Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Buhay Sa Piling ng Lolo at Lola
Kay sarap ng buhay ng isang dalaga Lalo na't lumaki sa lolo at lola Anumang naisin agad ay meron ka Pagka't ika'y ginto sa paningin nila.
Ayos lang ang buhay kahit di gumawa Bihis lang nang bihis di ka naglalaba Di ka nagluluto pagkai'y nandyan na Dudulog ka nalang pagka't may hain na.
Kay sarap kumain taas pa ang paa Di ka nang-aalok pagka't huli ka na Napag-iwanan ka sila ay tapos na Pagka't kung gumising naku tanghali na!
Pag dumarating na ang mga pistahan Damit na maganda sadyang kailangan Di na tinatanong kung gusto ay ilan Tiyak ibibili tatlo o apat man.
Nguni't pag may hiling at di napagbigyan Agad magmamaktol di na mautusan Papasok sa silid magkukulong na lang Pag-amo sa kanya ang syang aabangan.
Ito namang lolo at itong si lola Sa tampo ng apo takot na takot na Agad kakatukin pinto ng silid nya Tuloy aamuin nang tampo'y mawala.
Kay sarap magmahal ng lolo at lola Lahat ng layaw ay ibibigay nila Itong kasabihan naku totoo nga, Mas mahal ang tubo sa puhunang punla..
Kaya't pag tumanda at may apo ka na Iyong pagmamahal dapat ipadama Lagi mong isiping ang lolo at lola Nag-aruga sa iyo n’ung ika'y bata pa.
0 notes
Text
Watch "Jeff Grecia - Elevate (Lyrics)" on YouTube
youtube
0 notes
Text
10 uncommonds Filipino words
1.Pahimakas
English Word: Last Farewell
Meaning: Used to express good wishes on parting.
Sentence: Sila ay naghanda ng kaunting salu-salo para sa pahimakas ng kanilang anak.
2. Payneta
English Word: Comb
Meaning: A strip of plastic, metal, or wood with a row of narrow teeth, used for untangling or arranging the hair
Sentence: Ang payneta ni Anna ay marumi.
3. Alimusom
English Word: Scent
Meaning: A distinctive smell especially one that is pleasant.
Sentence: Tila dumikit sa aking damit ang kanyang alimuson.
4. Pang-ulong hatinig
English Word: Earphones
Meaning: A device that holds an earphone and a microphone in place on a person’s head.
Sentence: Gumamit ka ng pang-ulong hatinig ng mas
marinig mong mabuti.
5. Gat
English Word: Sir
Meaning: formal or polite termof address for a man
Sentence: Nagbigay ng pasulit si gatalonte kanina.
6. Yakis
Meaning: To make something sharp or sharpen
Sentence: Magpapayakis ako kutsilyo.
7. Sambat
English Word: Fork
Meaning: An implement with two or more prongs used for lifting food to the mouth or holding it when cutting.
Sentence: Si Jr ay hindi sanay kumain ng walang sambat.
8. Badhi
Meaning: lines on the palm of one’s hand
Sentence: Binasa ng manghuhula ang aking badhi at sinabing maganda ang aking kinabukasan.
9. Kabtol
English word: Switch
Meaning: change the position, direction, or focus of.
Sentence: Pinagkabtol niya ang kanyang marka upang mastumaas siya kay Anna.
10. Antipara
English word: Eyeglasses
Meaning: are devices consisting of glass or hard plastic lenses mounted in a frame that holds them in front of a person’s eyes.
Sentence: Binilhan ko si Kayla ng antipara upang makatulong sa kanyang pagaaral.
1 note
·
View note