Tumgik
Random rage entry
Awa ng Diyos namura nanaman ng nth time (insert 3 digit number here). I mean, ayos lang namang mamura eh, pero pota mas masakit pa yung mura ng papa dito sa bahay kaysa sa mga trashtalk sa compshop eh. Yung masama pa dun, hindi ako nakakapagsalita at di siya makikinig sa kung anong dahilan ko kahit mali ang sermon niya. Ayos lang namang sabihan akong makitid ang isip, pero kung araw araw na ganito?
Tulad ngayon, namura ako kasi di ko sinamahan namin sa bahay sa paguwi sa kanila. Utang na loob, tatlo na ang kasama niya na galing dito sa bahay at saka saglit lang naman siya dun. Sasama naman ako kung may pantalon ako eh, sabi ko sakanya. Eh sa nakasampay lahat ng pantalon ko. Lumalabas ako lagi ng nakapantalon kasi madaming sugat sa paa ko. Eh wala eh kada salitang paliwanag ko eh sabay hampas niya at sabing putanginamoka. Pagkatapos sasabihing uuwi na ako sa amin. Nyeta kung may choice lang naman akong umuwi matagal ko na sanang ginawa.
Haay eto isang dahilan kaya gusto ko lumayas ng bahay lagi eh. :3
0 notes
PAG-UWI, BV. AS IN BV TALAGA NA MAY MALALAKING EXCLAMATION MARKS.
UTANG NA LOOB. KAYA KO NILOLOCK ANG KWARTO KO EH.
Pag-uwi ko ba naman kanina, pinagalitan ako, sinigawan. DAPAT NGA AKO MAGAGALIT EH. LINOLOCK KO ANG KWARTO KO PARA DI KAYO PUMASOK, TAPOS PUMASOK KAYO, HINALUGHOG NIYO ANG KWARTO, TAOB LAHAT NG GAMIT, PARANG PINAGBINTANGAN AKONG MAGNANAKAW, ako pa ang pagagalitan. Utang na loob. Wala akong masabi eh. Ayaw ko ipost sa FB, makita nung isa isumbong pa. Sheeet. Patayin niyo na ako ngayon, awa na, bago pa ako makapatay. NAHANAP NIYO ANG HINAHANAP NIYO? SHETLUNGS.
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2M notes · View notes
I'm at the point wherein tinatamad na akong magmahal. Srsly.
0 notes
Photo
Tumblr media
61 notes · View notes
Hindi ako possessive, mas matatanggap ko pa na delusional ako.
PERO WALA KANG PAKE.
0 notes
Sa 2-week absence ko, hindi ako natatakot sa mga lessons na namiss ko. Mas natatakot ako sa mga nangyari mismo sa classroom.
Feel ko, iba eh. Parang hindi ko na kaya yung mararamdaman kong atmosphere bukas eh. Sana hindi. Pero no worries, malapit nang maayos ang mga kailangan kong ayusin.
0 notes
Yung feeling na nakita mo mga posts niya na kinikilig siya...
Gusto ko na nga iunfriend eh. Masakit kasi. I'm supposed to be happy for her, ansama ko talagang kaibigan. -_-
0 notes
Tama na. Seryoso na. Hi semis. :)
Masyado na akong na-overwhelm eh. Kaso, ang hirap eh, masama ang simula ko. Vampire mode off muna.
0 notes
Kung nakokornihan ka sa lalaking umiyak, tumalon ka na sa tulay. Wag mo na tong basahin.
ANG SAKIT. Na ikaw lang yung may feelings. Na nagseselos ka kahit alam kong wala akong karapatan at sa posisyon. Na nag-abang ka, pero in the end, hindi mo rin pala kayang sabihin ang nararamdaman mo. NA IKAW LANG ANG NASASAKTAN.
Ganun nararamdaman ko ngayon eh.
Sa mga nakakaalam kung ano ang mga pinagsasasabi ko dito, siguro nasa isip niyo na "Ang sama mo namang best friend. Pinalapit mo lang sarili mo sa kanya para mag-abang. Para lang makascore."
Sorry hindi po ako ganung kababa ng uri ng tao. First time I saw her, nganga na ako sa kanya. Hindi pa kami magkakilala nun. Tapos simula nung kopyahan sa Filipino, naging close na kami. Nakilala ko siya, at masasabi ko na hindi lang crush o puppy love ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nakilala ko siya, developed feelings for her, then became her friend.
But I drew a line. I separated myself being me as her friend, and being me as her admirer (or whatever you call it). Sincere ako sa feelings ko sa kanya, at sincere ako sa pagiging isang friend sa kanya. Those are two different things.
Say what you want to, but I don't know if I was a horrible friend or not.
Ngayon, wala na siyang BF, all I have to do is to confess to have my peace of mind, pero hindi ko kaya. What if, sumama tingin niya sa akin, ng mga tao? Aakalain na sinamantala ko lang ang samahan namin, kahit ito ay napakaikli lamang.
I know, pag mahal mo ang tao, kailangan mo isugal lahat. Siguro ganun na nga. Ang mangyayari nanaman eh just the usual scenario, nganga ako, walang napala, nagmumukmok sa kwarto. After all, I'm not good-looking. I'm fat. Wala naman akong maipagmamalaki eh. Kaya sinong magtiyatiyaga sa akin? Wala diba? Kahit sinong babae, wala.
Pero eto lang, pag ako nagmahal, sincere talaga. Gusto niyong patunay? Hindi ko naman siguro ipopost to sa blog ko na kahit 4 na subjects ang midterms namin bukas kung hindi ko siya mahal diba? Hindi naman siguro ako mag-aabang o mababaliw ng ganito kung hindi ko siya mahal, right?
Naguguluhan na talaga ako. What to do? I can't stay by her side anymore. I can, but the fact that she doesn't need me anymore at masakit na magtago ng nararamdaman pag nasa harap mo na yung taong mahal mo. Right now, umiiyak ako sa kwarto ko, pinipilit magreview, pero wala talagang makapasok sa utak. Masakit na kasi.
Will I risk everything and confess? And ask if I have any chance?
Or will I be selfish and coward, that I'll run away?
0 notes
Wala ng net sa bahay, eto ako nakikinet. Whew. Tara iyak.
1 note · View note
Makita lang maglaro si Tajima, ayos na araw ko. :) <3
0 notes
Binura mo yung page niya sa BMs mo, memorize mo naman ang url.
Antanga mo dre.
0 notes
Photo
So gorgeous. <3 :)
Tumblr media
it’s CHWISTMAS!
123 notes · View notes
Photo
Tumblr media
:((
0 notes
Photo
Tumblr media
0 notes
Sana walang magbago...
Ui, may bagong chix sa masscomm.
Isa ito sa mga main statements kaya hindi ako lumipat ngayong sem. Syempre ako, naging interested ako, gusto kong malaman kung sino.
Late kasi akong nakapagenroll at pumasok, madaming inasikaso, kaya ayun.
Anyway, hindi pa ako pumapasok eh marami na akong alam sa kanya, na irreg siya, kabatch namin, pero gulat ako, biglang may nagsabi sakin na:
May BF siya, Mr. LPU pa.
Ha? Anong pake ko, gusto ko lang naman makilala kung sino eh.
Ayun, pumasok na ako, at nakita ko siya.
Wow, chix nga.
For the first few days ng pagpasok ko, ayun, pasulyap sulyap sa dating crush (mwahaha), tapos sakanya. Mukha naman siyang approachable at friendly eh.
Isang araw, Fil2 ang subject, may quiz. Eto naman ako, walang maisasagot, umasa sa katabi ko, eh saktong pati si chix, nakikicooperate din sa teamwork (if you know what I mean). Tawa naman ako sa sarili ko, pero hindi ako maka-imik kasi nahiya na naman ako. After the quiz, pinakilala ako nung seatmate ko dun sa chix. Tuwa naman ako.
The next day, Comm2, loner na naman ang peg. Nakaupo ako sa may likod na upuan sa gitna, ayun na naman siya, nasa harap ko. Nakita niya ako, tinawag niya ako, makiupo daw ako sa kanya. Agad naman akong um-oo. First few minutes, walang imikan, hiya pa ako eh, feeling ko nga namumula na naman tenga ko. Pero naisip kong pairalin ang pagiging maingay ko, ayun nagkakilala naman na kami ng ayos. Dami kong nalaman sa kanya.
Dismissal na, uwi naman agad ako para mag-OL sa FB. Todo search naman ako sa profile niya, at nahanap ko rin. Nabigyan ko na pala ng friend request, kaya minessage ko na lang na iaccept niya FR ko.
Mga 9pm na siya nagreply, nagsosorry kasi nabura niya daw yung FR. Eh ako naman, hindi mahiyain pagdating sa internet, kinulit ko siya, tapos ayun, friends na kami sa FB, tapos binigay niya number niya. Tuwa nanaman ako, sagad to the bones.
After a few days, ayun, masasabi ko na close na kami. Best pren pa nga turing ko sa kanya eh. Nakakatawa nga, kasi just in a few days, close na kami. :)
Alam niya at alam ko rin na crush ko siya, pero ako, alam ko na kaya kong gumuhit ng linya, boundaries kumbaga. May BF siya, rinerespeto ko yun. Ayos lang naman sa akin kapag hanggang ganito lang kami eh, best friends, basta mapadama ko lang na andito ako lagi para sa kanya. Masaya na ako basta kasama ko siya.
Tumblr media
After all, mas mahirap pakawalan ang best friend kaysa BF o GF diba? Jk. :D
0 notes