Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Hustisya sa Pilipinas"
Hustisya ito ang sigaw ng milyong milyong pilipino ng pinagkaitan ng katarungan tulad na lamang ng mga manggagawa na nagsusumikap mula noon at hanggang ngayon ay humihingi ng maliit na pabor sa ating gobyerno na itaas ang suweldo, upang maiangatang antas ng kanilang pamumuhay ano lang naman na bigyan ng sapat na lingkod ang hinihiling ng ating mamamayan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay. mga Magsasakang inaagawan ng lupa o hindi binigyan ng pantay na hatian sa ani ng mga asyendero, at pinaiiral parin ang sistemang piyudal. mga Mangingisdang wala nang mahuli sa dahilang pinapatay at nilalason ang karagatan dahil sa pagtatapon ng dumi ng mga malalaking plantang mga kapitalismo.
Mga istudyanteng hindi pinapakinggan ang mga boses dahil sa maling pamamalakad sa sistema ng ating edukasyon at bawat pilipinong indibidwal na nabibiktima ng hindi makatarungang hustisya dahil sa kanilang kahirapan. Ang hustisya ay hustisyang dapat ipaglaban maging sa nabubuhay man maski sa mga sumakabilang buhay na. Lahat tayo ay naghahangad na makamit ang hustisyang pantao. Lahat tayo ay may karapatang manlaban para sa katarungan at hustisya. Hindi maipagkakailang bulag ang sistema ng hustisya sa ating bansa , bulag ito para sa mga taong walang nagpapalakpakang pitaka at lalo pa sa mga taong walang ni singkong salapi. Nabubulok na ang pamamalakad ng sistema at hustisya ng ating bansa.
Tila ba isa itong bakal na patuloy na kinakalawang sa pagdaan ng maraming panahon . Kakatuwang isipin na ang hustisya mismo ang hindi patas sa mga taong mahihirap. Ito mismo ang takot sa makapangyarihang tao, kaya sa paanong paraan pa natin makakamit ang katarungan kong takot ang hustisya na lumaban. Ngayon natin pagnilayin ang mga isyung bumabagabag sa ating bansa , isa na rito ang pagpatay , hindi lingid sa ating kaalaman ang mga balita tungkol sa karumaldumal na pagtrato ng ating mga kapamilya na nasa ibang bansa sila na walang ginawa kundi kumayod ng kumayod para sa kanilang pamilya, sila na nagtitiis na hindi makapiling ang mga mahal nila , kapalit ng sahod na pangtustos sa pagaaral ng mga anak nila, at sila na walang ginawang mali kundi ang pagaakalang ano man ang mangyari , ang hustisya ay nasa panig nila, ngunit hindi iyon ang nagyari ilan sa kanila ay umuwi ng luhaan at puno ng pasa ang katawan. Ilan sa kanila ang naargabyado habang pinagsusumikapang magtrabaho, masaklap pa sa lahat , ilan sa kanila ay umuwing nasa loob na ng parihabang kahon , nakahimlay at hindi humihinga. Hustisya ang sinisigaw ng kanilang pamilya, ngunit takot ito para ipaglaban sila, katarungan ang nais nila ngunit walang tumutulong upang ito ay makamit nila. Dahil ba wala nang saysay ang hustisya ? O dahil ba wala na nang buhay ang ipinaglalaban nila ? O mas dahil ba wala na silang sapat na salapi at nagpapalakpakang pitaka? Kahibangan isipin ang mga ganyang dahilan ay isa lamang malaking kahibangan. Nasaan na ang pahayag na ang hustisya ay para sa mga mahihirap ang hustisyang para sa lahat natabunan na ba ito ng takot ? Natin sa makakapangyarihang bansa ? Natabunan naba ito pagkat wala rin itong patutunguhan ? Nasaan na doon ang salitang katarungnan at hustisyang dapat ipaglaban .
Ang hustisya nating ito ay parang isang kumunoy na imbis na tulangan tayong makaahon sa kahirapan ay tila bang patuloy pa tayo nitong ibinababa, patuloy pa tayo nitong sinisira hanggang sa wala nang matira na halos durog na durog kana. Isa pa sa malaking isyu ng ating bansa ngayon ay ang pagpatay sa kapwa natin pilipino sa mismong bansang pinagbuklod tayo. Isa itong isyung hindi napipigilan at patuloy pang dumarami. Sa kaliwat kanang krimen at pag patay, ilan sa biktima nila ang nabigyang katarungan ? Isa ? Dalawa ? Paano natin ipaglalaban ang hustisya nila kung mismong ang nagbibigay nito ang nagkasala sa kanila. Paano natin lalabanan ang mga taong dapat ay tumutulong sa atin ngunit sila pa mismo ang gumagawa ng krimen ? Mga pulis ang kadalasang sangkot sa krimen na ito, mga pulis na ang ipagtanggol ang bayan laban sa anumang krimen hindi bat nakakapanlumo itong pakinggan ? Sila na dapat nagtatanggol sa atin ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan ngunit wala tayong magawa, wala tayong kakayahan . Paano natin ito ipaglalaban kung ang mga nagtataasan at kapitapitagang hukom rin ay ating kalaban ? Paano kung sila mismo ang nag palamon sa ganid sa pera at kasakiman ? Hustisya nga bay kailan pa natin makakamtan ? Sino pa nga ba ang tahasang ipaglaban ang ating katarungan ? Sino ang kakampi natin at maaaring pagkatiwalaan ? Ako bilang Istudyanteng mulat sa katotohanan ng problema ng ating bansa ang magiging kakampi na lamang natin ay ang ating mga sarilu huwag tayong sumuko sa pagkamit ng hustiya , simulan natin ang paghahanap ng hustisya sa ating sarili mismo, bigyang hustisya natin ang ating sarili na naaapi ng bulok na sistema ng ating bansa. Maaaring wala tayong magawa sa ngayon ngunit darating din ang panahon na maipaglalaban din natin ang katarungan, karapatang pantao, at hustisyang makatao para sa lahat ng nais mabago.
4 notes
·
View notes