moonswrath
moonswrath
59 posts
to exist comfortably.
Don't wanna be here? Send us removal request.
moonswrath · 6 months ago
Text
ilang beses ko nang naipahayag sa mundo ang disgusto kong makilala nang lubusan. oo, aaminin ko na. takot ako sa lahat ng posibilidad kung sakaling makita nila ang tunay kong anyo sa likod ng suot kong maskara— dahil sinong hindi matatakot, diba? hirap akong paniwalaan ang konsepto ng pag-ibig. posible pala na kahit nag-uumapaw ang pagmamahal na natatanggap mo ay may pagkakataon pa rin na pagdududahan mo ito.
minsan nang sumagi sa aking isipan na baka hindi ito para sa akin dahil sa bawat subok ko na kumilala ng bagong tao ay kalakip nito ang takot sa buong sistema ko. dala ko ang pangamba na sa bawat paglapat ng balat naming dalawa ay baka mapaso siya, na sa bawat subok niyang kilalanin ako nang lubusan ay matakot siya sa mga demonyong naglalagi sa aking isipan.
“Sa wakas, nandito ka na. Natakot pa ako nung simula.”
i never knew what love really is until you held my hand. hinawakan mo ang kamay ko na parang isang porselanang makinis at makintab. mahigpit ang hawak pero hindi nakakasakal, hindi masakit. bagkus ay maingat. posible pa rin pala na kahit mahigpit ang paghawak ay hindi ka masasaktan— isang palatandaan na hindi lahat ng mahigpit na pagkapit ay nakakasakit.
takot akong sumugal at maubos ngunit ang ideya na hindi ko mahawakan ang kamay mo ay siyang mas ikakadurog ng puso ko. mas takot ako na hindi ka mahagkan sa mga bisig ko. mas takot ako na hindi maipaabot sayo na ikaw lang ang laman ng puso’t isip ko.
kaya para saan pa ang mahabang buhay kung hindi naman ikaw ang kasama ko?
0 notes
moonswrath · 8 months ago
Text
Mabilis ang takbo ng buhay...
minsan hindi na ako makasabay kaya’t hinahayaan ko nalang na tangayin ako ng hangin kung saan man ako nito dalhin. At tila tadhana na ang naglapit sa ating dalawa nang tinangay ka ng hangin papalapit sa akin. Nagkaroon ako ng saysay— nagkaroon ng pag-asang magpatuloy sa mabilis na agos ng buhay.
“Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig?”
I often hear the phrase “I would die for you,” mapa-pelikula man o nobela. Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang gawin ang lahat kahit pa ang kapalit nito ay ang paglisan mo sa mundo. Pero ako? Ang manatili sa mundong ito at mabuhay para sa ‘yo ay ang depinisyon ko ng pag-ibig. You are the sole reason why I wanted to live and continue living— because living means having to spend the rest of my life with you. I am never fond of waiting, alam ‘yan ng mga nakakakilala sa akin. I am not the most patient person you’ll ever know in this world, but the idea of you walking down the aisle is definitely worth waiting for. Ang makasama ka araw-araw ay biyaya na, ano pa kaya kung pang-habang buhay na? Kaya hindi na bale kung matagal kang dumating, basta’t ang patutunguhan mo ay sa akin pa rin.
Tumblr media
Magtatayo tayo ng sarili nating tahanan sa Antipolo kasama ang dalawang pusa’t isang aso na ating pinlano. Hindi ko man maipapangako na hindi tayo magkakasakitan dahil naniniwala ako na parte iyon ng ating pagmamahalan; bagkus, ipinapangako ko na sa bawat unos at bagong umaga ay tayong dalawa ang magkasama. Hindi kita iiwanan sa gitna ng daan kung sakaling tayo’y magkakatampuhan, at mas lalong hindi ko hahayaan na matulog tayong dalawa nang may alitan. Hindi ko man sigurado kung anong plano ng mundo para sa ating dalawa sa mga susunod na araw o kabanata, pero sigurado ako na ikaw at ikaw lang ang kasama ko hanggang sa wakas ng ating nobela. Ikaw lang ang tanging pagsisilbihan, aalagaan, at patutunguhan nitong puso kong matagal ka nang inaasam.
So tell me, my love. Would you be willing to spend the rest of your life with me too?
0 notes
moonswrath · 8 months ago
Text
when will i stop yearning for a love i’ve never felt? will i ever stop craving a skin i’ve never touched, lips i’ve never kissed, and someone i’ve never met?
i am not made for love. i have long accepted that i’ll never be held like those in romance movies, kissed like those i’ve seen on tv, and loved like those love songs i wish were written for me. i have long accepted that i’ll never have someone to lean on, someone to cry on, and someone that i can count on.
pero ano kayang pakiramdam kung may taong palaging naniniwala sayo ‘no?
yung tipong kahit tingin mo sobrang hirap mo mahalin dahil sa mga isyu mo sa buhay, there’s someone who still thinks otherwise. there’s someone willing to get to know you better; someone willing to dive deeper amidst your wild waves. and even after knowing you deeper and better, they love you despite. walang pag-aalinlangan, walang halong kasinungalingan— tanging pangwalang hanggan lang.
Tumblr media
wala lang, just a random thought habang pauwi galing eskwelahan. na baka hindi pa naman huli ang lahat para sakin. na baka bukas, sa susunod na buwan o taon, there’s still someone waiting for me at the end of this dark tunnel.
kaya kung may dadating man talaga, sana alam niya na nandito lang ako. at habang wala pa siya, ako na muna. sarili ko na muna.
1 note · View note
moonswrath · 8 months ago
Text
Kung tunay na ang pag-ibig mapagpalaya, posible rin kaya na ito’y makapaghintay? Sana.
They say that to be loved is to be seen... but what if I fear to be seen and perceived? What if I fear to be known to the deepest core of my soul?
There are parts of me that are broken and deeply hidden. Hindi ako buo. May mga sugat ako na ni minsan ay hindi naghilom, at sa tuwing may sumusubok itong gamutin ay mas lalo lang lumalalim.
The cut runs deep and it won’t stop bleeding.
And if there’s a God who could hear my cries and deep breathing, I’d pray for my own healing. Araw-araw kong hihilingin at ipagdarasal na gumaling na ako sa mga sugat ng kahapon. I want my own heart to heal and be better so that I can love you harder.
Nararapat sayo ang pagmamahal na sigurado, buo at hindi pira-piraso.
I want to give you half of my soul, and I wish I could rip my heart and let you in so you could see the parts of me that are broken and I’ve deeply hidden. Alam kong makasarili ang hiling ko pero sana, sa panahon na malaya na ako sa sarili kong multo at nakaraan ay salubungin mo pa rin ako. Sana handa ka pa rin na kilalanin ako at tanggapin ang pagmamahal na iaalay ko sayo. Kaya sana ay hintayin mo ako dahil sayo lang ang puso ko, at ikaw pa rin ang patutunguhan nito.
0 notes
moonswrath · 9 months ago
Text
alam mo ba na ang paborito kong parte ng araw ko ay ang pagtulog?
hindi dahil antukin ako— nasasabik akong matulog dahil hinihintay kita na sumilay.
you are my most vivid dream.
kung tatanungin man ako kung ano ang tunay na wangis ng pag-ibig ay ikaw ang ituturo ko. kay ganda mo. inihahalintulad kita sa paborito kong kanta ng cup of joe na sinderela. hindi nga ako naniniwala na ang kulay ng pag-ibig ay pula eh, siguro asul pwede pa. bukod sa iyon ang paborito kong kulay ay iyon rin kasi ang kulay ng mga mata mong mapungay. sa panaginip lang kita nakikita pero bakit parang kuhang-kuha mo na ako— nagayuma ba ako? kung oo, ayos lang. basta sumilay ka lang ulit sa panaginip ko, ayos na ako.
. . .
siguro kung naririnig lang ng mga kaibigan ko ang pagpapatansya ko sa babaeng nasa panaginip ko ay pagtawanan nila ako. siguro nga nahihibang na ako. ni hindi pa nga kita nakikita sa personal pero heto ako at nahihibang na. lintik talaga, tinamaan na yata? ni hindi ko pa nga naitatanong ang pangalan mo sa panaginip ko, sino ka ba at bakit lagi mo akong binibisita?
matutulog na ako. sana magkita ulit tayo sa panaginip ko... at sana sa pagdilat ko sa umaga ay ikaw ang una kong makita.
0 notes
moonswrath · 9 months ago
Text
i hate everything loud.
i grew up in silence enveloping my soul, yet loud sounds terrifies me.
it terrifies me. thunder, planes taking off, cars passing by, a loud bang on my room’s door, my mother’s screams, and my father’s footsteps approaching. but strangely, i got used to one thing similar; my thoughts. they are loud— they are screaming at me.
... it's like i’m always in a war battling with myself.
i am my own enemy. sometimes i want to shut everything out, including myself— so i won't hear my own thoughts screaming at me. it sounds funny, isn’t it? i could hear my thoughts and my heart shattering and breaking like a fragile vase as i listened to every word it utters. it’s funny how the voices in my head are louder than my own scream asking for help. i am stuck in a maze trying to find the light but once i got the chance to see the glimpse of it i couldn't help but hide in darkness again.
i am scared to find light because darkness is the only thing i’m familiar with.
it's a never ending cycle. i am my own enemy.
0 notes
moonswrath · 9 months ago
Text
kape na naman ang dumadaloy sa buong sistema ko.
sabagay, ayos na rin— basta hindi na ikaw ang dahilan ng pagpapa-palpitate ng puso ko.
mas malala pa kasi mahulog sayo kaysa malulong sa bisyo.
ayoko sa amoy ng sigarilyo dahil nakakasulasok. sa tuwing naamoy ko at pumapasok sa ilong ko ang usok ay para akong malalagutan ng hininga. ayoko rin sa alak, masyadong mapait kahit may chaser na. hindi ko rin gusto ang dalang pamahak ng alak dahil paniguradong mailalabas nito ang sikreto ko. mas lalong ayoko sa marijuana at shabuㅡ bawal ‘yan, hindi ba? kaya hindi na ako magtatangkang sumubok diyan.
may isa pa akong ayaw; ikaw. sa tuwing nakikita kita ay para kang naglalakad na sigarilyo sa isip ko. hindi ako makahinga sa tuwing nasa malapit ka dahil alam kong panganib lang din ang dala mo kagaya ng empi at alfonso (paniguradong babagsak ako).
alam ko na kapag sinubukan kong mas lumapit sayo ay mapapahanak ang puso ko.
inihahalintulad din kita sa marijuana at shabuㅡ nakakabaliw ka, alam mo ba? sa tuwing lumalapit ka, natatangay ako ng iyong ganda na kahit hindi na yata ako humithit ng droga, mayroon na akong tama. at kung papipiliin man ako, mas gugustuhin ko pa rin malulong sa bisyo kaysa malulong sayo,
dahil walang anumang gamot ang makakapag- pagaling sa sakit ko na dulot mo.
0 notes
moonswrath · 9 months ago
Text
Malungkot ka lang, hindi mo ako mahal.
Alam mo sa sarili mo na ang pagtatagpo ng landas nating dalawa ay hindi planado ng mundo.
Malungkot mag-isa, kaya nga nagkakilala at nagtagpo ang landas nating dalawa. Kape dito, gala doon, halos lahat na yata nagawa natin para lang maglibang— minsan pa ngang lumapat ang labi mo sa labi ko.
Mainit. Nakakapaso. Nag-aalab.
Hindi ito ang pinlano ko. Wala sa plano na mahulog ako sa isang estranghero. Malungkot ka lang pero hindi mo ako mahal. Alam mo sa sarili mo na ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng lugar sa puso mo— ni minsan ay hindi mo ako hinayaan na makapasok. Nakakatawa na kahit gaano pa tayo kalapit sa isa’t isa ay siya namang layo para ang puso natin ay maging isa. Ang salitang ikaw at ako ay hindi sigurado at malabo— pero bakit mo sinabing mahal mo ako?
Malungkot ka, malungkot ako. Nakahanap tayo ng kalinga sa isa’t isa na hindi mapapantayan ng kung sino man— pero hanggang doon lang. Hindi na dapat sumobra o humigit pa ang kung anong mayroon sa ating dalawa.
&&. just because we’re both empty doesn’t mean we need to do something to fill the void; we’re just two broken jars waiting to be fixed, two ripped clothes that need to be stitched; i cannot save you, and you can’t save me too.
0 notes
moonswrath · 9 months ago
Text
isang prebiliihyo ang edukasyon. walang lugar ang mga nasa laylayan dahil masyadong sakim ang mga mayayaman. kahit baliktarin mo pa ang mundo, hadlang pa rin ang kahirapan sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
nakakatawa si richard goma. ang lakas ng loob na magreklamo sa dalawang oras na traffic sa edsa— hindi niya ba alam na ang mga pribadong sasakyan ang puno’t dulo ng malalang trapiko sa bansa? nasaan ang simpatya para sa mga komyuter na araw-araw nakikipag-bakbakan at siksikan makapagtrabaho lang pang-laman sikmura?
kayong mga pulitiko at mayayaman ay masyadong walang muwang at hindi mulag reyalidad. ang pagiging makasarili at pagpapalaganap niyo ng prebilihiyo ay nakakasuka.
kaya ikaw, lumabas ka at pakinggan mo ang sigaw ng madla. huwag mo ng takpan ang tenga at buksan mo na ang iyong mga mata; hindi ito ang panahon para magbingi-bingihan at magbulag-bulagan. bumoses ka. hindi ka ba nababahala na ang mga nakaluklok sa taas ay walang kwenta at hindi makamasa? puro korap at mukhang pera, pero kahit kailan hindi naging makamasa. tingnan mo nalang ang mga nasa senado, ‘yan ba ang huwarang pulitiko? nakakasuka. ang mga kagaya nila ay hindi na nararapat na bigyan pa ng plataporma.
tama na ang pagiging neutral o apolitical.
magsalita ka, bumoses ka. gamitin mo ang boses at boto mo bilang sandata laban sa kanila. hindi kailanman mapapantayan ng kahit na ano ang pagtindig at pakikibaka mo para sa mga taong nangangailangan ng boses mo.
0 notes
moonswrath · 9 months ago
Text
I hope I remind you of me whenever it’s summer.
You won’t feel my presence but I will always remind you of my existence.
You’ll think of me whenever the sun rays touch your skin— as it is my way of kissing your wounds. Know that I’m right beside you whenever you pour yourself water on an empty glass, as it is my way of filling the void inside you. You’ll think of me, on a slow afternoon whenever you watch your favorite movie, as it is my way of distracting and hiding you from the world.
Me. You. Us. It’s just us two.
Dip your body slowly in the ocean and I’ll be the first one you see the moment you rise from the cold waters. Feel my tenderness and sweetness as you peel yourself oranges.
You can never escape from me, lover. Because I know... fragments of mine still reach you even if we are worlds apart. 
I hope you long for my presence like I yearn for yours. I hope my warmth still finds you even if you’re in the coldest place on earth despite my absence. I hope you remember me whenever summer comes, for I radiate the warmth and peace it brings.
It’s not a curse. It’s more like a prayer and a manifestation— that wherever you are, I hope you still carry a piece of me wherever you go.
.
Tandaan mo na sa tuwing darating ang tag-araw, darating ako. Lagi’t lagi, para sa ‘yo.
— Every Summertime. // September 07, 2024.
Tumblr media
0 notes
moonswrath · 1 year ago
Text
Tumblr media
Rainer Maria Rilke, The Dark Interval: Letters on Loss, Grief, and Transformation
23K notes · View notes
moonswrath · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
𖤛🫨? 𐦯ㅤ⣔ Novinha Vem 'Pro Abate (lençol do Ben10
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
392 notes · View notes
moonswrath · 1 year ago
Text
Tumblr media
Hanif Abdurraqib, They Can't Kill Us Until They Kill Us
37K notes · View notes
moonswrath · 1 year ago
Text
“Note to self: You’ve gotta do this for you. This is for you. This isn’t about anybody. Live for you. Honour you. Never lose sight of that.”
— Unknown
5K notes · View notes
moonswrath · 1 year ago
Photo
Tumblr media
Carol Rifka Brunt, Tell the Wolves I’m Home
13K notes · View notes
moonswrath · 1 year ago
Text
“My entire life can be described in one sentence: It didn’t go as planned, and that’s okay.”
— Rachel Wolchin
673 notes · View notes
moonswrath · 1 year ago
Text
Tumblr media
Bianca Stone, from What Is Otherwise Infinite: Poems; “Cutting Odette’s Fingernails”
27K notes · View notes