joycecoguangco23
joycecoguangco23
Joyce Coguangco
1 post
"sa bawat paglalakbay, mayroon itong kaakibat na panibagong kwento"
Don't wanna be here? Send us removal request.
joycecoguangco23 · 1 year ago
Text
Biyahe Patungo sa Monasterio De Tarlac
-> Pagkilala sa lugar Hindi ko lubos akalain na mayroong ganitong klase ng lugar sa Pilipinas. Bilang kasapi ng isang relihiyosong pamilya, ang lugar na ito ay isang biyaya. Kaya naman samahan ninyo akong lakbayin ang tunay na katangi-tanging ganda ng Monasterio De Tarlac. Ang Monasterio de Tarlac ay matatagpuan sa matayog na bulubunduking kagubatan sa Resurrection sa probinsya ng Tarlac, ito ay hindi lamang isang pasyalan para sa mga deboto at mga bumibisita, kundi isang lugar ng pagninilay at pananampalataya.
Ang katahimikan ng lugar ay agad na bumalot sa akin, nagbibigay-daan sa isang mas malalim na pagninilay at pananampalataya. Bago magsimula ang misa, bumungad sa akin ang napakalaking imposanteng istatwa ni Hesu Kristo na naitayo na may laking 30-foot malapit sa simbahan. Kamangha-mangha ang istatwang ito sa unang tingin sapagkat aakalaing mong hanggang langit ang tingkad.
Tumblr media
-> Pagninilay at Pananampalataya Sa panimula ng mga kampana, indikasyon ng pagsisimula ng misa, ang banal na lugar ay nagbigay sa aking diwa ng kapanatagan at kapayapaan. Sa pag lapit ko sa loob ng simabahan, nakaramdaman ako ng presensya ng pagninilay. Ang lugar na ito ay nagbigay ng pasasalamat at kagalakan sa aking isipan. Ang bawat sandaling ito sa loob ng simbahan ng Monasterio de Tarlac ay nagdulot ng kasiyahan at kapayapaan sa aking puso at isipan, nagbibigay-lakas sa akin sa aking landas ng pananampalataya at paglilingkod.
Tumblr media
-> Silong at litratuhan Ang Monasterio De Tarlac ay hindi lamang umiikot sa pagkakaroon ng simbahan, kung hindi ang pagkakaroon ng mga magagandang tanawin, mayroong mga bilihan ng makakain. Isa ang restaurant na ito sa pumukaw ng aking atensyon dulot ng tanawin, samahan pa ito ng masasarap na pagkain mula sa lugar.
Tumblr media
Sa karagdagan, ang Monasterio de Tarlac ay may mga sariwang lugar na perpekto para sa pagkuha ng litrato. Isa rin ito sa pumukaw ng aking atensyon sapagkat ito ay mayroong mga upuan, ramdam ang simoy ng hangin at mapapansin ang mga nakapalibot na istatwa ng mga santo.
Tumblr media
-> Espesyal na Araw para sa Pamilya Napakasaya ng aking experiences sa lugar dahil kasama ko ang aking pamilya lalo na at bonding namin ang pagninilay at pagsisimba. Masasabi kong nakatulong ang Monasterio De Tarlac upang mas magkaroon ako ng mga memoryang tatatak sa aking isipan magpakailanman. Isa ang araw na ito sa pinaka espesyal na nangyari sa aking buhay sapagkat kasama ko ang pinakamahalagang biyaya sa akin ng may kapal, ito ay ang aking pamilya. Kaya naman upang hindi ko makalimutan ang espesyal na araw na ito ay nagpasya ako at aking pamilya na kumuha ng mga litrato na maari naming tignan at balikan kung gusto naming maalala at bigyang empasismo ang tunay na kaakibat ng Monasterio de Tarlac.
Tumblr media
-> Bulubunduking Tanawin Matatanaw din ang mga malalaking bundok mula sa lugar na nang-alok ng mga napakagandang tanawin, malayo man ito o malapit. Sa aking persepsyon, ang mga bundok na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa mga bisita na nagbibigay-daan na lumapit sa kalikasan at sa kanilang sariling espiritwalidad sa pamamagitan ng mga natatanging karanasan at paglalakbay.
Tumblr media
-> Mga Realisasyon
Sa pagtatapos ng aking paglalakbay sa Monasterio de Tarlac, ang lugar na ito ay magtatanim sa aking puso ng alaala na kailanman ay hindi ko makakalimutan. Ilan sa mga realisasyon na aking natamo sa buong paglalakbay ko sa Monasterio de Tarlac ay ang pagkakaroon ng malaking benepisyo ng paglalakbay sa ugnayan ng pamilya. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ng malakas na pananampalata sa Panginoon ay isang paraan upang mas mapatibay ang relasyon ng isang pamilya, dahil base sa aking karanasan, isa ang pagninilay sa Panginoon ang naging daan sa aking pamilya upang patuloy na mahalin ang isa't isa. Kaya naman hinihikayat ko kayo na bisitahin ang Monasterio de Tarlac upang maranasan ang tunay na kagandahan nito.
Tumblr media
3 notes · View notes