Tumgik
Text
"Underrated Author" Part I
-HYYYILY
Nasa probinsiya ako ngayon sa Quezon at nagbabakasyon kasama sina Mama, Papa at Anthony.
Nasa duyan ako sa pagitan ng dalawang manggang puno at nagbabasa ng bago'ng bili ko na libro'ng novel, Ang Mutya ng Section E.
I really like Jayjay here, lalo na si Keifer. Hehe, napapangiti nalang ako sa kalokohan nila. Lalo na si Ci-n. Ang cute niya!
Habang nagbabasa ako, may nabasa ako sa comments ng author's note. Kinwento dito kung paano nagsimula si ate Lara magsulat ng AMNSE.
Nagbabasa lang daw siya ng TFBBAM habang nasa duyan ng mapaisip siya na bat hindi siya gumawa ng storya na nasa isang section ang mga lalaki kasama ang iisang babae lamang.
Namangha ako sa storya na nasa comments kaya napaisip din ako. Bat hindi ko rin subukan magsulat diba?
...
At ayun nga, sinubukan ko magsulat sa notebook ko na hindi ko ginamit simula nung binili ko ito sa national book store.
Sinulat ko dito ang Plot, Theme, Outlines, at Iba pa na kailangan ko oara sa gagawin ko na storya.
Ang plot ko ay ang UNDERRATED AUTHOR at ang LEGEND AUTHOR ay nagkatuluyan sa MIBF.
I don't know, napaisip lang ako. At ang title naman ay (Meeting you because of the Story)
Nagsulat lang ako ng nagsulat sa note book ko ng outlines hanggang sa matapos ako. Tumingin ako sa orasan at 5 pm na pala!!
"ATE! MAG AYOS KANA DAW SA HAPAG!" Sigaw ni Anthony mula sa kubo.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa duyan, tumango ako at linigpit ang gamit na ginamit ko at linagay sa bagahe ko sa kwarto ko bago lumabas mula sa bahay at mapadaan sa kubo.
Lininis ko qng loob ng kubo bago bumaba at pumunta sa kabilang bahay, doon ko inayos ang hapag bago sabihing tapos na.
"MAMA! TAPOS NA!" At bumalik ako sa kubo para tulungan si Mama mag ayos ng hapag.
...
Sa sumunod na araw ay nagsimula na ako magsulat, kinuha ko ang macbook ko at nagsimula na gumawa ng synopsis, prologue at Chapter 1.
Nasisiyahan ako habang nagsusulat, pakiramdam ko eto ang para sakin.
Sa dalawang araw ko na pagsusulat, umabot ako sa Chapter 5! Nasisiyahan ako at nalilibang ng biglang may nagchat sa akin sa wattpad.
{Moduleislife: Hi! Ang ganda ng story mo! Nakita ko lang ito sa recommend hehe, tas ambilis mo pa mag update!}
Napataas kilay ko at napagtanto kung sino ang nagchat sa akin.
"THE CUPID AUTHOR!!"
Siya ang author na lalaki, ang nagsulat ng story na halos lahat ng readers niya ay maynagkakatuluyan sa wattpad! Maliban sa akin!
_________
Wait the Part II hehe
2 notes · View notes
Text
Tumblr media
Soon to be completed, Support my story in wattpad. Thank you~
Village series, Teen-Adult fic, Wattpad, Taglish.
Village series 1: Wind in Paradise
1 note · View note