I'm a Filipina blogger who rambles on and on about past and present experiences. Taken by a guy 7,431 miles away from me. Let's be friends!
Don't wanna be here? Send us removal request.
Video
tumblr
Para sa mga nafriendzone. Hi. ❤️😅✌️
7 notes
·
View notes
Text
Meron po ba ditong nagfafollow sakin na Nutritionist o nagttake ng Nutrition and dietetics na course? May tanong lang po ko.
3 notes
·
View notes
Photo




Howkayyyy, magrarant lang naman ako tungkol sa buhok ko. Kapag sinusuklay yan 5mins lang magiging maayos tapos bubuhaghag na ulit siya ng bongga. Para kong buhok na tinubuan ng katawan. Hahahahahahaha. Ayoko naman ng magparebond kasi wala lang. Siguro papagupitin ko nalang. Kaso sayang huhu. My face describes how fed up I am with my hair...
5 notes
·
View notes
Note
sorbang init kulang sampong ligo HAHAHA just kidding mga 4 lang ito maliligo na naman ako :))) abnormal klima dito sa pilipinas ee. gusto na talaga tumira dyan sa ibang bansa haha
Ayaw mo nun mabango ka naaa hahaha! Tara, punta na dito at magpalamig. Sarap pa manood ng anime dahil mabilis net. Hahaha.
1 note
·
View note
Text
Focusing on myself.
And to more positive things that will help me grow.
5 notes
·
View notes
Text
Tutang Pag-ibig
Naalala ko lang dati nung Grade 6 ako meron akong puppy love na itatago ko sa pangalang Bryle. Dahil yun ang 2nd name niya. Hahaha. Lol.
Sobrang kilig vibes talaga nung mga panahon na yun. Nag-umpisa kasi yon nung naging crush ko siya tapos kumalat sa room tapos nalaman ko na ako rin pala crush niya.
Simula nun, nagtatawagan na kami palagi sa landline. Pagkauwi galing school diretso agad ako sa telepono at ganun rin siya. Walking distance lang kasi mga bahay namin sa school mas malapit lang ako ng konti. Tapos may pakulo pa siya na pipindutin niya yung numbers 1, 4, at 3 tapos tatanungin niya ako kung narinig ko. Ako naman si gagang kinikilig. Hahahaha. Nakapalandi no?
Tapos sa likod ng bahay namin noon may computer shop tapos dun sila naglalaro ng Audition at Counterstrike. Hindi pa patok ang DOTA non. Haha! Edi tuwing maglalaro sila may maririnig ako na may tumatawag sa pangalan ko tapos kakaripas na ako ng takbo papunta sa likod. Kakawayan namin ang isa’t-isa tapos buo na araw namin. Hahaha!
Ito na talaga ang pinaka nakakakilig. Nagpaburn siya ng CD para sa'kin. Natatandaan ko pa nga na si Tigger yung design ng CD. Hahaha! Tapos may nakaipit na note nakalagay "Pakinggan mo yung #3”.Pagplay ko, STARS ng Callalily yung tumunog. Tapos nagtext ako sa kanya gamit yung 3315 ko na cellphone sabi ko narinig ko na. Tapos nagreply siya sabi niya, “If only you can hear me shout your name…” Umaygas!! Kiligs!
Tapos pagkagraduate namin ng elementary, nawala na communication namin until nagkaron ng facebook. Nagkachat kami minsan pero di ko na siya feel. Haha!
Tuwing binabalikan ko yung moment na to’ nakakakilig pa rin. And I feel so old kasi yung mga ginagawa namin non na sa landline tapos yung pagburn ng CD. Hahaha wala lang. Hay. Kaloka.
5 notes
·
View notes
Text
Sino po dito may Smule account?
1 note
·
View note
Photo

High school Graduation. Kung tatanungin ako kung anong araw sa buhay ko ang gusto kong balikan tapos bibigyan ako ng pagkakataon na magsimula don, itong araw na to' yung pipiliin ko. Pagkagraduate ko kasi ng high school sobrang saya lang ng buhay ko eh. Excited ako non sa buhay na bibigay sa'kin ng buhay kolehiyo. Sobrang motivated maging scholar. Pero pucha, pagtungtong ko ng college ewan puro bad decisions yung nangyari. Nagkaroon pa ko ng boyfriend na bad influence. Edi landi pa more kesa mag-aral. Kasalanan ko rin naman. (Buti nalang nung nagbreak na kami, pumasok na ako sa scholarship. Nawala ang sagabal.) Hindi naman masama na magbf habang nag-aaral pa. Pero depende talaga kung inspiration ba o sagabal eh. Anyway.. Yun nga, kung bibigyan lang ako ng chance. Sana kakagraduate ko pa lang ng high school ulit. Pero ganon nga daw kasi ang buhay, hindi pwedeng puro saya. Grateful pa rin ako sa lahat ng nangyari kasi masasabi ko na mas strong na ako ngayon. Mas alam ko na ang tama at mali. Lesson learned and onto the next chapter. Charot. PS. Can we just talk about how dark I was back then?! Hahahahahaha
3 notes
·
View notes
Video
tumblr
Pang LDR na musical.ly. hahahahaha naadik na ako
2 notes
·
View notes
Video
tumblr
Pang ulol na musical.ly. Hahahaha!
2 notes
·
View notes
Photo

Naks, ang sexy ko dito. Mapanlinlang. Hahaha. Tara na't mamalengke!
2 notes
·
View notes
Photo

Hey. Hindi na ako masyado nakakablog. Pero this past week ang dami ko nanaman kinakastress at kinakainis. Inaabala ko nalang din at stress reliever ang pagbabasa ng books and sa isang linggo 2 books ang natapos ko. Anyway, mostly about family lang naman yung problema. Kahit na hindi naman super ganun kabigat, medyo may bigat pa rin siguro mga 10kilos ng bigas. Charot. Ewan ko ba, ang hirap lang kasi kapag separated yung parents mo. Tapos nasa kabilang parte ng mundo yung isa. My ghaad, ayoko talaga nagbblog about my family pero gusto ko lang ilabas, kahit konti so I won't get into too much detail. Basta hiling ko sana umuulan ng pera dito. Hay. Isa pang kinakainis ko yung kapatid ko, na hindi ko nalang kinakausap. Pero ang hirap din kasi na may ganon tapos diba kapatid mo pa siya. Pero ako mananahimik nalang ako. I need to control my temper din talaga plus wag masyado negative thinker. Wooooh, kaya ko to'. Sa mga nagtataka anong connect ng picture sa rant na ito, wala. Hahaha! Byee.
4 notes
·
View notes
Text
LDR
Makaka-survive ka sa ganitong klaseng relasyon kung malakas ang loob mo, matino ka sa lahat ng aspeto, faithful, honest, at hindi ka ma-drama masyado.
22 notes
·
View notes
Text
One time I don't wear earphones and I hear things that I don't want to hear. Ugh!
Pucha.
2 notes
·
View notes
Photo

I want to write about everything but I can’t seem to find the strength to do it. There’s so many things going through my head and all I can do is to take a selfie. Hays, maybe this is some form of escape to all my worries, to just smile infront of the camera and never say a word about anything….
Hello there. :)
6 notes
·
View notes