Tumgik
#lungkot
pilosopong-gago · 1 year
Text
Minsan mapapailing ka nalang sa mga nangyayari. Minsan mapapansin mo kung sino pa yung biktima sila pa yung hindi nakakakuha ng tamang hustisya at ang may sala, sila pa yung nagsasaya.
17 notes · View notes
tamadskiiiiiii · 1 year
Text
Tumblr media
I finally finished ‘Frankenstein’ and I’m still not okay.
2 notes · View notes
soleilaraw · 2 months
Text
Sinabi ko na sayo. Araw araw. Na iniinda ko tong sakit na to. Pero hindi ka nakikinig. Ang pinapakingan mo lang yung nakakarindi kong boses. Pero di mo iniintindi yung kahulugan nito.
0 notes
Text
hindi ko dama ang pagiging mahalaga hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling naging masaya
sa mga bagay na aking nararanasan ay parang gusto ko nalang iwasan ang mundo at kalimutan,
sana sa susunod na buhay ay maramdaman ko ang totoong halaga ng buhay
at hindi ang ganito..
1 note · View note
im-unthinkable · 5 months
Text
May mga pagkakataon talaga na bigla na lang tutulo yung luha sa pisngi mo…
Ang bigat…
Yung lungkot na meron ka…
Na ikaw lang nakakadama at nakakakita…
0 notes
relentlessmisery · 2 years
Text
Balloon
Ewan ko ilan sa nakakabasa nito ang nakakarelate sakin, pero lately parang pagod na pagod ako sa buhay. Not necessarily naman na nagiisip ako ng ways to end my life, but more on parang wala akong will to work, to move or to live; baka I'm better off gone kasi nahihirapan na ako.
Di ko ma-pin point exactly kung anong nag-cause nito. Kaya pagpasensyahan mo na ako kung magulo rin ang structure ng pagsalaysay ko. Derederecho lang mga rants ko ha.
WORK
I've always been a "maramdamin" or "malungkutin" na tao, pero since nagresign ako from a certain work na sobrang toxic, parang feeling ko empty ako. Nagwowork kasi ako don mga 10 to 14 hours everyday. Nakakatusta lang ng utak yung pressure.
Nakahanap naman ako ng panibagong work, pero ganon pa rin. Nag-resign ulit ako.
Kelangan ko ba tanggapin na ganito talaga ang buhay? Wala bang ibang way maging successful kundi mahirapan nang ganito?
I'M GETTING MARRIED...
pero hindi ako naeexcite. Napapagod ako sa pagplano at sa gastos. Mas malaki sahod ko kesa sa fiance ko. Siguro more than x2, and baka someday mag x5 pa. Ok naman siya. Sobrang bait. Maasikaso. Mahal na mahal ako pero siya yung tipong lalakeng kelangan sasabihin ko pa sa kanya kung anong mga kelangan niya gawin. Mahal ko siya pero nabibigatan ako. Feeling ko para kong barko at nakasakay lang siya sakin.
Lumaki ako sa patriarchal na pamilya. Mas malaki kumita ang father ko. Siya ang paladesisyon at main provider, atyung mother ko, na working din naman, yung nagmamanage ng household--holding everything together.
Sa sitwasyon ko, ako na yung main provider, ako paladesisyon, ako pa yung nagmamanage ng household. Bakit di ko magive-up relationship namin? Yung kabaitan ng fiance ko, hindi mapantayan. Hindi tulad ng father ko na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay verbally abusive sa mother ko.
Madalang patulan ang toyo ko na lately dumadark soysauce level na talaga. Tulad kagabi, tinawag kong "idiots" mga magulang niya kasi:
a. Nag-iisa lang kasi fiance ko dito sa Pinas, tapos lagi nila inuutusan nang walang kapalit.
b. Hindi umuuwi mga magulang niya mula nung naging kami 3 years ago. At ngayong ikakasal na kami, hindi pa rin sila umuuwi para samahan siya mamanhikan sa amin.
c. Hindi sila katulad ng parents ko na bibigyan kami ng house and lot after namin makasal. (Kahit control freak at masama bunganga ng father ko, parang purpose niya lang yata sa buhay ay isipin nang isipin ang secure na future naming mga anak niya.)
d. Hindi siya tinutulungan ng mga parents niya financially kahit may kaya naman sila. Hindi na ito tough love. Hindi rin naman yata sila maramot. More on, wala lang talaga silang pakeelam, which I think is worse.
d. Yung kapatid niyang nasa ibang bansa na pala-utos din, hindi raw makaka-attend sa wedding namin kasi mahal daw pamasahe. Aabutin silang half-million. (Eto gusto ko intindihin talaga tutal wala naman akong pakelam if makauwi siya o hindi. Kaso di ko maiwasang maasar para sa fiance ko kasi di niya to deserve.)
Anyway, ayun nga after ko tawaging idiots yung magulang niya, galit na galit siya syempre. Sinigawan niya ako. Sobrang lakas. Feeling ko umabot hanggang kabilang kanto yung boses niya. (Yung tipong wala na ako gana lumabas ng condo sa kahihiyan.) Wag na wag ko raw tatawaging "idiots" mga magulang niyang idiots.
Gaano kagalit from 1 to inulan ako ng laway na bumubula-bula pa? Oo, tama ka. Tapos sinapak niya nang malakas yung plywood sa bedroom namin.
LATELY,
I don't feel inspired. Gusto ko gigising lang ako, manonood tv, magso-social media, mage-ML, tutulog, kakain, makikipagchikahan sa mga mahal ko sa buhay.
Di ko alam pano makabangon dito na klaro ang pag-iisip ko. Sabi nung psychologist na nakausap ko, I should write down my goals daw. Hanggang ngayon, di ko magawa. Di ko alam kung anong isusulat. Basta isa lang nasa utak ko, gusto ko maging masaya.
Lagi nako nakakakita ng mali. Lagi ako natatakot sa mga responsibilities. Laging gusto kong takbuhan. Parang takot nako sa pagsubok kasi pasung-paso nako sa putanginang learning curves na yan--na para bang sa bangin ako dederecho sa sunod na kurbada.
Nawawala yata ako. Walang humahawak sakin. Parang lumulutang lang ako sa buhay na to na parang ligaw na lobo. Lilipad pero babagsak rin kalaunan.
1 note · View note
ginniemouse · 7 months
Text
gusto ko lang ng taong consistent at hindi ako iiwanan. also, syempre, yung hindi harsh at mean sa akin.
naalala ko dati, kapag nagagalit si J sakin, he'd say, "Yun lang, bye." tapos ina-anxiety talaga ako kasi hindi ko alam, feeling ko naa-abandona ako.
until kanina, (uy, alam mo sino ka. haha) parang meron lang siyang message tapos sabi niya in the end, "Paalam." tapos parang bigla ako nalungkot ulit.
na-realize ko - hindi lang sa dalawang pagkakataon na yan, na meron rin siguro akong abandonment issues. tapos ayaw ko lang siguro naririnig yung term na "Goodbye" on a serious tone/situation.
Ang lakas ko ma-trigger.
20 notes · View notes
royal1asset-if · 1 year
Text
I ask a sign from the higher beings to what is the fate of my IF and they replied when I'm cooking breakfast.
Tumblr media
Well that's not good LOL
5 notes · View notes
sunb0rn · 1 year
Note
Hello ate thank you for replying:((( gustong gusto kong maging petty, pero it would ruin my peace lang. I hope they’d both rot in hell. Walang forgive forgive talaga,di nila deserve.
*yakaaappp, gamitin mo nalang yang na fefeel na anger or whatever mo para sa sarili mo. improvement, or to do new things etc.
1 note · View note
thesleepingninja · 2 years
Text
uhaw na uhaw ako sa yakap. pero alam ko na pag may yumakap sakin, hindi ko mapipigilan bumuhos yung luha ko. sobrang lungkot. sobrang sakit.
kanina pa kasi ako nagpipigil ng luha. saksi nito yung tarpaulin ni leni sa bandang likod ng e-jeep, yung pamaypay na may mukha ni chel diokno na nasa lamesa ko, at yung tinta sa hintuturo ko. kasi hindi ko sila matignan nang hindi ngumingilid yung luha sa mata ko. nahihiya ako para sa pilipinas.
pero kaya ko 'to isinusulat kasi ayokong makalimot.
gusto ko alalahanin 'yung saya na naramdaman ko noong minsang kumain kaming pamilya sa binondo at biglang lumabas ang balitang tatakbo si vp leni sa pagkapresidente. nagpalit kami agad ni syoti ng cover photo sa facebook bilang suporta. bagong bago, may pagka-retro pop art na hipster, tapos kulay pink. doon din nagsimula yung branding niya na kulay pink.
ayokong makalimutan yung gabing nagvolunteer ako sa relief ops sa leni-kiko hq volunteer center para sa mga nasalanta ng bagyong odette. may mga bagong tao akong nakilala, mga bagong finollow at followers sa ig, haha. at kahit huling gabi na ng volunteer work yun, mainit pa rin yung pagtanggap na nakuha ko. hindi ko naramdamang naiiba ako, kasi lahat iisa ang hangad. sa registration ako naassign, kaya naramdaman ko kung gaano kasarap makipagusap sa mga volunteers na kakarating pa lang at volunteers na pauwi na. yung kislap sa mata nila kapag nag-abot na ako ng pauwing tarpaulin, pamaypay, komiks, at stickers. alala ko, meron pa ngang bagong dating na volunteer no'n na hinoldap sa may tulay sa katipunan, malapit lang sa hq, pero umuwi siyang doble yung perang ninakaw sa kanya kasi nag-ambagan yung ibang volunteers para mabawi yung nawala sa kanya. at lalong hinding hindi ko malilimutan yung palakpakan nung naisalansan na sa loob ng truck ang pinakahuling truck ng mga relief goods na babiyahe papuntang siargao. napakasarap sa tenga.
gusto ko ring maalala yung panghihinayang kong hindi ako nakasama sa pinakaunang rally sa commonwealth, kasi nasa baguio ako, at yung kilig ko nung sa wakas, nakasali ako sa rally sa pasig. linggo yun. niyaya ko si judy at lorenzo, at nakita ko pa yung ibang mga orgmates ko. mahina ang signal. sobrang siksikan ng mga tao. para bang nabura na sa isip naming lahat yung pandemya, kasi sobrang palpak ng gobyerno at lahat uhaw sa pagbabago. pero wala akong nakitang hindi naka-mask. may namigay pa ng pink na pandesal. nanawa ako sa kakasabi at kakatanggap ng "excuse me po" at "sorry po" sa bawat kakampink na nakasalubong at nakabungguan ko. hindi ko maipinta kung gaano ako kasaya no'n. umapoy yung pag-asa sa dibdib ko. iba yung warmth na naramdam ko sa mga kakampinks na nakasama ko. nakakaproud. pakiramdam ko, ligtas ako at hindi ako mababastos. dun ko talaga tinatak sa sarili ko na gusto ko ng ganoong klaseng pilipinas, at sa sandaling yon, mukhang posible naman.
ayoko ring makalimutan yung pakiramdam na dumalo sa miting de avance kasama ang buong pamilya ko. biggest flex ko yata ngayong taon ay yung ang buong pamilya ko ay for leni-kiko. nakakakilig talaga yung tunay na pagkakaisa na mawiwitness mo kapag dumalo ka sa pagtitipon ng mga kakampink. halu-halong estado sa buhay, edad, kasarian, sekswalidad, relihiyon, paniniwala, pero iisa ang kinakanta. pare-parehong gusto ng malinis na pilipinas. sabi nung isang placard ng umattend non, "ganito pala pag may pag-asa, ang saya saya." tama siya.
gusto ko ring maalala yung iyak ko nung inendorso ng mga magsasaka si kiko, kahit na sa livestream ko lang napanood. yung mga funny shit na nabasa ko sa mga groups na sinalihan at pages na sinundan ko sa facebook, kasi napagaan nila yung bawat araw na nabubwisit ako sa mga supporters ng kabila.
at panghuli sa lahat, ayokong makalimutan itong nararamdaman ko ngayong lumalabas na ang resulta ng eleksyon. yung nakakapanlumong pakiramdam na gusto mong sumuko kasi ang tanga lang talaga. higit sa galit ay lungkot at pagkadismaya. ngayon na lang yata ako humagulgol ulit simula nung iniwan ako ng ex ko. wasak. sawi. awts. pain. pighati, matindi.
pero sabi nga ni doc tricia, "there's grief that sows unproductive anger, but there's a kind that reminds you of how fiercely you cared and that propels you to love and try harder." gusto ko 'yon. gusto ko 'non. kasi ayokong mapagod magmahal. lalo na kung sa tamang tao, yung mga deserving, yung mga nasa laylayan na tunay na nangangailangan, yung mga batang maaapektuhan ng bawat desisyon natin. pero kung marcos apologist ka o supporter ka ni robin padilla, ijujudge pa rin kita habambuhay.
sa ngayon, hindi ko na alam kung gusto ko pang magkaanak, pero kung sakaling magkaanak ako, gusto kong malaman niyang hindi ako nanahimik. na tumindig si nanay para magkaron siya ng mas promising at kulay rosas na kinabukasan. yung may kalayaan siyang maging siya, magsalita, at mamuna. at kung babae siya gaya ng hinihiling ko, gusto kong malaman niyang pinapangarap ng nanay ang isang bansang ligtas para sa kanya at bansang kikilalanin yung kakayahan niya bilang babae, kasi 'yun ang deserve niya.
sinimulan kong isulat 'to na humahagulgol. pero tinatapos ko 'to ngayon na nakangiti. kasi malinis ang konsensya ko. hinding hindi ko pinagsisisihang tumindig ako para sa mga pilipino, kasi alam kong nasa tamang parte ako ng kasaysayan. kahit gaano kasakit, hindi mawawalan ng pag-asa.
wala namang nasayang. paparating pa rin tayo sa exciting part, medyo nadelay lang. 🌷
10 notes · View notes
tamadskiiiiiii · 1 year
Text
Tumblr media
0 notes
soleilaraw · 2 months
Text
Parang hawak ko ang utak ko.
Pero iba ang may hawak.
Ang daming bumubulong, ang daming nangungulit. Nakakahibang ng pakingan. Nakaka bingi na yung sigaw. Araw araw. Gabi gabi. Ni hindi na ako pinapatulog nito. Bakit ayaw mong lumisan? Bakit ayaw mo nalang akong iwan?
0 notes
edeldoro · 4 months
Text
.
0 notes
porknbenzo · 5 months
Text
Nakakasawa na. Paulit ulit na lang.
0 notes
patorucho · 8 months
Text
hay naku gusto ko po matulog
1 note · View note