mdmxl
mdmxl
la vie est belle
70 posts
19 × ian's
Don't wanna be here? Send us removal request.
mdmxl · 10 years ago
Note
Ano tumblr url ni kim? Hindi kona makita, dati kayeyeyeye lang
Matagal na ba 'to? Ngayon ko lang nabasa sarreh haha. Di ko na alam eh. Di rin niya sinasabi sa akin. Pero alam ko meron.
1 note · View note
mdmxl · 11 years ago
Photo
Tumblr media
NOTEBOOK GIVEAWAY. Seven notebooks will be given away for four lucky winners.
2 winners from twitter and 2 from tumblr. You just have to follow me here on tumblr and on twitter.
Reblog/retweet as many as you can for multiple entries! 
The giveaway will end 11:30pm on the 22nd of December. 
PS: One of the winners will recieve 3 notebooks instead of 2 so good luck!!
3K notes · View notes
mdmxl · 11 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
It's been a month mula nung naospital ako. Pero hindi ko pa din makalimutan kung paano nagsimula lahat. I was diagnosed with Henoch Schonlein Purpura. Srsly, di ko alam na may ganyang klase pala ng sakit kung hindi pa ako nagkaroon. Sabi nila, baka meron na ako nyan nung bata pa ako kaso hindi lang lumabas. Nagtrigger lang ngayon kasi nagkaroon ako ng upper respiratory tract infection. Yung immune system ko, imbis na yung infection ang tirahin, yung mga ugat ko ang tinitira kaya nagkakaroon na ng ibang complications katulad ng abdominal pain, rashes, pati arthritis. Dumating sa point na hindi na ako makalakad dahil sa sobrang sakit ng mga tuhod ko. Yung siko ko namamaga na din. Kaya dinala na ako ni Mamy sa UMC at don nga naadmit na ako. Doon na nga namin nalaman na yung mga rashes na iniinda ko na, ung pananakit ng sikmura ko, yung hematuria ko, yun na pala yung sa HSP. Halos isang taon ng nagpapabalik balik yung rashes ko. Kung saan saang doktor na ako pumunta pero wala man lang nakapagsabi na yun na pala yung sakit ko. Buti nga daw at naagapan dahil kung hindi, baka pati yung kidney ko nadamay na. Ngayon, sobrang laki na ng pisngi ko dahil sa steroids. In less than 1 month, naggain ako ng 4.6kg hindi katulad dati na dumaan na ang buong summer, 43kg pa din yung timbang ko. Ang daming side effects pero okay lang. Sana lang gumaling na talaga ako.
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Namimiss ko nang pumasok. Sobra. Dati rati palagi ko lang iniisip kung anong pakiramdam ng hindi pumapasok. Yung tipong wala kang ibang gagawin kung hindi mahiga buong araw sa bahay, kumain, matulog. Pero ngayon, iba pala talaga yung nasa school ka at busy sa pag-aaral. Bakit ba kasi nagkasakit pa ako. Bakit kung kailan 1st day ng school, kailangan ko na agad maghalf day kasi may hindi na akong magandang nararamdaman sa katawan ko. Bakit kailangang magconfine pa ko sa ospital. Sobrang namimiss ko na mag-aral. 'Yung pressure, mga long tests, quizzes, assignments, projects. Yung mga tropa ko, daldalan, at masasayang trip. Please lang. Sana mag2015 na :(
2 notes · View notes
mdmxl · 11 years ago
Text
It's been a while
Yey for sembreak! Medyo matagal na din yung huli kong post dito na matino hahahaha Kahapon pa last day namin pero nagpunta kami LPU kanina kasi magpapasa ng portfolio para sa hindi maintindihang kashitan. Pero ang nangyari, di na kami pumasok sa campus, doon nlang kami sa hagdanan sa labas gumawa tapos pinapasa nlang namin sa ibang kaklase. Nakakatamad kasi you know. Puro x na nga lang nilalagay namin eh. Barabara na lang sa sagot. Hahahahaha. After nun, punta na kami sa Lotus Mall sa Imus. Yun kasi ang usapan. After LPU papabutas na kami sa tenga. Ako, si Zy at Karissa. Sa upper right ear ako nagpabutas tapos si Zy naman at Karissa, upper left ear. Grabe ganon pala ung feeling pag magpapabutas. Nasanay kasi ako na ako nagbubutas sa sarili ko. Feeling ko sasakay ako sa space shuttle kanina nung sinabi ni Ate na ako na daw bubutasan nya hahahahaha. After sa Lotus, pumunta na kami kina Karissa para magpakulay ng buhok. Tagal kong inintay 'tong araw na 'to. Rt rt kasi sa school namin, bawal may kulay okeh. Medium Intensity Copper Blonde pinakulay ko at maganda naman kinalabasan. Sabi ko nga kay Karissa na ako palagi magpapakulay eh hahahaha. Mga 8:30 na ata kami nakaalis sa kanila tapos mga 9:20 na ko nakauwi. Buti nlang di nagalit si mameh haha. Si Kim kasi ginabi na din eh. Saya ng simula ng sembreak ko. Nakuha ko agad kung ano mga gusto ko mangyari kaya okay lang kahit tengga na ako dito sa bahay hihi 😂😂
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Kawawa naman 'tong tumblr ko. Nabulok na ng bongga. 3
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Di na ko nakakapagpost dito. Huli ata post ko eh ung 1st day ko sa Lyceum. Hahaha. Ewan ko ba. Busy na din kasi tapos nakakatamad na. Mas naging active ako sa twitter ngayon. Sana makapagpost na ulit ako sa mga susunod na araw. Try kong mag-update ng mag-update dito. Hihi
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Note
Saan-saan ka nag-eedit ng picture?
Vsco lang 'day. :)
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
1st day ko sa LPU kanina. 12:00 pa lang nagpunta na ako kina Dre. Di muna ako nag-uniform kasi gusto ko lang damayan sina Eyah hahahaha. Kasabay ko pumasok si Dre, teBean at Mhe. Hinatid pa ako hanggang sa room. Nung nandon na kami sa tapat ng room, di na ako mapakali. Paulit-ulit ko pang sinigurado kung yun ba talaga room ko. Tas sina TeBean na yung nagbukas ng pinto. Yung mga kaklase ko naman, nakatingin lang. Ang awkward kasi ako yung pinakahuling pumasok ng room. Nakita ko naman agad si Eyah pati si Trizhia. Yung katabi ko naman ay si Zaira ata yun. Basta ganon. Tas sa harap ko si Diovelyn at Shey at Ella? Hahahaha. Basta 'yon. Buti nlang kahit papano madaldal sila. Dumating yung prof, si Ms. Bubbles. Tas introduce yourself lang. Bukas may pasok na naman ulit ako. 3 subjects naman. Kanina kasi para akong mushroom eh. Isa lang subject hahaha. Excited na ko pero malamang sa malamang, pagdating don ay kakabahan na naman ako ng bongga.
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Photo
Tumblr media
Kemburly,
Hi. Bakit ang cute mo? Hahahahaha. Uy ah. Kahit na parehas na tayong college. Magkekwentuhan pa din tayo. Magsheshare ka pa din ng mga kung anu-ano kahit minsan di ako nakikinig. Tatawa pa din tayo ng tatawa kahit na napakababaw lang ng dahilan at parang may sarili tayong mundo. Wag kang magsasawang tawagin akong Ate. Pero minsan kasi Xel nlang tawag mo sa akin eh hahaha ge ays lang. Basta ako pa din ate mo kahit na inaaway ko kayo. Ge drama na. Lavyu kapatid.
Ps: malamang maiinis ka kasi pinost ko 'tong pic mo na 'to hahahaha peace bati tayo
6 notes · View notes
mdmxl · 11 years ago
Photo
Tumblr media
Ang panget tignan no? Para akong may sakit na ewan. Pero sa totoo lang allergy yan. Allergic ako sa kagat ng lamok. Kainis. Di ko na alam ang gagawin ko. Ang kati kati pa. Bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng maging allergy ay yun pa. Hayy.
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Goodbye brown hair. Uki. Nung isang araw pa ako nagpakulay kasi sabi bawal daw yun sa lpu. Kaya yung brown, naging black. Nung una iniisip ko na baka magmukhang wig o panget pero okay naman pala. Wala si Yan kaya si Kim na lang ang nagkulay. Mejo natatakot pa nga ako kasi only Yan touches may hair eh hahahahaha jusko. Infairness kay Kim, maganda naman ang kinalabasan. Hahaha. Di na ko papakulay ulit. Mas okay na 'to. Nakakaputi pa ng mukha. Hahahahahahaha ge
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Porket ba lilipat na ako sa LPU eh bagsak na agad ako? 'Yun lang ba ang pwedeng maging dahilan? Ang daming nagtatanong eh. Oo, accountancy course ko nun sa La Salle pero wag niyo namang isipin na hindi ko kaya. Mga tanong niyo kasi eh. "Bakit po siya lumipat? May bagsak?","Lumipat ka? Kamusta grades mo?" Upakan ko na kayo eh. Alam ko tamad ako mag-aral pero di ko naman maatim na humantong sa ganon. Tsaka di lang naman kasi yun ung pwedeng maging dahilan eh. Pwede naman kasing dalawa na kaming college at sobrang mahal ng tuition sa dlsud. Di naman nangingitlog ng ginto magulang ko. Kaya tantanan niyo na ko sa kagaganyan niyo.
1 note · View note
mdmxl · 11 years ago
Text
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Alam mo ba nag-aabang ako ng TA tas biglang nakita ko 'to. Nakakalurkey. :)) Btw. Sorry kung masyadong nakakabigla. Eh kasi... di ko din alam kung bakit biglaan eh. Hahahaha. Yae na. Sa susunod talaga! Tsaka namimiss ka na din namin kasama huhu alam mo ba yung huli nating gala ay nung birthday pa ni berting mag-1year na yun ge drama lang hahaha. Basta sama ka sunod ha! Mwa, lovelove :*
Ps: Reblog kasi di kasya sa reply eh :c
mdmxl
Flip, gusto ko talaga sumama kaso wala talaga kong pera 😫 Next time pls pag mag-aaya kayo mga one wk ahead para prepared ako okeh? Hahahahaha kabigla kasi eh. Pero nakakatuwa kasi inaya nyo ko, natuwa talaga ko promise ☺️ Ayun, pag nabasa mo ‘to pakisabi kay Maye di ako sasama ha, nagtext kasi la ko load. 😜 Marami pang next time. Ingatsss, love you 😘😁
2 notes · View notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Nakakita na naman ako ng picture ng pizza. Ano ng sunod na mangyayari? Maglalaway na ba ako. Huhu. Tagal tagal ko mg magkecrave dun. Pati sa cheese fries. Ang tagal naman mag-8. Gustong gusto ko ng kumain nun eh. :(
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Pota ang init talaga. Nakakairita na. Bakit namin kasi sira yung aircon namin. Tapos yung electric fan pa dapat pinapatay muna kasi nag-iinit din. Ano ba. Lagkit na lagkit na ako. Nakakadalawang ligo na ko. Dapat bang magbabad na ako sa cr. Nyeta ugh bwisit! ANG INIT!!!! >:(
0 notes
mdmxl · 11 years ago
Text
Ganon na ba talaga ako kapatay na patay sayo ha? Nakakainis. Palagi na lang tuwing gabi iniiyakan kita na kala mo pupunta ka sa ibang bansa pero uuwi lang ka lang naman sa inyo. Yung bahay niyo na ilang bloke lang ang layo sa amin. Ang OA ko pero ewan. Iba talaga yung feeling eh. Yung feeling na katulad kapag kelangang umalis ni dadi pag sasakay na sya ng barko. Ang bigat sa pakiramdaman. Bakit ba ako nagkakaganito. Nakakabaliw na.
1 note · View note