Tumgik
iheartjel-blog-blog · 10 years
Text
Ang tagal na din
Sobrang tagal na nung huli akong nagpost dito. Siguro dahil madami akong hinarap na problema sa loob ng tatlong taon ko sa kolehiyo na nagdulot sakin ng kalungkutan at pagsisisi. Sapunto ngayon ng buhay ko, madami akong "regrets". Oo. Sobrang dami. LAgi kong sinasabi  sa sarili ko na dapat kapag gumawa ako ng bagay, hindi ko pagsisisihan ito dahil ginusto ko naman ito. Pero ngayon, ang dami kong narealize. Kailangan pa kong masaktan ng pinakamamahal ko para lang matauhan ako na napakalaki kong tanga.
December 2011 noong umibig ako sa maling tao. Akala ko nung una basta kasama ko siya at walang bibitaw saming dalawa, kakayanin ko to. Eh paano na nung ako na lang ang nananatiling nakahawak at siya may hawak ng iba? Sobrang sakit. Sobrang sakit na sa loob lang ng dalawang linngo ay kaya niyang ipamukha sayo na wala na kayo, wala kang kwenta, at masama kang tao. Biruin niyo yun, lahat ginawa mo sa kanya pero kinaya niyang kalimutan lang iyon. Noong nakaraang tatlong linggo, lagi ko lang iniisip na masama ba ako at hindi pa ba ako sapat. Panget ba ako? Kulang pa ba? Nawala din ang tiwala ko sa sarili ko. Nawala lahat ng inipon kong lakas ng loob dahil iniwan niya na ko. Masakit kapag iniwan ka ng taong pinaglaban mo, at iniwan mo lahat para sa kanya, di ba? Wala na kong nagawa kung hindi ang umiyak. Sa loob ng tatlong taon ang ginawa ko lang ay lumuha para sa taong hindi alam ang halaga ko. Pinagpalit niya lahat ng pinagsamahan namin para sa kasiyahan niya. Ang sabi niya sa akin ay mahalaga daw ako kaya naman pilit niya akong nilalayo sa kanya upang hindi na ako masaktan. Pero sa tingin niya ba hindi niya ako sinasaktan sa ginagawa niya? Ang tagal ko na ding  nagtiis at lumuha, siguro naman ay deserve ko namang sumaya at mamuhay ng katulad dati.
Sobrang tagal na din nung humalakhak ako ng wagas at walang humpay. Kat tagal na din nung nakausap koang mga kaibigan ko na iniwan ko para sa kanya. Sobrang tagal na nung huli akong tunay na naging masaya. Kay tagal niya kong kinulong sa buhay niyang puro lungkot at dusa. ANg dami kong sinakripisyo. Pera at buhay ko ay nawala. Iniisip ko nga kung paano kaya kung hindi ko siya minahal? Paano kung naging masaya na ako sa pagiging ako. Yung ako na nawala simula nung minahal ko siya. Ang dami kong nawalang oras para sa mga taong mahal na mahal ako para sa taong iyon. Napakalaki kong tanga.
Oo. Hindi ko pa siya kayang kalimutan agad at oo nasasaktan ako sa lahat ng nangyari. Pero alam ko na kugn gaano ako katagal nagtiis ganun din ako katagal magiging masaya. Alam ko tutulungan ako ng Diyos sa ganitong panahon.
0 notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
SOON! <3
Tumblr media
BEE-DO!
Download
216K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
16 notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
35K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Text
Make the most of everyday :)
155 notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
473K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Text
Pag wala ka....
Bata: ate pwede magtanong? Girl: ano yun? Bata: pag wala ka bang kamay mag bbracelet ka ? Girl: ndi! Bata: pag wla ka bang daliri magsisingsing ka? Girl: natural hindi. Bata: eh bakit ka naka BRA? feel mo lang ba o nantitrip ka lang? Girl: gag*ng bata to ah. lumayas ka nga sa harap kong p*t# ka h@y*p ka hampaslupa!
0 notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Text
JOKE TO.
EKSENA SA MCDO Dalawang Pilosopo nag-uusap Customer:Pa-order nga isang Cheeseburger, Fries at CokeFloat. Cashier:Dito nyo po ba kkainin sir? Customer:Ay di ba pede sa table nlang? Nkkahiya kung dito. Mdami png nkapila. Cashier:Ah. Gusto nyo po sa table kumain. Gmit kayo ng plato sir, kadiri nman sa table kayo kakain..
1 note · View note
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
you mad, kitty?
1 note · View note
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
150K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
153K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
45K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
ang sweet <3
Tumblr media
99K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
218K notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 12 years
Text
Ang sarap siguro mag-benta ng damit, accessories at kung anu-ano pa. :)
2 notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 12 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Uy. Since nagdadrama na sila, makikisabay na din ako. Iiklian ko lang tayo para sayo. 
Yasmin Rocero Lorenzo! Aalis ka na naman. Mag-iingat ka dun ha. Siguro di ko na kailangang paulit-ulitin yan kasi alam ko namang kaya mong mag-ingat. Siguro madalas kang careless tulad ng pagkahulog / pagslide mo sa hagdan pero kaya mong ihandle yun sa pamamagitan ng malakas mong tawa. Sana sa pag balik mo dito sumaya ka, napasaya ka namin kahit madaming trials na napagdaanan at kahit ilang buwan lang yun. Alam mo na, yung tampuhan, may iyakan mode pa, pwede ng pang MMK. HAHA! Pero alam kong naging masaya ka. Kahit di ka tumawa ng malakas alam kong naging masaya ka :)
Salamat nga pala sa lahat. Sa lahat lahat. Sa sobrang dami di ko maimention lahat. Pero salamat talaga nung mga time na lahat ng pag-iintindi mo ginawa mo sakin kahit nasa malayo ka. Inintindi mo ko kahit ako mismo di ko maintindihan sarili ko. Salamat kasi hindi ka lang naging mabuting kaibigan sakin. naging mabuting kapatid ka din. Pinaramdam mo saking may isa pa palang anak ang nanay ko. Na kahit ganito lang ako, at eto ako, natanggap mo pa din ako. Salamat din sa mga memories na di ko makakalimutan kahit magtagal ka pa sa Italy at kahit makalimutan mo pa ko.
Siguro sa pag punta mo sa Italy madaming magbabago, pero hindi ako iiyak. hindi din ako malulungkot, kasi mas gusto kong maging masaya para sayo. Alam ko eto na yung chance para maging maayos ang buhay mo, I mean yung maging stable ang buhay mo, at siguro sa Italy mo na din mahahanap kung sino talaga ang para sayo :) Yas, isipin mo lagi yung makakabuti at makakapagpasaya sayo. Alam ko kayang kaya mong lagpasan yung lungkot kasi masayahin kang tao. Wag mo na kami alalahanin dito, ayos lang kami at kung hindi man kami ayos magiging ayos din kami..
Sana maging mas masaya ka pa :) Goodluck sa bagong Journey ng buhay mo. 
Balik ka ulit dito at pagbalik mo dito, maayos na kaming lahat. Sana may magandang buhay na din. At syempre masaya. :)
ILOVEYOU YAS! I'LL MISS YOU SO MUCH! :)
Till next time :)
3 notes · View notes
iheartjel-blog-blog · 12 years
Text
RF: Kapag magkukulot ako kelangan nakalabas muna yung paa.
Kasi huling nilalamig paa ko. Di ako makatulog ng naiinitan yung paa ko. hehe
0 notes