miaserrato-blog
miaserrato-blog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
miaserrato-blog · 8 years ago
Text
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO
I. Kwento
Mariin at ingat na ingat ang paghawak ni Aeneas sa ginintuang sanga ng puno.Pinakaingat-ingatan niya dahil magiging kabayaran iyon sa kanyang ligtas na paglalakbay sa mundo ng mga patay. Hindi pa man siya patay, ngunit nais niyang makitang muli ang amang si Anchises.
Sinunod ng bayaning Troyano ang kanyang patnubay na si Sibyl ng Cumae.Isa siyang maalam na babae na magiging kasama ni Aeneas sa kailaliman ng madilim na yungib patungong mundo ng mga patay.
Nilakbay nilang dalawa ang lansangan ng ligaw na mga kaluluwa na pinaliligiran ng mga gumagalang anino. Namasdan nila ang lagim ng sakit, kamatayan, at sigalot hanggang marating nila ang dalawang ilog.
Sa ilog na ito, nakilala nila si Charon,ang bangkero ng mga yumao at nalibing. Nagdalawang-isip man,isinakay sila sa Bangka habang galit na galit na tumatahol sa mga buhay na bisita si Cerberus, ang aso ng Impiyerno na may tatlong ulo. Batid ng aso na hindi nararapat tumapak sa lupain nga mga patay ang bisitang iyon.
Napatuloy sa paglalakbay si Aeneas. Tanaw niya mula sa Bangka ang labis na kalungkutan at pagdurusa sa impiyerno.Dito napupunta ang mga yumaong walang nagawang mabuti habang nabubuhay.
Hindi naglaon, narating niya ang kaniyang lugar na hinahanap: ang Elysian Fields o Elysium. Ito ang napakagandang paraiso para sa mga taong nagkaroon ng mabuting pamumuhay sa mundo. Doon, hinihintay siya ng kaniyang ama. Nagtagpo ang dalawa at saka mahigpit na nagyakap. Ipinakita ni Anchises sa kanyang anak ang napakahiwagang larawan-ang kinabukasan. Namangha si Aeneas sa kaniyang magiging mga anak, apo, at magiging lahi sa hinaharap. Natunghayan niya na sa hinaharap, ang kaniyang lahi ay magiging mabutiat lilikha ng mga dakilang bagay na maaalala ng buong daigdig. Sila ang makikilala sa kasaysayan bilang Romano. Ikinatuwa ni Aeneas ang magiging hinaharap niya. Sa huling pagkakataon, niyakap niya ang kaniyang ama at namaalam nang tuluyan.
Nanumbalik si Aeneas sa lupain ng mga buhay at naglayag sa bansa na kilala ngayong Italya.
C. Sanggunian: Aeneas: Mitolohiya mula sa Italya
II. Tauhan
Aeneas-Anak ni Anchises.
Anchises-Ang ama ni Aeneas.
Sibyl ng Cumae-Maalam na babae na magiging kasama ni aneas sa ikalaliman ng madilim na yungib patungo sa mundo ng mga patay.
Cerberus-Aso ng impiyerno na may tatlong ulo.
Gintong Sanga ng Puno-Kabayaran ito sa kaniyang ligtas na pag lalakbay sa mundo ng mga patay.
Charon-Ang bangketo ng mga yumao at nailibing.
Romano-Ito ang itatawag sa lahi ni Aeneas.
III. Tagpuan
Elysian Fields o Elysium- Ito ang napakagandang paraiso para sa mga taong nagkaroon ng mabuting pamumuhay sa mundo.
IV. Mga Simbolo/Tayutay
“Ang anumang bagay, paano man ito inilaan sa daigdig, ay may wakas.” Nasa tao lagi ang pagpapasiya kung ang sandling buhay na ipinahiram sa kaniya ay gugugulin niya sa mga gawaing magpapaalala sa kaniya sa ibang tao o sa mga gawaing magpapabaon sa kaniya sa limot.
V. Buod ng Katha
-Sinikap ni Aeneas na makarating sa mundo ng mga patay at tumungo sa Elysian Fields o Elysium Dahil sa nais niyang Makita muli ang kanyang amang si Anchises.
VI. Galaw ng Pangyayari
Simula - Ang Kwento ay isinalaysay sa kung papaano nagtungo si Aeneas sa mundo ng mga patay.
- Ang nilalaman nito ay ang pagtulong ng Bangkero kina Aeneas at Sibyl ng Cumae. At ang pagtanaw nila sa labis na kalungkutan at pagdurusa sa impiyerno.
- Sa bahaging ito, sa kabila ng paglalakbay nina Aeneas at Sibyl ng Cumae, narating nila ang lugar na hinahanap: Ang Elysian Fields o Elysium. Na doon, hinihintay si Aeneas ng kaniyang ama.
VII. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan - Ang “ Aeneas:Mitolohiya mula sa Italya” ay isang uri ng maikling kwento na naglalahad ng Kabutihang asal at kapupulutan ng magandang aral. b. Aral/Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon ng buhay. - Ang ginamit ng manunulat sa estilo ng paglalahad ay sa paraang circular dahil nga nagsimula ang kuwento sa pagtungo nina Aeneas at Sibyl sa mundo ng mga patay at sa gitna ay ang pagtanaw nila sa lugar na iyon at pagtulong ng bangkero sa kanila, sa wakas naman ay nagkaroon ng masayang pagtatagpo ang mag amang sina Aeneas at Anchises. Naipakita din dito ang pagiging matatag nina Aeneas at Sibyl sa kabila ng dinaanan nilang karanasan. c. Sariling Reaksyon - Lahat ng Pagsubok ay may pagdurusa, hindi mo agad-agad makukuha, hangga’t walang pawis na tutulo at siyang magpapatunay na pinaghirapan mo ng buong-buo.Katulad na lamang sa hangarin ni Aeneas na gusto niyang makitang muli ang kanyang ama, tinatagan na lamang niya ang kanyang loob kahit pa mayroon na siya dala-dalang ginintuang sanga ng puno na nagsisilbing kabayaran sa kanyang kaligtasan. @maamednamargate
1 note · View note