Tumgik
keishi-00 · 3 months
Text
"Padyak"
Tumblr media
Sa bawat pag pedal ko, may kasamang pagod at patak ng pawis pero may kasamang himig ng kalsada. Sa bawat padyak ko ay may hangin na humahalik sa aking balat na nagpapatunay na ako ay malaya. Ganito ang simula ng aking mga paglalakbay sa likod ng aking bisikleta. Ako ay pumunta dito sa Vista Tala sa Orani, Bataan. Madami kang aahunin na daan para maka-akyat dito, pero isa ako sa mga siklista na ine-enjoy ang mga matatarik na daan dahil magsisilbi sakin itong pag-subok na kailangan ko tawirin. Isa itong magandang halimbawa at ensayo sakin para sa hinaharap. Sa aking lakbay na ito, kasama ko ang dalawa kong matalik na kaibigan, si Denmark at si Hiro. Kinalaban namin ang tarik at init ng daan para mapunta sa aming destinayon. Kahit na ilang beses kami huminto, nakarating kame sa aming destinasyon. Hindi naman kailangan magmadali sa pag bibike, inenjoy namin ang bawat tanawin na aming dinadaanan at kukuha kami ng maraming litrato na magsisilbing memorya at pruweba hanggang sa pagtanda namin. Lubos akong natuwa sa paglalakbay ko na ito, dahil madami kami nakilala na kapwa siklista. Na realized ko na masarap pala talaga kakwentuhan ang mga matatanda lalo na akapag nag bibike kayo.
1 note · View note