Tumgik
Text
Di ko mawari kung paano ito nangyari sa ating dalawa,
Kung paanong ang mga matatamis na ngiti ay naging mapapait na luha,
Kung paanong ang samahang kay ganda ay naglaho na lamang bigla,
Kung paanong ang ating pagkakaibigan sa isang iglap ay nabalewala,
Kung paanong ang matagal kong pinaghirapang buuin ay mabubuwag na lang bigla,
Kung paanong sa biglang pagadating niya sa paningin mo ako ay nawala,
Kung paanong iyong naatim na ako ay hindi makita at makasama,
Kung paanong kinakaya mo na kampante siya samantalang ako ay balisa,
Kung paanong ako ay tila ba sa puso mo'y nawalan ng halaga.
Siguro nga hindi sapat na matagal na tayong magkakilala,
Upang sa ganitong pagkakataon ang pagkakaibigan ay panindigan sa iba,
Hindi na siguro sapat na ang titulong matalik na kaibigan ay panghawakan pa,
Upang sa ganitong pagkakataon ako ay ipaglaban pa.
Kahit masakit siguro'y kailangang tanggapin na tayo'y hanggang dito na lang muna,
Titiisin ang pighati ng pagkakawalay kung ito ay ikapapanatag ng loob niya,
Kung ang hinihiling mo sa akin ay siyang tunay na sayo ay magpapaligaya,
Huwag kang magalala dahil simula ngayon ikaw ay aking pinapalaya na.
0 notes
Text
Hindi ko maintindihan kung paanong ang mga ngiti sa aking mga labi kapag nakikita ka ay naging luha sa aking mga mata,
kung paanong ang mga matatamis na mga usapan ay naging masasakit na mga salitaan,
kung paanong ang mga bagay na ginagawa mo sa akin dati na sabi mo ay bukal sa iyong kalooban ay naging mga bagay na sinusumbat mo at naging utang na loob ko pa,
kung paanong ang tanong mo dati kung pwedeng maging tayo ay naging tanong kung pwedeng hiwalayan mo ako.
Hindi ko maintindihan kung paanong biglang nawala ang nararamdam mo na sabi mo noon ay walang wakas,
kung paanong hindi pala ako kasama sa mga pangarap mo na sabi mo noon ay sabay nating tutuparin,
kung paanong ang mga pangako mo sa akin ay kay dali mong ibinaon sa limot,
kung paanong ang plano mo para sa ating dalawa ay naging plano mo para sa sarili mo..
napaisip ako, kung para sa sarili mo nga ba talaga o para naman sa inyong dalawa na pala,
napaisip ako na meron nang iba kahit ilang beses mo nang sabihin na ako lang ang nag-iisa..
napaisip ako dahil tuwing magkasama tayo ay may kausap kang iba at ang ngiting binibigay mo sa kanya ay tulad ng mga ngiting binibigay mo noong nililigawan mo pa lang ako,
napaisip ako dahil alam ako, hindi ka naman basta basta magbabago kung ako pa rin at walang iba,
napaisip ako dahil kahapon masaya pa tayo pero biglang paggising ko ay sinabi mong ayaw mo na,
sobrang taas ng nilipad ko nang dahil sa pagmamahal mo kaya sobrang baba din nang binagsakan ko noong iniwan mo ako,
sobrang saya ko noong sinabi mong tayo hanggang wakas kaya sobrang nasaktan ako noong sinabi mo na kailangan na nating maghiwalay ng landas,
sobrang nasaktan ako noong nalaman kong tuluyan ka nang umiwas pero mas nasaktan ako nang malaman ko na masaya ka dahil magkasama na kayo sa wakas.
ngunit kahit iniwan mo ako gusto ko pa ring magpasalamat sayo, salamat sa lahat masasaya at malulungkot na ala ala,
salamat sa mga pangakong napako dahil natuto akong huwag umasa,
salamat sa mga pangarap na di natupad dahil nalaman ko kung ano ang realidad,
salamat sa mga salitang pawang kasinungalingan dahil naintindihan ko na ang salitang tapat.
salamat sa pagbitaw mo sa ating pagmamahalan dahil ngayon alam ko na kung saan dapat ako kakapit.
salamat sa salitang “ikaw lang at wala nang iba” dahil nalaman ko ang tunay na kahulugan ng nag-iisa.
salamat sayo at sa mga bagong mong pag-ibig, dahil naunawaan ko na ang salitang sapat.
at higit sa lahat salamat sayo at pagibig na sinabi mong wagas, dahil napatunayan ko ang tunay na ibig sabihin ng hanggang wakas.
0 notes
Text
MAHIRAP MAGMAHAL.
Mahirap magmahal lalo na kung ang pinanghahawakan mo lang ay yung salitang MAHAL KITA.
Mahal kita pero mas mahal ko siya.
Mahal kita pero bilang kaibigan lang.
Mahal kita pero hindi pwedeng maging tayo.
Mahal kita pero hanggang dito na lang tayo.
Mahal kita pero di ka nila gusto para sakin.
Sa dinami dami ng pero na pwede niyang sabihin, baka naman hindi ka talaga mahal kundi MAHALAGA lang.
Mahalaga tulad ng isang kagamitang ayaw mong mawala sayo.
Mahalaga tulad ng isang regalong ibinigay sayo ng taong malapit sa puso mo.
Mahalaga tulad ng pagpasa sa bawat pagsusulit sa paaralan.
Mahalaga tulad ng paborito mong laruan noong bata ka pa.
Mahalaga tulad ng isang pamilya, kamaganak o kaibigan.
Baka nga ganoon lang, baka nga mahalaga ka lang. Mahalaga ka sa kanya pero mahal mo siya. Ang sakit diba, sobrang MASAKIT MAGMAHAL.
Masakit magmahal lalo na kung pinaparamdam niya sayo na mahal ka niya pero malalaman mo na may iba pala.
Masakit magmahal lalo na kung yung natitirang pag-asa na mahalin ka niya ay biglang naglaho na parang bula.
Masakit magmahal lalo na kung magigising ka na lang isang araw tapos ay wala na siya.
Masakit magmahal lalo ng kung kailan ka hulog na hulog na ay saka ka niya bibitawan.
Masakit magmahal lalo na kung siya yung kaisa isang taong pakiramdam mo ay nagmahal din sayo ng totoo.
Masakit talaga ang magmahal pero hindi pa rin kaya ng taong bitawan ang pagmamahal. Patuloy ka pa ring nagmamahal kahit minsan hindi mo na kaya dahil sa dinami dami ng hirap at sakit na pinagdaanan mo dahil sa pagmamahal ay naniniwala ka pa ring MASARAP MAGMAHAL.
Masarap magmahal dahil ito yung nagpaparamdam sayo na nabubuhay ka.
Masarap magmahal dahil sa pagmamahal ka sumasaya ng sobra sobra kahit minsan ay para ka ng nababaliw.
Masarap magmahal dahil masarap yung pakiramdam ng may nagpapangiti, nagpapakilig, nagaalaga at nagpaparamdam sayo na mahal ka niya.
Masarap magmahal dahil ang sabi nga sa pinanood kong pelikula “It’s the closest thing we have to magic.”
Masarap magmahal dahil sadyang masarap magmahal.
Masarap magmahal kahit nasasaktan at nahihirapan ka. Kahit hindi pa ikaw ang piliin niya, kahit hindi pa ikaw ang mahalin niya. Ganoon naman diba pag nagmamahal ka, hindi ka dapat naghihintay ng kapalit dahil simula pa lang alam mo na, na hindi naman niya hiniling na mahalin mo siya, kusa mo siyang minahal. Pero sa kabila nito, hindi mo pa rin maiwasang UMASA. 
Umasa na bukas paggising mo ay ikaw naman ang piliin niya. 
Umasa na bukas ikaw naman ang mahalin niya.
Umasa na bukas kasama mo na siya.
Umasa na bukas magkaroon na ng “kayo”
Umasa ng bukas masaya na kayong magkasama.
Pero minsan hindi din maganda ang umasa dahil madalas yung pag-asa na yun ang unti unting umuubos sayo. Uubusin ka hanggang sa wala ng matira sayo, hanggang sa hindi mo na kayang magmahal pang muli. Kaya minsan, pag tingin mo at pakiramdam mo na wala na talaga, mahalin mo siya sa huling pagkakataon, pagkatapos ay BITAW NA.
1 note · View note
Quote
If only conditioning the heart is as easy as conditioning the mind, then my life would be easier.
0 notes
Text
Love, letting go and giving up
When will you know if its time to let go? When will you know if it’s time to give up? Will there be signs or you’ll just know.
Love? I haven’t been in love but that doesn’t mean I have never loved. I have experience love at least other forms of it and it is one of the best feelings in the world. It feels so wonderful to love and be loved but it feels like hell to get hurt because of love. Romantic love is not the only form of love that you might get hurt. All forms of love can give you same feelings - happiness or even sadness.
I remember once, for the first time in my life, I cried that hard. I cried hard because I lost the person I consider my best friend. I didn’t remember doing something terrible for her to leave me but she did. Whenever I see her happy with her new set of friends, I can’t help but cry and tell myself, that should be me. But I guess, that’s just how it is. People come and go. I tried to talk to her and tell her that I am sorry even though I don’t know what I did wrong. I did it because I wanted to save the relationship, our friendship. She told me that she is not mad and that I did nothing wrong. But why? Why in just at glance, why did she leave me? Honestly, even years has passed, still I don’t know what went wrong. That’s why it is so hard for me to give up our friendship and to let go of her.
If you are going to ask me, how I managed to let go? How I know that it’s time to let go? How I know that it’s time to give up? I really don’t know. Maybe because I can see her happy with her new set of friends. Maybe because I know I did my best and there is nothing left to do but to let go. I just accepted the fact that our friendship has come to an end.
Signs? Maybe there are signs. Her being happy with her new friends, her learning to go on with her life without me.. maybe those were signs. Maybe you’ll know if it’s time to let go when there is nothing left to hold on. Maybe you’ll know if it’s time to give up when there is nothing left worth fighting for. Maybe you’ll know, you’ll just know.
0 notes