Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Salamat sa payapang pagmamahal na dulot mo.
Sa tinagal-tagal ng panahon, parang hindi naman na ko nag-eexpect ng kung anupaman sa birthday ko. Hahaha. Simpleng birthday message lang, sapat na.
Kaso mom!!!! Hahahahahahahahaha!!! Hindi ko kinaya ang this year’s birthday message niya. Huhuhu. Parang ngayon lang siya nag full-blown makata eme eme na gagawa ng tula. Mom!!!! I was shookdtdt then I cried. HAHAHAHAHAHAHAHA! Iyakin ka pala eh!
Anyways, yung title ng post na to is yung favorite line ko kasi naalala kong sinabi niya na sakin yun dati, na ang payapa ko lang magmahal. Huhuhu. Grouphug!!!!!
Tama na ‘tong intro, baka maiyak na naman ako. HAHAHAHAHA
Eto na….
Malayo-layo na rin ang nalakbay mo,
nalakbay natin.
Patuloy sakyan ang agos ng buhay-
walang takot, pag-aalinlangan;
Kalmado’t payapa.
Dito lang sa tabi mo.
Hahawakan ang mga kamay mo
Habang patuloy mong inaabot ang mga bituin sa kalawakan.
Asahang di ka bibitawan sa mundong walang katiyakan.
Pipiliing yakapin ka, saya man o lungkot ang hatid ng tadhana.
Hiling lang, sana’y patuloy tanggapin ang panghabang buhay na nararamdaman.
Salamat sa payapang pagmamahal na dulot mo.
Sana’y mapuno ang puso’t isip
Ng mga ngiti, tawanan at
Naguumapaw na pagmamahal.
Sapagkat ito ang hangad at nararapat.
Maligayang kaarawan mahal ko.
Diba!!! Tangina talaga!!!! Iyak na lang talaga ako!!! HAHAHAHAHAHAHA! Para kasing grabe pala yung impact ko sakanya no? Na para bang minsan napapaisip talaga ko kung anong meron sakin bat patay na patay siya saken HHAHAAHAHA. char.
2nd fave line: ‘di ka bibitawan sa mundong walang katiyakan.’ Hayst. HAHAHAHAHAHAHA! Di ko na kailangan iexplain. Balanakayojan. HAHAHAHAHA!
Sobrang senti ng bday na to ngayon, tapos paakyat pa ng Baguio, ge. Sentihan pa more!! Hahahah! De joke. Parang di lang kasi ako makapaniwala na may ganitong klase pala ng pagmamahal. Yung walang hinihinging kahit na ano, walang ineexpect na kahit ano, walang masyadong drama. Payapa nga! Hihi. Simple lang, pero malalim. 😌
1 note
·
View note
Text

Pang soft launch daw. Hahahahha!
I miss you everyday. 🥺
0 notes
Photo

Yes to tulakan pa rin hanggang ma-CSDE/Guidance. HAHAHA! 🤣 https://www.instagram.com/p/Cnd7qyOvqTUmdLS0_ltYxTlnEoLANZXVjGKT0A0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
10 notes
·
View notes
Text
Sagot sa tanong na, “Paano mo malalaman kung siya na ang the one?”
Hindi ko maisip ang sarili ko sa hinaharap na hindi siya ang kasama ko.
Dati, akala ko hindi ko kaya ang LDR. Pero kaya naman pala. Haha. Distansiya lang naman ang kalaban namin, pero hangga’t pinipili namin ang isa’t-isa, alam kong pang-habangbuhay na. 🫰
2 notes
·
View notes
Text
May mga kanta talagang..... Hahahahaha!
0 notes
Text
May tumawag with excitement pa.
"May nakita ako!!! Kasing tangkad mo!!"
"Oh sino na naman yan?!?!?!"
"Yung poste! HAHAHAHA!
"Tangina ka! Bye!"
Tumawag lang para manggagu. Hahahaha. Bwiset!
1 note
·
View note
Text
Masyado na kong naaaliw sa mga korean variety shows. Hahahaha. SOBRANG DAMI KONG TAWA SA EARTH ARCADE HAHAHAHAHAHA! SHUTA KAYO. 🤣
2 notes
·
View notes
Text
Kapag Cinemalaya Season dati, lagi akong nanunuod after office. Hindi na ko nanunuod ng trailer at hindi na rin binabasa yung synopsis, bahala na kung anong maabutan kong film.
So pinanuod ko yung Diablo ng mag-isa. Akala ko naman may ibang meaning kaya di ko pinansin yung title.
Pero puta yan! Horror/Thriller pala yun! Shuta talaga! May dala pa naman akong kape nun!
Ayun, simula nun di na ko nanuod mag-isa sa sinehan pag horror/thriller/gulatan ang eksena. HAHAHAHAHA!
0 notes
Text
Sightseeing.mp4
1 note
·
View note
Text

Si Melchor, ginawang bakod yung Caution kineme. Hahahaha. Tawang tawa ako pero ang cute talaga. 🤣🤣
0 notes
Text

Screenshot ko raw. Heart daw yan. Saan banda????? 🙄 HAHAHAHAHA!
1 note
·
View note
Text

Pinatattoo ko na rin. Hahaha. Aigooooo 🥺🥺🥺
❤️❤️❤️

2 notes
·
View notes
Photo

"Huwag kang manghinayang Hindi tayo nabigo Tibayan ang iyong loob At kahit may dilim na umaaligid Ang liwanag sa puso'y 'di pasisiil Namulat sa pag-asa, sa pag-ibig Hindi na muling pipikit" -Rosas https://www.instagram.com/p/Ce0oCRApb27tNqoDv2oRFqa9jwJfuIUNBf6lZw0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
1 note
·
View note
Text
Mali palang mag mandatory leave sa kalagitnaan ng mga nakapilang requests HAHAHAHA tangina yung mood ko nakabakasyon pa rin. 🤣
Nakakamiss pala yung walang responsibilidad at naghihintay lang ng uwian.
0 notes