Remind yourself everyday of this: It's okay to look back, just don't stay there and move forward.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Bakit kaya di ko na crush ang crush ko?
Nakakaaliw isipin na sa dinami-dami ng naging crush ko, s'ya ang tumatak sa puso ko. Nandyan 'yong pagnakaw ng tingin, pagtambol ng puso 'pag nakakausap, napapangiti sa simpleng pagkaisip sa kanya. Pero bakit kaya biglang nawala? Yung dating pagnakaw ng tingin, tila asiwa na ako. 'Yong pagtambol ng puso naging normal na pagtibok na lang, imbis na mapangiti ay napapangiwi 'pag naiisip sya. Baka dahil tanggap ko nang may gusto s'yang iba? O baka dahil mas nakilala ko s'ya habang humahanga sa iba? Naisip ko, siguro kung totoo na gusto mo ang isang tao, may malaman ka mang bago sa kanya, hindi magbabago ang nararamdaman mo. Kasi kapag gusto mo, tanggap mo. Siguro nga humanga lang ako. Hindi dahil sumuko na ako na 'di mo ako mapapansin kaya ko na-realize 'to kundi ayoko pa lang may makaalam na iba kung gusto mo ako. Gusto ko ako ang unang makakaalam ng lahat ng pa-cute at pakilig mo. Sayang, akala ko may patutunguhan 'to pero okay lang at least alam kong marunong pala akong makaramdam ng ganito kaya salamat pa din ex-crush.
0 notes
Text
Hindi ko alam kung bakit tingin nila sa'kin ay matino kahit alam kong hindi ako gano'n. Madalas naiisip ko tuloy, "Mapagkunwari lang ba ako o sadyang hindi lang nila ako kilala ng todo?" Minsan naiinis ako na nakikita nila akong matino. Minsan naisip ko sana makita din nilang marunong din naman ako magloko. Hindi naman ako seryoso lang sa buhay. 'Wag nyo kong tignan na tila hindi gumagawa ng mali. Ayoko na sa huli, iiwanan nyo ako dahil akala nyo matino ako.
0 notes
Photo
“Get your hands on the changes you can make, because your possibilities are limitless.”
1K notes
·
View notes
Text
“Take your hands off what you can’t control… and get your hands on something you can change”
— Min Yoongi,2020 (via parkjimni)
1K notes
·
View notes
Text
Bakit kaya ang sarap matulog 'pag malungkot ka?
Aminado akong puyatero, minsan nga naiisip kong nocturnal ako kasi gising na gising talaga diwa ko kapag gabi pero isang beses na sobrang lungkot ko, 8pm pa lang tulog na ako. Bakit kaya no? May sleeping particles ba yung pagkalungkot para antukin ka? O dahil mas pinipili ng katawan mong 'wag maisip ang lungkot kaya patutulugin ka na lang. Galing siguro kung ganon, no? Buti pa yung katawan mo nagi-initiate na patulugin ka na lang kaysa malungkot ka di tulad nung mga nagpapalungkot kasi walang pakialam kung nasasaktan ka na nila. Sana din kapag ginising ka na ng katawan mo, wala na din yung lungkot. O kahit yung nagpalungkot na lang sayo yung mawala sa buhay mo.
0 notes
Text
How do I feel?
Well, isn't that a big question for someone who doesn't really care for the answer.
184 notes
·
View notes
Text
Where do you measure your worth? Friends, possession, success, skills, or title? Then maybe you need to relive again.
0 notes
Text
Bakit kaya ang hirap paniwalaan na importante ka din?
Sabi nila, lahat tayo may halaga. Lahat tayo may importanteng role kaya tayo nabuhay. Pero bakit may mga pagkakataon na pakiramdam natin hindi naman tayo mahalaga? Bibigyan kita ng halimbawa: Kaya kang tiisin na hindi kausapin sa loob ng isang araw kahit magkasama kayo sa iisang tirahan; Hindi ka kinukumusta kung ayos ka pa ba o nababaliw ka na; Kaya nilang tumuloy sa gagawin nang hindi ka kasama, kumbaga "di ka kawalan", ang presensya mo ay di gaanong mahalaga. Pero naisip ko, ito lang ba ang sukatan ng halaga ko? Kung ito lang, parang ang babaw ko naman pala. Kaso naisip ko din, baka may mga tao na dito din umaasa, na ito lang sapat na. Wala naman kasi sa simple o engradeng paraan para malaman mong importante ka. Ang kailangan natin ay maramdamang may halaga tayo, simple man o engrande, ang mahalaga masaya ka.
0 notes
Text
Bakit kaya mahirap makuntento?
Isang buong araw akong nanood, naglaro, nagbasa, nagtrabaho, kumain, at natulog. Pero bakit may kulang? Iniisip ko kung bakit hindi ako nakukuntento. Bakit palagi akong may hinahanap pero hindi ko naman alam kung ano? Bakit kasi kailangan ko pang hanapin 'yon? Para sumaya ako? Para makuntento ako? Sigurado ba akong 'pag nahanap ko 'yon, wala na akong hahanaping iba? Baka likas lang talaga sa taong 'di makuntento, 'wag ko na lang siguro pansinin masyado.
0 notes
Text
Maybe part of who I am now is what I think I should be more than who I really is.
1 note
·
View note