isabelbldrs-blog
isabelbldrs-blog
Paglalakbay sa mundo ng Panitikan
11 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Text
Ang aking Paglalakbay sa Mundo ng Panitikan
Ang paglalakbay ko ay hindi naging madali, kabaliktaran sa aking inaasahan. May mga kaibigan akong nakakuha na ng kursong ito at sabi nila, “madaming readings pero kaya mo yan”, “laging nagpapaquiz si sir kaya wag ka umabsent”, at “ang daming pagawa pero di naman mahirap”. Wala namang naging epekto sa pagkuha ko ng kursong ito ang mga sinabi nila dahil isa ito sa mga required kong kuhanin upang makapagtapos ng kolehiyo. Siguro ay nakatulong lamang ang mga sinabi nila para makapaghanda ako sa mismong mga araw ng pasok. Unang araw ng klase ay puro pagdidiscuss lang ng syllabus ang nangyari. Hindi ko pa nakikita kung paano ang mangyayari. Sa mga sumunod na araw, nagsimula na akong magtaka at magtanong. Nagtataka ako sa mga itinuturo dahil hindi ko alam ang mga iyon pero Pilipino ako. Nagtatanong ako sa sarili kung bakit ang tagal tagal ko nang nag-aaral pero ngayon ko lang narinig ang lahat ng ito. Mali ba ang mga itinuro sa akin noon? Sa paglipas ng bawat araw ay nagiging masaya ako klase, nawawala ang mga dati kong kaalaman pero nahahanap ko ang sarili ko bilang Pilipino sa mga ibinabahagi sa amin ng aming propesor. Naaalala kong lagi akong kinakabahan at nagdadalawang isip kung papasok ba pero palagi pa rin naman akong pumapasok dahil alam kong maiinggit ako sa mga kaklase kong nakarinig na naman ng panibagong kuwento mula kay sir.
Ang unang pinagawa sa amin ay ang kahulugan ng pangalan. Naramdaman ko ang kapangyarihan na mayroon ang panitikan. Mantakin mong kaya mo pa lang magbigay ng kahulugan sa pangalan at maniniwala ang mga taong mapagsasabihan mo nito. Nakakapanibago, nakakaexcite pero wala akong maisulat. Kaya naman ay tinanong ko ang siyam na taong kapatid ko kung ano ba sa tingin niya ang kahulugan ng apelyido namin. Mula sa malawak niyang imahinasyon, napagkasunduan namin ang magiging kahulugan ng aming apelyido. Makikita mo ito sa pinakadulong parte ng blog na ito.
Sumunod naman ay ang dramatikong tula. “Maganda itong ehersisyo”, sabi ko sa sarili. Madalas kapag nakakakita ako ng mga bagay ay ang dami kong naiisip kaya baka ito na ang sagot kung paano ko pagsasamahin ang mga salitang gusto kong sabihin. Sa pangalawang pagkakataon, nahirapan na naman ako. Galit ang nararamdaman ko pero ano bang mga salita ang dapat kong ilagay? Anong lugar o gamit ba ang dapat kong pagtuonan? Dahil mahilig akong magluto at madalas nagagalit ang nanay ko sa lakas ng pagkayod ng sandok sa kawali, napili ko ang kusina bilang lugar ng aking paksa at ang kawali naman sa gamit. Ang daming salita pero ang hirap pala gawing pormang tula.
Ang ikatlo ay ginawa naming magkakasama ng aking mga kagrupo. Dito ko naisip na hindi ko pala talaga alam ang ibig sabihin ng panitikan. Aba’y nakakahiya na ako ay Pilipino pero di ko alam ang ibig sabihin nito. Mabuti na lang at may mga kagrupo akong magagaling. Hindi man ako nakatulong ng malaki pero alam kong nakatulong ako dahil ako ang nagdagdag nung mga ideya tungkol sa lipunan. Maaari mong basahin ang aming kahulugan ng panitikan sa ibaba ng blog na ito.
Ang parte kung saan ako pinaka nagdusa ay ang paggawa ng diagram para madaling maintindihan ang tulang “may bagyo ma’t rilim”.
Ang panglima naman ay ang paggawa ng sanaysay gaya ng paggawa ni Andres Bonifacio sa kanyang “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog”. Una kong ginawa ay palpak. Nadala ako ng emosyon sa labis na pagod sa paggawa ng aking thesis. Ang unang ginawa ko ay alay sa mga estudyanteng nagtithesis at hindi ko na napansin na hindi na pala siya kagaya ng sanaysay ni Andres. Binago ko ito dahil nalampasan ko na ang unang kabanata ng hirap sa paggawa ng thesis. Naalala ko ang Balintawak dahil malapit ito sa amin at lagi koi tong nadadaanan kapag ako’y babalik na sa sintang paaralan. Nakita ko ang pagbabago nito – mula sa pagiging marumi at maraming mga pulubi hanggang ngayong ito ay unti-unting nagiging moderno. Sa bawat pagdaan ko, nalulungkot ako na nagiging mall na ang malaking parte ng palengke. Hindi na kasing dami ang bumibili at hindi na rin ganun karami ang nagbebenta. Pinapatay na nila ang tunay na itsura ng Balintawak.
Sa ikaanim, taimtim na pagbabasa ang kailangan sapagkat dapat ay maintindihan muna ang ipinaaabot ng tula para masalin moa ng ideyang pumapaloob dito. Hindi ako magaling sa mga salita kaya naman ay natagalan ako sa paulit-ulit na pagpili ng mga salita.
Ang huling tatlong ehersisyo: Haibun, Pattern Poetry at Konkretong tula, ay sobrang naging kasiya-siya sa akin. Siguro dahil mas may kalayaan na akong sabihin ang gusto kong sabihin at mas may karanasan na ako magsulat ngayon kaysa noong mga una. Kahit anong ilagay ko rito ay ayos lang. Gumawa ako ng haibun noong ako ay malungkot. Sa pattern poetry naman, malapit na ang kaarawan ko noon. Ang konkretong tula naman ay noong araw na nanuod ako ng maraming episode ng Killer Bride sa iWANTv. Hindi ako masyadong nag-isip dito at hinayaang ang mga emosyon ko ang mangibabaw. Pakiramdam ko ay naging hingahan ko itong huling tatlong ipinagawa sa amin.
Nakasalubong ako ng mga baku-bako at napunta sa maraming liko-liko. Baku-bakong daan na ang ibig sabihin ay maraming kulang kaya hindi makinis ang daraanan. Nagkulang ako sa kaalaman ngunit sa pagtatapos ay alam kong napunan naman. Maraming liko ang dinaanan, bumaluktot ang mga dating pinaniniwalaan. Totoo ngang ang panitikan ay nakakapaligalig ng mga kumportable. Akala ko tama na, akala ko sapat na, akala ko naiintindihan ko na ang mundo ng panitikan ngunit marami pa palang hindi nadaraanan.
Kalakip nitong panimula ay ang mga larawan ng aking mga paghihirap upang matapos ang mga pinal na bersyong nakalagay sa blog na ito.
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga larawan ng aking mga pagkakamali at paghihirap bago makamit ang mga pinal na bersyong nakalagay sa blog na ito. 
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Konkretong tula
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Pattern Poetry
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Haibun
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Pagsasalin ng tulang “Needing no time” ni Carlos Bulosan
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Ang dapat mabatid ng mga tindero’t tindera ng palengke ng Balintawak
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Diagram para sa tulang “May bagyo ma’t rilim”
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Kahulugan ng Panitikan
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Dramatikong Tula
0 notes
isabelbldrs-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Kahulugan ng Pangalan
1 note · View note