hiking plus swimming all in one. Ang saya lang, diba? Haha.) Habang patuloy ang aming paglalakad, naririnig na namin ang lagaslas ng tubig na siyang nagpa-excite lalo sa amin na makarating agad sa aming patutunguhan. At matapos nga ang lahat ng pagsubok na aming pinagdaanan (Char!), narating na namin ang falls.



Ang saya saya ko lang. Noon lang ulit ako nakapunta sa isang nakakamanghang lugar, after one year, and take note, sa kalapit bayan lang. Hindi ko na kailangan pang dumayo ng ibang probinsya para lang makasaksi ng kahanga-hangang likha ng Maykapal. “Hidden paradise", kasi tago talaga iyong falls. Never ko nga naisip noong una na meron palang paraiso sa lugar na iyon. Nakakatuwa. Kakaiba ang ganda ng lugar. Kitang kita mo ang pag-agos ng tubig mula sa taas ng tila isang biniyak na bundok na dumadaloy naman sa isang hugis bilog na ilog, isang lagoon. Parang isang malaking pool na may falls. (Ganun. Hihi. Hindi ko ma-explain. Pardon! Yay!) Sa tabi ng falls, may isang maliit na kweba. Unlike other river, walang entrance fee sa Malibiclibic Falls. Tanging yung rent lang sa guide ang aming binayaran. Isa pa, walang cottages or mesa. Sa tabi mismo ng ilog ang magsisilbing lagakan ng mga gamit at pagkain. Ang mga batong malalaki at maliliit sa gilid ng ilog ang tanging mapupwestuhan at mauupuan. Napakanatural. Dagdag pa ang sobrang linaw ng tubig na kung saan kita ang buhangin na aming tinatapakan sa ilalim nito. Kaso sobrang lamig na parang naliligo ka sa tinunaw na yelo na sasabayan pa ng paglilom ng araw at pag-ihip ng malamig na hangin. Hay! Ang sarap ng buhay doon. Napakapayapa. Nakaka-relax. Ilang oras din kaming nanatili doon upang mag-enjoy sa paliligo kahit na hindi ako masyadong nakapagbabad dahil sa kalaliman ng tubig. Ni hindi ko din nagawang makarating man lang sa falls. Huhu. Sa takot ko na baka alam ninyo na. Hindi pa kasi ako ganoon kasanay mag-swimming. After ng ilang oras, umuwi na din kami ni Sam at Daryll dahil may mga lakad pa kami sa hapon ng araw na iyon. Nauna na kami habang yung iba ay enjoy na enjoy pa rin sa paliligo. Sa aming pag-akyat pabalik sa aming mga sasakyan, umulan nang malakas. Nagputik ang daan kaya naging madulas at mahirap ang pag-akyat. Gayunpaman, naging presko pa din dahil hindi kami pinagpawisan. Ang sarap sa pakiramdam.
Salamat, Malibiclibic Falls. Pansamantalang nawala lahat ng problema at iniisip ko sa buhay. At pangako, babalikan kita. Magdadala na ako ng salbabida para marating ang falls mo. Haha.


Hi guys. If ever mapadpad kayo sa lugar namin, subukan din ninyong pasyalan ang "hidden paradise" na aking tinutukoy. Hiking plus swimming, all in one na. O hindi ba’t ang saya? Saan ka pa? Yay!
Godbless us all! And enjoy the rest of the summer! ❤️
3 notes
·
View notes
Photo

Take me back to Cagbalete. 🌊☀☁👣 #cagbaleteisland #mauban #quezonprovince #summergetaway2015
5 notes
·
View notes
Text

Sumapit na naman ang panahon na hinihintay ng karamihan lalo na ng mga estudyante at empleyado. Panahon kung saan nabibigyan tayo ng ilang araw na pahinga o bakasyon dahil sa paggunita ng Semana Santa o Holy Week ng mga Katoliko at Aglipayan. Nariyang ang karamihan sa atin ay dumarayo pa sa kung saang probinsya na may magagandang dagat at tanawin upang makapag-relax at masulit ang bakasyon. Ngunit ako? Sa panahon ng Semana Santa, mas pinipili kong mamalagi sa bahay at makisamang magnilay-nilay sa mga nagawa sa atin ng Panginoong Hesus upang maisalba tayo sa lahat ng ating kasalanan. Higit sa lahat, nakikiisa ako sa mga aktibidad ng simbahan, dahil kung maitatanong ninyo, mayaman ang lugar namin sa mga tradisyon na tuwing Semana Santa lamang nararanasan.
Isa sa mga tradisyon o kaugalian sa aming bayang Maragondon, Cavite, lalo na sa mga Katoliko o Aglipayan, ang pagdiriwang ng Banal na Prusisyon sa tuwing sasapit ang Semana Santa. Isa ito sa mga namana ng mga taga-Maragondon sa aming mga ninuno na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa ng kasalukuyang henerasyon.
Isang linggo palang bago ang pagdiriwang ng Semana Santa, inihahanda na ang mga imahen o rebulto ng mga birhen o nakasanayan nang tawagin sa amin na "poon” o “santo" na pagmamay-ari ng halos mga may-kayang angkan sa aming lugar. Nariyang binibihisan ang mga santo ng angkop na matitingkad na kasuotan na may samu't-saring palamuti na nagpapaganda at nagbibigay kulay sa mga ito. Gayundin, inaayusan ang mga karo na siyang pinaglalagyan ng mga santo. Pinupuno ng mga magaganda't makukulay na bulaklak ang paligid nito kasama ng maliliwanag na ilaw na siyang nagsisilbing liwanag ng mga poon sa buong prusisyon. Sa pagsapit ng gabi ng Linggo ng Palaspas, pagkatapos ng Banal na Misa sa ika-lima ng hapon, nagsisimula ang Banal na Prusisyon. Pagkatapos ng maikling panimula, panalangin at pagbabasbas sa patyo ng simbahan, lumiligid ang prusisyon sa parokya. Ipinaparada ang mga santo ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito na kung saan ipinapakita ang naging buhay, paglalakbay at paghihirap ng ating Panginoong Hesus. Sinusundan ang bawat karo ng mga taong nagsindi ng kandila at nag-aaalay ng kanilang mga panalangin.
Ang hanay ng mga imahen ay binubuo ng mga sumusunod:
San Pedro Apostol

San Bartolome


San Felipe Apostol

San Mateo Apostol Y Ebanghelista

San Matias Apostol

San Santiago Menor Apostol


Santiago Apostol


Santo Tomas Apostol


Ang Matagumpay na Pagpasok ni Hesus sa Jerusalem (Linggo ng Palaspas)

Ang Pangangaral ni Hesus sa Isang Samaritana


Ang Pananalangin sa Halamanan Kasama ang Anghel

Ang Huling Hapunan

Ang Pagdakip kay Hesus


Ang pagpasan ni Hesus sa Kanyang Krus

Ang Pagtulong ni Simon ng Cirineo kay Hesus sa Pagpasan ng Krus

Ang Pagkasalubong ni Hesus sa Kababaihan ng Jerusalem



Ang Paglalahad ni Santa Veronica sa Tatlong Mukha ni Hesus

Ang Pagkasalubong ni Hesus sa Kanyang Namimighating Ina


Ang Paghuhugas-Kamay ni Poncio Pilato


Ang Pagpapahirap ng mga Kawal kay Hesus




Ang Pitong Huling Wika ni Hesus (Siete Palabras)



Ang Bangkay ni Hesus sa Kandungan ng Kanyang Namimighating Ina

Santa Maria Magdalena


Santa Martha

Santa Salome

Santa Veronica





Birhen Santa Maria

San Juan Ebanghelista


Santo Cristo Resucitado

May dalawang bahagi ang Banal na Prusisyon, una, sa pamumuno ng simbahan ng Katoliko o ang Our Lady of the Assumption Catholic Church (Nuesta Señora dela Asuncion), na ginaganap tuwing gabi ng Linggo ng Palaspas at Miyerkules Santo, at pangalawa, sa pamumuno ng simbahan ng Aglipayan, o ang Iglesia Filipina Catolica of Maragondon, Cavite, na idinaraos tuwing gabi ng Huwebes Santo at Biyernes Santo. Ang prusisyon ay lumiligid sa bayan na pinapanood naman ng maraming tao, kabilang na ang mga bata na kasama ng kanilang mga magulang - mga batang musmos na halos wala pang muwang sa mundo, ngunit pansin na pansin sa kanilang mga mukha ang pagkamangha sa mga nagliliwanag at nagkikintabang mga karo at poon na kanilang nasisilayan, mga batang tuwang-tuwa sa bandang tumutugtog kasabay ng pagligid ng prusisyon; mga dalaga at binata; at mga matatanda na hindi nagsawang pagmasdan ang mga poon simula noon hanggang ngayon; mga taga-Maragondon at nasasakupang barangay at baryo, maging mga tao mula sa kalapit bayan, at kahit mga turista o balikbayan na nagawi o nagbabakasyon sa aming lugar.
Ang mga santo ang palatandaan ng mayamang tradisyon ng Maragondon. Sa katunayan, nagsimula lamang noong matagal nang panahon ang Banal na Prusisyon sa iilang mga karo at poon lamang, hanggang sa pagdaan ng panahon ay unti-unting dumami nang dumami. Halos kada taon, may nadadagdag sa mga ito. Isa pa, ang ilan sa mga ito ay mas matanda pa sa akin. Ayon sa kwento ng aking ama't ina, musmos pa lang daw ang aking mga Kuya, ipinapanood na sila ng naturang prusisyon. Ibig sabihin lang, mas matanda pa din ang mga ito kahit sa aking mga kapatid. Ganito napangalagaan ang mga poon gayundin ang tradisyon o kaugaliang naipamana sa amin ng mga nakakatanda. At sana, magpatuloy at lalong mapagtibay ang ganitong nakagisnan upang matunghayan pa ng mga susunod na henerasyon ang mayabong na tradisyon ng Maragondon lalo na sa pagdiriwang ng Semana Santa.
(Oo nga pala, yung ibang poon, kung inyong mapapansin ay walang mga pangalan, kaya't ipagpaumanhin ninyo na ang pagiging huli ko sa pagsisimula ng prusisyon dahilan ng kawalan ko ng kakayahang makuha ang kanilang mga pangalan. Isa pa, yung medyo mababang kalidad ng mga litrato, dahil cellphone lang ang nagamit sa pagkuha ng mga ito. Paumanhin.)
So, kayo? Paano ninyo idinaos ang Semana Santa?
Sana sa susunod na taon, masubukan ninyong bumisita sa aming bayan at makiisa sa pagdaraos namin ng Semana Santa. At ipinapangako kong hinding-hindi ninyo iyon pagsisihan! :)
It’s more fun in Maragondon, Cavite!
God Bless! And may the Lord be with us always! ❤️
1 note
·
View note
Text

Dreams do come true!
Yes! You read it right. Pangarap ko kasi talagang makaakyat ng Mount Pico de Loro o ang Mount Palay-Palay kung tawagin ng iba. Kasi naman, sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ko dito sa mundong ibabaw, hindi ko pa nasubukang akyatin ang isa sa mga tourist attraction ng lugar namin. Opo. Caviteña ako at sobrang nakakadismaya kapag naiisip kong yung mga taga ibang lugar lalo na yung malalayo nga nakakarating sa bayan ng Maragondon sa probinsya ng Cavite para lang maakyat ang Mount Pico de Loro, tapos ako itong laking Cavite, ni hindi ko pa naakyat. Tsk. Kaya heto na nga, nung nagkaroon ng pagkakataon at syempre ng mga makakasama, agad-agad kaming sumugod sa pangarap kong Mount Pico de Loro. Hooray!!
Sunday, February 28, 2016
7:00 AM nang umalis kami sa aming mga bahay upang magbyahe patungo sa Registration Area ng Mount Pico de Loro. Actually, ang usapan namin, 5:00 AM dapat ay paalis na kami, kaso due to some instances, naghintay pa kami ng 2 hours para lang makaalis. Hello Filipino time! Anyways, ang mahalaga natuloy kami. So, sampu kaming magkakasama, magkakapamilya. Si Kuya Epong, na pinsan ko, kasama ang kanyang asawa na si Ate Lhyne, at ang kanilang dalawang anak na sina Joan at Pholyn; at mga pamangkin ko na sina Ate Rich (April) kasama ang kanyang boyfriend na si Rikki, si Sam, Desya at Bella. Isang tricycle at tatlong motor ang ginamit namin since medyo mahal kasi pag nag-rent pa kami ng sasakyan. (P85.00 per head simula sa bayan ng Maragondon hanggang sa Registration Area) Isa pa, medyo malapit lang din naman. 15 minutes lang actually yung travel time. Nakarating kami doon ng 7:15 AM at agad kaming tumungo sa Registration Area. P25.00 per head ang bayad at P20.00 ang parking fee sa bawat sasakyan na dala. Mandatory ang pagfill-up ng form ng registration (Name, Age, Gender, Address, Signature, Sign-In Time at Sign-out Time). Mahalaga lalo na ang oras ng sign in at sign out, kasi dito pala nila nate-trace kung may nawawala o kung may hindi pa nakakababa ng bundok. Once kasi na may ganoong pangyayari, agad silang umaakyat sa bundok at naghahanap. Ipinaliwanag din nila na ang registration fee na kanilang nakokolekta ay ginagamit para sa pagpapabuti at pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng Mount Pico de Loro. Meron ding ilang paalala ang Management na nangangalaga sa naturang bundok:
Una, bawal ang kahit na anong form ng vandalism sa kahit na saang bahagi ng bundok.
Pangalawa, bawal ang pagtatapon ng basura kahit saan. Inabisuhan nila kami na kailangang magdala kami ng garbage bag upang doon ilagay ang aming mga basura.
Pangatlo, mahigpit na ipinagbabawal ang overnight staying sa mga campsites. Meron kasing mga pangyayari na yung ibang hikers, nagdadala ng inuming alak na minsan nagiging sanhi pa ng gulo.
Ang mahuling sumusuway sa kanilang mga patakaran ay maaaring pababain na ng bundok at hindi na muling makaakyat pa kahit kailan.
Around 7:30 AM nang simulan naming baybayin ang daan patungo sa tuktok. Hindi na kami kumuha ng tourguide namin kasi marami naman kaming kasabay umakyat. (Tour guide costs P1000.00 for 6-10 persons) Isa pa, visible naman yung daanan at madaling i-trace. Ayon sa ibang nakausap ko na nakaakyat na sa Mount Pico de Loro, mas mabilis daw ang oras ng pag-akyat ngayon simula noong binuksan nila ang new trail patungo sa tuktok. Dati kasi limang oras ang kailangang lakarin upang marating ang tuktok. Kaya lang, dahil parang ginawa nilang shortcut ang daan, mas maraming paakyat at matarik na parte ang kailangan naming lampasan.


Sa napansin ko, yung unang bahagi ng trail ay parang ilog na hindi naman ganoon kalaki. Doon ka mismo dadaan sa mga batuhan. Tapos halos puro matarik na daan na ang susunod. Puro paakyat. Bibihira ang pababa since minadali nga yung daan. Pero kahit ganoon, naaliw ako sa aking paglalakbay. Samu’t-saring insekto ang aking nalalampasan. Iba’t-ibang puno at halaman ang aking nakita. Halos karamihan doo'y noon ko lang nakita. May isa rin akong napansing puno na mas mataas pa sa akin ang ugat. Siguro'y yung lupang kanyang kainalalagyan noon ay nadala na ng landslide kaya’t lumutang na ang ugat. Hay. Nakakamangha talaga ang kapaligiran. Buti na lang din, nakisama sa amin ang panahon. Hindi ganoon kainit pero siguro hindi na rin namin ramdam kasi balot ng matataas na puno ang dadaanan. Nakakatuwa din yung kapwa namin hikers kasi sobrang palabati sila. Simpleng "Goodmorning po. Ingat po kayo. Enjoy po.", sobrang nakakagaan ng loob. Isa pa sa mga ikinatuwa ko ay yung mga tindero ng icecream at taho sa gitna ng bundok. As in, sa gitnang bahagi na ng trail. Haha. Yun nga lang, may kamahalan ang kanilang paninda. Hindi naman kasi biro yung tatahakin nila bago makarating sa kanilang pwesto ng pinagtitindahan.
Sa halos dalawang oras namin sa pagtahak ng daan, siguro nakailang beses din kaming tumigil at nagpahinga. Kanya-kanyang labas ng tubig at pagkain. Punas ng pawis dito, paypay doon. Hay. Hindi pala talaga biro ang pagakyat ng bundok.
At ayun nga, narating na namin ang campsite. Unang tuntong palang namin sa lugar, WOW na lang ang nasabi namin. Kitang-kita namin ang ibabang bahagi ng bundok. Ang mga bayan ng Maragondon, Ternate at mga kalapit pa nito. Napakaaliwalas ng panahon. Napakasarap langhapin ang sariwang simoy ng hangin. Napakaganda ng tanawin.

Sa campsite, may mga maliliit na kubo na nagtitinda ng samu't-saring pagkain : noodles, tsitsirya, tinapay, tubig, maging halo-halo at mais con yelo. Sosyal! Nalaman namin na kapag Biyernes pala ng hapon, umaakyat na sa bundok ang mga taong iyon upang ihanda ang kanilang mga paninda para sa weekend kasi mas marami daw naakyat sa ganoong mga araw. Mas malakas ang benta. Doon na sila hanggang sa Lunes ng umaga.
Umupo muna kami at bahagyang kumain habang pinapanood ang ibang hikers sa kanilang picture-taking. Pose dito, pose doon. Syempre, hindi naman kami magpapahuli.

Kitang kita namin mula sa aming kinatatayuan ang tuktok na aming aakyatin. At ang tinatawag nilang Parrot's Beak o ang Monolith. Isa itong malaking bato na nakahiwalay sa summit na mistulang nagiging isang monumento. Hay! Ang sarap manatili sa lugar na ito.

Matapos ang isang oras ng pagpapahinga, pinagpasyahan na naming umakyat muli patungo sa tuktok. Kung matarik na ang binaybay naming daan patungo ng campsite, mas sobrang matarik at mahirap ang pag-akyat patungo sa summit. Hindi biro, kasi iba na yung lupang tatapakan. Puro malilit na bato at buhangin at alikabok na sobrang dulas sa sapatos. Isang maling hakbang mo lang, maaaring malaglag ka sa bangin. Kaya kailangan talaga ng ibayong pag-iingat.


Nauna akong umakyat sa pag-aakalang susunod ang mga kasama ko. Kaso nagkamali ako. Ipinasya nilang huwag na lang umakyat dahil bukod sa delikado, natatakot sila na may mangyaring hindi maganda lalo na’t may kasama kaming mga bata. So ako naman, since nasa gitna na, ipinagpatuloy ko na lang ang pag-akyat. Sobrang daming lakas nang loob at katapangan ang kinain ko makarating lang sa summit. Patigil-tigil ako sa kung saan patag at safe na lugar sa gitna ng aking pag-akyat. Nariyang nakikita ko ang ibang naakyat na nadudulas, o di kaya nama'y nahingi na ng tulong sa kapwa naakyat upang malampasan lang ang daan. Nariyan din yung mga pababa na na halos umupo na lang sa daan at magpadulas upang makababa lang. Ako naman, na-stuck na sa gitnang bahagi. Pero doon palang, kita ko na ang magandang tanawin na kung hindi ako nagkakamali ay sa pagmamay-ari na ng probinsya ng Batangas.




Matapos kong magpahinga, ipinagpatuloy ko na ang pag-akyat. Sobrang dumi na ng kamay at mga kuko ko dahil sa paghawak sa bato o kung saan mang bagay na maaaring makapitan maisalba lang ako sa pagkahulog. Isa pa sa nagpahirap sa pag-akyat ay yung mga makakasabay mong naakyat din o nababa. Yung tipong na-occupy na nila yung dapat mong tutuntungan o kakapitan. Kaya't ako, no choice na kundi maghintay sa isang sulok hanggang sa alam kong may safe na akong lalakaran. Yung iba naman, kumukuha na ng guide upang alalayan sila. Grabe yung mga guide na nandun. Kung anong takot namin sa pagkakadulas at pagkahulog, tila wala na sa kanila iyon. Nagagawa pa nilang tumakbo pababa at paakyat nang nakatsinelas.
Dagdag pa ang medyo sumamang panahon. Pumatak kasi nang bahagya ang ulan.
Pero after ng ilang minuto na feeling ko ilang oras na ang nakalipas, narating ko ang summit. Wooh! Tanggal ang kaba, takot at pagod noong nakita ko ang buong paligid. Sobrang ganda. Doo'y matatanaw din ang Monolith. Balak ko pa sanang puntahan ang Monolith, kaso nalaman kong ako at si Kuya Epong lang pala ang nakatuloy hanggang sa tuktok. Hindi na ako tumuloy kasi wala na rin akong makakasama, isa pa sa kasamaang palad, bumigay ang sapatos na aking suot.

Matapos kumuha ng maraming pictures, bumaba na rin ako sa tulong ni Kuya Epong. Dumiretso na kami sa campsite kung saan naghihintay ang mga kasama namin. Nagpahinga, kumain at kumuha ulit ng pictures. Nakasaksi pa kami ng wedding proposal. May forever sa Pico De Loro. Yiiie!.
Matapos ang lahat, bandang 1:00 PM, napagpasyahan na din naming bumaba ng bundok habang maaga pa. Iniiwasan din kasi namin na lumakas ang ulan kasi mas mahirap ang pababa lalo na't putik ang daan. Kung kanina'y sobrang hirap ng aming pag-akyat, sobrang bilis naman ng aming pagbaba. Kulang kulang isa't kalahating oras ang aming pagbaybay sa daan pabalik ng registration area. Hindi na kasi ganoon katarik ang aming dadaanan.
At sa wakas, narating namin ulit ang registration area. Nag-sign out at nagbyahe na muli pauwi.
Sobrang dami kong naranasan sa pagakyat ko ng Pico de Loro. Masaya, nakakapagod, nakakasakit ng buong katawan, nakakakaba, nakakatakot, pero hinding hindi ako nagsisi sa pagkamangha at dalang ligaya ng aking nasaksihang kagandahan ng lugar. Hinding-hindi ko rin ipagpapalit ang buong ligayang naihatid sa akin ng buong karanasan ko sa pag-akyat ng pangarap kong Pico De Loro. Sa wakas! Maipagmamalaki ko nang “Pico De Loro, naakyat ko na yan!”.
So, paano hanggang dito na lang muna ulit. Sa susunod ko ulit na paglalakbay! See yaaa! <3
P.S. Monolith, babalikan kita!

I love Mouth Pico de Loro. I love Maragondon, Cavite! Proud Caviteña ako!


Ikaw? Subukan mo din mag-hike sa Mount Pico de Loro. Hindi ka magsisisi. Swear! :)
Godbless us all! ❤️
0 notes
Text

Mag-iisang taon na pala mula noong ako'y namangha sa isang lugar na aking narating. Isang lugar na perpektong nilikha ng Diyos. Isang likhang noong una'y aakalain mong hanggang sa imahinasyon lang, pero noo'y aking nasilayan. Wonderful creation ika nga.
Ito ay ang Cagbalete Island sa probinsya ng Quezon.
Summer 2015 nang napagpasyahan nila Ate Kaye, ex-roommate ko sa boarding house at one of the best ate ever, at ng kanyang highschool buddies na magplano ng isang summer getaway para naman makapagrelax kahit dalawang araw lang at mapalayo sa abalang buhay sa Manila. Matapos ang ilang diskusyon at suhestyon, napagkasunduang sa Cagbalete Island ang aming magiging destinasyon. Bukod sa mas malapit itong puntahan kumpara sa ibang beach, mas mura lang ang kailangang budget para mag-enjoy sa buong bakasyon.
And the adventure begins. Hooray!

Day One. April 25, 2015. Saturday.
3:00 AM. Meeting Place at Jollibee Cubao, near Victory Liner. Since hirap akong magbyahe mag-isa kasi hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa Manila, at masyadong maaga para sa akin ang naka-set na time, nakitulog na lang ako sa condo ni Ate Kaye. Nag-taxi na lang kami kasama si Kuya Marvin, Ate Kaye's officemate (and another sabit sa gala like me haha) papunta sa meeting place. Pagdating namin, nandoon na't naghihintay ang mga kasama namin, na highschool buddies nga ni Ate Kaye. Sila Kuya Boogie, Kuya Francis, Migs, Yhin, Jin, Gel and her boyfriend (nalimutan ko yung name. sorry.) Galing pa silang Pampanga at balita ko, 12:00 MN pa ay nasa byahe na sila. Grabeee! Nag-stay kami for a while habang hinihintay yung van na ni-rent namin na maghahatid sa amin hanggang Mauban Port, Quezon.
4:00 AM. Departure. Sa wakas, dumating na si Manong Driver. Taraaaa na! Excited na ako! Yeeey!
7:30 AM. Stop-over sa isang McDonald's Store somewhere in Quezon Province. Hindi ko na matandaan kung saang part na yun, basta ang alam ko nasa Quezon na kami. Hoho. We had our breakfast sa parking lot ng store. Ham and cheese sandwich courtesy of Gel. Yuuum! Then syempre kelangan kasi ng comfort room since ilang oras na kaming babad sa byahe. After that, byahe ulit. Medyo matagal tagal pa daw kasi ang aming lalakbayin e.

8:00 AM. Stop-over ulit sa isang karinderya na nagse-serve best seller Pancit Habhab ng mga taga Quezon. Hindi sila nagsisinungaling. The best nga! Pagkatapos, byahe ulit. Haaay. Nakakainip na.

9:00 AM. At last! Narating din namin ang Mauban Port kung saan sumakay kami sa isang malaking pampasaherong bangka na naglalaman siguro ng mahigit-kumulang animnapung katao. First time kong sumakay sa ganoong bangka kaya medyo kabado. What if lumubog? What if tumaob? Haha. Please, kailangan ko nang marating ang Island!

Nagbangka kami for almost 45mins para maabot ang Island, after noon kinailangan naming maglakad ng halos 30 minutes para marating ang Villa Cleofas Beach Resort. May option naman kami na magtransfer sa isang mas maliit na bangka para makarating sa Resort kaso kailangan naming magbayad ng P900, so nilakad na lang namin. Haha. Para makatipid tsaka exercise na din. Hindi din naman ganoon kalayo.





10:15 AM. Finally! Narating na namin ang Villa Cleofas Beach Resort. Doon muna kami sa parang lounge part nila pinatuloy habang naghihintay na mai-serve ang food namin.


By the way, ang kinuha ng group namin na accomodation package is yung kasama na yung food. We will be served three meals, meaning lunch and dinner for Day 1 and breakfast for Day 2. Ang kagandahan doon, hindi na kami naha-hassle sa pagluluto kaya magagamit namin ang lahat ng oras namin sa activities. Hindi katulad ng ibang group doon na kailangan pang isipin kung anong iluluto, kung paano at saan magluluto. Bawas na yung time para mag-enjoy, minsan nagugutom pa sila kasi hindi on-time nakakapagluto.
And about the place naman kung saan kami mag-stay, which is a nipa hut na may tatlong tents sa labas, yun na lang daw kasi yung available nung time na nagpareserve kami. But fortunately, may isang group na nagback-out so lumipat kami sa isang mas malaking nipa hut na may beds. Mas okay siya atleast comfortable ang lahat. So ayun lang, let's eat loves! :)

11:00 AM. After having our lunch, pumunta na kami sa nipa hut at tents na naka-assign sa amin. Konting pahinga, pahangin at tulog. Saglit na nilibot at pinagmasdan ang lugar. Pagkatapos ay nagbihis na para sa island hopping at snorkeling. Orayt! Tara? :)


1:00 PM. We’re ready! Let's get it on! Nag-rent kami ng boat para ilibot kami sa buong island maging sa kalapit nito. Also, para makapag-snorkeling na din. P1500 for 4 hours para sa sampung tao. Hindi na masama diba?









Nag-enjoy ako nang sobra at lalong namangha sa napuntahan kong island. Napakatahimik at payapa ng lugar. Wala pang masyadong turistang bumibisita kasi hindi pa masyadong kilala ang lugar. Kaya siguro napapanatili nito ang kalinisan at kagandahan ng mga isla. Mapapa-wow ka na lang talaga sa mga makikita ng iyong mata sa buong paglibot namin sa mga isla. Isa pa, yung experience ko ng snorkeling. Yes. It was my first time and super akong nag-enjoy. Kahit na takot ako sa tubig, lalo na sa dagat, lakas-loob akong sumisid para makita ang ilalim nito. At hindi ako nabigo. Maging sa ilalim ng tubig, napakaganda ng tanawin. Tila ba isang palasyo ng mga isda at kung anu-ano pang uri ng lamang-dagat ang matatagpuan. Wow! It was such a great experience ever!

5:00 PM. Back to the base. Medyo gumagabi na din at kailangan na naming bumalik sa pampang. Inabutan na din kami ng malalaki at malalakas na alon. Medyo nakakakaba noong una lalo na't pinapasok na ng tubig ang bangkang sinasakyan namin. Pero sabi nga ng mga bangkero, natural lang daw iyon kaya medyo napanatag ang mga loob namin. Pagkarating namin sa isang parte ng pampang, kinailangan na naming maglakad sa gitna ng dagat dahil sobrang baba na din ng tubig at hindi na kakayanin ng bangka na dumiretso pa hanggang dulo. Halos malayo rin ang nilakad namin pero nakakaaliw dahil sa sobrang linaw ng tubig na aming dinaraanan. Kitang kita namin ang mga seaweeds sa ilalim. At ayun nga, nakarating na kami sa aming tutuluyan. Agad kaming nagbihis dahil naghihintay na daw ang pagkain namin. Yay! Tamang-tama kasi nakakapagod din yung nakalipas na apat na oras. Pero worth it! As in! :)

7:00 PM. Dinner. Bumalik kami sa lounge part ng beach resort para kumain. Iba-ibang uri ng ulam ang nakahain pero syempre, hindi mawawala ang isda. So, tara muna ulit kumain? Medyo nagutom ako sa paglilibot e. ;)
8:00 PM. Mula sa maliit na nipa hut, inilipat na namin ang mga gamit namin sa mas malaking nipa hut. Doon kami mag-stay sa buong gabi. Ayon sa mga tagapamahala doon, may supply ng kuryente sa resort simula 6:00 PM hanggang 6:00 AM samantalang sa kabilang resort, which is Villa Noe, ang supply ng kuryente is between 6:00 AM to 6:00 PM. So, maswerte kami kasi mas mahirap kumilos lalo na't madilim. SInamantala na din namin ang pagkakataon. Charge ng phone dito, charge ng camera doon, gamit ng ilaw, electric fan at kung anu-ano pang magagamitan ng kuryente.


9:00 PM. Nagset kami ng bonfire sa may tabi ng dagat. Nag-ihaw ng marshmallow. Nagkwentuhan. Nagkantahan. Kaunting inuming alak. Pinagmasdan ang paligid habang patuloy na nagkikislapan ang mga bituin. Napakasaya ng gabi. Napakaaliwalas kahit na medyo malamig ang simoy ng hangin.

10:00 PM. Lights off. Dahil sa sobrang pagod ko, maaga akong bumalik sa nipa hut namin para matulog. Naiwan pa sila doon sa tabi ng dagat at pinagpatuloy ang kasiyahan. Haaaay. Pakiramdam ko, napakahaba ng araw. So paano? Matutulog muna ako. Bukas ulit, Cagbalete!
Day Two. April 26, 2015. Sunday.
6:00 AM. Goodmorning Sunshine! It's our Day 2 here at Cagbalete Island. Ang aga kong gumising para lang makita ang sunrise. Hindi niya naman ako binigo. Tila ba isang painting ang nakita ko. Haaaay. Habang naghihintay maluto ang breakfast namin, umupo muna ako sa duyan upang mas mapagmasdan ang napakagandang paligid. Ang sarap sa pakiramdam nang may nalalanghap kang sariwang hangin habang naglalaro ang iyong mga paa sa buhanginan. Ang sarap lang mabuhay sa ganitong klaseng lugar.


7:00 AM. Breakfast time. Fried eggs, hotdogs, fish, fried rice with hot coffee. Yuuuuum! Tara lafang! :)

8:00 AM. Playtime. Since maaga pa naman para umuwi, medyo muli kaming nagkasiyahan. Kwentuhan, kantahan, picture taking, naglaro sa buhangin at kung anu-ano pa para lang masulit ang natitirang oras. Nandyang nagbabad muli kami sa tubig kahit sobrang aga at ang lamig pa. Ibinuhos na namin ang natitira naming panahon para mag-enjoy.







10:00 AM. Pack up. Tapos na ang pagliliwaliw. Kailangan nang mag-ayos ng gamit at maghanda sa aming pag-uwi.
11:00 AM. On our way home. Ready na ang lahat. Pero bago yun, picture muna.

Then we’re good. Nagpaalam na kami sa namamahala ng resort at naglakad na ulit pabalik papuntang daungan ng bangka.

Sumakay ulit kami ng isang malaking bangka upang makabalik sa Mauban Port. Again, 45 minutes ulit ang byahe pabalik. Pagkatapos ay doon na kami susunduin ng van na sasakyan naman namin pauwi ng Manila.

Habang papaalis ang bangkang aming sinasakyan, hindi ko maiwasang mag-isip. Naiisip ko na tapos na ang isang panaginip, isang paglalakbay, at babalik na naman kami sa realidad, sa abalang buhay ng trabaho araw-araw sa Manila. Kung pwede lang ihinto ang oras noong mga panahong nagsasaya ako sa island. O kaya kung pwede lang na doon na ako at huwag nang umuwi pa. Kaso hindi maaari. Kailangang harapin ang buhay na aking naiwan ng dalawang araw.
Ngunit hindi ko rin naman maiwaglit sa aking isipang ang sayang naramdaman ko sa pananatili sa island. Saya sa aking natunghayang paraiso kasama ang mga taong hindi ko man lubos na kakilala, itinuring naman nila akong isang tunay na kaibigan. Dalawang araw man nawala ang mga problema’t dinaramdam ko, hindi ko naman makakalimutan sa buong buhay ko ang ligayang naihatid sa akin ng isang napakagandang likha ng Diyos.
11:45 AM. Touchdown Mauban Port. Heeyaa! Haaaay! Bring me back to Cagbalete Island! :(
12:00 AM. The van is here. Huhu. Back to reality na. Ilang oras pa at makakabalik na kami sa Manila.

3:00 PM. Patuloy lang ang byahe namin pabalik ng Manila. Idinaan kami ni Manong Driver sa bilihan ng Lambanog at Longganisa. Pasalubooooong! ❤️
4:00 PM. Stop-over somewhere in Laguna. May natigilan kasi kaming bilihan ng kakanin. Bibingka. At dahil gutom na kami, kumain muna kami.



4:30 PM. After maibsan ang gutom sa bibingkang aming nabili, bumalik na kami sa aming sasakyan upang ipagpatuloy ang pagbyahe pabalik ng Manila. Sa byahe, nadaanan din namin yung windmills sa Laguna. Ewan ko pero feeling ko nasa Ilocos ako nung mga panahon na yun. Sarado pa yung mismong place kasi ginagawa pa daw. Pero as in, manghang-mangha ako. Haha.
Nakakainip magbyahe. Yung tipong feeling mo nakatulog ka na nang matagal pero paggising mo, kaunti pa lang ang naiabante ng sasakyan ninyo. Haaaay. Isa pa, ang init na ng inuupuan ko. Haha.
7:00 PM. Hello Manila! We’re back. Kaso sa sobrang layo ng byahe namin, sumabog pa yung gulong ng sasakyan namin sa gitna ng highway. Oh, well. Kelangan pa naming maghintay para maayos.

9:00 PM. Ibinaba na kami ni Manong Driver sa kung saan niya kami sinundo kahapon. Hanggang doon na lang daw. Huhu. Ang sad. Pero bago kami maghiwa-hiwalay, kumain muna kami sa Jollibee ng dinner kasi sobrang gutom na rin kami.

After noon, nagpaalam na din kami sa isa't-isa. Yung iba, umuwi na sa kani-kanilang bahay na inuupahan dito sa Manila. Yung iba naman, babyahe pa pauwi ng Pampanga. Kami naman ni Ate Kaye at Kuya Marvin, tumuloy na muna sa condo ni Ate Kaye. Doon na muna kami nagpalipas ng gabi.
9:30 PM. And it's the very sad part. Back to reality. Papasok na ulit sa work bukas. Pero yung dalang masasayang alaala ng Cagbalete Island sa akin, hinding hindi ko makakalimutan. Sa loob ng halos dalawang araw na iyon, nakalimutan ko lahat ng problema ko sa buhay. At iyon ang mahalaga sa tingin ko. Yung tumakas sa mundong kinagawian, mundong puno ng problema at mga sari-saring bagay na gumugulo sa ating isipan. Magliwaliw at magpakasaya hanggang sa abot ng makakaya. Diba sabi nga, you only live once. So ano pa? Tara't mag-explore at magpakasaya.
Well, one day, sana makabalik ako sa lugar na yan. At kung papipiliin ako, sa Cagbalete ko gugustuhing magbakasyon. Sobrang na inlove ako sa lugar e. Ganyan talaga kapag mahal, babalik-balikan. ❤️
(And by the way, halos lahat ng photos na in-upload ko dito ay kuha sa camera ni Kuya Boogie Yu. He’s a professional photographer. Kita naman din sa watermark ng bawat photo. Yun lang. Thanks. Hihi.)




So paano? Lights off na muna. Goodnight, Loves. Pahinga muna tayo. ‘Till my next adventure. See you! ❤️
God Bless! ❤️
2 notes
·
View notes
Photo

Everyday may not be good, but there's something good in everyday! 😍😊 Ohhhh myyyyy Mickey and Minnie all the way from HK Disneyland!! ❤ #10thanniversary (at The Mega Atrium @ SM Megamall)
0 notes
Text
ako nga.
Hindi ko kailangan ng ginintuang korona o kung ano pa man. Sapagkat...
Isa akong prinsesa. Isang prinsesa sa kahariang ako lang ang nakakaalam. Sa kahariang hindi nakikita ng mga mata ngunit nararamdaman ng may mga busilak na puso lamang. Sa kaharian kung saan malaya ako sa kung anumang aking naising gawin. Sa kahariang walang mga mata, isip at pusong mapangpuna.
Isa akong prinsesa. Isang prinsesa na hindi kagaya ng karamihan. Hindi ako kinaiinggitan ng iba dahil sa magarang damit, mamahaling alahas at ano pa mang karangyaan. Wala akong koronang nakapatong sa aking ulunan. Isa lang akong simpleng nilalang na mapagpasalamat sa buhay na ipinahiram ng Dakilang Maykapal.
Isa akong prinsesa. Isang prinsesang hindi kailanma’y nakulangan sa pagmamahal mula sa apat kong kapatid na prinsipe at sa aking amang hari at inang reyna. Isang prinsesang walang ibang nais kundi ang mapabuti ang aking pamilya at ang buong kaharian. Isang prinsesang namumuhay ng simple at masaya kapiling ang mga mahal sa buhay.
Isa akong prinsesa. Isang prinsesa na naghihintay sa kanyang prinsipe. Isang prinsipeng tunay at totoong magmamahal sa akin. Isang prinsipeng magpapasaya at magpapaligaya sa akin at kailanma’y hinding hindi ako sasaktan at pababayaan. Isang prinsipeng handang gawin ang lahat maipaglaban lang ang pagmamahal niya sa akin. Isang prinsipeng handang umalalay sa akin hanggang sa katapusan. Isang prinsipeng tutupad sa pangarap kong maging reyna at siya bilang aking hari.
Isa akong prinsesa. Isang prinsesang masayahin ngunit paminsan-minsa'y hindi nakakaiwas sa kalungkutan at mga problemang hindi ninanais sapitin. Ngunit nang dahil sa mga ito'y natutunan ko kung paano maging matapang at malakas. Palaban at handang sumuong sa hirap ng buhay.
Isa akong prinsesa. Isang prinsesang pinagpala hindi sa mga materyal na bagay kundi sa mga taong nandyan parati para sa akin, sa mga simpleng bagay na natatanggap at sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa akin. Isang prinsesang simple, masayahin at punong-puno ng pangarap. Isang prinsesang minamahal at marunong magmahal.
0 notes