Text








ira’s tour ph leg. medyo nirereserve ko energy ko kaso si ira lahat may funny na banat eh. 🤣
@sonderreverie
@logsofephemera
@inkedbydawn
@aerystotle
@katoptrisse
@kimhortons
@m3lisssss4
74 notes
·
View notes
Text

kung wala ‘tong mga friends kong ‘to malamang kay chatgpt na naman ako nanghingi ng validation sa nangyari. haha. thankful ako sa mga friends kong nababalance out yung pagiging negative thinker ko paminsan hehe. yung tipong hindi mo naman hinihingi pero vinavalidate ka, if that’s the right term?
yun nalang talaga iisipin ko, baka nangyari ‘to para medyo gumaan yung isipin sa burden ng mga bayarin. buwan buwan kasi namomroblema ako budgetin, atleast ngayon alam ko na yung kailangan ko in one go, para maka enjoy nalang ng susunod. ganun nalang.
sana talaga maclear ko na ‘to. namimiss ko na magkaron ng freedom sa kinikita ko. ang dami ko rin kailangan gawin at pag gastusan na may sense at mas worth it, isipin ko nalang practice ‘to. huy! toxic positivity na ata ‘to. haha.
universe intervention—sana nga’y ganon talaga.
5 notes
·
View notes
Text
ilang beses ko na 'tong sinasabi, di ko naman nagagawa haha. pero ito na talaga, after this month, i'll temporarily delete all my social media apps sa phone ko. will apply auto deduct nalang sa sloan para no need for me to open the app (tukso sa orders) although nacocontrol ko naman yung order lalo pag di ko naman need talaga. susulpot nalang ako ulit next year. haha.
tangina kasi self, bat ka ganyan!? really need to teach myself a lesson. titigilan ko muna pag iinarte—yes, i really need to. had to admit, i'm still living high maintenance na nakasanayan ko way way before (like the times na sustentado pa ko ng papa ko nung nasa abrod pa siya, even if i already have job, at wala pang inaakong responsibilidad) solo ko lahat ng sahod ko noon, yung time na comfortable pa akong gastusin yung sahod ko—concert dito, concert doon, bili nito, bili niyan, 4 times a month mag starbucks, gastos dito, gastos doon, etc.
kaya laging halos isumpa ako ng mga friends ko tuwing makakasama nila ako kasi 'gastos' 'one time big time' 'one day millionaire' as in laging hindi nawawalang comment sakin "ang gastos mo kasama" lagi rin ako nareremind ni J kapag sinasabihan niya ako, pinaka natatandaan niya daw na sinabi sakanya ni Chi nung first time niya mameet "ano, kaya mo pa? sobrang gastos niyan" haha. huhu.
that's why i said naactivate bigla yung fear ko. kasi feeling ko one of the reasons why i have lesser friends now, dahil dun. haha. and i want to be honest, di ko sure kung ilalabas ko here or sa chat nalang or in person. pero merong fear sa surface for this coming week for me. though feeling ko alam naman nila, since madalas ko namang hanash yun (if nababasa).
sometimes, i feel a little guilty that some of my friends would always have to carry me cos they know my current situation. pero minsan iniisip ko nalang, baka balik sakin ng universe yun, kasi nung mga panahong kumportable ako, lagi naman ding ako yung nag iinitiate. and even now, when I have the chance ginagawa ko parin naman with the people around me. kahit minsan negative pa yung tingin ng iba dun.
naalala ko lang kasi yung kaaway ko non sa dati kong work, binibili ko daw yung friends ko, nililibre ko daw para samahan ako. comment ng immature na hindi ko naman talaga dapat bigyang pansin, pero yun nga azza overthinker ang ate mo. lol
also, nireremind din sakin ni J yung sinabi ko noon na ayaw ko maging katulad ng magulang ko, but turns out, tulad narin nila ako. and if i want to make myself feel better, iisipin ko lang din na normal lang, na di lang naman ako, na ang importante responsible, but still sumusobra lang talaga ako at kinukulang sa disiplina. hehe.
12 notes
·
View notes
Text
ang aga aga yung emotions ko jusko. apaka babaw na naman ng luha ko. this morning lang umiyak ako sa wedding proposal ng iba, sa namatay na alagang pusa, sa twins na magkadikit ang ulo na tuwang tuwa nakita si jollibee pati sa mga scholar ni vice. aga aga kasi cellphone haha.
anyway, next week nalang ako papa medical pag uwi galing manila. tinatamad na ko lumabas pag sabado, pero maglala legazpi ako mamaya at magkikita kami ni ericka. as usual, to pamper ourselves haha. tsaka gusto ko rin panuorin sa sine yung lasting moments, hinahanap ko kasi yun akala ko nag showing na siya before e, ngayon palang pala.
2 notes
·
View notes
Text
nag attempt na naman ako magbasa ng bagong book—the daily stoic. pero di ko na naman inulit haha. gusto ko sana magpaka stoic, pero azza overthinker na praning, panibagong struggle na naman yon diba. haha. tsaka iniisip ko palagi, paano nagagawa ng iba na magkaron ng time after work? nakakapag gym, walking, makatapos ng book, etc. samantalang ako minsan kahit may time pag uwi di ko na magawang mag open ng laptop kahit may gagawin ako, kasi ba naman tatlo tatlo na screen ko sa office, pag uwi laptop parin, parang i can’t. parang naging buhay ko nalang: work - uwi - cellphone - kain - tulog. madalas din gusto ko chumika ng chumika dito, kaso nauunahan ako ng katamaran kaya lulubog lilitas nalang talaga ko dito e. haha. ngayon medyo may overload lang ng thoughts kaya eto humahanash ng mga walang katuturan haha.
4 notes
·
View notes
Text
shet feeling ko humihina na yung utak ko, like nabobobo na ko ganun. haha. sa dami ng passwords at paiba ibang account ko, tas dala dalawa pa phone ko, hassle na hassle na ko. nakaka ilang forgot password ako dahil hindi ko na maalala mga password ko. tangna yan haha. at since ngayon ko nalang ulit nagamit yung iphone ko, hindi na tuloy updated yung mga nakasave na password dito. di naman nasesave sa device yung passwords sa android, sobrang tanga ko ap gumamit ng android di ko narin kinakalkal kasi basta nakakapag social media ako at nakaka nuod ng netflix go lang, kaya napupurol yung utak ko kaka facebook e hayup haha. yoko na self!
but anyway, kahit papaano nakaka trabaho pa naman ako ng maayos haha. minsan talagang natutulala ako kung ano na next kong gagawin sa task na ina-assign saken, tapos masyado pa ko naka rely kay chatgpt haha, pero on a good note tingin ko naman nasasanay din ako dahil sa mga tinuturo ni chatgpt sakin. problema ko lang talaga ang dali ko na makalimot huhu. pero yun nga, enjoy ko naman yung work ko, lalo pag binibigyan ako ng task na di rin nila mafigure out tapos nasosolve ko, sinasabihan pa nila ako “let’s see what magic you can do.” pero i can’t take full credit kasi nga nanjan si chatgpt hahaha. still, nakaka motivate din galingan.
lalang, kasi struggle talaga sa mga password ko boset. tas di ko pa maalala paano ko nalagay sa wallet app dati yung ticket namin sa PAL di ko ma figure out ngayon pano ko yun nagawa before hahaha. wtf self?
12 notes
·
View notes
Text
naisip ko lang, sobrang excited ako lagi tuwing uuwi ng manila (except kapag may konti prob) cos syempre, i get to see my friends and bond with them. tsaka talagang kailangan ko ng madaming budget kasi talagang gagala ako at susulitin, pero depende rin kung ilang araw ako mag istay. haha.
dito kasi kahit ang dami kong gustong i-try di ko matry kasi ewan, nakakatamad mag isa minsan—or madalas? haha. meron kasing bagong matcha bar sa albay, lagi ko kasi nababasa kila Cath yung matcha haha kaya bet ko itry yung parang may marshmallows. ang may ari nun schoolmate ko nung highschool, nakapang asawa siya ng bicolano kaya dito narin siya nag stay tapos ayun nag business sila, kanila rin yung godo at tori takoyaki dito.
so ayun, tsaka si J lang din talaga kasama ko lagi, yung kaisa isang close friend ko dito, bihira ko naman din mayaya kasi tamad din yun gumala like J haha.
baka mag mplace nalang din kami nila Rachel pag dating ko, kasi hassle if uuwi pa kami sakanila sa Montalban, para kang nag byahe ng Legazpi to Naga haha. tas salubungin nalang namin yung birthday niya, tinry ko rin yayain yung isa ko pang bestfriend na katampuhan ko, sana pumayag siya para makapag bonding na ulit kami. tapos overnight ulit sa bgc naman kinabukasan then the day after, baka umuwi ako saglit samin bago kitain naman sila Phoebe bago bumyahe pabalik.
hassle narin kasi talaga saken umuwi ng Manila kasi wala nako matulugan sa bahay. kailangan ko pa pilitin tita ko na patulugin ako sakanila, e minsan di malaman kung okay sakanya o hindi e haha. minsan ayaw ko naman ng feeling ko ang laking abala ko haha. kaya madalas na pag uuwi ako lalo pag kasama ko si J nag checheck in nalang kami, dagdag gastos din. kaya sabi ko sa kapatid ko tulungan ko nalang siya tapusin na yung bahay para may kwarto kami ni J pag uuwi. sana maachieve.
14 notes
·
View notes
Text
ginagawan ko pala ng trademark sarili ko ng di ko napapansin haha. tsaka mga natural na trademark ng mga kakilala ko saken. isa isahin natin:
tote bags, ewan ko simula nung nag pandemic bigla akong naadik tote bags. dati ayaw ko nun kasi mukhang mamamalengke lagi haha. pero nauso kasi talaga so nakisabay narin ako, ngayon puro na ko tote bag haha. niregaluhan din ako ng kawork ko nung birthday ko, di ko mahulaan pero clue nya non, hilig ko raw kasi.
mickey mouse, last year ko lang napansin puro mickey mouse na gamit ko. one time naiwan ko sa pantry yung bt headset ko. alam agad ng mga kawork ko na sakin kasi mickey mouse daw. haha.
red lipstick, alam nila pag pulang pula noon yung lips ko, badtrip ako haha. pero sadyang naging hilig ko nalang. binigyan din ako ng kawork ko nun ng red lipstick kasi naaalala niya daw ako lagi sa red, hindi naman daw kasi siya nag lilipstick. hehe. tsaka sabi ng bff ko noon nung niregaluhan niya din ako "alam ko gusto mo yung pak na pak na red lips like taylor swift"
black color, napansin ko nalang din 60% ng damit ko ay black haha. minsan bumibili nalang talaga ako ng ibang kulay para maiba naman haha.
nails, tuwing nagpapa nails ako laging napag kakamalang extension yung kuko ko kasi mahaba talaga nail bed ko. lagi rin pinupuri ng nail tech kasi ang ganda daw ng shape. kaya di ko narin kailangan ng extensions bukod sa di ako sanay ng masyadong mahaba, e okay na ko sa length ng nails ko. hehe.
yung mga naging trademark talaga nila sakin na naging personality ko na, yung bag ni dora. haha. dati meron ako laging small bag na halos wallet size nalang. napagkakasya ko pa isang crop top, phone, coin purse, lipstick at pabango dun. lalo pag naattend kami ng rave o concerts haha. tawang tawa sila pag naglalabas ako ng damit kasi nagugulat sila paano nagkakasya haha — payat pa ko non 24 palang waistline ko non, ngayon nevermind. haha.
yung wala sa lugar mag topak. hahaha. very immature era ko pa 'to pero isa talaga 'to sa lagi nila maaalala pag nag throwback kami ng memories. sa work yung pagiging maldita, kasi sarcastic na mataray talaga ko noon. ngayon, thankfully nagkaron naman tayo ng character development haha. hindi rin nakaka proud yung ibang trademark e. haha. yung tipong pag dinescribe nila ako, yun agad yung sasabihin nila.
ngayon gagawa ulit tayo ng bago. nonchalant era naman. eme! haha.
3 notes
·
View notes
Note
hi kim! ang trademarks mo talaga sakin e yung lipstick mo tsaka yung hilig sa coffee! i hope ma-meet kita soooon!
muntik na maging obvious sa url ko haha chariz. thank you, Hannah. hoping to meet you rin soon 🤗 mutuals nadin tayo sa IG noh? 😊
4 notes
·
View notes
Note
lipsticks saka rave parties yung trademarks mo sakin
ay forda red lipstick pala tayo! haha. namiss ko narin mag rave kaso mukhang malapit ko na talaga iwan yung era na yon haha. thanks tih! 🤗
1 note
·
View note
Note
Bicol for some reason ate!! + february 🤭
waaah hindi na ko city gurl 🥹🤣 and february kasiii, wait. parang hindi mo dapat naaalala yun or tama ba ko ng iniisip? haha.
7 notes
·
View notes
Note
Hi Kim 🍊
hindi na ako updated pero ang trademark mo ay
Victory Liner 🤭haha
whaaaaat? hahahahaha natawa ko. ano yunbg victory liner, bakit? hahaha sorry. thanks Rae! ikaw ang trademark ko sayo yung pagiging anon mo at yung emoji na nagtataob ng table???? hahahaha. wait emoji ba tawag dun? basta yun. haha
3 notes
·
View notes
Text
parang kumukonti na mga hanash ko sa buhay haha. parang wala na kong matinong makwento dito, sobrang random nalang talaga, kung mag post man — eto pinipilit ko nalag humaba. haha. di rin naman ako masyadong busy, ewan ko kung good thing ba yon, pag uwi ko galing wok gusto ko nalang humilata at manuod ng reels or mag netflix. iniiwasan ko mag tingin ng mga update ng mga friends ko sa fb kasi wala lang. mas gusto ko ng update from MikBrent chariz! hahaha. tsaka wala narin akong rants about work, so far peaceful na at nag eenjoy na ko sa work na ginagawa ko. lalang share ko lang haha.
1 note
·
View note
Text
New ask game:
Reblog if you want your followers to tell you what your trademark ™️ is. Like, what’s that thing that really identifies you.
67K notes
·
View notes
Text
pinanuod namin yung Sakaling Hindi Makarating, nabadtrip lang ako hahaha. ngayon lang ako nabadtrip sa movie ni Alessandra de Rossi haha. tagal tagal ko pa hinahanap yung movie na yun kung san mapapanuod, buti nalang nga kako meron na sa netflix. ewan ko bat naging interesado ako dun, siguro dahil unexpected yung ending? haha. okay naman siya, sobrang bitin lang. as in nakakabadtrip haha biglang parang hindi pala siya yung bida. ay ewan haha. kaya siguro hindi ‘to masyadong pumatok noon.
9 notes
·
View notes
Text


proof of life update.
sobrang sabaw ko, wala akong ma-share kaya di na ko masyadong nagpopost recently. sobrang pre-occupied ko sa work na naman. pag uwi, nanunuod nalang ako ng reels. since nagkawork na nga ako di ko na nabalikan yung funnel course ni Faye hehe. pero pag may time pupush ko yon.
really been enjoying work lang siguro talaga, sabe ko nga sa dati kong kawork, nag eenjoy ako sa work ko ngayon kasi di na ko feeling robot. gusto ko na yung ginagawa ko, maybe i'm really back on track. 1 month na ko sa work. yey!
so far, okay naman mga kawork ko sa office. medyo di ko pa lang talaga sila close kasi tinatancha ko rin mga ugali pa nila. at first, sobrang nahihirapan ako mag adjust. iniisip ko nalang lagi, di naman ako obligado makipagkaibigan sakanila, basta gusto ko yung work ko at masaya ako sa ginagawa ko.
anyway, been drinking hibiscus tea regularly kasi nakaka lower daw ng blood pressure. medyo elevated na kasi yung bp ko, kaya minomonitor ko na rin. bumili ako ng isang pack ng hibiscus tea sa sipster, 100 tea bags yun worth it naman na. araw araw, pag gising umiinom ako nun. hehe. skl. ayun, sana bumalik na sa normal.
22 notes
·
View notes