Tumgik
mehanne-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
243K notes · View notes
mehanne-blog · 7 years
Text
Nakakapagod.
Nakakapagod. Nakakapagod yung mga tumatakbo sa isip ko na siyang dahilan ng pagkwalang gana ko kumain, pagkatamad ko, pagkawala ng interest ko sa mga bagay na nagpapasaya sakin, pagiisip ko na sumuko na lang sa buhay. Nakakapagod magisa sa kwartong kahit maliwag ay pinapalibutan ng dilim. Nakakapagod mabuhay sa isang lugar na nagpaparamdam sakin na isa akong preso. Nakakapagod. Pag ba namatay ako, di ko na mararanasan 'tong mga ganito? Magkakaroon ba ako ng kalayaan? Magiging masaya kaya ako?
0 notes
mehanne-blog · 7 years
Text
“..hanggang sa nasanay na lamang akong hindi ka na nakakausap kahit sandali man lang.”
26 notes · View notes
mehanne-blog · 7 years
Text
Bakit nga ba ganito ako?!
0 notes
mehanne-blog · 8 years
Text
Feels 101
Hindi ko magets kung ano na bang ginagawa ko sa buhay ko. Hindi ko magets bakit feeling ko lagi akong nakakulong, feeling ko kulungan tong bahay. Hindi ko magets si mama. Hindi ko lang magets kung bakit nagagalit si mama kapag puro ako internet puro ako ipad or laptop, e ayaw niya naman akong palabasin. Sasabihan nya lang ako ng “barkadera” “lakwatsera” pag nagpapaalam ako. Gusto ko lang din naman mafeel yung nafefeel ng ibang teenagers, yung masaya, yung hindi puro social media, yung nageexplore. Hindi ko talaga magets!! I know that she’s just looking out for me, pero looking out pa din ba kung ganito na nafefeel ko dito sa bahay? Hindi na ako masaya. Feeling ko nasa kulungan na ako.
Minsan feeling ko nabobobo na ako dahil sa sobrang kakasocial media ko dito sa bahay. Feeling ko nalilimit na yung imagination ko dahil sa social media na to. Di naman kalakihan bahay namin para sa activities na gusto kong gawin. Wala na akong ginawa kundi manuod ng movies, or mag social media. Nagbabasa din naman ako sometimes ng books and nagddraw ako pero parang kulang, kulang sa experience. Puro imagination na lang ba ako? I usually draw the things i want to experience, my current mood, or my memories. Pero sana hindi lang hanggang drawing yung mga gusto kong gawin. Gusto kong matuto at magexplore sa labas ng bahay, gusto ko makakilala ng strangers, gusto kong chumill kasama ng mga kaibigan ko, gusto ko mag long walk sa gabi, gusto ko magstar gazing, gusto ko magadventure. Gusto kong matuto sa experiences ko! Kaso wala nga pala. Hindi nga pala ako pinapayagang lumabas. (Lol teary eyed na ako rn bcos deep feels)
Madalas akong tumatakas para lang makaexperience ng bagay bagay, magexplore, matuto ng bago, at maging masaya. Pero hindi mawala sa isip ko na limited lang yung saya na nafefeel ko kasi after ng sayang yon, may mga consequences. Bakit ganito? Bakit feeling ko kasalanan ang maging masaya para saakin? Bakit feeling ko hindi ako dapat maging masaya. Bakit?
2 notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Photo
Cheers to our friendship that will never end. ❤️
Tumblr media
Cheers to the nights we thought we don’t remember.
3 notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Conversation
gusto kita i-back hug 🙁
75 notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Text
Wrong relationships can make you bitter and cold.
4 notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Text
How wild is it that every version of you probably exists still, somewhere, in someone’s memory? The messy you, crying on the floor exists still in your mind. The happy, sun-soaked you, exists in your best friend’s memory. No part of you has died, all parts of us exist always, simultaneously and hidden. 
209K notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Text
You're still my most valuable person.
0 notes
mehanne-blog · 8 years
Text
Kapag tama na ang panahon, babalikan mo pa kaya ako?
0 notes
mehanne-blog · 8 years
Text
*pretends to be mentally stable*
217K notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Conversation
You talking to everyone except me annoys me, really.
19 notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Text
Sana masaya ka na. Wala kasi akong hiniling kundi ang maging masaya ka lang kahit na masakit pa din saakin. :)
0 notes
mehanne-blog · 8 years
Text
Hi, alam kong hindi mo mababasa ‘to. Dito ko na lang sasabihin lahat kasi wala akong lakas ng loob ilabas sayo to.
Alam mo ba, nagmental breakdown ako kanina. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko naisipan ko na lang na maligo. Pero imbes na makaligo ako ng maayos, wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Alam mo ba kung ano yung tumatakbo sa utak ko nung mga oras na yon? E yung ayaw kitang mawala, gusto kong bumalik ka, naaalala ko lahat ng pinagsamahan natin simula’t sapul hanggang sa magtapos tayo. Sobra na akong naiyak nung naaalala ko kung paano mo ako icomfort pag may problema ako dito sa bahay, kung paano mo nakikita yung effort ko na hindi nakikita ng family ko. Namimiss ko yung pakiramdam na may kakampi ako. Namimiss ko yung pakiramdam na may kasama ako pag nadedepress ako. Namimiss ko yung pakiramdam na masaya ako sayo at masaya ka saakin. Namimiss na kita, sobra. Gusto ko nang magmove on pero hanggang ngayon umaasa pa din ako. Sayo ko lang kasi nafeel na hindi ako nagiisa, sa dami ng problema ko at sama ng loob ko sa buhay andyan ka para sakin, kahit hindi mo alam mga hinanakit ko. Ang hinihiling ko lang naman is wag kang sumuko saakin, kasi kailangan ko ng kakampi. Kailangan ko ng magpapaalala saakin na hindi ako nagiisa. Alam ko na mahirap ako ihandle, miski kasi ako sa sarili ko nahihirapan ako. Gusto ko lang din na maintindihan mo kung bakit ako hindi marunong magpakita ng nararamdaman, dahil sa mga pinagdadaanan ko, dahil sa takot ko na maattach ng sobra, at sa takot ko na iiwan lang ulit ako. Natatakot ako na hindi ako maappreciate, natatakot ako na masaktan na naman. Pero wala na. Wala ka na nga pala. Pero kasalanan ko din naman kung bakit tayo napunta sa hiwalayan. Pero sana malaman mong ginawa ko yung gusto mo na kung sinong gusto mong maging ako, kahit nahihirapan ako. Hindi ako clingy na tao, hindi ako sweet pero nagiging ganun naman ako sayo pero minsan lang. Nageeffort din ako pero kulang pa yon para sayo. Medyo hirap ako gawin yung mga ginagawa ng “typical gf” na gusto mo.(kahit hindi tayo) pero pinupush ko yung sarili ko, sana malaman mo na sobrang nagttry ako. Hindi mo maiintindihan kung bakit ako ganito, pero sorry ganon ako. Mabilis akong madepress, hindi ako yung happy go lucky na nakikita nyo. Madalas pag magisa na ako sobrang nalulungkot ako, andaming tumatakbo sa utak ko. Feeling ko nagiisa ako. Feeling ko others ako. Feeling ko wala man lang may pake sa lahat ng ginagawa ko. Feeling ko hindi ako worth it. Feeling ko binabale wala lang ako, feeling ko hindi ako maaappreciate, feeling iiwanan lang din namana ko. Kasi nafeel ko lahat yan dati. Kaya gusto ko nang iwasan na mafeel yung ganyan kasi sobrang sakit, sobrang nakakadepress, sobrang nakakalungkot. Kaya siguro mas gusto ko na lang ikeep yung feelings ko, kaya siguro hindi ako showy. Oa man pakinggan pero yun yung naffeel ko. :( tinatry kong magbago para sayo kahit sinasabi nila na wag akong magbabago dahil lang sa isang tao. Binabago ko yung sarili ko kasi ayaw kitang mawala. Pero napunta pa din doon. Sana maisip mo lahat ng pinagdaanan natin, sana maisip mo na naging masaya tayo sa isa't isa para isuko na lang ng ganon ganon kung anong meron tayo. Kasi para saakin, mas mahalaga pa din yug times na naging masaya ako sayo kesa sa mga away natin. Mas mahalaga pa din yung times na nakasama kita ng tayong dalawa lang, mas mahalaga pa din yung mga kwentuhan at tawanan natin, mas mahalaga pa din yung nagiging clingy tayo sa isat isa kahit bihira lang, mas mahalaga pa din yung mga effort na nagawa mo para sakin at effort na nagawa ko para sayo kahit sa tingin mo hindi pa sapat yon. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako kasi di ka nakuntento sa efforts ko, pero oo nga naman, kulang nga naman. Sorry. :( Dati sa inaraw araw na magkasama tayo, bawat araw na yon nagpapasalamat ako kasi nakasama kita. Sa bawat araw na yon nafeel ko na hindi ako nagiisa. Sa bawat araw na yon mas naattach ako sayo. At sa bawat araw na yon mas minahal kita. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano nang ginagawa mo, ano nang nararamdaman mo, kung nakamove on ka na ba, kung may iba ka na ba, kung okay ka lang ba, kung masaya ka na ba ulit, kung may pagasa pa ba. Oo naturn off ako sa perspective mo sa buhay, pero kaya naman kitang tulungan, kaya naman kitang samahan, makagawa ka man ng mali. Parehas lang naman tayong work in progress.
Hindi ko alam kung ano mga sinasabi/sinabi sayo ng iba tungkol sayo, saakin, saatin or kahit wala man. Hindi ko alam kung may pagasa pa ba. Pero parang malabo na. Pero sana ngayon, kung ano mang ginagawa mo, kung ano mang balita sayo ngayon, kung makakita ka man ng iba, sana maging masaya ka. Sana hindi mo maramdaman yung mga naiparamdam kong sakit sayo dati. Sana pasayahin ka ng mga tao sa paligid mo araw araw at ng mga taong darating pa sa buhay mo. Kasi simula ng nagkaroon “tayo” hanggang sa ngayon yun lang yung hinihiling ko. Na maging masaya ka. Kahit masakit parin para saakin. Wag kang magalala magiging okay din naman ako, hindi nga lang ngayon, pero soon. Kakayanin ko naman ‘to. :)
Goodluck sayo, pagbutihin mo studies ha. Proud ako sayo. I miss you. Mahal pa din kita.
0 notes
mehanne-blog · 8 years
Text
When will I meet someone with the same heart as mine?
3 notes · View notes
mehanne-blog · 8 years
Text
why are we so dramatic
28 notes · View notes